IV
Chapter Four
"Since when did you start dating Kim Namjoon?"
Sa lahat ng mga gumugulo sa akin noong gabing iyon. Sa dami ng mga bagay na pilit kong kinakalimutan, ang makasaksi ng panibagong gugulo sa isipan ko ay masyado nang ikinapo-pollute ng utak ko. I didn't even know if I could still intake another. Baka sumabog na lang ako.
Huminto ako sa paglalakad sa tahimik na hallway patungong restroom nang may mamataan akong pamilyar na pigura ng isang lalaking nakasandal sa dingding katabi lang ng bukana papasok ng banyo. I scoffed mentally as my pace slowed down a bit.
Really, those guys didn't have plans on staying in their lane and they kept on freaking appearing in front of my very eyes.
Tatlo ang nagkasala sa kanila pero lahat sila damay. Of course, dapat lang dahil ni isa man sa kanila, nagpapa-alala sa mga nakaraang ni ayaw na naming balikan pa, ni hindi nga namin pinag-uusapan ang mga nangyari noon sa takot na balikan na naman kami ng sakit. Though, it didn't hurt me as much as it had hurt both Aly and Hanselle. Oh, Hanselle the most!
Ngumisi ako. No, I wouldn't back away. I wouldn't turn around and leave just because one of the jerks was ahead of my way. As if he would beat me. As if he would eat me alive. As if I would get hurt again.
I had gotten over it already.
Holding my chin up, I continued walking towards his direction. Ngunit hindi pa man ako nangangalahati mula sa kinaroroonan niya ay napahinto na ako. Ramdam ko ang pagkakapako ng mga paa ko sa konkretong sahig habang pinapanood ko ang pagngingitian ng ngayon ay dalawang tao na.
Evah, my dearest of a friend just went out of the restroom and smiled sweetly upon seeing the man who waited for her.
Pinanood ko nang dumuko sa kaniya ang lalaking kanina lang ay sinusubukan ko nang tirisin sa utak ko at ginawaran siya ng mabilis na halik sa mga labi. Pagkatapos noon ay magkahawak-kamay nilang tinahak ang kabilang dulo ng hallway nang hindi ako napapansin. I thought Evah had gone home already.
Hindi ko alam na may mas ikagugulat pa pala ako. It was actually just fine for me if it was not that guy.
Why of all people? Why Kim Namjoon?
"Em, let me explain..."
Nang makabawi sa tanong ko ay kumurap-kurap siya at dahan-dahang tumayo. She must have thought that it was useless to deny it. She slowly reached for my hand with her shaking ones.
My eyes landed on her shaking hands and I couldn't help but feel guilty. Ang kasalanan niya, itinago niya sa amin ang tungkol sa kanila ni Kim Namjoon. Ang kasalanan ko... nakipag-one night stand ako kay Jeon Jeongguk. Kumpara sa nagawa niyang kasalanan, mas malala iyong akin. But then, nandito na kami. I didn't know why these were all suddenly happening to us. Pakiramdam ko, bumabalik kami sa nakaraan, kung saan pare-pareho pa kaming attached sa mga taong iyon.
Ako, si Aly, si Hanselle at ngayon, si Evah.
Humahikab akong lumabas ng kuwarto dahil sa ingay na narinig ko at gumising sa mapayapa kong pagkaka-idlip. Sanay na sanay na ako sa sigaw ni Aly sa tuwing kinikilig siya sa mga pictures noong mga K-Pop male idols na gustong-gusto niya pero ano na naman kayang kinakikiligan niya ngayon?
Kagagaling ko lang sa trabaho at dahil sa pagod, bagsak na agad ako sa kama. Kumain kami sa labas kanina noong mga katrabaho ko sa teatro kaya diretso tulog na ako. Alas-otso pa lang ng gabi, panigurado, nasa trabaho pa si Evah.
"Aly, ang ingay mo. Ano na naman bang pinagsisigaw mo riy—" I purposely stopped when instead of seeing Aly alone in the living room, squealing at her phone for some images, I saw a crowded living room. Napanganga ako habang tinititigan ang mga lalaking kasama ni Aly sa sala. Oh, let me rephrase it, mga nagaguwapuhang mga lalaking kasama ni Aly sa sala. Those guys I often saw on TV, on magazines and even on Aly's phone, were all materialising in front of me, all staring at me sharing a shock expression.
