Chapter 17
A/N: Good Morning!
Chapter 17
"Mahal ano nga pala yung sinabi mo sakin na pag-uusapan natin?" Tanong ni Faith sa asawa habang naka upo sila sa may sala at nanonood ng palabas na tv.
Tumingin naman sa kanya ang asawa niya na para banh nagdadalawang isip ito ng kung sasabihin ba nito yung gusto nitong sabihin sa kanya.
"Mahal?" Tawag niya rito. Nakatulala na kasi to at ang hindi niya maintindihan yung mga samot saring emotion nakikita niya ritong. Naka kunot yung mga noo nito na para bang galit na galit sa taong iniisip nito.
"Mahal!" Tapik niya sa mukha nito. "Okay kalang ba?" Tanong niya rito.
"I'm sorry." Hinging paumanhin niya sakin. "Ano ngayong sina sabi mo sakin, mahal?" Tanong naman niya.
"Okay kalang ba?" Tanong ko ulit sa kanya. "Oo naman, mahal." Sagot naman niya.
"Parang ang lalim kasi ng ini-isip mo simula nong tanungin kita tungkol don sa sinabi mong pag-uusapan natin." Komento ko sa kanya.
"Wag mo na yung pansinin. S'ya nga pala mahal wag na wag kana mo ng tatanggap ng mga bisita ngayon ng hindi mo sina sabi sakin kung sino sila." Seryosong bilin niya sakin.
"Bakit naman?" Takang tanong ko sa kanya. "May problema ba sa company? Meron na bang nagbabanta sa buhay natin?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.
Umiling naman siya saka hinawakan yung dalawa kong kamay. Naka harap nako sa kaniya ngayon at nakikita ko sa mga mata niya na para bang natatakot at nagaalala siya na merong kasamang galit.
Ano kaya yung nangyayari meron ba siyang naka away? Bakit niya sasabihin yung salitang yon kung wala naman siyang kaaway. Saka bakit ko makikita ying samot saring emotion na yon sa mga mata niya kung wala nga.
"Mahal!" Pukaw niya sa atensyon ko. Nagaalalang tumingin naman ako sa kanya. "Relax mahal!" Alo niya sakin sabay marahang pinisil yung mga kamay ko.
"Hindi ko kayang magrelax Rafael lalon't kapag alam kong nasa panganib ka." Naiiya na sambit ko sz kanya.
"Mahal makinig ka sakin ha. Walang mangyayating masama sakin. Walang problem sa company. Maganda yung takbo ng kompanya natin. Saka wala tayong kalaban sa kompanya na gagawa ng masama laban satin." Paninigurado niya sakin.
"Pero bakit mo yon sinabi sakin?" Tanong ko sa kanya. "Bakit ayaw mo kung tumanggap ng mga bisita dito sa bahau natin?" Tanong ko pa.
"Kasi maharipan na yung panahon ngayon. Masyado ng mapanganib baka mamaya merong mangyari sayong masama. Wala pa naman ako parati dito sa bahay natin." Paliwanag niya sakin. Pero hindi parin ako kumbinsido sa paliwanag niya sakin.
Pakiramdam ko meron siyang hindi sina sabi sakin. Galit siya kanina nakikita ko sa mga mata niya. Pero ayaw niyang sabihin sakin. Bakit ayaw niyang sabihin sakin yung mga problema niya ayaw ba niyang tulungsn ko siya?
"Wala naman akong pinapasok di na hindi natin kilala. Mga kaibigan lang naman natin yung hinahayaan kong bisitahin tayo." Sambit ko sa kanya.
"Wala namang problema kong sila yung papasukin mo pero kailangan mo paring sabihin sakin kung sino ba sa mga kaibigan natin yung mga bisita mo." Seryosong sambit pa niya sakin.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Bakit pa kailangang sabihin ko sa kanya kung sinong mga kaibigan namin yung bibisita dito sa bahay namin.
"Basta kapag meron kang bisita tawagan mo agad ako o kaya e text mo agad ako." Sabi pa niya sakin.
"Bakit nga?" Tanong ko ulit sa kanya. "Bakit kailangang ipaalam ko pa sayo? Kaibigan naman natin sila ah! Wala kabang tiwala sa kanila? Akala mo ba magagawa nila kong saktan?" Tanong ko sa kanya na e kinailing naman niya.
"Hindi sa ganon mahal." Gapa niya sa mga kamay ko. "E sa ano kung ganon! Bakit ba ayaw mong sabihin sakin yang lahat ng nasa utak mo!" May diing tanong ko sa kanya.
