Chapter 9 - The Alpha's Downfall
The Alpha's Downfall.
MATAPOS kong masiguro na okay at kompleto na lahat ay bumaba na ako ng kotse ilang metro mula sa tapat ng gusaling pupuntahan ko.
Nagsimula na akong maglakad. Taas noong sinasalubong ang mga nadaraanan ko rito sa side walk.
Lahat ay napapatingin. Sino bang hindi? 'e sa ganda kong 'to! Miske bulag lilinaw ang paningin kapag nakita ako.
Umakyat ako ng hagdan tsaka pumasok sa glass door ngunit hinarang ako ng isang security guard.
“Recitar el código.” - seryosong salubong sa akin ni manong guard.
(Trans: Recite your code.)
“Normal: Gemstone.” - simple kong tugon.
Matapos kong sabihin ang code, may kinalikot siya sa maliit na device na hawak niya na kasing size ng iPhone 4 I guess tsaka nagpipipindot duon.
They called it Info transmitive device. Makikita duon ang info base sa code na inissue sayo.
Maya maya ay tumunog and ITD. Humarap sa akin ang guard tsaka magalang na yumuko tanda ng pag respeto. I mentally smirked.
Gemstone is my real code noong agent pa lamang ako ng CIA. Bawat agents ay may code ganon din sina Shaw at David. Isa 'yung identity clarification.
Kapag may code ka, ibig sabihin hindi ka basta isang employee o agent lang. Isa kang class SS agent na talagang pinangangalagaan ng gobyerno at ang class SS agents ang gumagawa ng pinaka mahihirap na misyon, tago rin ang identity nila at iisa lang tanging sinusunod nila which is kung sino lang ang may hawak sa kanila, kabilang kaming tatlo duon. Apat lang naman ang class SS agents at ngayong nawala na kaming tatlo, iisa nalang ang natira.
Pinindot ko ang elevator tsaka pumasok sa loob. I pressed the 8th floor.
Hindi ko mapigilang mapangisi. Bakit?
Matagal ng blacklisted ang code naming tatlo pero kanina nag access granted siya. That was impossible. Unless, inaasahan talaga ng target ko ang pagdating ko.
Tumunog ang elevator kasabay nun ang pagbukas nito. Lumabas ako at naglakad sa hallway. Masyadong tahimik.
Napangisi ako.
Huminto ako pagtapos ng ika sampung hakbang. Naramdaman ko narin kasi ang mga presensya nila. Huminga ako ng malalim.
Sunod sunod na naglabasan ang maraming mga naka men in black. And in just a second ay napalibutan na nila ako. Tantya ko ay nasa mga trenta sila. Magandang pang warm up ito.
Pero may isa akong napansin. Ilang mga nakahawak sa balakang, mga hindi nakashades at ilang mga nakangisi. Isa lang ang masasabi ko; Neophytes.
Minamaliit ata ako ng matandang 'yun ah? Itatapat niya sa akin mga baguhan? Sira ulo! Humanda siya sa akin. Magtutuos talaga kami mamaya.
Nagsimula ng sumugod yung nasa unahan ko kaya naman hinanda ko ang sarili ko. Balak niya sana akong suntukin pero syempre nasalag ko yun at mabilis na pinaikot ang kamay niya kaya napatalikod siya sa akin, lalo ko pang diniinan na lalong kinangiwi niya. Kinuha ko ang baril na nakasabit sa gun holder niya at agad itinutok sa unahan.
Sumugod ang isa pang naka men in black kaya walang pagaalinlangan ko itong binaril sa noo. Bulls eye! Bumagsak ang wala ng buhay na katawan nito.
Sumugod ang tatlo pa kaya pinaputukan ko rin sila isa isa sa noo na naging dahilan ng pagkamatay nila.