I was not a fan of them but never did I say that they were not handsome. Kahit na minsan ay kinabu-buwisitan kong marinig ng paulit-ulit ang mga kanta nila, kahit na sawang-sawa na ako sa mga pagmumukha ng mga ito sa phone ni Aly, hindi ko maitatangging ang gaguwapo nga nila.
I couldn't blame Aly for being so crazy over these guys. They were worth a falling crown and a rising heels. They were all worth a shaking heart. Also, for being Aly's friend for a long time, with her nonstop fan girling over these boys, it wasn't really that hard to know them one of by one. I knew who was who, and what their roles in the group.
"Em! Omg, Em! BTS! BTS is here!" Aly stood up from sitting on the single couch and marched towards me like a salted worm, the pitch of her voice was higher than normal and she almost tripped at her feet only if a cold and lazy looking Min Yoongi hadn't held her arm to steady her. "Oops, that was close! Thanks, Suga-ssi!"
Nagulat ako sa pagiging pamilyar at comfortable niya sa harap ng BTS at ni hindi man lang niya pinansin ang walang eskpresyong pagtango sa kaniya ni Suga of BTS. The cold rapper just went back to sitting on his part of the long couch as he crossed his arms on his chest and didn't give a damn anymore while V of BTS managed to utter some words.
"You should watch your steps carefully, Aly-ssi." His voice was much deeper than used to, perfectly complementing his pair of deep-hooded eyes though I was damn sure that he was one of the group's sunshines.
Sure, what he said was unnecessary but... very thoughtful. I meant, hindi naman sa inaasahan kong maging isnabero't mga suplado itong mga lalaking ito pero iyon naman talaga dapat. My job at the theater somehow had taught me things about the entertainment world. Idols weren't supposed to be so closed to their 'fans'.
Mula kay Aly na nakalapit na sa akin, my eyes stared past her shoulder to one of the guys behind her who was staring back at me. It was an instinct when you feel like someone is staring at you. Malalim kung tumitig ang mga tsokolateng pares mga matang iyon na mas lalong nadedepina dahil sa itim na itim niyang mga kilay at bahagyang naka-awang na mapupulang mga labi. Fringes of his raven hair were almost covering his eyes, they were brushed perfectly.
Kung si Aly ay parang inasinang bulate, pakiramdam ko, pinuno na ngayon ng inasinang bulate ang tiyan ko dahil sa kiliting nararamdaman ko at parang gusto kong bumalik sa loob ng kuwarto ko para magtago mula sa mga matang iyon. Or was it even possible? Hindi ba't butterflies ang mga iyon base na rin sa mga linyahang madalas kong marinig sa teatro at kung minsan ay nababasa sa mga libro?
I firmly pursed my lips as I immediately turned my eyes to Aly, not wanting to get deeper into those pair of chocolate eyes. "Nakikita ko." Inirapan ko siya dahil sa napaka-obvious niyang kilig para sa mga lalaking ito. "Bakit sila nandito?" untag ko, sinadya kong mag-Tagalog para hindi ko sila ma-offend lalo na at sa paraan ng paninitig sa akin ng isa sa kanila, pakiramdam ko, kakainin niya ako ng buhay.
Why was he even staring at me like I had done something wrong to him? Galit ba siya?
Ngumuso si Aly at tumuwid ng tayo ngunit kitang-kita ko pa rin ang kislap sa mga mata niya. Well, heto ang mga lalaking madalas niyang pinapantasya, hindi ko siya masisisi. Baka nga kapag nakita ko sa personal si Justin Timberlake ay baka maglupasay na lang din ako dahil crush na crush ko talaga iyon.
Bumuntong-hininga siya pagkatapos. "Hinahanap nila si Hanselle, Em," mahinang sagot niya.
I sighed for I couldn't help it. Sa totoo lang, misteryo pa rin para sa akin kung paanong nagkaroon si Hanselle ng relasyon sa mga lalaking ito. I was very shocked too when she had told us about her and Jimin of BTS. Na sa sobrang misteryosa niya, may itinatago pala siyang ganoong karanasan. Na sa lahat ng tao, BTS pa. It would have been very easy to take and understand if it wasn't BTS. I meant, if it was just an ordinary guy. But then, we can't question fate's will. That was how it was because that was how it was.
No one should question it.
