Chapter 18
Chapter 18
Hindi tulad ng mga kina gawian nila Faith at Rafael ang naging pangyayari ng mga sumunod na araw sa kanilang tahanan. Parehas silang walang kibuan sa isa't-isa. Umaalis at dumadating sila galing kani-kanilang trabaho ngunit parang hindi sila magkakilala sa tuwing nasa tahanan na sila. Hindi rin sila sabay na kumain na ikinabahala naman ni Faith. Nababahala siya dahil sa nakikita niyang pag iiba ng pakikitungo sa kanya ng asawa niya simula nong araw na nag-away sila ng dahil lamang kay Samantha.
Naisip na rin ni Faith na baka hindi naman talaga si Samantha yung dahilan kung bakit nagkakaganon yung asawa niya. Kung nalaman nga nitong binibisita siya ni Samantha malamang alam rin nitong sa tuwing bibisita sa kanya si Samantha kasama nito ang napaka cute nitong pamangkin na si Krisandra.
Sigurado na ngayon si Faith kung bakit nagkakaganon yung asawa niya. Ilang beses niyang inisip kung bakit ganon na lamang yung pagayaw na asawang makipag kaibigan siya kay Samantha!
Ngayon alam na alam na niya ang sagot sa tanong niyang iyon at ang sakit dahil ganon pala ang tingin ng asawa niya sa kanya. Siguro iniisip nitong kaya siya nakikipag lapit kay Samantha ng dahil lamang sa bata.
Na isip siguro nitong nakakasama sa kanya ang paglapit dito dahil kay Krisandra. Baka akala nito umaasa na naman siyang magkakaanak nila. At ang sakit para sa kanya dahil sa ganon ang tingin ng asawa niya sa kanya.
Ni kahit kilang hindi niya naisip na makioag lapit kay Samantha ng dahil lamang kay Krisandra. Hindi sumagi sa isip niya ang ideyang iyon. Wala siyang ibang intensyon sa kanyang pagtanggap kay Samantha sa buhay nilang mag asawa.
Oo at natutuwa siya sa batang si Krisandra pero hindi naman siya ganon kababaw na tao alam niya ang kanyang ginagawa hindi siya umaasang magkakaroon siya ng anak sa katauhan ng batang si Krisandra.
Hindi pa naman siya nasisiraan ng bait para isipin ang bagay na yon. Nasa matinong pag iisip naman siya. Hindi porket na gustong-gusto niya yung batang iyon ay magiging ganon na agad niya.
Alam rin naman niyang iniisip lamang ni Rafael ang kalagayan niya. Pero masakit na isiping parang hindi siya kilala ng asawa niya. Ang dami na nilang pinagdaanan at oo't ang hindi pagkakaron ng anak yung pinaka malala sa lahat pero hindi naman siya ganon ka down ng dahil lamang don.
Hindi siya nasisiraan ng bait para gawin yon mga bagay na gawain ng mga taong nawalan na ng pag asa sa mundo kaya nag give up na at nawala sa sarili nilang pag iisip. Hindi siya ganon!!
"Faith!!" Pukaw kay Faith ng secretarya niya. Nagitla naman si Faith sa tapik ng secretarya niya sa balikat niya. "Ang lalim naman ng iniisip mo, Faith." Puna nito sa kanya.
"Wala ito. Ano nga yung sinasabi mo kanina?" Pag iiba naman niya sa usapan.
"Ang sabi ko dba aalis ka ngayon pupunta ka sa kapatid mo. Anong oras na kasi baka matraffic ka pa." Paalala nito sa kanya.
Oo nga pala nag usap sila ni Fatima kagabi sinabi niya rito ang problema niya. Kaya naman pupunta siya ngayon sa bahay ng kapatid niya.
"Oo nga pala, thank you." Naka ngiting sambit niya rito.
Umalis naman ito sa harapan niya. Inayus mona niya ang lahat ng kanyang mga gamit sa itaas ng kanyang lamesa bago siya tumayo at kinuha ang kanyang bag at susi ng kotse niya.