Sinusubukang manlaban nitong gagong to na makatakas na kamay ko pero asa naman siya. Siya kaya ang shield ko. Akala ata ng mga ito hindi ko alam na may sniper na nakatutok sa akin mula sa harapan na sa tingin ko ay nakapwesto sa kabilang building. Yun din ang dahilan kung bakit isa isang sumusugod ang mga naka men in black. Paano nga ba ako pupuntiryahin kung marami ang nakakalat sa paligid. Obvious naman kasing baguhan lang din 'yung sniper nila. Kasi kung hindi at batikan na siya, kanina pa niya ako pinaputukan kahit pa gumagalaw ako at marami ang nasa paligid; yun e kung tatamaan niya ako talaga. Duda ako diyan.
Nakarinig ako ng kasa ng baril sa kanan kaya agad ko siyang binaril sa leeg. Sunod sunod kong binaril ang mga sumusugod sa akin. Patay nadin ang lalaking hawak ko dahil mukhang hindi na nakatiis ang mga ito na barilin ako.
Walo nalang ang natitirang nakatayo plus isang para dun sa nagiisang sniper.
Binitawan ko na yung lalaking hawak ko tsaka binalibag kong saan. Mabilis na sumugod sakin yung isang lalake. May hawak siyang dagger. Wala naring bala yung baril na hawak ko.
Nang makalapit na siya ay sinugod niya ako ng saksak pero sisiw ko yung nasasalag gamit lang ang dalawang kamay. Nakita kong open ang gitna niya kaya mabilis kong tinapik ang sikmura niya. Napaubo siya ng dugo kasabay nun ang paghina ng tuhod niya, ngunit bago pa siya mapaluhod ay malakas kong sinuntok ang dibdib niya dahilan para mapatumba siya.
That's my specialty. Heart blow. Once na masuntok ko ng malakas ang dibdib niya, maaapektuhan nun ang mga ugat niya na nakakonekta sa puso niya. Pansamantalang titigil ang function ng utak niya kasunod nun ay ang pagbilis ng tibok ng puso niya hanggang sa pabagal ng pabagal na tuluyang ikatitigil ng pagtibok nito hanggang sa ikamatay niya. Tatagal ang prosesong ito sa loob lamang ng 10 seconds.
Sunod na sumugod ang isa pa. Sinuntok niya ako pero nailagan ko yun at binigyan siya ng malaks na suntok sa panga. Napaatras siya at nakita kong medyo nahila siya. Bato kaya tong kamao ko.
Sunod pang sumugod ang isa pa ngayon ay may hawak din siyang dagger. Hindi pa siya batikan sa paghawak nito dahil obvious naman na mali ang hawak niya rito.
Mabilis kong binaligtad ang kamay niyang may hawak na dagger at mabilis na tinutok sa kaniya. Sinipa ko ang junior niya ng sobrang lakas kaya napayuko siya, opportunity ko na yun para itarak ang dagger sa puso niya which is nagawa ko naman.
Muling sumugod yung nasapak ko kanina kaya agad kong binunot ang shuriken naka lagay sa balakang ko at mabilis na binato sa kaniya. Tama ang calculation ko. Tinamaan siya sa leeg.
Kinuha ko ang baril na nakasuksok sa katawan ko. Pwede to for long range at gagamitin ko 'to para...
BANG
... sa sniper na balak akong barilin. Nakita ko na ang lokasyon niya habang nakikipag laban ako kanina at hindi siya ganoong kalayo mula sa kinatatayuan ko. Tantya ko ay mga nasa 100 meter lang ang pagitan namin. Hindi na ako nagabala pang lingunin ang kinaroroonan ng sniper dahil alam ko naman tinamaan ko siya.
Sunod kong binaril ang lalaki na susugod sa akin. Pinaikot ko ang katawan ko kaya naman sa isang putok, tatlo ang tinaman sa ulo. Paano nangyari yun? Dahil sa mabilis na pagikot, hindi naging centro ang posisyon ng bala, naging paikot din ito dahilan para matamaan ang tatlong nakakalat na nakatayo.
Pinakiramdaman ko ang paligid.
Wala nang intruders. Tumba na lahat kaya nagsimula na akong maglakad patungo sa destinasyon ko.
Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na ako sa tapat ng pinto. Kumatok ako ng tatlong beses. Maya maya ay may narinig akong tumunog kasunod nun ay ang automatic na pagbukas ng pinto. Wow! Welcome na welcome talaga ako.
Pagkapasok ko ay may tatlong bagay ang nagliparan patungo sa direksyon ko pero walang kahirap hirap ko itong sinalo gamit ang limang daliri ko. Napangisi ako.
“Nice way of greeting, huh?” - I sarcastically said.
Nilibot ko ang paningin ko rito sa opisina niya. Walang masyadong gamit. Tanging ilang divider lang na naglalaman ng libro, isang aparador na malaki at mataas kung saan nakalagay ang mga reward na natanggap niya, isang set ng sofa at sa gitna ay ang lamesa niya. Nakaupo siya sa kaniyang swivel chair habang nagbabasa ng diaryo. Wala ring kahit na anong cctv sa kwartong ito.
“Maupo ka Alexxa Aragon.” - Nakangiting pagiimbita nito sa akin na agad ko naman tinanggap.
Alexxa Aragon is my agent name. Sila ang nagpangalan nun sa akin.
Tinignan ko ang itsura niya. Mukha na siyang devastated at mukhang kagagaling lang niya sa iyak. Napangisi ako. Mukhang nasa isip na siguro nito ang magpakamatay.
Nakatingin lang siya sa akin at kung tama ako, any moment babagsak ang mga luha sa mata niya. Eto ang unang pagkakataon na makikita ko siya ng personal na hindi ko nagawa 12 years na ang nakararaan, ni minsan naman kasi ay hindi siya nagpakita.
“How's life?” - paguumpisa kong tanong.
Nilapag ko ang hawak kong baril sa lamesa na nasa harap ko at sumandal sa sofa sabay taas ng paa sa lamesa. Wala bang juice?
“Don't fool me. Alam kong ikaw ang pumatay sa pamilya ko.”
Sa loob ng tatlong linggo kong pagmamanman sa kaniya, may iba pa akong agendang ginawa at yun ay ang pag massacre ko sa pamilya niya.
Napatingin ako sa kaniya.
“Wala kabang juice diyan? Nauuhaw na ako!” - nakangisi kong saad.
Pinindot niya ang caller button sa lamesa niya at nagsalita. Maya maya ay pumasok ang isang babae na sa palagay ko ay secretary niya na may dalang orange juice at inilapag sa lamesa. Nakita kong natense siya ng makita niya ang baril na nakalapag duon pero hindi niya pinahalata.
Tumalikod na ito at akmang aalis na pero tinawag ko siya. Lumingon ito sa akin tsaka yumuko.
“You shouldn't let yourself come in here in the first place, lady. Didn't he warned all the employees here including you?”
Napatingin siya sa akin ng nagtataka. Tumango ako sa kaniya sign na pwede na siyang makalabas pero bago pa man niya napaikot ang doorknob ay agad ko na siyang binaril sa batok. Tumumba ang walang buhay na katawan nito.
Nakita kong napabuntong hininga ang matandang nasa harapan ko at napailing.
Kinuha ko ang juice na binigay ng secretary at ininom ito.
“May lason yan...” - paalala nito sa akin pero nginisian ko lang siya. Alam ko kung may lason o wala ang iniinum ko.
Nakita kong napangisi siya. Isa ito sa mga tinuro nila sa amin.
“You're a demon...”
Biglang nanginig ang buong sistema ko sa narinig ko.
”Isn't this your fucking fault? Isn't this the purposes of your goddamn program? You fucking ruined my goddamn life and now you're saying that I'm a fucking demon?!” - hindi ko na napigilan ang sarili ko. They fucking ruined me.
“We're sorry---”
“Sorry? You're saying sorry kasi mamamatay kana? Para saan pa ang putangina mong sorry e matagal ng nasira ang buhay ko dahil sa punyeta niyong programa?”
“I'm ready....”
Napangisi ako ng marinig ko 'yun. Mukhang pinaghandaan niya na nga ito. Malamang dahil nabalitaan niya na na patay na ang 11 sa mga kasamahan niya... maaaring kinutuban na siya sa nangyayaring patayan... at kung papaano niya natanggap na mamamatay na siya? Dahil sa katotohanang pinatay ko narin ang pamilya niya.