"Mahirap ipaliwanag mahal pero sana makinig ka naman sakin. Sundin mo yung sinabi ko sayo. Para din naman yan sa ikabubuti natin." Pakiusap niya sakin.
Umiling naman ako sa kanya saka tumayo. "Alam mo Rafael na kahit gaano pa yan kahirap ipaliwanag sakin basta susubukan mong ipaliwanag kaya ko yang initindihin. Yung problema lang kasi ayaw mo ng sabihin sakin yung totoong nasa isip mo. Bakit ayaw mong sabihin sakin? Tingin mo ba makitid na tung mga utak ko na hindi kita ma iintindihan?" Seryosong tanong ko sa kanya.
Hinilamos naman niya ang kanyang mga palad saka yumoko. "Hindi mo ko naiintindihan mahal. Ginagawa ko lang naman to para satin. Ayokong may mangyari kaya kita pinag-iingat kapag wala ko." Mahina ngunit mabigat na sambit niya sakin.
"Paano kita maiintindihan kong kahit kilan hindi mo ipapaintindi o sasabihin man lang sakin yung problema mo. Ang unfair mo naman kung ganon." Mabigat sa pakiramdam na sumbat ko sa kanya.
Ngunit wala man lang siyang naging imik sa sinabi ko. Nilapitan ko nalamang siya ulit at tumayo sa harapan niya. "Bakit ayaw mong magsalita? Sabihin mo na sakin sakin." Yogyog ko sa balikat niya. Ngunit wala pa rin siyang imik.
Naiinis na talaga ko sa lalaki to. Ang bang arte nito at ayaw pang sabihin sakin yung problema niya. Kung meron man siyang problema tutulongan ko naman siya kapag sinabi lang niya sakin yung totoo e. Pero bakit ba ayaw niyang sabihin sakin!?
Tinitingnan ko namang siya habang naghihintay na sagutin niya yung ilang ulit konang tanong sa kanya. Ngunit ilang minuto na yung nakalilipas wala parin siyang sagot sa tanong ko.
"Mahal!" Tawag pansin ko sa kanya. Hinawakan namam niya yung kamay ko saka pinisil-pisil iyon. "Sabihin mo na sakin." Pakiusap ko sa kanya.
Tumayo naman siya. Hawak pa rin niya yung kamay ko ngunit wala sakin yung paningin niya. "Matulog na tayo mahal." Sambit lamang niya sakin.
Inis ko naman siya tiningnan at hinila paharap sakin. Nagulat naman ako nong makita kong medyo na mamasa yonh mga mata niya. Nagtataka kobsiyang tiningnan ngunit umiwas ulit siya ng tingin sakin.
"Mahal." Sambit ko.
Tumingin naman siya sakin saka pilit na ngumiti. Hinawakan niya yung mukha ko ng dalawa niyang mga kamay saka niya ako sinabihang. "Mahal alam mo namang mahal na mahal kita diba? At lahat ng kaya kong gawin gagawin ko wag kalang mawala sakin." Sabay halik sa noo ko.
"Mahal na mahal rin naman kita e." Sagot ko naman sa kanya. "Alam ko. Alam ko yon." Sangayon niya sakin.
"Sabihin mo na kasi sakin." Pakiusap ko ulit sa kanya. Tumango naman siya sakin.
"Fine. Ayokong mag-alala o magalit ka sakin kaya sasabihin ko nalang sayo." Pangsuko niya. Nginitian ko naman siya.
"It's about Samantha Reyes!" May diing sambit niya sa pangalang na bangit. Ano naman yung meron kay Samantha? Bakit siya? Tanong ko sa sarili ko.
"Anong meron kay Samantha? Bakit kailangan mo pang umiyak ng dahil sa kanya?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi kona e sina tinig yung panghuli kong tanong.
Bakit nga ba kailangan pa talaga niyang maiyak. Bakit kailangan magkaron siya ng ganong emosyon sa kanyang mga mata? Ang dami kong gustong itanong ngunit sasagutin ba niya ang lahat ng yon? Naka pagod magtanong sa tanong ayaw naman magsalita at magsabi ng totoo.
"Ayoko lang na lumalapit siya sayo." Sagot niya sa tanong ko. "Bakit naman? Anong masama kong lumalapit siya sakin. Diba magkaibigan man talaga kayong dalawa. Siguro naman wala masama kong maging magkaibigan rin kaming dalawa." Sabi ko sa kanya.
