Prologue:
"Mama I want to go home ayaw ko dito please." sabi ng isang batang babae hindi niya na napigilan ang sarili at umiyak ng umiyak umalingaw-ngaw ang iyak niya sa lugar na 'yon kaya kaagad naman siyang pinataha nang kanyang ina sa pamamagitan ng pagyakap nito ng napakahigpit.
"Hush baby don't worry okay makakaalis rin tayo dito, everything will be fine." Hinagod-hagod pa ng kanyang ina ang kanyang likuran para patahanin siya.
"But ma I-I want to go home now...it's scary here a-nd where's papa, ma? W-where did the goons bring dad?" tanong ng bata sa kanyang ina na napahagulgol na din sa pag-alala para sa kanyang asawa na kinuha ng mga lalaking naka itim kanina.
Pero kailangan niyang magpakatatag para sa kanyang anak kaya pinunasan niya ang kanyang mga luha.
Hindi ito ang oras para maging mahina.
Ilang minutong nakakaraan lumapit sa kanila ang mga lalaking naka-itim kanina.
"Hoy! kayo tumigil na nga kayo sa kakaiyak dyan halika na ikaw na ang susunod." sabi ng isang lalaking naka itim habang sapilitang hinihila ang ina ng bata.
"Mama...m-mama ko...s-saan niyo d-dadalhin ang mama ko...mama!" Iyak ng iyak ang bata ng tuluyan na ngang nakuha ng mga lalaking naka itim ang mama niya.
Iyak parin siya ng iyak hanggang naka rinig siya ng putok ng baril sa labas ng kwarto kung saan siya nakakulong kaya mas lalo siyang nagwala at nag-ngawa nang nag-ngawa.
I want my mama and papa, Jesus Christ. Keep them safe for me please.
Sa murang edad ay may alam na siya sa mga nangyayari.
Hindi na ito bago sa pamilya niya dahil talagang maraming kalaban ang pamilya niya pero ito ang pinaka-unang beses na nakaramdam siya ng sobrang kaba.
Kabang hindi niya maipaliwanag.
Sunod-sunod na pagputok ng baril ang kanyang narinig. Hindi mapakali at iyak ng iyak sa sobrang pag-aalala para sa kanyang mga magulang
"Mama...m-mama...m-mama." Paulit-ulit niyang nai-usal. Tuliro at parang wala sa sarili.
Nasa ganun siyang kalagayan ng may nagbukas ng pinto kung saan dinala ang kanyang ina at nang makita niya kung sino ang lumabas sa pintong iyon ay nagbunyi ang kanyang puso sa saya dahil nakita niyang maayos lang ang kanyang ina at nasa maayos na kalagayan. Ang pinag-aalala niya nalang ngayon ay ang kanyang ama dahil hindi niya alam kung ano na ang nangyayari rito habang tumatakbo ang oras.
"Mama...mama okay ka lang m-mama a-alis na tayo dito mama." Hinaplos-haplos naman nang kanyang ina ang buhok ng kanyang anak.
"Yes baby, aalis na tayo dito wala ng makapananakit sa pamilya natin lalo na sayo, tahan na baby hush." Pag-aalo niya sa kanyang anak.
"Yes mama." Rinig na rinig dito ang mga mumunting hikbi dulot ng takot na kanyang nadama kanina.
"Tara na baby alis na tayo dito."
Pero bago pa sila maka-alis nakarinig sila ng sunod-sunod na pagputok ng baril.
Parang huminto ang kanyang oras nga makitang unti-unting bubumagsak ang kanyang ina sa hallway ng abandonadong mansyon na kinaroroonan nila.
"Ma! Mama gumising ka! Mama! Mama wag mo kong iwan." Pilit na tinatayo ng kanyang mga munting kamay ang kanyang ina ngunit hindi niya ito kaya dahil bata lamang siya at hindi sapat ang lakas niya para saluhin ang kanyang ina.
"Wag kang m-mag-aalala anak parati pa din a-akong nasa tabi m-mo...g-gagabayan kita sa mga pag-subok n-na pag-dadaanan m-mo mahal na mahal k-kita a-anak, m-mahal na mahal k-ka namin ng p-papa mo."
Pagkatapos sabihin ng kanyang ina ang mga katagang iyon ay bigla na lang nagkaroon ng malakas na pagsabog.
Iyon ang huling alaala niya bago ipinikit ang kanyang mga mata.
"Mama."
Ang huling na i-usal niya sa huling sandali.
"Mama!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa isang panaginip, hindi lang ito isang simpleng panaginip dahil ito'y isang bangungot na hanggang ngayon ay pilit na humahabol sakin at nakatatak parin sa isip ko.
"Mama, papa hindi ako titigil hanggang hindi ko nakikita ang pumatay sa inyo, pagbabayaran nila ang lahat ng ginawa nila sa inyo at sa pamilya natin."
√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√√
Hello guys that's the prologue😂 comment naman kayo Kung okay ba yung story ko this is my first time to publish a story Sana magustuhan niyo actually guys maraming tambak na story akong ginagawa but ito muna ang ifofocus ko.
Minsan kasi hindi na ako nakakasabay sa flow ng story at minsan nakakalimutan ko na kung ano ang nangyari kaya nagkakaroon ng mga misunderstand na mga events sa story kaya sorry guys at sa mga typos din sorry po hindi po kasi ako nag eedit huwag niyo po sana ijudge ang story Ko❤❤.
Kung nagkaroon man ako ng mali sa flow sa story please tell me guys para magawan natin ng paraan at masaayos ko sa tama thank you guys.
Alam kong maliit lang kayong nagbabasa nito pero sana matulungan niyo ako guys na mas ma improve ko ang writing skills ko and feel free to message me and give me some advice.
I'm not a professional writer I'm just a student who wants to share my imaginations to others .
Thank you for reading this guys hope you enjoyed!
Can you give me a star? 🌟🌟🌟
Thank you guys!
Read.
Vote.
Comment.
Follow.
And.
Share.
-@cgStiles.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top