“You should be, Arevalo. You should be...”
Napangiti siya ng mapakla tsaka yumuko sunod nun ay ang pagagos ng luha niya.
“I'm sorry, I really am....” - wika nito habang humihikbi.
“That time I was devastated. I was just a Deputy Executive Director at sumusunod palang din ako sa utos ng mas nakatataas sa akin at kasama nun ang pagmanage ng programa na nilikha nila....”
He started to tell the story... I kept quiet.
“I hundred times declined their offer but they threatend me na once na hindi ako sumunod, they'll definitely kill my parents. I have been working for the agency for almost 2 decades before the program has started so probably alam ko na kung anong klaseng kalakaran ang pinapatakbo nila.”
Yes, in this work you have to be mentally powerful and emotionally strong dahil minsan may mga times na hindi ko na masuka ang pinag gagagawa nila.
Pumapatay sila ng inosente just to satisfy their thirst, that's how they manage their enemies aside sa mga national enemies which is terrorist.”
Do or die ang pumasok sa ganitong ahensya. Once na marami kanang nalalaman, it's either tatagal ka o mamamatay ka kapag sumuko kana. I was afraid to die so I chose to stay here at tiniis lahat ng nakikita at naririnig ko, maging ang mga kamaliang napapansin ko. I kept fighting for almost two decades, the main reason kung bakit ako tumagal rito.”
One day, nakatanggap ang agency ng isang threat galing sa kalabang terorista, matinik siya at mailap, he was the number one most wanted criminal sa buong mundo. Syempre, sino bang aasahan ng bansa? Walang iba kundi ang CIA since sila ang umako sa responsibilidad. We all worked to defeat that terrorist. We sent bunch of agents to find him hanggang sa napansin nalang namin na habang lumilipas ang araw, dumadami ang agents namin na namamatay.”
We were all busted that time. We dont know what to do anymore and we hate the feeling of being useless. Ilan na ang bansa at state na binomba ng teroristang yun na dahilan para mangamba ang buong America. CIA were so weak that time and we hate the feeling of it. The people blamed us dahil wala kaming nagawa sa dami ng namatay.”
We became prepared again but the thing is dun naman tumahimik ang teroristang 'yun. Lumipas ang pitong buwan pero wala ng anomang naganap na bomb explosion sa ibat ibang syudad at bansa rito sa America. The country became silent in peace. Napanatag ang loob ng lahat pero hindi ang CIA.”
We were so afraid na mangyari ulit 'yun kaya nagisip ng idea ang director namin at doon na nabuo ang program. I said No, I do not agree and I will not cooperate but they threatened me so I left no choice.”
We were thirteen officers, hindi lang mula sa CIA kundi sa iba pang department at agency. We, the thirteen deputy officers started this program. Kumukuha sila ng musmos na bata para dalhin sa isolated island at dun itrain para maging isang malakas at kinatatakutang assassin sa pag dating ng panahon.”
At kayo... ang pinakaunang batch ng programang iyon na napagtagumpayan namin. Just look at yourself now.”
Malamig lang akong nakatingin sa kaniya. So he was saying that he was just also a victim? Sorry but exception doesn't run in my rule.
“By any chane, do you know my parents?”
Nakita ko siyang bumuntong hininga at malungkot na umiling sa akin. I fucking clenched my fist. Goddamit!
“Isa sa mga agent namin ang kumuha sayo. Natagpuan ka raw niyang pakalat kalat sa isang eskinita.”
I really dont remember anything. Fuck!
W-what about David and Shaw?
I was about to ask it nang sagutin na niya ang tanong sa isip ko.
“About the two boys? One week after kang madala sa island, natagpuan si Giovanni David na tumatakbo sa highway. He was a vegar and was trying to escape from the store owner where he stole some foods.”