___
Nang makarating naman siya sa bahay ng kapatid niyang si Fatima. Agad naman siyang sinalubong ng nakangiti kapatid. Kaya naman nginitian rin niya ito.
Nahahalata talaga sa mukha ng kapatid niyang masaya ito sa buhay may asawa nito. Minsan lang rin magkwento sa kanya ang kapatid niya tungkol sa pagsasama nito ang ng asawa nito. Minsan lang rin naman kasi magsagutan itonat ang asawa nito.
At sigurado si Faith na maliliit lamang na bagay ang pinagbabangayn ng kapatid niya at ng asawa nito. Hindi tulad nilang mag asawa.
Nalulungkot siya dahil tulad lang din naman ng sa kapatid minsan nagbabangayan rin silang dalawa ni Rafael ngunit nagbabati rin naman agad sila. Pero yung huli nilang pangayan hindi kayang sabihin ni Faith na isang simpling bangayan lamang iyon dahil merong rason kung bakit nagkakaganon yung asawa niya.
At hindi rin niya kayang tanggapin sa sarili niya ang nakikita niyang rason nito.
"Hey!" Pukaw sa kanya ng kapatid. "Ano kaba naman. Kakadating mo lang ang lalim na agad ng iniisip mo. Pwede bang itapon mo mona yang iniisip mo kahit sadali lang. Hali kana nga sa loob." Hila nito sa kanya papasok sa loob ng bahay.
Tulad ng bahay nila magandavat maayos rin ang bahay ng kspatid niya. Ang pinagkaiba lamang hindi na nagtatrabaho ang kanyang kapatid siya naman ayaw niyang iwan ang trabaho niya. Kaya nagpapasalamat rin naman siya kay Rafael na pinayagan siya nitong gawin ang gusto niyang gawin.
"Faith!" Pukaw ulit sa kanya ni Fatima.
"Sorry." Paumanhin niya rito saka umupo sa sofa.
"Ano ba talaga yung nangyayari at nagkakaganyan kana naman. Naka tulala kana naman na parang nasa kabilang daigdig yang utak mo." Puna ng kapatid niya sa kanya.
Bumontung hininga naman siya saka ngumiti rito. "Wala naman. Meron lang talaga kaming hindi na pagkakaunwaan ni Rafael." Tipid na paliwanag niya rito.
Umiling-iling naman ito. "Faith wala naman sa liit o laki ng hindi nyo pagkakaunaan yung nag asawa basta marunong kayong makinig sa sina sabi ng bawat isa. Kausapin mo ulutsi Rafa at initindihin mo yung lahat ng sasabihin niya. Alam mo naman yung mga lalaki diba hindi sila masydong magaling mag explain ng sarili nila. Kaya try to talk ang understand your husband. Hindi pwede pabayaan mo na lamang itong mangyari sa inyo. Tandaan mo Faithy hindi nga kayo na sira noong nalamang mong mahihirapan kanang magkaanak ngayon mo pa ba hahayaang masira kayo sa isang hindi pagkakaunawaan. Talk to him!" Hikayat sa kanya ni Fatima.
Tama rin naman si Fatima ngayon pa ba niya hahayaang masira silang mag asawa ng dahil lamang sa isang hindi oagkakaunawaan. Hindi niya hahayaang mangyari yung bagay nayon. Hindi niya kayang mawala sa kanya ang kanyang asawa kaya naman kakausapin na niya ito at pilit na iintindihin kahit na masakit sa para sa kanya ang magiging kalalabasan at magiging sagot nito sa kanya.
Okay lang yon basta wag lang mawala sa kanya ang asawa niya. Mahal na mahal niya si Rafael kaya gagawin niya ang tama.
"Maraming salamat, bayaan mo kakausapin ko na ulit siya mamaya." Naka ngiting sagot niya rito.
Ngumiti naman sa kanya ang kapatid niya. "Good idea yan. So hali kana samahan mo kong magbake ng care para sa mga bata mamaya. Saka gawan mo na rin yung asawa mo. Peace offering na rin ba." Naka ngiting aya sa kanya ng kapatid.
___
Next...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top