Chapter 16



Nilalantakan niya ang mango graham na ginawa ni Irna habang nanonood ng cartoons sa sala. Two months na ang tiyan niya at parang mas nagiging bloated na ang pakiramdam niya. 


"Madam ito na ang grated cheese," inabot sa kaniya ni Erna ang cheese kaya agad niya iyong binuhos sa matigass na mango graham. Ewan niya ba pagkatapos ng ice cream at manggang hilaw ito naman ang cravings niya, pero sabi nga ni Erna mas masarap at okay raw ito kaysa sa manggang hilaw at ice cream. 


Naibaba niya naman ang bowl na hawak niya sa hita niya nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Agad niya iyong sinagot nang makita na ang daddy niya ang tumatawag.


"Hello dad?"

"Anak, did you go outside? nandito ako sa unit mo ngayon," nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi nito. Hindi niya pa kasi nasasabi sa daddy niya ang sitwasyon niya ngayon, wala pa itong kaalam-alam na buntis siya at si Kenzo ang ama. 


"Y-yes, dad. Bakit po kayo napadalaw? nandito kasi ako sa kaibigan ko," pagsisinungalin niya.


"I just want to check you, babalik na kasi ako bukas sa america. I'm still an employee there, mabuti na lang kahit papaano hindi ako inalis sa trabaho ng lalaking 'yon." 


"A-ah, ganoon ba dad? I'll just see you tomorrow? ihahatid kita papuntang airport?" 

"No need, if you are really okay then i'm good. Maganda 'yang libangin mo muna ang sarili mo. Pero anak, nakausap mo ba siya? tungkol sa hacienda?" natigilan siya dahil hindi niya alam ang isasagot sa kaniyang ama.


"Hindi pa po, dad. Pero kakausapin ko po siya tungkol doon, ' wag kayo mag-alala dad mababawi natin ang hacienda." 


"Okay, mag-iingat ka lagi. Just tell me if you want to go back in america, so i can prepare your ticket."

"Okay, take care too!" she hung up the phone and let a heavy sighed. Hindi niya alam kong paano ipapaliwanag sa kaniyang ama na buntis siya at naririto rin siya sa puder ni Kenzo.


Kinalikot niya ulit ng phone para mag-send ng message kay Kenzo. Gusto niya kasi malaman kong makakauwi ba ito ng dinner dahil balak niyang ipagluto ito, tutal kompleto naman sila sa ingridients dahil kaka-grocery lang nila Erna at Irna kahapon.


To Kenzo,

- Dito ka ba mag di-dinner?

- Pwede bang sabay tayo mag-dinner?


Sunod sunod ang pag text niya rito dahil hindi siya makapag-antay sa isasagot nito. Days passed and she think that they are more okay now. Pinapansin naman na siya ng binata lalo na dahil concern ito sa anak nila. Kahit na 'yon lang ang dahilan masaya pa rin siya, atleast pakiramdam niya nababawasan na ang galit nito sa kaniya.



From Kenzo,

- Okay.


Masaya siya kahit maiksi lang ang reply nito sakaniya. Tumayo siya at tumungo sa kusina para tumingin ng mga ingridients. Hindi siya magaling magluto pero kaya naman niyang gumawa ng recipe. Hindi siya nakakasunog ng pagkain kaya sa tingin niya ay marunong naman siya. 


"Manang Fe, ako na po ang magluluto ng hapunan namin ni Kenzo," sambit niya kay manang Fe, dahil ito ang taga luto sa bahay.

"Sige hija, sabihan mo lang sila Erna at Irna kong kailangan mo ng tulong." Tumango lang siya sa matanda at kinalikot na uli ang cellphone niya para tingnan ang recipe ng biskek tagalog. Natuwa naman siya dahil lahat ng ingridients na kailangan niya ay meron.


Alas-kwatro pa lang ng hapon kaya may time pa siyang mag marinate ng beef. Hindi na siya nahirapan sa paghihiwa dahil matalas naman ang kutsilyo na meron sa bahay. Hiniwa niya ang beef sirloin ng maninipis at pagkatapos no'n hinanda niya ang mga pang marinate sa meat. Nang magawa iyon ay nilagay niya sa ref para i-marinate kahit mga dalawang oras. 



Habang naghihintay siyang lumipas ang dalawang oras nag ligpit na siya ng mga kalat niya sa kusina, hindi niya na pinatulong sina Erna at Irna dahil kaya naman niya magligpit dahil hindi naman marami ang kalat niya.


Dumeretso siya sa kaniyang kwarto nang matapos siya sa kusina. Kinuha niya ang night dress na binili sa kaniya ni Kenzo noong nakaraan. Mamaya susuotin niya iyon pagkatapos nila maghapunan. Excited na siya para mamayang gabi, sobrang sabik niya talaga sa binata, parang gusto niya ito lagi maramdaman at makadikit. Gusto niya man maging clingy rito pero nakikiramdam pa rin siya dahil baka magalit na sa kaniya si Kenzo.



Mabilis naman lumipas ang oras at nang ala-sais na ng gabi ay bumaba muli siya para mag-umpisa nang magluto. Inamoy niya ang marinated beef at tuwang tuwa siya sa amoy, maski siya ay natatakam. 


Kinuha niya ang non-stick pan at doon siya nagluto. Nag stir fry siya ng sliced white onion hanggang sa lumambot iyon at tinanggal niya rin sa pan. Sinunod niya naman ang marinated beef at hinalo-halo para hindi masunog at sinigurado niya na tama lang ang apoy. Nagpatuloy lang siya sa pagluluto at inabot din siya ng isang oras dahil sinigurado niyang malambot ang beef. 


