XII

Chapter Twelve

Bumuntong-hininga ako nang imbis na pinag-uusapan namin ni Hanya ang tungkol sa project namin ay nauwi kami sa pagkukuwentuhan. She had been interrogating my boyfriend and was telling things about her, about how she liked Joon and BTS. Kung gaano siya kadaldal sa akin kanina ay mas dumoble pa iyon ngayong si Joon na ang kaharap niya.

Tahimik na dinampot ko ang cucumber juice na in-order ko habang nababaliw sa kakaisip ng mga bawat salitang lumalabas sa bibig niya habang malapad siyang nakangiti kay Joon, na para bang si Joon ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay niya ngayon.

Joon was acting unusually polite and attentive, laughing and talking with Hanya.

For a moment, I felt being a third wheel. Pakiramdam ko, nakikisabit lang ako sa kanilang dalawa. But then, that was just because I had my immature side bothering me.

Hinding-hindi ko ipapakita sa kanilang naiinis ako. Wala naman silang ginagawang masama. Nagkukuwentuhan lang sila, lalo na at mukhang fan si Hanya ng BTS. Of course, Joon needed to be polite. He needed to be nice to her.

I understood, of course.

Halos mabulunan ako sa pag-inom nang makaramdam ako ng isang banayad na haplos sa hita ko. The contact was so soft and smooth against the rough cloth of my jeans, and when I raised my gaze to Joon, his intense gaze softly met mine.

"You wanna go home?" he softly asked me. Sandali akong naguluhan kung paanong nagagawa niyang titigan ako ng sobrang diin pero iba ang tono ng boses niya, salungat sa intensidad na ipinapakita ng mga mata niya.

Nilingon ko si Hanya na ngayon ay may bakas pa rin ng ngiti sa mga labi dahil sa huling sinabi niya kay Joon. I apologetically looked at her to console her happy and smiling face. Ayaw kong putulin ang masayang moment niya kasama ang iniidolo niya pero kung hindi rin naman pala kami mag-uusap ng tungkol sa project ay baka puwedeng umuwi na kami.

"Hanya, I think we need to reschedule our meeting, it's getting late..." I softly told her as I showed her my Michael Kors watch. Mag-aalas-diyes na ng gabi base rito. Nabanaag ko ang unti-unting pagkawala ng ngiti sa mga labi niya bago lumampas mula sa akin papunta kay Joon ang mga titig niya.

Instinctively, nilingon kong muli si Joon. Gustong magsaya ng sistema ko nang makita kong hindi man lang siya kumukurap sa pagkakatitig sa akin, ni hindi niya nililingon si Hanya. I could feel my heart running a feast inside, if that was possible.

Ugh, Evah! Bakit ang saya mo?! You possessive bitch!

"Is that so, then will you bring RM again?" Hanya's voice came out so hopeful. I subtly pursed my lips. At bakit naman niya tinatanong kung isasama ko ba si Joon? Kailangan ba nandoon ito? Para ma-distract na naman siya?

"If he's not busy..." Nag-iwas ako ng tingin nang sabihin ko iyon. My eyes fell on my lap just to avoid her eyes. Naroon pa rin sa isa kong hita ang kamay ni Joon.

I wanted to be mature as much as possible in this relationship. I didn't want to think of trivial things and make them a big deal. Hindi ko hahayaang lamunin ako ng selos dahil lang may ibang babae ang humahanga kay Joon. I needed to understand that he was good looking and it wasn't impossible to catch girls' attention with that face, most importantly, he was a popstar. And as long as he was not giving a damn about it, I would stay calm... I would force myself to keep calm. And someday, I knew, it wouldn't only Hanya, it wouldn't be just her. It would be hundred of girls or maybe thousands of them.

I needed to understand.

"Don't worry, she's just a fan," ani Joon na nagpaangat ng tingin ko habang tinatahak namin ang kahabaan ng street sa village namin.