Binalingan ko ang mga lalaking nasa sala na pare-parehong tahimik at nakatitig lang sa amin ni Aly. My eyes found Jimin of BTS, the lead vocalist and Hanselle's boyfriend, my heart ached when I saw his sad eyes. Sure again, Hanselle was very lucky to have Park Jimin as her boyfriend, but also very unfortunate because well, Park Jimin was an idol.
He was everybody's business, these guys were everybody's business.
I stopped myself from stepping back, taken aback when they all suddenly stood up and in sync, they bowed at me. Pinigilan ko rin ang matawa dahil sa sobrang formality na ipinapakita nila. Though yes again, I felt like our small house was sheltering Kings at very the moment. Nakakahiya sa mga mamahalin nilang kasuotan at nakaka-intimidate na presensya ang maliit naming bahay.
"Dul, set! Annyeonghaseyo!" They even greeted me in perfect synchronization, their voice mixing with each other.
Naglaglag ang panga ko sa ginawa nila, hindi inaasahang makikita ko ang sabay-sabay na pagbati nila katulad ng madalas nilang ginagawa kapag bumabati sila sa mga broadcast nila. Aly immediately held my hand and dragged my dazed self towards the living room. Pina-upo niya ako sa single couch na kinauupuan niya kanina.
"Take a seat, sit." Sinenyasan niya ang mga ito na maupo na muli bago siya naupo sa armrest ng couch saka pa lang ako nakabawi sa pagkakamangha.
Sinilip ko ang kuwarto nina Aly. Nakapinid iyon kaya malamang hindi pa dumarating si Evah. Nag-overtime na naman yata ang babaeng iyon. She was actually a night courier just around the city. Sa sobrang sipag niya, pagkatapos ng oras niya sa iskuwelahan ay inuubos niya pa ang gabi niya sa trabaho. She also had work in the morning. So her life revolved around work in the morning, then school, then work again in the evening. So hardworking!
Nalaman kong narito nga sa bahay ang BTS dahil kay Hanselle. Nang umalis si Hanselle at bumalik sa Pinas, alam kong hindi sila nagkausap ni Park Jimin. Hanselle was both devastated and so hurt when we had taken her to Victoria Hotel, I was sure, they had a misunderstanding.
Naulit pa ang pagpunta ng BTS sa bahay ng isa pang gabi, at gaya noong nakaraang gabi, si Hanselle pa rin ang hanap nila. Gusto kong maawa kay Park Jimin dahil nakikita kong gusto na niyang makita si Hanselle. He even told us that she wasn't answering his calls. What could probably Hanselle be thinking by now? Balak ba niyang iwan na lang basta si Park Jimin dito? Balak ba niyang itapon na lang basta ang pinagsamahan nila?
Seriously, I didn't know. She was really secretive.
"Why are you outside?" kunot-noong tanong ni Evah nang madatnan niya kami pareho ni Aly na hinahatid ng tingin ang papalayong service van ng BTS.
"Hindi mo naman na naabutan ang BTS, kaaalis lang nila," sagot ni Aly na hindi man lang nililingon si Evah. Napansin ko ang pagsinghap ni Evah sa narinig. She was a fan of them too. Sayang nga at hindi niya na naman naabutan ang mga ito.
"Kumain na kayo? Kain tayo sa Dumpling house?" She smiled at us as she pointed the street since the dumpling house was located there.
And so, we went there to eat.
Those memories were just fragments, just the beginning of the painful past we were all trying to forget. Hanselle had always been in love with Park Jimin. Aly had always been crazy for Kim Taehyung. Jeon Jeongguk somehow had managed to make me fall. But Evah... had she always been connected with Kim Namjoon?
Sa dalawang gabing pagpunta ng BTS sa bahay noon ay wala si Evah. Hindi niya na-meet ang BTS. Ang talagang na-meet lang niya at nakasama ng medyo matagal-tagal ay sina Jeon Jeongguk at Kim Taehyung dahil sa madalas na pagdalaw ng mga ito noon sa amin, na kalaunan ay sinundan ni Park Jimin dahil sa pagkakaayos nila ni Hanselle.
Walang Kim Namjoon sa eksena... kaya paano?
"Em, I..." Mariin siyang pumikit at nang idilat niya ang mga mata niya ay ipinagpatuloy niya ang sinasabi niya. "I'm in a kinda relationship with Namjoon."
