Chapter 19
A/N: Good morning my treasure. 🤗 Maraming salamat ulit sa support nyo kay Faith. 😘 BTW! Ang dami ko talangang nakitang mali sa HW so na isip ko rin na ang dami ko palang dapat edit dito. 😅 Pero kaya natin to-. I mean kaya ko to! Aja lang. 😅 Nasa gitna na tayo ng storya nina Faith at Rafael tatapusin mna ntin bago ko simulan yung editing nitong storya nila. Again maraming, thank you. 😘😘😘
Chapter 19
Nang matapos magluto at magbake nina Faith at ang kapatid niyang si Fatima ay hindi agad mona siya nito pinauwi sa kanila. Pinilit mona siya nitong manatili mona sa bahay nito para hintayin ang pagdating ng kanyanh mga pamangkin galing sa paaralan.
Habang nasa bahay rin siya ng kapatid pinilit rin siya nitong e kwento rito ang lahat ng sagutan nila ng asawa niya. At para na rin sa ikagagaan ng kanyang pakiramdam e kwento nga niya sa kanyang kapatid ang lahat ng mga sagutang namagitan sa kanila ng kanyang asawa.
Na e kwento rin niya rito ang tungkol sa kanyang hinalang pwedeng maging rason kung bakit ganon na laman ang kagustuhan ng kanyang asawang layuan niya si Samantha. Na e kwento rin niya sa kapatid kung paano niya na kilala si Samantha at yung batang dahilan kung bakit nagkakaganon yung asawa niya ngayon.
Pinayuhan naman siya ng kapatid na dapat niyang kausapin ang asawa niya at kailangan rin niyang pakingan ang bawat paliwanag nito sa kanya. Hindi pwedeng padalos-dalos na lamang siya sa lahat ng mga desisyong gagawin niya sa kaniyang buhay lalon't meron na siyang pamilyang dapat isipin mona bago siya gumawa ng isang hakbang.
Ngunit natanong naman ni Faith sa kanyang sarili matatawag nga bang pamilya silang buo kung wala naman silang matatawag na anak! Paano niya masasabing buo ang kanyang pamilya na dapat niyang isa alang-alang na lamang parati sa bawat gagaein niyang desisyon kung wala naman talaga siyang pamilyang matatawag.
Dahil ang isang pamilya ay merong ama, ina at anak. Pero sila wala silang anak na mag asawa at dahil yon lahat sa kanya. Si Rafael ay merong kakayahang maka buo ng isang bata ngunit siya hindi niya kayang ibigay yon sa asawa niya.
Kayang-kaya ng asawa niyang buntisin ang kahit na sinong babaeng aangkinin nito pwera lamang sa kanya. Rafael is a health male. Siya lamang ang merong pagkukulang kaya hindi mabuo-buo ang kanilang pamilya. Kaya sila nagkakaron ng hindi pagkakaunawam ng dahil lamang sa isang bata.
Tanggap na niya ang kanyang kalagayan ngunit sa tuwing na iisip niya ang asawa parang ng hihina siya mas nararamdaman niyang isa siyang imbalidong babae. Mas nasasaktan siya dahil hindi niya kayang bigyan ng pagkakataon ang asawa na maging ama ito sa magiging anak nito.
Para sa kanya pinagkaitan niya ito ng karapatang maging ama. Naaawa siya dito at nagagalit rin siya sa sarili niya ng dahil na rin sa kakulangan niya bilang isang babae.
"Faithy, ano ba naman yan. Ayan kana naman dyan." Tapik sa kanya ng kapatid niya. "Alam mo ang lalim na naman niyang iniisip mo." Puna nito sa kanya.
"May na alala lang kasi ako." Pagdadahilan niya rito.
"Wag ka ng magsinunging sakin Faithy." Sabi nito sa kanya. "Anong tingin mo ba sakin hindi kita kilala? Kspag nagkakaganyan ka kaya alam kona agad yung nangyayari sayo." Dugtong pa nito.
"Sorry! Hindi ko talaga kasi ma iwasang isipin yung kalagayan namin sa ngayon." Pag amin ko sa kanya.
"Wag mo na nga yan masyadong isipin alam mo kasi nakakasira yan ng ganda. Kaya naman dahil nandito kana rin naman abalahin mo yang sarili mo dyan sa mga pamangkin mo para mawala na ron yung utak mo." Pilit nito sa kanya.
Hinarap naman niya ang mga laruan ng kanyang pamangkin at inayos niya iyon. Lumamapit naman sa kanya ang pamanginkin saka siya niyayang maglaro ng paborito ng mga tong laruin. Masigla naman niyang nakipag laro ng UNO sa mga pamangkin niya dahil don hindi na niya na pansin pa ang oras at ginabi na siya sa pag uwi sa kanilang bahay.
Ni hindi nga niya sa text sa asawa niyang gagabihin siya ng uwi ngayong araw. Nang e check naman niya ang kanyang cellphone dahil umaasa siyang makikitang nagtxt o tumawag man lang sa kanya ang asawa ngunit wala man lang ni isang text o tawag siyang natanggap galing rito.
"Hey! Ayan kana naman." Saway sa kanya ng kapatid. "Baka naman hindi pa yon nakakauwi kaya hindi niya alam na wala ka pa. Kaya wag kang mag isip agad ng kung ano-ano para namang hindi mo kilala yung asawa mo. E kahit nga dati nong nagtatampo pa yon sayo ikaw pa rin yung inuunahin non kesa sa ibang bagay." Paalala pa nito sa kanya na ikinangiti naman niya.
Tama nga ang kapatid dapat wag siyang mag isip ng kung ano-anong wala namang katuturan sa kanilang pamumuhay. "Thank you, Fat." Naka ngiting sambit niya rito. Niyakap namsn agad siya ng kapatid.
"Always remember na nandito lang ako, kami palagi para sayo. Wag mong kslilimutan yan." Pinakawalan naman siya nito sa yakap at tinapik ang mga pisngi niya. "Wag mo rin siyang kalilimutang tawagin parati dahil kahit gaano pa kahirap yung lahat ng mga pagsubok na dumating sigurado akong hindi ka niya pababayaan kahit kilan." Turo pa nito sa langit.
Tumingin naman ako sa napaka mapayapang langit. "Hinding-hindi ko siya makakalimutang tawagin parati at kahit naman wala akong kailangan sa kanya parati parin anong nagdadasal para magpasalamat sa paggising naming mag asawa tuwing umaga at sa magagandang nangyayari sa buong araw ng aming buhay." Sambit ko naman.
Malaki ang pasasalamat ko sa panginoong Jesus dahil parati naman siyang naka bantay saming lahat nagigising parin ako sa umaga ng merong sigla ng dahil sa kanya. Siya ang may gawa sa akin at bumuhay sa sang kalimutan kaya napaka swerte talaga ng tao sa kanya.
"Sige na baka mamaya ma traffic ka pa. Faithy please drive safely" Sumilip pa talaga si Fat sa kotse niya saka siya binilinang mag-ingat sa pagdadrive ng kotse niya.
"I always will. Kayo rin mag-ingat kayong palagi." Naka ngiting sagot niya sa kapatid saka pinausad ang kanyang sasakyan.
___
Next...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top