Hinatid muna namin si Hanya sa bus station dahil hiniling niyang hinatid namin siya. Naisip kong babae siya at wala siyang kasamang uuwi kaya dapat nga talagang may kasama siya kahit hanggang sa bus station lang.

"I understand," tango ko sa kaniya. Nasa gilid ko lang siya at nakikisabay sa mabagal na paglalakad ko. Hawak ko ang mahabang chain ng sling bag ko habang nakapamulsa naman siya.

"But don't deprive yourself to get jealous. You have every right," aniya na para bang alam na alam talaga niya ang nararamdaman ko.

"Jealousy should be in place, Joon," sabi ko.

"Damn..." He loudly cursed as he stopped walking.

Napahinto rin ako at nagtatakang nilingon siya. He was staring at me looking so... damned. I could even see through his eyes something I couldn't name, parang nahihirapan siya sa isang bagay na hindi ko rin alam. That was what you get from an unpredictable guy like Joon!

"What's wrong?" I asked him with my creased forehead. May mali ba sa sinabi ko?

He remained standing there, looking softly yet intently at me. "Damn, you struck me, double kill. Saying my name and acting so prettily mature... damn, you're mine. I can't believe you're mine," mariing wika niya habang tinititigan ako. Mayamaya ay naglakad siya palapit sa akin. He gently held my hand and continued walking, smoothly dragging me along his slow pace. His fingers slowly found the spaces between my fingers and filled them.

Nanatili akong nakatitig sa mukha niyang sa harap nakatuon. I could only see one side of his face but it wasn't calming my insides. Ganito ba ang magmahal? Pakiramdam ko, kayang magpatuloy ng buong mundo ko at umikot lang sa iisang tao. Maybe, that's why love defines as crazy and dangerous. Kasi nakakabaliw naman talaga at nakakatakot. Nakakabaliw ang pakiramdam na ibinibigay nito at nakakatakot na baka bigla na lang itong mawala.

"So as I was saying, I can understand if you'll go immature sometimes, but then, you're damn so sexy with your mature mind. I don't know what to choose really," aniyang hindi ako nililingon samantalang nanatiling nasa kaniya ang atensyon ko.

And again, trust. Napatunayan kong aspect ng pagmamahal ang tiwala. They were right. You'll trust the person because you love him. Bukod sa may tiwala akong hindi niya ako hahayaang mabunggo ngayon kahit na hindi ako tumitingin sa daan... ay may tiwala rin akong hindi siya titingin kay Hanya o sa kahit na sinong babae katulad ng pagtingin niya sa akin.

I trusted him. I knew that he just wouldn't. I knew, he wouldn't just look at any other girl besides me. Alam ko kasi ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya. He wasn't hiding it from me. Hindi niya itinago sa akin ang nararamdaman niya, kahit noon pa.

Huminto ako sa paglalakad kaya huminto rin siya. Namamataan ko na sa may kalayuan ang 7-Eleven store. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang hawak ang kamay ko.

They fitted perfectly, as if, made for each other.

We. We were so fitted for each other. Kung hindi man, handa akong magbago, bumagay lang sa kaniya. He was just one of a kind, bakit ko pa siya pakakawalan? As long as he loved me... I wouldn't let him go. I would love him just as much.

This was my first and I would not think twice to give my all... because he deserved it.

"Joon," tawag ko sa kaniya. Tulad ng inaasahan ko ay sinalubong niya ng intense na tingin ang mga mata ko. That always happened whenever I was saying his name. Para bang napakalaki ng epekto sa kaniya ng pagbigkas ko ng pangalan niya. "Did I already tell you...?" I asked him.

Saglit na pinalitan ng pagtataka ang intensidad ng mga mata niya pero mabilis din naman iyong bumalik. His intense eyes taking over his confusion.

"Did I already tell you..." Lumunok ako. "That I love you?" I spilled sincerely.

His jaw dropped. Nanigas siya sa kinatatayuan niya at wala ni isang salita ang kumawala sa bibig niya habang unti-unti ring nalalaglag ang mata niya... palayo sa mga mata ko.

