Chapter 10 - The Beginning

The Beginning.

Bangkok, Thailand
ONE YEAR LATER

BANG! BANG! BANG!

     "KILL them!” - malakas na utos ng leader ng isang gangster group na pinaka malakas sa bansa.

Habulan dito at habulan doon ang eksena na iyong makikita sa isang masukal na eskinita. Sunod sunod na putok ang maririnig na umeecho sa paligid. Tahimik ang lugar, walang kahit na sinong sibilyan ang makikita.

Mabilis na tumatakbo ang dalawang lalake sa makipot na eskinita. Sila ang habol habol ng mga ganster sa lugar; kamalasan kapag nahuli ka.

Huminto ang dalawang ito sa gitnang bahagi ng eskinita, habol habol ang kanilang paghinga habang ang kanilang pawis ay sabay na dumadaloy mula sa kanilang mga katawan.

Hindi maiwasang mapangisi ng isa habang ang isa nama'y napapangiti na lamang.

Nagtunguan ang dalawa tsaka muling naglakad na parang walang nangyari. Lumiko sila sa kanang bahagi kung saan makikita ang squater area— mga maliliit na bahay na yari sa kahoy, nagtataasang pader na mukha namang iba't iba ang taong naninirahan.

“Ah shit! What's that stinks? It's fuckin' awful!” - komento ng isa matapos maamoy ang masangsang na amoy hindi kalayuan sa pwesto niya.

“Ts! Bangkay ang naaamoy mo.” - komento ng isa. Hindi maiwasang mapangiwi ng kasama nito dahil sa sobrang baho at sangsang ng paligid kahit pa sabihing sanay na sila sa ganoong amoy.

“You still want to exercise?” - Ngising tanong ng lalake na tila hindi naaapektuhan sa masangsang na amoy sa paligid.

“Nah! I'm tired. Let's go back!”

-

“That was awesome, man! Napagod talaga ako makipag habulan sa kanila! Hay!” - Inda ng lalake matapos nitong ihiga ang katawan sa isang sofa.

Umupo ang kasama nitong lalake sa one seater na sofa tsaka uminom ng can in beer.

“Ang tatag din ng mga gangster sa bansang ito akalain mo no? Haha!” - Muli pa nitong komento ngunit parang hindi siya naririnig ng kaniyang kasama.

Napakunot ang noo nito sa pagtataka.

“What's wrong?!” - Pagtatanong nito.

Ngunit hindi siya nito sinagot. Umiling lamang ito tsaka ipinagpatuloy ang paginom ng beer.

“You remember her, don't you?”

Napatigil ang lalake sa paginom tsaka ngumiti ng mapakla. Dumilim ang aura ng lalaking nakahiga sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.

“Hanggang ngayon, wala parin tayong lead tungkol sa kaniya.” - Dismayado nitong usal.

Lalong nilagok ng lalake ang iniinom, dahil sa galit, sakit, hinagpis at pangungulila. Halo halo ang kanilang nararamdaman sa puntong ito.

Isang taon. Isang taon na mag mula ng mawala siya pero hindi parin matanggap ng dalawang lalaking ito ang totoo.

Isang buwan matapos mangyari ang aksidente, idineklara ng underground society na patay na talaga siya. Walang nakitang bangkay niya ngunit madami ang naniniwala na dahil sa malakas na pagsabog ay nagkalasog lasog ang katawan nito dahilan para magkahiwa-hiwalay ang mga ito.

Marami ang nalungkot, pero mas marami ang natuwa sa nangyari. Halos magdiwang ang lahat ng taong naiinggit sa kaniya; wala na silang kaagaw sa mata ng señor.

Masyadong biglaan ang nangyari, may mga bagay na hindi napaghandaan katulad nalang ng mga bagay na naiwan niya, mga responsibilidad na dapat ay ginagawa niya at mga kaaway na dapat ngayon ay patay na.

