Chapter 15
Prince POV
Nararamdaman ko parin ang mga malalamig na titig niya sa aking likod.
Habang nagsasalita ang lec. Namin sa harapan yung tao naman sa likod ko unti unti na akong pinapatay sa isip niya.
Alam kong pinapatay niya na ako sa isip niya dahil obvious naman yun tks.
"Okay class since this is our first meeting, I want to introduce myself." Tinignan niya ang bawat estudyante. "I'm Lecturer Paul Arthur." WOW Arthur pala last name ni lec. Hindi naman na kakataka yun dahil klaro naman sa mukha niya ang pagkakaroon niya ng dugong dayuhan.
"Dahil ito ang first meeting natin i want you all to formally introduce yourself in front." Our lec. Scan the whole room.
Tks. Same routine in first day of school. What's new? Parang ganun lang naman lahat e magpapakilala ka sa sarili mo and same goes with them.
Spell boring. Tks. School.
I hate going to school it's making me lazy kung meron lang akong inspirasyon para mag aral ng mabuti aaraw-arawin ko talaga ang pag pasok sa school but I'm not like those cheesy guys so I don't need one.
"The introducing blah.. Blah.. Well start on the last row near the window."
Lumingon ako sa likod ko dahil yun na ang last row na malapit sa bintana.
Napanganga ako sa nakita ko.
Wow as in Ace ganyan ka pala sa school tsk.
"Students? Nasan na ang nasa last row malapit sa bintana?" Mahinhin na tanong ni lec. Sa amin
Di ko alam kung bakit ganyan yang ugali ni Ace siguro ganyan lang talaga siya tks.
Di naman talaga maipagkakaila na ganyan talaga yang ugali niya kasi mukha palang obvious na hindi din siya palasalita siguro ang baho baho na ng bibig niyan dahil sa panis na laway hahaha.
"Student on the last row?"
Tanong ulit ni Lec pero itong babaeng to mahibing paring na tutulog sa upuan niya tsk. tks. Pasalamat na lang siya at mukhang hindi naman terror tong lecturer namin.
"Student on the last row? Nasan ka na?" Hindi na nakatiis ang lecturer namin kaya nag lakad na lang siya papalapit sa upuang nasa likod ko.
Tks. Pasaway na Ace kung hindi ka lang sana masyadong tamad.
Well di ko naman siya masisisi talaga namang nakakatamad talaga sa school.
Ako, tinatamad din ako sa school at natutulog pero hindi naman sa ganitong may mga bagong teachers kami.
Kay bago bago pa niya sa paaralan namin pero ganyan na agad.
Nagulat pa si lec ng makita ang kanina pang studyante na tinatawag niya na tulog.
Nakabawi naman siya agad sa pagkagulat.
"Miss." tawag niya kay ace pero ito namang si ace tulog na tulog parin parang walang narinig.
Mas lumapit pa si lec. Kay ace
"Miss, it's a class hour why are you sleeping?" Niyogyog ni lec ang balikat ni ace sakaling magising ito pero mukhang antok na antok talaga ito.
Ginising ni lec si ace at bahagya namang tumagilid ang ulo nito kaya kitang kita ko na ang mukha nito.
She has a perfect face.
Perfect nose.
Perfect jaw line.
Sparkling eyes.
And last but not the least...
Those lips.
Tks. Ano ba tong iniisip ko wag niyong sabihing pinagnanasaan ko tong babaeng to.
Maganda sana kaso barako naman kung umasta.
Nagising na din sa wakas si Ace.
Nagtama ang mga mata namin at hindi ko alam kung bakit nagiging abnormal tong puso ko.
Parang may maliliit na tao na pumupokpok sa puso ko.
Nakakatakot pero ang sarap sa pakiramdam.
Sana ganito na lang palagi ang mararamdaman ko, ang saya saya.
Sobrang sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon.
Naputol lang ang titigan namin ng bigla na lang nag salita si lec.
"Miss did you know that this is a class hour? Sana hindi ka natutulog sa ganitong oras."
Binalingan siya ng tingin ni ace pero hindi naman siya sinagot nito.
"What's your name?"
Hindi naman stricto si lec. Ni hindi nga siya na galit kay ace kahit na timutulog lang to sa klase niya.
"Ace." Maikling sagot ni Ace.
Sa sobrang dami ng tanong ni lec. Paul kay Ace ang tanging sinagot lang ni ace sa kanya ay ACE! Nasan ang hustisya para sa mga lecturer.
"Can you please complete it Ms. Ace and please stand up while your introducing yourself."
Kahit labag sa loob ni Ace tumayo na lang siya at nagpakilala sa sarili.
"Aceylic Blem." Napatigil ang lahat dahil sa lamig ng boses ni Ace.
Hindi man lang siya nag pakilala ng pormal kay lec. Parang ang bastos pa ng dating ng pag papakilala niya. Tks.
Umupo na si Ace pagkatapos mag pakilala. Hindi man lang siya nag pakilala ng mas maayos at kagalang galang. Tanging ang pangalan niya lang ang sinabi niya.
Bakit sobrang napaka mysterious mo Ace. Wala na akong ibang alam tungkol sayo maliban na lang sa mga kakarampot na impormasyon na inimbestigahan ng kambal. Kahit address mo wala. Wala ka ding magulang nasan na ba sila? wala ka ba talagang magulang? o sadyang sinadya mo na huwag sila ilagay dun.
Paano ka ba tinanggap ng school namin? Kahit yung mga files mo dito sa paaralan kakaunti lang din. Tks. Mabuti tinanggap ka pa. Sakatunayan lang hindi na tumatanggap ang school namin ng mga bagong lipat lalong lalo na ngayong nagsisimula na ang pagpasok at na late na sila sa mga past lessons namin. Hindi naman lahat ng transferres hindi tinatanggap depende lang yun.
Yung mga impormasyon sa kanya dun ay tungkol lang sa panggalan niya, edad, at yung past school niya. Nagtataka din ako sa past school niya tks. Galing siya sa isang delinquent school at nalipat siya dito sa amin it doesn't make sense. Hindi tumatanggap ng ganun ang paaralan namin. Maliban na lang kung nagbago ka na.
Hindi din basta basta ang paaralan na to sa unang tingin parang normal na paaralan lang to pero hindi mag tatagal unti unti ding lalabas ang tunay na kulay nito.
Aware naman ang ibang studyante tungkol sa napasukan nilang school. Sa ngayong mga pa unang buwan pa lamang mas more on kami sa academics tapos pagkatapos ng 3 months dun na mag sisimula ang totoong pasukan ng mga studyante.
Hindi ko naman sinasabi na hindi totoong pasukan ng mga studyante ngayon dahil lang sa focus kami ngayong buwan sa academics pero iba parin talaga kapag lumagpas na ng 3 buwas. Unti unti niyong makikita ang pag babago ng lahat at hindi niyo aakalain na ang lahat lang pala na ito ay peke lang. Hindi matatanggap ng sarili niyo na dahil lang sa mga bagay na hindi naman napaka importante mawawasak ang lahat ng pinaghirapan mo. Maraming mawawasak lalo na ngayon at ang pinaka unang target nila ay si.......
Si Aceylic Blem.
The end of chapter 15.
************************************************************************************************************
#HerSmile.
#YourChoice.
Read.
Vote.
Comment.
Follow.
And.
Share.
-@cgStiles
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top