That day also, a woman came in our office saying she wants to abandon her child to us. She knows about the program which made us confused like how the hell did she knew it. She gave her son and left the agency quietly. We found out who the woman was, she's a big time businesswoman who owned a lot of hotels. Until that day we never heard of anything about her name and the young boy he abandoned? That was Damien Shaw.”
I wanna fucking cry now knowing Shaw's story. Damn that woman! How dare her abandoned her child like a shit? I swear I'm gonna kill that bitch!
“Does Shaw knows something about his past?” - I asked.
“I guess yes, he does. We tried to tell him the story but he refused us and chose not to listen.”
So that explains... Mukhang alam ni Shaw ang nakaraan niya. But he never fucking tell me. Fuck him!
“How's the feeling...?” - I asked him again.
Ngumiti siya sa akin. Isang totoong ngiti.
“Masarap. Magaan sa pakiramdam na nasabi ko na ang matagal ko ng gustong sabihin.”
I smirked. It's about time.
I get my pistol and aimed it to his head. I was one meter away from him though dahil nakaharang ang lamesa niya sa pagitan namin.
“Go and pull the trigger Alexxa Aragon, like how we tought you twelve years ago.”
And when he said that, I pulled the trigger. Tumalsik ang dugo niya sa katawan ko maging sa paligid dahil malapit lang ako sa kaniya. I aimed the glass window kaya nabasag ito. Sinipa ko ang gulong ng swivel chair niya kaya gumulong ito paatras hanggang sa mahulog ito sa bintana kasama ang patay niyang katawan.
Lumabas na ako ng opisina at naglakad papunta sa rooftop na parang walang nangyari.
Pagkarating ko doon ay nakita ko na ang chopper na sasakyan ko paalis. May dalawang lalake ang nanduon. Ang isa ay pilot at ang isa ay ang co-pilot niya.
Sumakay na agad ako ganoon din ang ginawa ng dalawang lalaking piloto. Maya maya ay narinig ko ng umiikot ang elisi hanggang sa namalayan ko na nasa himpapawid na kami.
Nang medyo nakalayo na kami ay pinindot ko ang red botton sa controller na hawak ko, kasunod nun ay ang malakas na pagsabog ng building kung saan ako nanggaling.
Ilang minuto narin ang lumipas habang nasa himpapawid kami ng bigla akong kutuban ng hindi maganda.
I searched my weapons and I prepared myself. Pinakiramdaman ko ang paligid. Feeling ko napakatahimik, kahit pa malakas kong naririnig ang tunog ng chopper, pakiramdam ko napaka tahimik padin.
Giovanni David's
Why the hell isn't she pickin up the goddamn phone? Three days na kaming walang communication sa isat isa at nagaalala na ako para kay Alexxa. Kami ni Shaw ay may communication pa naman kaya alam kong okay siya. Fuck!
Pinupunasan ko ang baril ko ng bigla nalang tumibok ng mabilis ang puso ko na parang nakikipag karera. Nanlamig ang mga kamay ko kaya agad kong nabitawan ang baril na hawak ko.
W-what the fuck is happening to me?
Damien Shaw's
I was about to call David pero bigla kong nadagil ang baso na hawak ko dhilan para mabasag ito.
Lumuhod ako para isa isang damputin ang mga bubog ng aksidenteng nasugat ang daliri ko. Pagsasawalang bahala ko na sana ito dahil sugat lang naman ng bigla akong kinabahan. Tumibok ng mabilis ang puso ko at nagsimulang manlamig ang katawan ko, at sa puntong ito isa lang ang biglang pumasok sa isip ko..
Alexxa Aragon (Alpha)
Bumilis ang tibok ng puso ko. Nagumpisa nadin akong hindi mapakali at pagpawisan. Nakakagat ko narin ang kuko ko. Its my mannerism kapag may hindi magandang mangyayari.
Fuck! Nasa himpapawid pa naman kami.
I tried to calm myself but then I failed.
I searched the parachute at nakita ko naman agad.
I was about to open the door and jump,
But I guess, I was too late...
Nakarinig nalang ako ng sobrang lakas na pagsabog...
And everything went black.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top