Hindi ganoon kadali na maghanap ng papalit sa kaniya. Iba siya kumpara sa ibang assassin na nakikita sa paligid. Matalino siya, mautak, malakas ang loob, may kompyansa at higit sa lahat, malakas ang hangin sa utak.

Isang taon na ang nakalilipas, pero wala paring nakikita o napipili ang señor na papalit sa posisyon niya. Marami ang nagtataka, maging ang elites at reapers.

Bakit nga ba hindi pa siya pinapalitan gayong matagal na siyang patay? Although nandiyan parin ang dalawa niyang kagrupo, kung wala ang ulo hindi gagana ang nasasakupan nito.

Masakit para sa dalawang taong ito na tanggapin ang katotohanan, kaya naman magpahanggang ngayon ay umaasa parin ang mga ito na darating ang araw ay babalik siya dahil buhay pa siya.

Infernum Mafia SUBSTATION
Virginia, USA

Giovanni David's

Pababa kami ngayon ng private plane ni Shaw padiretso sa kotseng nakaabang para sunduin kami.

Kagagaling lang namin ng Thailand para sa isang misyon. One week din kaming nagstay dun na dapat sana ay three days lang. 'E kaso, naisip namin ni Shaw na magpahinga kahit ilang araw lang, mabuti naman at pumayag nun si señor.

Halos sunod sunod din kasi ang misyon na natatanggap namin nitong mga nakalipas na buwan. Halos wala kaming pahinga. Pagtapos kasi ng misyon na ito, kinabukasan ay may susunod pa muling misyon na naka destino sa ibang bansa kaya heto, sobrang pagod kami.

Hindi naman kami nagrereklamo dahil unang una, kami ang pumili nito.

Sabihin na nating, ginagawa namin ito para libangin ang sarili namin.

Three months kaming depressed ni Shaw, muntik pa nga kaming humantong sa suicide attempt kung hindi lang kami napigilan ng mga kapwa namin assassin.

Sobrang sakit... sobra! Hanggang ngayon ay mahirap pading isipin na wala na talaga siya.

Ang tanong... Wala na nga ba talaga siya?

Dahil kahit anong gawin ko,

Merong naririto sa kaloob-looban ko na nagsasabing...

Buhay pa siya.

Manila, Philippines

Tumayo ako mula sa aking magandang pagkakahiga tsaka maingat na naginat. Medyo pipikit pikit pa ang mata ko kaya hindi ko maiwasang mapahikab.

I wanna sleep more.

Makikipagtagpo muli sana ako kay panaginip ng biglang may kumatok ng malakas sa pinto ng kwarto ko.

Fucking bitch!

Nagulat ako roon ah?!

Kahit hindi pa kaya, pinilit kong tumayo at naglakad papunta sa pinto para buksan ito.

“What in dreamyland do you fucking---” singhal ko sa taong nasa harap ko pero agad ko itong binawi ng.. “Hi mama! Hehe good morning?” - makitang si mama pala ito.

Napailing nalang siya. Huehue! Ganoon naba talaga ako kasamang anak? Waaah! Pero maganda naman ako ah? Papa Jesus sarreh na pow! Gusto ko pa maging maganda! Hihihi!

“Bumaba kana diyan at mag almusal. Iinom kapa ng gamot. Hala sige! Bilisan mo!” - utos sakin ni mama.

Nginitian ko lang siya ng pagkatamis tamis tska nagmadaling bumaba. Hindi na ako nagtoothbrush! Tae nasa bahay lang naman ako 'e. Tsaka tinatamad pa ako. Bwahaha!

“Tignan mo itong--- hindi ka manlang naghilamos! Nakakadiri! May panis na laway kapang babae ka!” - sigaw ni mama. Napangiwi naman ako dun.

Eto talagang si mamabels parang others. Sakaniya ako nanggaling tapos mandidiri siya sa panis na laway ko? E sakaniya nga nanggagaling lahat ng kinakaen ko nung nasa tummy palang niya ako 'e. Hindi ba't mas nakakadiri yun? Nanggaling na sa bunganga niya tapos pinakaen pa sa akin?

