Chapter 16

Chapter 16

Nang makaalis ng opisina niya ang kaibigang si Kyle agad namang hinarap ni Rafael ang mga papeles na dapat niyang pirmahan bago siya umalis ng opisina. Inayos rin niya mona ang lahat ng dapat niyang e ayos para wag na siyang gambalain pa ng kanyang secretary.

Alam ni Rafael na magiging busy siya ngayun at sa mga susunod pang mga araw ngunit kahit ganon hindi naman niya pababayaan ang kanyang kompanya. Kaya naman bago siya umalis ng opisina para magtungo sa lugar kung saan niya kikitain ang isang kilalang may-ari ng isang sikat na agency ng mga special agent na tutulong sa kanya para bantayan ang asawa niya at yung lahat ng mga kinikilos ni Samantha ay nag-iwan na si Rafael ng mga notes sa secretary niya sa kung ano ang dapat nitong gawin. Sinabi rin niya ditong kapag merong emergency tawagan agad siya.

Pagkalabas na pagkalabas ni Rafael sa opisina niya papuntang parking lot tinwagan niya agad si Jef ang head guard ng subdivision na tinitirhan nila. Kaibigan na rin niya iyon at ang asawa nitong si Stela na president ng subdivision nila.

"Yes! Mr Gonzalez?" Tanong sa kanya Jef.

"Jef meron sana akong taong gustong ipa ban. Ayoko kung nakita siya sa loob ng subdivision at malapit sa tahanan ko." Imporma ko sa kanya.

"Hmm. First time to ah! Nacurious tuloy ako sino ba yon?" Tanong nito sa kanya. "Ex pa ni Faith yon?" Kantiyaw pa nito sa kanya na ikinailing niya.

"Hindi! Babae yung ipapaban ko sayo." Sabi ko sa kanya.

"Babae! Ex mo?" Curious na tanong nito sa kanya.

"Hindi rin at kahit kilan hindi magiging parti ng buhay ko o namin yung babaeng yon!" May pagkadiing sambit niya rito.

"Mukhang may utang kang dapat sabihin sakin, tol." Sambit nito sa kanya. "Daan ka minsan sa bayan baka matulungan kita dyan. BTW! Sino ba yung babaeng yon?" Tanong ulit nito sa kanya.

"Samantha Reyes! Yung pangalan niya at sana wag na wag niyo siyang hayaang maka pasok sa loob ng subdivision natin." Pakiusap niya rito.

"Wag kang mag-alala tol, akong bahala dito makakaasa ka sakin." Sabi nito sa kanya na ikinangiti niya. Napaka swerte talaga niya mga kaibigan niya dahil lahat sa mga ito maasahan talaga niya kapag kailangan niya ng tulong.

"Maraming-maring salamat, tol." Naka ngiting sambit naman niya rito.

"Tol! Ayoko mang sabihin to pero ayon sa system namin meron ng tatlobg record rito si Samantha Reyes. Tatlong beses na siyang labas masok dito sa subdivision at ayon pa rito si Faith yung binibisita niya. Saka binigyan na nga pala siya ni Faith ng special access sa loob ng subdivision." Gulat na importa nito sa kanya.

Gulat ngunit kinakabahan rin siya sa sinabi nito sa kanya. Hindi niya inaasahan yung sasabihin nito sa kanya. Naka pasok na pala sa loob ng pamamahay niya ang taong gustong-gusto niyang mawala sa landas nilang mag-asawa.

"Naalis kona yung access niya sa loob ng subdivision wag kanang mag-alala. Siguro yung dapat mo nalang gawin kausapin mo mona si Faith ngayun." Payo nito sa kanya.

"Sige maraming salamat ulit, tol." Paalam niya rito saka pinatay yung tawag.

Inis na hinampas naman niya ang kanyang yang manibila gigil na gigil at galit na galit na talaga siya kay Samantha. Ang kapal talaga ng mukha ng babarng yon na lumapit sa asawa niya. Siguro kung ano-ano na naman yung sinabi nito kay Faith.

Siguro nakikipag kaibigan ito sa asawa niya. Binibigayan talaga siya ng rason ni Samantha para gawin niya yong sinabi sa kanya ni Kyle kaninang pababagsakin nila yung kompanya ng ama at kapatid ni Samantha.