Nilagay niya ang lutong ulam sa magandang plato at nilagay iyon sa may gitna ng table. Naghanda na rin siya ng rice dahil baka dumating na si Kenzo. Inabot niya ang cellphone para i-text ang binata at itanong kong pauwi na ba ito dahil lagpas alas-siyete na ng gabi.


To Kenzo,

- Pauwi ka na ba?

- Nagluto ako ng dinner natin.



Binaba niya ang phone nang hindi ito nag-re-reply sa kaniya, siguro dahil nasa byahe na ito pauwi. Inayos niya ang buhok niya dahil masiyado na iyong magulo. 


Tahimik siyang naghintay hanggang sa lumipas ang oras, wala pa rin ang binata. Tiningnan niya ang cellphone niya at wala pa rin itong reply. 


8:30 na ng gabi at kumakalam na rin ang tiyan niya kaya kumain na lang siya mag-isa. Hindi naman kasi siya pwedeng magpagutom dahil buntis siya. Bagsak ang balikat niya habang kumakain, wala na nga siyang gana pero pinipilit niya lang para kahit papaano may laman ang tiyan niya.


Pagkatapos niya kumain ay naghugas siya ng pinagkainan niya at tinakpan ang pagkain sa lamesa. Sinabi niya na lang kay Erna at Irna na mauuna na siya sa taas dahil inaantok na siya.



Ginawa niya ang night routine niya at nang matapos ay humiga siya kama na suot ang night dress na naging paborito niya na dahil si Kenzo ang bumili. 


Muli niyang tiningnan ang kaniyang cellphone kong may mensahe ba ni Kenzo pero wala pa rin. Magtatalukbong na sana siya ng kumot nang mag-ring ang phone niya at nakita niyang si Easton ang tumatawag.


Akala niya pa naman si Kenzo, ang kaibigan niya lang pala. Sinagot niya iyon at ang unang bumungad sa kaniya ay ang hikbi ni Easton.


"Why are you crying?" bungad na tanong niya rito. Medyo maingay pa ang background nito kaya paniguradong nasa bar ang kaibigan. 

"I'm broken, Lauren... He can't accept me because my dad is a drug lord." Umawang ang labi niya dahil sa sinabi nito. Ilang buwan niya ng hindi ito nakausap kaya nagulat siya nang may kasintahan na pala ito.

"Where are you? may kasama ka ba? pupuntahan kita," sambit niya at mabilis na tumayo. Nag-aalala siya sa kaibigan dahil ngayon lang ito umiyak sa kaniya.

"I'm alone, i'm at D'Club,"  he said while sobbing. 

"Okay, pupuntahan na kita, wait for me and stop drinking alcohol!" she hissed before she hung up the call. Mabilis ang kilos niya at nang makapagbihis kinuha niya muna ang kaniyang bag bago lumabas ng kwarto at tumungo sa labas. 


"Madam, saan po kayo pupunta?" harang sa kaniya ng guard.

"Sa labas lang, may emergency, napaalam ko na kay Kenzo kaya 'wag kang mag-aalala," paliwanag niya rito. Kailangan niyang magsinungalin dahil kong hindi panigurado hindi siya makakalabas ng bahay. 


"Nandiyan na 'yong grab ko manong," sambit niya pa kaya wala na itong nagawa. Paglabas niya sumakay agad siya sa grab. Mabuti na lang na walang traffic at mabilis siyang nakarating sa may D'Club. 


Deretso siyang pumasok sa loob at sinalubong siya ng usok at ingay ng mga tao. Nilibot niya ang mata para hanapin si Easton pero hindi niya ito makita kaya umakyat siya sa second floor para tingnan doon. Nakahinga siya ng maluwag nang makita itong nakasandal sa couch. 


"Easton," tawag niya rito ng makalapit siya sa kaibigan. Tinabihan niya ito at niyugyog para gumising. Dumilat naman ito agad at kita niya na pulang pula ang mata nito kakaiyak.

"Lauren, my friend." She rolled her eyes. Lasing na talaga si Easton, hindi niya tuloy alam kong paano ito mabubuhat palabas ng club.


"You're drunk, Easton. Sobrang dami mong nainom, look at those bottles!" Pinagalitan niya ito habang tinuturo ang mga bote ng alak sa lamesa. 


"Ang s-sakit ng p-puso ko... we are just starting but when he found out about my dad, he leaves me. He said he loves me but i guess its no that love. If he truly loves me, he will not leave me because of that fucking reason! Ako ba ang nagdo-droga?! ako ba ang nagkasala?! no, i'm not!" Bumuga siya ng hangin dahil ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito. 


She's in love too, at parang pareho lang sila ng pinagdadaanan ni Easton. 


"Let's go, kailangan na nating umalis dito. Bawal ang mga buntis dito, tiyaka nahihilo na ako sa amoy ng alak!" singhal niya sa kaibigan. Hindi man lang ito nagulat sa sinabi niya dahil na rin siguro lasing na lasing na. 


Hinatak niya ito patayo at inalalayan para makapaglakad sila pero bago pa sila makababa ay may tumawag na sa kaniya.


"Lauren? Hey! I didn't know you are here too." Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita si Glyzel, pero hindi dahil dito kong bakit siya na-estatwa, dahil sa katabi nito.





He's here... Kenzo is here and he is glaring at me right now.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top