I just stared at her as I stood there. Hinayaan kong sagutin ng mga sinabi niyang iyon ang mga gulo sa isipan ko. Kaya magkasama sila ni Kim Namjoon noong gabing iyon ng premiere night ay dahil may relasyon sila. Kaya siya hinalikan ni Kim Namjoon noong gabing iyon ay dahil may relasyon sila. May relasyon si Evah at Kim Namjoon. But since when? How even?
"Actually, we just got back together, hindi ko alam kung paano ko uumpisahan, Em. Masyado kasing komplikado at mahabang storya. I-It just happened—"
"It just happened. That's what we always reason out for every mistake we've blindly done, Evah. Nangyari na lang bigla kaya nagka-ganoon, then how would we explain all the emotions, the people involved and the time consumed if it just happened?" putol ko sa kaniya sa iritadong tono. Mariing kong isinara ang mga labi ko pagkatapos dahil ayaw kong may masabi akong masama ngunit nasulyapan ko ang pagsinghap niya bago malaglag ang mga mata niya.
I was irritated but no, not with her but with myself. Because hell, ganoon din ang ekplenasyon ko sa sariling pagkakamaling nagawa ko. It just happened. Nangyari na lang bigla kaya wala akong nagawa. And funny, it just happened, but I could still remember how it all had happened, every bit of it, every second of it, every action I had shamelessly and blindly done.
Yumuko siya na ikinabuntong-hininga ko. I hoped this wasn't something like a portal, a new opened portal once again bringing us all to the past, to those guys. I hoped this wasn't like what had happened before.
Park Jimin and Hanselle had become our portal before to those people. I hoped Evah and Kim Namjoon weren't anything like Hanselle and Park Jimin.
I really hoped not. Sana hanggang dito na lang. Dahil sino ba ako para pigilan si Evah sa kung anong makakapagpasaya sa kaniya? I knew to myself that I couldn't restrict her from loving the man she loved. Maybe, it must come from me. Ako na lang ang iiwas. Tutal labas naman si Evah noon pa man sa kung anong meron kami nina Aly at Hanselle sa BTS. It was time for her... I really hoped it was just her.
"When... are you planning to introduce him to us?" Ngumuso ako ngunit nakalagpas pa rin ang isang pigil na ngiti mula sa mga labi ko. I had long longed for my friends' happiness, mapa-family related man, career at love life. Sa yugtong ito ng buhay ni Evah, tanging pag-ibig na lang ang kulang sa kaniya. She had a booming career, she had a contact with her family in the Philippines and now, her love life.
If she would ask for my support, then I would willingly give it to her.
Nanlalaki ang mga matang nag-angat siya sa akin ng tingin na para bang hindi niya inaasahan iyon. Laglag ang panga at bahagyang bukas ang maninipis na mga labi.
My heart softened at the sight of her pooling eyes. Masyado siyang malakas sa panlabas na anyo. She had the appearance of someone who was too brave in this life. She had the appearance of someone who doesn't let troubles and problems control her. But honestly, deep inside her, she was just a damsel too. Someone who also needed care from someone. Someone who also sought love from someone. At kung kay Kim Namjoon niya iyon nakikita, hahayaan ko siya.
I trusted that she wouldn't let herself get hurt.
"Oh please, I didn't say that to make you cry, Evah! That was supposed to make you smile!" Bahagya akong napatili dahil sa pag-uunahan ng mga luha mula sa mga mata niya. Mabilis akong umikot sa mesa niya para makalapit sa kaniya. I jailed her in my warm arms immediately. "Kim Namjoon will really meet my fist if he ever makes you cry! That tricky jerk! Ikaw pa talaga!"
Natawa siya sa banta ko habang nanginginig ang mga balikat dahil sa pag-iyak sa mga braso ko. Hindi ko siyempre kayang gawin iyon pero kung sasaktan ng lalaking iyon ang best friend ko, hindi lang ang kamao ko ang ipapakilala ko sa kaniya.
I would raise hell!
And I believed, I had yet to give Park Jimin and Kim Taehyung a fair share of my fists for hurting my best friends.
"He won't hurt me. He had hurt me enough to have a repetition of what he had done before, and he loves me, he's proving me that day by day," natatawa niyang sabi.
