Chapter 17
Nakayuko lang siya habang nasa tabi niya si Kenzo, nagda-drive ito. Kasalukuyan silang papunta sa bahay ni Easton para ihatid ang kaibigan. Pasimple siyang sumilip sa binata at masama pa rin ang tingin nito kahit nakatutok naman ang mata sa daan.
"Tangina! mahal daw pero h-hindi naman ako kaya tanggapin," nagulat siya nang sumigaw si Easton. Nilingon niya ito at nakita niyang nakadilat na ulit ang mata.
"Easton," saway niya rito kahit alam niyang hindi siya nito susundin dahil lasing. Nag-aalala siyang baka mailantad nito ang sarili kahit lalaking lalaki pa rin ang boses.
"Kasi kong mahal mo talaga 'yong isang tao kahit anong kabahuan pa ang malaman mo rito tatanggapin mo! Eh tangina, hindi naman ako 'yong drug lord at mas lalong hindi ako 'yong nagdo-droga! Bakit pati ako nadamay? Ayaw niyang ma-issue gano'n ba?!"
Bumuntong hininga siya at napahawak sa ulo, pati siya naii-stress sa kaibigan. Nang makarating sila sa bahay nito ay hinatid nila ito mula sa loob, mabuti na lang din naroroon ang kasambahay nila Easton kaya natulungan sila nito para maipasok sa kwarto. Kinumutan niya ito at tinanggalan ng sapatos para maayos makatulog ang kaibigan.
Umalis din sila roon at nang makarating sa bahay ni Kenzo ay hindi pa rin sila nagpapansinan. Galit na kinakabahan siya rito, naiinis siya dahil hindi agad ito umuwi dahil na sa club kasama si Glyzel, hindi lang naman ang babaeng 'yon ang kasama nito, may mga kasama rin itong iba pero galit pa rin siya dahil hindi ito umuwi ng dinner. Sana sinabi na lang sa kaniya na hindi ito makakauwi, hindi na sana siya umasa pa.
Pumasok siya ng kwarto pero napalingon din siya ng sinundan siya ng binata. Nakasimangot siyang tumingin dito.
"Matutulog na ako," galit na saad niya rito.
"We'll talk."
"Ayoko, pagod ako."
"Why did you go the club? you're pregnant for pete sake!" mariin ang pagkakasabi nito at halatang naiinis din ito sa kaniya.
Well, the feeling is mutual! galit din ako sa'yo!
"Obvious naman 'di ba? pinuntahan ko ang kaibigan kong lasing," inirapan niya ito at muling tinalikuran. Tumungo siya sa banyo para maghugas ng kamay. Pagkatapos niya maghugas dumeretso siya sa kama dahil nandoon ang night dress niya.
"You should text me, hindi 'yong lalabas ka ng ganitong oras at walang kasama." Napabuga siya ng hangin at tiningnan ito.
"Bakit pa kita ite-text?! eh hindi ka naman nagre-reply! Napakasinungalin mo!" sigaw niya rito at nag-umpisa maghubad sa harapan nito. Wala na siyang pakialam dahil nakita na nito ang buong katawan niya at hindi lang basta nakita, nahalikan at nadilaan pa.
"Stop undressing and talk to me, Lauren." Hindi niya ito pinansin at naghubad pa rin sa harapan nito. Nang matanggal niya ang damit sinuot niya rin agad ang night dress na suot kanina.
"Bahala ka sa buhay mo! you liar!" she shouted again. Sinuklay niya ang buhok niya bago humiga sa kama pero pahiga pa lang siya nang hawakan ni Kenzo ang kamay niya kaya napaupo na lang siya.
"What are you saying? i'm liar?" sinalubong niya ang abong mata nito, kitang kita niya ang pagtataka roon.
