Chapter 7
Nagising si Lauren nang wala na si Kenzo sa tabi niya. Napansin niya ring naka-bihis na siya ng isang malaking t-shirt. Kinusot niya ang mata at uunat sana nang napadaing siya sa sakit ng kaniyang hita at parteng gitna.
Napahawak siya sa isang ulo niya gamit ang kaliwang kamay at ang kanang kamay niya naman ay inaabot ang kaniyang cellphone malapit sa lampshade na nakatabi sa kama niya.
Tiningnan niya ang oras at nakita niyang 9 na ng umaga. Napansin naman niyang may message sa kaniya si Kenzo kaya in-open niya 'yon.
From Kenzo,
- I'm sorry for not waiting until you woke up because the maids wake up at 5 a.m.
Kanina pang 4:40 a.m ang mensahe na 'yon. Hindi naman siya galit dito dahil tama lang ang ginawa nito. Mahirap na pag may nakaalam ng mga pinag-gagawa nila. Pinilit niyang makatayo para tumungo sa banyo at maligo pero natigilan siya at napaupo ulit sa dulo ng kama.
"We did it... but we don't have any protection... oh, shit!" sambit niya habang sinasabunutan ang sariling buhok. Bakit ngayon niya lang na-realize iyon. Hindi pa naman siya umiinom ng pills at wala siyang mabibilhan ngayon dito.
Bakit kasi ngayon ko lang naisip 'yon! Hindi pa naman siguro huli ang lahat 'di ba?
Unang beses pa lang 'yon kaya imposible namang mag bunga agad ang ginawa nila.
Oo, tama! Kalma lang dapat ako.
Kinumbinsi niya ang sarili bago tumayo muli at tumungo na sa banyo. Nagbabad siya ng maligamgam na tubig sa bathtub at ni-relax ang sarili. Nang matapos ay nagbihis siya ng isang simpleng bestida at ginawa pa ang skincare routine niya sa umaga.
May kumatok sa kaniyang pinto pero alam niya na agad kong sino 'yon dahil sa maingay na boses pa lang.
"Madam! Gising ka na ba?" halos pa sigaw na sambit nito habang kumakatok. Inayos niya lang ang buhok niya at kinuha ang cellphone bago buksan ang pinto.
"Oh, magandang umaga madam! bakit parang nadiligan?" kumunot ang noo niya rito at medyo kinabahan.
"W-what do you mean!" inis na tanong niya rito at nilagpasan.
"Joke lang naman madam! kasi naman parang ang blooming mo!" bumaba sila at dumeretso siya sa hapagkainan para kumain ng breakfast.
"Si grandpa?" tanong niya kay Mutya.
"Ay, maaga po umalis si Don," na naman? Hindi niya alam kong bakit na lang ito lagi umaalis. Ang alam niya kasi dito lang ito nagta-trabaho sa mansyon, pakiramdam niya talaga may problema sa kompanya. Hindi rin nag-re-reply masiyado sa kaniya ang kaniyang ama at hindi niya alam ko bakit.
"Just get me an almond milk and cereals," utos niya kay Mutya na agad naman nito sinunod. She open her phone to send a message to Kenzo.
To Kenzo,
- Good morning! I just woke up, I'm eating breakfast.
Napangiti siya nang ilang segundo lang ay nag-reply na agad ito. Hindi niya maiwasan na isipin kong nag-aantay ba ito sa reply niya.
From Kenzo,
- Good. Come here in the wine cellar after you eat.
Mabilis siyang kumain ng breakfast at bumalik ulit sa kwarto para mag-toothbrush at mag-ayos, sinigurado niya na naglagay siya ng strawberry lip balm niya.
Malalaki ang hakbang niya papunta sa wine cellar pero nasa vineyard pa lang siya banda nang makita na si Kenzo na may kausap na isang babae. Napataas ang isang kilay niya nang makita ang babaeng hinihimas pa ang braso ni Kenzo.
"Madam, ang bilis mo naman maglakad!" nagulat siya kay Mutya nang sumunod pala ito.
"Who's that girl?"
"Ah! si ma'am glyzel po, big buyer po siya ng mga wines natin. Last year po narito rin 'yan eh, hindi para sa wine pero para bisitahin si Kenzo. Mukhang bet na bet siya ni ma'am glyzel." humagikgik si Mutya kaya tinignan niya ito ng masama.
"Who's prettier and sexier? siya o ako?" tanong niya rito at mas lalong uminit ang ulo niya nang matagal itong sumagot.
"Mutya!"
"A-ano po kasi madam... mas maganda ka po at sexy pero mas mature lang po siya tingnan? maganda po kayo pareho pero may ibang ganda, parang si ma'am glyzel po malakas ang sex appeal dahil siguro mas mature siya tingnan at kasing edad lang din siya ni Kenzo." Napaayos siya ng buhok niya. Pinasadahan niya ng tingin ang babae at mukhang mas malaki nga ang hinaharap nito at mas matambok ang pwetan kaysa sa kaniya.
Hindi na siya nag dalawang isip at mabilis na lumapit sa mga ito.
"Kenzo," mariin na tawag niya sa binata dahilan para mapalingon ito pati na rin ang babae.
"Oh, you must be Don Azunto grand-daugther! Hi, i'm glyzel." Inirapan niya lang ito at hindi tinanggap ang tinaas na kamay. Nakita niya na parang napahiya ito at binaba na lang ang kamay.
"Sasamahan mo ako sa bayan 'di ba?" kumunot ang noo ng binata na parang nagtataka sa sinasabi niya.