I must have shocked him. Confession is no different from saying 'I love you'. Both needs sincerity. Both needs courage. Pero kung para naman sa kaniya, hindi ko ipagkakait ang mga salitang iyon dahil totoo naman. Mahal ko siya. It wasn't really about the time, about how long since we had known each other.

Love will come whatever the time, the circumstance or the situation it may be.

Sinamantala ko ang pagkabigla niya. Hawak ang kamay niya ay humakbang ako palapit sa kaniya hanggang sa wala nang distansya sa pagitan naming dalawa. I slowly leaned my head on his chest and wrapped my free arm around him as I let my heart sync with how his heart was beating. Nang sa tantiya ko ay nakabawi na siya sa biglang idinulot ko sa kaniya ay kusang pumulupot ang isang braso niya sa likod ko dahil magkahugpong pa rin ang mga kamay namin at ginantihan ako ng mas mahigpit na yakap.

So Joon's style. He would always make me feel that he would hold me tighter than my hold, he would love me deeper and harder than my love, he would protect me more than I could protect him. And I didn't know what I did in my past life to deserve a man like him.

"Third strike. This is your strongest and hardest strike... damn baby, you're so unfair," nahihirapang bulong niya sa tainga ko bago ko maramdamang ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko. That sent shivers down the every bone in my spine.

This was the very first time I told him that I loved him and I wanted him to know that...

"I said I love you..." I playfully grinned, pushing it more his suffering. Hindi ko alam kung bakit parang nahihirapan siya sa tuwing bibigkasin ko ang pangalan niya o sa tuwing ginagantihan ko siya ng mas malambing na kilos.

He was just too out of stereotypes!

"Damn it, I love you. I love you more, damn! I love you, Evah!" Mabibigat at mararahas ang pagpapakawala niya ng bawat mga salita. His profanities were just adding up to his sincerity.

Hindi ko tuloy mapigilang matawa. How did I end up with him really? He wasn't even my type. He was too rough for me, I meant, too strong, too manly. Kung sakali mang sa Pinas kami nagkakilala ay parang nakikita ko na kung paanong tututulan ng mga magulang ko ang relasyon namin... and ironic really, because I could even see myself fighting and standing up for him against my parents.

Against all odds.

Matapos ang eksena naming iyon ay hindi niya ako idiniretso sa 7-Eleven kung saan kami madalas naghihiwalay para umuwi na. Now that I thought of it, hindi ko pa rin alam kung saan banda ang bahay nila...

Sumakay kami ng taxi. Kanina ko pa rin tinatanong sa kaniya kung saan kami pupunta pero hindi niya ako sinasagot at nginingisihan lang. Kulang na lang ay takpan ko ang bibig niya para hindi na magpapansin sa akin ang malalim niyang dimple.

The taxi stopped by the lane near the dead-end of a what seemed like an abandoned railway. Habang nagbabayad siya sa taxi driver ay nakatitig lang ako sa mga shipping containers na nakapatong sa bawat intermodal flatcars na nasa mga gilid ng riles, asul ang kulay ng mga iyon at mahahaba. Madalas akong makakita ng mga ganoon sa mga pier, there was a lot of those but smaller versions, used in cargos. May mga ganoon din sa mga warehouses and plants pero mas mahaba at malaki ang mga containers na nandito.

"What are we doing here?" I asked him the moment we went out the vehicle.

Hinawakan niya ang kamay ko at ngumisi na naman. I could really read what was in his mind right now. I bet he was doubtful yet a little bit confident. Base na rin sa ipinapakita niya.

"You'll see. Let's go?" he said.

I nodded as I gave him my full trust. Tinahak namin ang kahabaan ng riles patungo sa kinaroroonan ng mga shipping containers. Medyo kinikilabutan ako dahil madilim na at kaming dalawa lang ang nandito. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong katakutan... ang isiping baka private property ang lugar na ito at hindi kami dapat nandito o baka abandoned place ito at mas lalong hindi dapat kami nandito.