Nang bitawan ko siya ay saka ko lang napansin ang kislap sa mga mata niyang noon ko pa pinipilit ignorahin dahil natural namang kumikislap ang mga iyon. Ngayon, alam ko na kung bakit... There's really a reason to every person's eye-spark. In her case, Kim Namjoon was her every eyes-park.
Isa pa, hindi ko siya itutulak na sabihin sa akin ang lahat, kung paano sila nag-umpisa, kung ano ang ibig niyang sabihin dahil naiintindihan kong may tamang panahon para roon.
They say, friendship grows stronger for every space that's been closed between them, but then I just want to add up more, friendship grows stronger for every secret unfolded, it makes us more open to each other. Ironic even because the more you are closer to each other, the more you all open up.
Akala ko, si Hanselle lang ang paradox dito, pati pala friendship namin.
"Sinong magbabantay rito?" I asked her after we both have settled down.
Sinabi niyang lalabas kami, susunduin namin si Aly sa opisina nito sa Eve's Incheon at saka kami didiretso sa lakad namin. Tinawagan na rin niya ito para ipalaam ang tungkol sa lakad. We didn't usually go out together. Even before, we were all so caught up with our own jobs that we were only having our moment together at home. Madalas nagluluto ako ng bibimbap na pagsasaluhan namin over dinner habang nag-uusap ng kung anu-anong bagay.
How could I forget Aly's addiction to K-Pop?
Nangunguna ang BTS noon sa mga paborito niyang i-stalk online. I wasn't really a fan of BTS, not even when we started getting close to each other. I was more of a LUX fan. That was why I was happy when Hanselle met Bien. Mas bagay sila. I could guarantee my friend's life to him, he was trusted and he loved Hanselle so much.
Well, nang dumating sa buhay namin si Hanselle, madali lang para sa aming dalhin siya sa circle of friends namin at sa mga nakagawian namin. Maarte siya, yes, she had a lot of things she didn't like in her life but that didn't make her different from us. Hindi naman kasi siya mahirap pakisamahan kung ugali ang pag-uusapan. She was just a handful of Aly, a bit immature and probably, a piece of Evah in terms of being so timid and intimidating, but all in all, she was fine.
Hindi rin naging mahirap sa amin ni Aly at Evah na mag-adjust sa kaniya noon because we all just had this one thing in common, we were all runaways.
Evah ran away from home, from the Philippines for her dreams. Aly ran away from home to escape her unlucky fate, her parents wanted her to marry someone for their business, I knew that sucks. Hanselle didn't specifically run away but that was what it seemed like before. And me? I didn't specifically run away from home too. My father had let me get away from home, he had let me find my own path and the freedom my father had given me brought me here.
"Nandiyan naman sina Van. C'mon, get your lazy ass up your chair. And, since when did cucumbers taste good with ketchup? Weird taste buds." Ngumiwi siya nang bumagsak ang mga mata niya sa magulo kong mesa na ang platito ng sliced cucumbers at ketchup lang ang natatanging pleasing sa mga mata ko.
Nakatayo siya sa harap ko with her full casual boss-suit attire. A pair of white raffled shoulder top and white fitted pencil cut skirt. Nakasimpleng flats lang siya at kahit na ganoon ay mas matangkad pa rin siya sa akin ng ilang hibla kahit na naka-two inches heels ako.
"Okay. Let me have five minutes to prepare." Nagkibit-balikat ako at sumandal sa upuan ko, because I really felt like not moving at all. Mas gusto kong maupo na lang dito sa upuan ko, matulog sa couch more so, buong magdamag.
"When will that five minutes start? When you get up from there or now, right now? Is it tickling already?" She mocked at me, seeing that I still didn't want to move.
Bumuntong-hininga ako at tamad na tumayo. Seriously, I had been very lazy and lousy this past few days. Naisip kong baka dahil lang ito sa kawalan ng ginagawa. Nasanay kasi akong parating kumikilos dahil sa schedule kong parating puno. I was just used to moving around that it was making me feel all lazy and sleepy now that I was only sitting here in my table and working corporately.
"Restroom lang ako."
Inirapan niya lang ako kaya nagtungo na ako sa restroom na nasa loob lang din ng opisina niya at nag-ayos ng sarili. Marahan kong hinampas ang magkabilang pisngi ko at bahagyang ngumuso nang mapansin kong parang tumataba ang magkabilang pisngi ko dahil sa kakakain ko.