Lumayo naman ako sa kanya para magkaron ng pagitan saming dalawa. "Mahal wala namang masama sa gusto mo. Pero hindi makabubuti sayo at satin yung pakikipag kaibigan sa kanya." Paliwanag niya sakin.
"Hindi kita mainitindihan mahal." Umiiling na sambit ko sa kanya. "Alam kong mahirap talagang intindihin pero sana naman sundin mo nalang ako mahal." Pakiusap niya sakin.
"Hindi!" Sambit ko sa kanya. "Ayoko! Hanggat hindi mo pinapaintindi sakin. Hindi ko susundin yung gusto mo. Walang masama kong maging kaibigan ko si Samantha mabait siyang tao." Giit kong paliwanag sa kanya.
"Hindi mo siya lubos na kilala. Please makinig ka naman sakin mahal." Pakiusap ulit niya sakin.
"Hindi! Mabait siyang tao Rafael. Kaibigan mo siya so you should know her better than me. Pero bakit parang mas kilala ko pa siya kesa sa pagkakilala mo sa kanya. Mabait siyang tao." Depensa ko kay Samantha. Mabait naman talagang tao si Samantha. Oo mukha siyang masungit kung titingnan pero mabait siyang tao.
"Hindi mahal! Makinig ka saking mabuti. Ayokong pag-awayan natin siya oky. Kaya please layuan mona siya. Hindi porket meron siyang binibigay na kung ano man sayo o kung ano man yung ginagawa niyong dalawa kapag magkasama kayo yon na agad yung tunay niyang ugali. Dahil kung ano man siya sa harapan mo hindi siya yon. Dahil hindi yon ang tunay niyang ugali!" Paliwanag niya sakin.
"Bakit ka ganyang magsalita Rafael? Bakit mo siya hinuhusgahan ng ganyan? Kung may nagawa man siyang pagkakamali sayo dati kaya ka nagkakaganyan hindi ba siya pwedeng magbago? Ang tagal n'yo ng hindi nagkita Rafael hindi mo ba pwedeng kalimutan nalang yung mga maling nagawa niya sayo? Sinabi na sakin ni Samantha na meron siyang nagawa sayo dati pero hindi niya sinabi sakin kong ano yon. Pero alam kong nagbago na siya ngayon. Mahal bigyan mo naman ng pangalawang pagkakataon yong tao." Pakiusap ko sa kanya.
"This is nonsense!" Inis na himutok ni Rafael. "Ano bang kailangan kong gawin para makinig ka naman sakin?" Nahihirapang tanong niya sakin.
Tiningnan ko naman siya ng diretso saka tinanong. "Explain everything! Bakit ganon mo nalang gustong iwasan ko si Samantha? Bakit mukhang galit na galit ka sa kanya?" Mahinanong sambit ko naman sa kanya.
Ayoko rin namang mag away kaming mag asawa ng dahil lamang sa isang babae o sa isang walang kwentang isyo nila dati.
"Wala akong dapat e explain dahil wala naman akong ginagawang masama. Ayoko lang talagang mapalapit ka sa kanya." Punong-puno ng emosyong sagot niya sakin.
"Rafael pwede ba! Ayokong magalit sayo. Kaya pwede bang umayus ka naman." Inis na sambit ko sa kanya.
Malapit na talaga akong mapikon sa kanya. Kaya naman iniwan ko nalamang siya sa sala saka pumunta ng kwarto namin. Paikot-ikot nalang kaming dalawa. Wala man lang siyang matinong sagot sa lahat ng tinatanong ko sa kanya. Hindi ko na rin alam kong paano siya makikitunguhan.
Napaka childish rin kasi ng mga rason niya. Pinipilit ko siyang intindihin ang kaso hindi ko naman magawang intindihin yong mga sina sagot niya sakin. Para bang meron siyang gustong sabihin sakin kaso ayaw niya akong masaktan kaya naman hindi nito sina sabi sakin.
At ayoko non! Ayoko sa nakikita ko sa mga mata niya. Ayoko sa ideyang naglilihim na siya sakin.
___
Next...
A/N: Hi! Guys, maraming salamat sa supporta niyo sakin at kay Faith. BTW! Yung chapter 10 pansamantala mna siyang mawawala kasi eedit ko mna siya dahil last tym binura siya ni Watty nong nagluluko pa siya kaya unpublished ko mo ha. Thank you, ulit i labu all. 😘😘
- Ate Ganda!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top