"Ay madam pupunta ka b—" agad niyang inapakan ang paa ni Mutya para tumigil sa kakasingit.
"Yes, 'di ba nasabi ko na sa'yo? ipagda-drive mo ako, Kenzo." ngumiti siya rito na parang nanlalambing.
"If you want my driver can accompany yo—"
"I'm not talking to you, ikaw ba si Kenzo?" she's now releasing her inner bitch attitude. Ayaw niya sa babaeng ito, masiyadong papansin. Napatingin siya kay Kenzo nang hawakan nito ang siko niya.
"She's a client, Lauren." ma-awtoridad na bulong nito sa kaniya na parang binabalaan siya sa kilos niya. Pero dahil mainit na rin naman ang ulo niya sinabayan niya na ito.
"So what? I need you to drive and accompany me." nakipag titigan siya ng husto sa binata at talagang hindi siya ang unang bababa ng tingin.
"Sorry, glyzel. I'll just accompany her, we can talk tomorrow if you want? pupunta ako ng manila." Napalingon naman siya sa babae na parang tuwang-tuwa sa sinabi ng binata.
"Really! then let's meet tomorrow, evening. Same place, near at my unit." maharot na sambit nito at nanlaki ang mata niya nang hinawakan nito ulit si Kenzo sa braso para haplusin.
"Sorry, again."
"Don't worry, accompany the kid."
"Excuse me?! i'm—" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang hinatak na siya palayo rito ni Kenzo. Napatingin siya sa binata at mukhang masama na ang mukha nito. Dumeretso sila sa parking lot kong nasaan ang sasakyan na ginagamit ni Kenzo pag umaalis.
"Get in!" matigas na sambit ng binata.
"I just get my money!"
"Get in. I have money." napabuga na lang siya ng hangin at pumasok sa sasakyan. Nararamdaman niyang galit na galit sa kaniya si Kenzo pero galit din siya. Naiinis siya ng husto sa babaeng iyon. Umagang umaga pinapainit ang ulo niya at mas nainis pa siya na parang hindi siya kinakampihan ng binata.
Pinaandar agad ng mabilis ni Kenzo ang sasakyan at hindi man lang ito nagsasalita. Nakahalukipkip lang siya hanggang sa makalabas sila ng hacienda. Nang hindi na makatiis dahil sa sobrang katahimikan nilingon niya ito.
"Nakakainis 'yang babae mo! Am i look like a kid?" sumandal ulit siya sa inuupuan at humalukipkip.
"She's not my woman, she's a client, Lauren."
"So, what? papansin siya!"
"And you look like a kid because of your attitude!" muli niyang nilingon ang binata habang nakaawang ang kaniyang bibig dahil sa gulat at inis.
"Bakit mo ba kinakampihan! eh di sana hindi mo na ako pinapunta sa wine cellar kong naroon pala 'yong babae na 'yon!" she hissed.
"I didn't know that she'll go there at that time, and please can you lower down your voice? you don't need to shout, magkalapit lang tayo." buryong sambit nito.
"So, galit ka rin sa'kin? because i'm being a bitch? bakit bawal ko ba ipakita na naiinis ako sa kaniya kahit client pa siya? I don't care if she's our client or not, i don't like her!"
Hanggang sa makarating sila sa bayan hindi na siya pinansin ng binata. Kaya bago pa ito bumaba ng kotse kinausap niya ulit ito.
"Dito ka lang, pupunta ako ng pharmacy," sambit niya rito na kinakunot ng noo ni Kenzo.
"Why? are you sick?" napabuntong hininga siya dahil sa tanong nito.
"We didn't use protection, kailangan kong bumili ng pills. I don't like to have unwanted child, and of course you don't like it too." pagkasabi niya no'n, lumabas na siya sa kotse at naglakad papunta sa natatanaw niyang pharmacy.
Pero sa dahil sa inis niya nakalimutan niya atang wala siyang pera na dala. Tumalikod siya pero napaatras din agad nang muntikan na siyang mauntog sa dibdib ng binata. Bakit hindi man lang niya napansin na sumunod na pala ito sa kaniya.
Mukhang kailangan niya ng wine mamaya para kumalma ang buong sistema niya.
"You forgot that you don't have money," mahinang sambit nito.
"A-alam ko! tara na," tinalikuran niya ulit ito at siya na ang nauna sa pharmacy. Bumili siya ng tatlong dosena na birth control pills. Si Kenzo naman ang nagbayad noon at nang matapos sila sa pharmacy biglang kumulo ang tiyan niya nang maamoy ang tinitinda na mais na may cheese.
"You like that?" tanong nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya napansin na nakatitig na pala siya sa mais. Ngumuso siya at aalis na sana roon nang bigla siyang inakbayan ng binata.
"Stop pouting, baby. I won't mind to kiss you in front of everyone." nag-init ang pisngi niya dahil sa binulong nito.
"G-galit ako sa'yo!" inirapan niya ito. Narinig niya pa ang pagbuntong hininga nito bago siya harapin.
"Sorry, okay? She's a client at hindi maganda ang ginawa mo kanina. I'm mad because of that, nothing else. Hindi ko rin siya kinakampihan at mas lalong hindi ko siya babae." Napatitig siya rito dahil hindi siya makapaniwalang nagpapaliwanag ito sa kaniya, parang gusto niya tuloy kurotin ito sa pisngi at halikan ang malambot na labi, kong hindi lang talaga sila na sa gitna ng maraming tao.
"Pahaplos-haplos pa siya kanina," bulong niya.
"Don't worry, hahaplusin din kita sa paraan na gusto mo. Let's buy that food, first. Then i'll take away your anger... in the car."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top