"Tinext kita, sabi ko sabay tayo magdinner, um-okay ka pero hindi ka naman umuwi! pinagluto kita pero pinaghintay mo lang ako sa wala?! tapos makikita kita roon sa club kasama ang bruhang Glyzel na 'yon?! alam kong wala akong karapatan dahil wala namang 'tayo', pero nakakainis ka! napaka-sinungaling mo! I hate you!" binawi niya ang kamay niya rito at mabilis na nagtalukbong ng kumot. Pinunasan niya ang luha na tumulo galing sa mata niya.
"You texted me?" rinig niyang sambit nito. May bahid pa ng pagtataka sa tono ng boses nito kaya mas lalo lang siya nairita.
"Huwag kang magmaang-maangan diyan! umalis ka sa kwarto ko," sigaw niya ulit.
"You didn't texted me, Lauren. I swear!" hinablot nito ang kumot na nakatabing sa buong katawan niya kaya napaiwas siya ng tingin dito.
"Check my phone—"
"Aalis ka rito o ako ang aalis?" masama niyang tiningna ito. Bumuntong hininga lang ito at tumayo na sa pagkakaupo. Mabilis siyang nagtalukbong ulit para hindi niya na makita ang binata.
Umiinit lang lalo ang ulo niya lalo na pagnaalala niya ang ngisi na binigay sa kaniya ni Glyzel bago sila makaalis ng club.
Narinig niya ang pagsara ng pinto kaya inalis niya na ang talukbong sa mukha niya. Muli niyang kinuha ang cellphone niya at ini-screenshot ang text message nila, sinend niya 'yon agad sa binata at nakita niyang na-seen naman nito.
Bago niya pa makita ang reply, pinatay niya na agad ang cellphone niya at pumikit. Kailangan niya na matulog dahil masiyado na siyang napupuyat sa araw na 'yon.
Kinaumagahan ay nakita niya si Kenzo sa may sala, hindi ito naka-formal attire. Nilagpasan niya ito at pumunta sa may kusina para kumain na ng breakfast, naramdaman niya pa ang pagsunod nito sa likuran niya.
"Erna 'yong niluto ko kagabi pwede mo bang initin?" tanong niya rito nang magserve ng fresh juice sa harapan niya.
"Iniinit ko na po madam," sambit nito. Mayamaya ay nilapag na nito ang isang bowl ng bistek tagalog na niluto niya.
"Pahingi pa ako ng isang bowl," utos niya kay Erna na agad naman sinunod nito. Sinalin niya ang kalahating ulam at inabot muli kay Erna na halatang nagulat.
"Kainin niyo 'yan,"
"P-po? eh paano po si—"
"Kainin niyo 'yan," ulit niya pa. Nasa harapan naka pwesto si Kenzo kaya ramdam niya ang titig nito.
"O-okay po, salamat po madam. Ang bango po talaga nito," natutuwang sambit nito.
"Of course, i cooked it with effort." Nang magtama ang mata nila ni Kenzo ay inirapan niya ito.
Maingay siyang kumain—oo maingay talaga, dahil bawat pag hakot niya ng kanin at ulam ay pinapatunod niya sa may plato. Gusto niyang maramdaman ng kaharap niya na galit na galit talaga siya.
"Can you eat—"
"Shut up! kong ayaw mong magutom ang anak mo, manahimik ka!" tinaas niya ang tinidor at tinutok dito.
"Don't be childish, Lauren. Talk to me—" naibagsak niya ang kutsara't tinidor dahil nagsalita pa talaga ito. Mabilis niyang ininom ang juice niya bago tumayo.
"Lauren," tawag pa sa kaniya ng binata pero hindi niya na pinansin ito. Bago pa siya tuluyan makaalis doon nakita niya si Erna at Irna na parang nanonood ng teleserye dahil nakanganga pa talaga habang pinapanood sila.
"Itabi niyo 'yong ulam ko, 'wag niyo ipakain sa sinungaling na 'yon!" saad niya sa kambal.
Bumalik siya sa kwarto niya at umupo sa may kama, nakatingin lang siya sa may pintuan kong susundan ba siya ng binata pero hindi siya nito sinundan kaya mas lalo siyang nainis.