"Stop pigletting around, Em. You're bloating," mahinang pagkausap ko sa repleksyon ko sa salamin. I was sure, if normal times, Eura unnie would have scolded me for not watching over my body and health. She actually was kinda strict when it came to my diet.
Nang matapos akong mag-ayos, with only a touch of lip tint to life my lips and powder to my face, lumabas na ako ng restroom. Naabutan ko si Evah nangumingiwi habang ngumunguya.
Kunot noong nilapitan ko siya. "What's wrong?" I asked her.
"It doesn't taste so good. Paano mo napagtitiisan iyan?" Itinuro niya ang cucumbers na nasa mesa ko.
"It doesn't? Masarap kaya. Your taste bud's just weird, Evah," naiiling na sabi ko na nakapagpa-arko ng mga kilay niya.
"Tss. Ako pa ang weird ah? You can even ask Aly and she won't ever eat that," aniya. "Anyway, let's go. Baka mainip ang isang iyon. Kanina ko pa siya tinawagan." Nauna na siyang naglakad palabas ng office at tahimik na sumunod na lang ako sa kaniya kahit na gustong-gusto ko pang dipensahan mula sa kaniya ang walang kamuwang-muwang kong cucumbers at ketchup na pinagdiskitahan niya.
Binati kami agad ng isang waiter pagkalabas namin ng opisina. We had both Koreans and Filipinos for our staffs, but since this was a Filipino cuisine, ever since Evah had taken her hands off the kitchen, we had hired Filipino chefs and cooks. Mayroon din namang mga Koreans for the Korean delicacies as complementaries, but mostly were Filipinos. Sa mga staffs naman sa labas ay halo.
"Annyeonghaseyo, Emi-ssi, Evah-ssi!" Van greeted us, shortly leaving the waiter he was talking with when we reached the hall. He was the head manager of this branch. Mukhang naglilibot siya para i-check ang trabaho ng bawat isa.
"Annyeong!" magiliw kong bati sabay kaway. Napansin ko ang bahagyang pagsinghap ni Van bago siya yumuko. I also noticed that some of the staffs were staring at us. I could even see both amusement and admiration from their stares.
Hindi ako madalas dito sa Eve's noong busy pa ako sa showbiz kaya hindi ko sila masisisi. Hindi pa rin naglalabas ng official statement ang HIT tungkol sa pagbibitaw ko. It was not a big deal for me. If only I could get out of the showbiz world as silent and as peaceful as possible, then I would.
"Van, can you look out for the resto? We'll just eat outside," banayad na sabi ni Evah kay Van.
"N-Ne," was all he said, still his head down.
Hindi ko napigilang matawa dahil sa ipinapakita niyang shyness gayong alam ko namang gustong-gusto nila akong nakikita. I always heard Aly saying how the staffs often asked about me before.
My job, my career both deprived me and gave me the social life. Meeting people was a part of my job but on the other hand, I was deprived of a low profile life. Kasi hindi ako puwedeng lumabas at mamasyal katulad ng normal na ginagawa ng ibang tao.
I gently bowed while chuckling before Evah and I both turned to the exit. Napansin ko pa ang bahagyang pag-atras ni Van sa ginawa ko at ang singhapan ng mga taong nakamasid.
"Yah... Emi-ssi is so beautiful in flesh. I couldn't just take my eyes off her."
"Is she going to stay here longer now? I hope she does."
"So it's really true that she's also a bachelorette, it's so nice seeing her in person."
I heard people talk as we passed by the other staffs and the tables where there were customers. Mas lalo akong natawa nang marinig ko ang pabirong pag-ismid ni Evah sa tabi ko. Only that, my smile instantly vanished when we both stopped at the sight of the two figure standing at the door frame of the entrance.
Two figures, one was covered in a black zip-up hoodie and one was covered in white hoodie dress but both were wearing black masks. At sinong hindi makakakilala sa kanila? Oh, not me. Kilalang-kilala ko sila.
Nang suminghap si Evah ay agad kong naintindihan na ang isa sa mga ito ay narito para kay Evah but what the hell?! I was going to ask this again, what the hell was he doing here again right in front of my eyes, appearing so gorgeously handsome?! Like he just didn't make me the messiest version of me that one particular night which I had been trying to forget?!
JEON FREAKING JEONGGUK, for the hell-ish third time?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top