Siguro naman kapag bumagsak ang mga ito titigil na si Samantha sa kabaliwan nito dahil hindi na ito makakakilos ayos sa gusto nito dahil wala na itong pagkukunan ng salaping gagamitin nito kung sakali laban sa kanya.

Ngunit bago pa nito magamit iyon laban sa kanya uunahan na niya ito. Pababagsakin niya ang pamilya nito hangang sa pinaka lupa. Para wala ng mapagkukuhanan ng pera si Samantha.

__

Kanina pa hindi mapakali si Faith sa kanilang bahay. Tumawag kasi sa Ospital na pinagtatrabahuan niya ang asawa niya at sibabihan siyang maghalf day lang daw mona siya sa ngayun dahil meroon daw silang mahalagang pag-uusapan.

Simula kanina pa iniisip ni Faith kung ano ba yung mahalagang bagay na yon ang pag-uusapan nilang mag-asawa at kailangan pa talaga niyang maghalf day sa trabaho niya.

Ngunit kahit anong gawin niya wala namang pumapasok na ni kahit na anong idea sa kanyang isip. Wala talaga siyang idea kung ano ba yung sasabihin ng asawa niya sa kanya.

Matapos ang halos tatlong oras na kakahintay niya sa asawa niya dumating narin ito sa wakas. Inabangan niya ito sa harap ng pinto ng kanilang bahay.

Agad namang bumaba si Rafael sa kotse niya at nilock ito saka sabay silang mag asawang pumasok sa loob ng bahay nila. Napansin naman ni Faith ang panana himik ng asawa niya. Hinihitay niya itong magsalita ngunit tahimik pa rin ito kahit na ng makapasok sila sa kwarto nila.

Sinundan niya ito dahil nagtataka siya kung bakit subra naman yatang tahimik nito. Tiningnan naman siya nito kanina na para bang meron itong gusto sabihin sa kanya ngunit sa huli ay tumingin nalang ito sa malayo.

Kaya naman hindi na talaga niya natiis ang pananahimik nito. Siya nalamang ang ang salita at nagtanong rito. "Mahal bakit ngayun kalang?" Tanong ni Faith habang inaalis yung necktie ng asawa niya. "Kanina pa kasi ako dito sa bahay. Ang sabi mo kasi umuwi agad kaya naghalfday nalang ako." Dugtong pa niya.

Nang maalis na niya iyo tumalikod naman sa kanya ang asawa niya saka pumasok sa walk in closet nila ng hindi mang lang sina sagot yung tanong niya rito. Nagtataka naman siyang sinundan ang asawa niya sa loob ng walk in closet nila.

Nakita niya ito naghuhubad ng damit nitong pang opisina umupo naman siya sa upuang naroon at tiningnan lamang ang asawa niyang nang bibihis ng pangbahay na damit nito.

Habang pinagmamasdan niya itong nagbibihis sa harapan niya na pahanga talaga si Faith sa hubog ng katawan ng asawa niya. Ilang ulit na niyang nakita ang na hawakan Ang lahat ng bahagi ng katawan nito. Aminin man niya sa hindi napaka perpekto talaga ng katawan nito na para bang isa itong modelo ng isang sikat na magazine.

Iniimage niya tuloy paano kaya kong naging isang modelo nga ang asawa niya. Ano kaya ang sasabihin sa kanya ng mga tao? Hindi niya alam kung huhusgahan ba siya ng mga yon o hindi maganda naman kasi siya at masasabi at maipagmamalaki rin niyang maganda rin ang hubog ng katawan niya ngunit hindi ganong kaperpekto ang kanyang katawan. Tulad ng mga modelong babae sa isang sikat na sexy magazine dito sa bansa.

Patuloy lang siya sa kanyang imahinasyon ng maramdaman niyang meron dumadampi na malambot na bagay sa kanyang mga labi. Maya-maya na pagtano na lamang niyang ang mga labi pla iyon ng kanyang asawa na humahalik sa kanya.

"Pinapantasya mo ba ko mahal ko?" Tudyo nito sa kanya na ikinapula ng kanyang pingi.

"Hindi kaya." Tangi niya rito sabay iwas ng tingin. Naka kulong siya ngayon sa mga bisig ng asaw niya kaya paki ramdam niya tuloy nahihirapan na siyang humingi sa mga sandaling iyon.

Hinahalik-halikan rin ng asawa niya ang noo niya papunta sa tungki ng ilong nya hangang sa labi niya.

_

Next

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top