Pinunasan niya ang luha sa kaniyang mata. Napaka-emosyonal niya na talaga at ang bilis-bilis niyang umiyak. Nagkulong lang siya roon sa kwarto at binuksan ang cellphone niya para libangin ang sarili.
Lumipas ang oras at tanghalian na, kinatok naman siya ni Irna para yayain kumain pero tumanggi siya dahil ayaw niya makaharap ang binata.]
"Wala po siya madam, umalis na po." Napabuntong hininga na lang siya bago kumilos para bumaba.
"Iyong ulam mo pala madam, kinain ni sir Kenzo. W-wala po kaming nagawa eh," mas lalong lumukot ang mukha niya dahil sa nalaman.
"Sinungaling na nga makulit pa," bulong niya sa sarili. Tahimik siyang kumain ng tanghalian at pagkatapos sa sala na lang siya tumambay dahil wala rin siyang gagawin sa kwarto niya.
Nanood lang siya ng mga movies doon, puro cartoons ang mga pinapanood niya dahil natutuwa siya sa mga 'yon. Gusto niyang malaman kong anong magandang cartoons ang ipapanood niya pag lumaki na ang anak nila.
Nag-vibrate naman ang phone niya kaya kinuha niya agad iyon para tingnan kong sino ang nag-message.
Tumaas ang kilay niya nang makita na may request message galing sa hindi kilalang account sa instagram. Black lang kasi ang profile picture at wala pang name.
Nanigas ang katawan niya nang makita ang sinend na pictures nito. Picture iyon ni Glyzel at Kenzo na papasok sa motel. Kinuyom niya ang kamao niya at pilit kinakalma ang sarili pero bumuhos na ang luha galing sa mata niya.
"Madam ito na po ang mangga— Madam! bakit po kayo umiiyak?" nataranta si Irna sa kaniya. Hindi niya ito pinansin hanggang pati si Erna ay naroon na rin sa tabi niya. Tumayo naman siya at tumungo sa kwarto pero sinundan pa rin siya ng dalawa.
Mabilis niya kinuha ang mga gamit niya at nilagay sa malaking maleta niya.
"Madam, tama na po, 'wag na po kayong umiyak at itigil niyo na ang pag-iimpake. Mayayari kami kay sir Kenzo pag umalis ka ng bahay," natatarantang sambit ni Erna sa kaniya.
"Ayoko na! aalis na ako rito, masakit na talaga," sambit niya habang pinapasok lahat ng damit sa maleta.
"Ano po bang problema madam? baka naman pwedeng pag-usapan," singit ni Irna kaya napatigil siya at napalingon sa mga ito.
"Maraming problema, walang kami pero ito ako nasasaktan."
"T-talaga pong wala kayo ni sir kahit buntis ka?" marahan na tanong ni Erna at tumabi sa kaniya.
"Oo, kukunin niya lang ang anak ko pagnanganak na ako. Kaya lang ako naninirahan dito dahil gusto niyang masigurado na wala akong takas." Pinagpatuloy niya ulit ang pag-iimpake at tinulungan na siya ng dalawa.
"Sige po madam, tutulungan ka po namin makalabas dito." Tumingin siya sa dalawa at nagpasalamat.
"Alam mo madam, kong masakit na 'wag na pilitin kahit mahal mo pa ang isang tao. Lalo na po kong ikaw lang ang nagmamahal. Naranasan ko rin 'yan madam," ngumiti ng mapait si Erna habang nakatuon ang tingin sa may mga gamit niya.
"Tama! kasi ikaw lang ang madudurog," singit pa ni Irna.
Mabilis siyang tinulungan ng mga ito.
Ayaw niya na talaga, suko na siya. Siguro naman maiintindihan siya ng lola niya at ng kaniyang ama dahil sa desisyon niya. Mas uunahin niya ang puso at anak niya kaysa sa hacienda.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top