Tumayo ako para maghugas ng kamay at muling bumalik sa upuan at nagsimula ng magkamay kumain.

Kumurot ako ng kaonti sa tiyan ng tuyo tsaka ito isinawsaw sa suka na may asin tsaka sinubo ko, sunod ay ang sinangag.

Grabe! Ang sarap talaga nito.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Nahagip ng periperhal vision ko si mama na lumapit sa lababo at nagsimula ng maghugas ng kawali.

Napansin ko ring hindi mapakali ang kaliwang paa niya kaya nagtaka ako pero hindi ko pinahahalata. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang ideyang iyon pero sa tingin ko ay hindi siya mapalagay sa kaniyang sarili.

Hindi kaya wala na naman kaming pera?

“Ma, okay ka lang?” - Tanong ko.

Lumingon siya na nakakunot ang habang nakataas ang isang kilay. Ay ansabe!

“Bakit naman magiging hindi? Batang 'to talaga!” - Pairap na sagot niya sa akin.

Tss! Mag memenopause na ata si mama kaya masungit.

Habang kumakain, hindi ko maiwasang mapaisip. Halata sa kalagayan namin na hindi kami mayaman, pero heto, si mama pilit paring binibili ang mga gamot na kelangan ko na pagkamahal mahal. Hindi ko naman kelangan ang mga iyon dahil wala naman akong sakit 'e. Para saan ba kasi ang mga gamot na iniinom ko? -.-

Nasasaktan ako para kay mama. Sa nakikita ko ay wala akong papa at magisa lang siyang tinataguyod ako.

Minsan nga napapaisip ako, paano kaya ako nabuhay at napalaki ng sobrang ganda ni mama?

“Hoy babae, naayos ko na lahat ng requirements mo kaya bukas na bukas din ay papasok kana, naiintindihan mo?!”

Pwera biro huh? Pero ang ganda ko kasi talaga 'e. At hindi ako nagsisinungaling.

“Magaral kang mabuti at huwag kang lalandi huh babae? Magtapos ka ng pagaaral para maiahon mo ang sarili mo sa hirap! Magpayaman ka nako! Mahirap maging mahirap! Tandaan mo ang mga sinasabi ko, para sayo rin ito.”

Mayaman kaya ang tatay ko? Ang ganda kasi ng kutis ko e. Hehehehe! Ang puti at ang kinis pa. Siguro nga mayaman ang tatay ko. Gaano kaya 'yun kayaman? Mahuthutan ko kaya yun ng pera?

Ay shut up! Masama nga pala 'yon.

Magtrabaho nalang kaya ako? Para naman matulungan ko si mama. Sa nakikita ko kasi ay talagang may edad na siya at hindi na niya kayang magbanat ng buto pa.

“Sana talaga makatapos ka ng pagaaral. Nako madami akong pangarap sayo, anak.”

Mag waitress kaya ako? Ay wag! Cheap!

Uh! Sales lady? Ts! Nakakangalay tumayo.

Model? Pwede! Sa ganda kong to! Tsk!

“PAKIUSAP LANG WAG KA MUNANG MAGAASAWA!!”

Hm.. Mag artista nalang kaya ako? Para sikat! Instant money pa aarte ka lang sa telebisyon. Oh hah!

“Bago ka mangarap ng mangarap mag tapos ka muna ng pagaaral, hindi yung puro pangarap nalang.”

Kaso imposible iyon 'e. >_<

Construction worker? Waaah! Di ko ata kaya yun! Huehue T.T

Tindera ng bangus sa palengke? Pwede! Kaso ayoko ng masangsang na amoy.

E kung tulungan ko nalang magtinda ng mangga si Aling Nga, mabuti pa kaya?

Kaso ayoko naman maging tindera fore---

“Hoy Alexxa nakikinig kaba?!”

“H-huh?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top