Saglit akong huminto sa paglalakad pero nang nilingon niya ako gamit ang mga malalambot na mga mata ay bumigay na ako at nagpatianod. When finally, he stopped in front of a blue long shipping container, in front of a chained door actually, I turned to him.

"Joon." I called him.

Hindi niya ako nilingon at nanatili siyang nakatitig sa pinto na para bang may napaka-interesenteng bagay roon. "I'm going to show you a fragment of my past, I hope, your feelings won't change course," aniya sa mahina ngunit mariing tono.

Bumalik ang tingin ko sa pinto. Fragment of his past. The way he said it, I felt like there wasn't so pleasing about it... he wasn't even pleased about something. Na para bang ang ipapakita niya sa akin ngayon ay isa sa mga pangit niyang nakaraan na ayaw niyang buksan pa, ayaw na niyang balikan pa.

Just how much courage did he earn just to decide this sudden?

"I may be a runaway but I know what I want, my heart won't change course," sigurado kong sabi sa kaniya. Kung iniisip niyang babawiin ko ang pagmamahal ko sa kaniya dahil lang may hindi siya magandang nakaraan, hindi ko iyon matatawag na pagmamahal. Napakababaw. At hindi ako ganoon kababaw. Hinawakan ko ang braso niya. "Come on, open the door!" Ngumiti ako sa kaniya para ipakitang hindi ko siya bibiguin.

He nodded curtly as he held that big metal chains tied to keep the door closed. Nang matanggal niya iyon sa pagkakatali ay itinulak niya pa-slide ang pinto. Kadiliman ang bumungad sa amin pareho. Binitawan niya ang kamay ko bago siya sumampa sa container. Pagtayo niya ay may kung anong kinalikot siya sa gilid ng pinto bago lumiwanag ang loob.

"Give me your hand..." He told me as he lent me his hands.

Inabot ko muna sa kaniya ang mga kamay ko at saglit na isinantabi ang pagmamasid sa loob dahil magagawa ko naman iyon mamaya. Upon the contact of our palms, he gripped each of my hands tightly with his as he pulled me up. Hindi naman kataasan ang mga intermodal flatcars na nandito kaya't madali kaming nakaakyat pareho.

When he had said, fragment of his past, he had meant was this... place? Bakit naman magbabago ang nararamdaman ko sa kaniya dahil lang sa lugar na ito?

"Welcome to my old house," aniya sa gilid ko habang inaabala ko ang mga mata ko sa pagmamasid sa kabuuan ng lugar. Lugar na tanging malamlam na ilaw lang ang nagsisilbing liwanag na nagmumula sa maliit na bombilya sa hindi naman kataasang kisame.

Unang napansin ng mga mata ko ang kulay tsokolateng couch na nasa kaliwang gilid ko, sa harap nito ay isang maliit at parisukat na sa tantiya ko ay wooden table dahil na rin sa kulay nitong katulad ng sa couch. Parihaba ang hugis nitong shipping container sa labas kaya't hindi na nakakapagtakang maliit lang ang espasyo ng lugar. Sinakop na ng sala set ang kaliwang bahagi. Nakaharap sa amin ang couch at nakasandal sa dingding na siyang dead-end nitong shipping container.

Looking ahead, pictures on frames were perfectly pasted on the white curtained wall. Looking at my right side, there was an island counter, behind it were the fixtures of sink, cupboards and stove. Dead-end na rin ang dingding na kinakabitan ng mga iyon. May limang metro lang sa tantiya ko ang pagitan ng sala set at island counter niya kung saan kami nakatayo.

The place arrangement was obviously good for one person only. Patunay na roon ang isang stool na mukhang gawa pa sa kahoy sa harap ng counter. Bukod doon, may maliit ding refrigerator sa gilid ng sink.

Nakikita kong hindi masyado marami ang gamit dito. Ni wala akong nakikitang pinto na maaaring siyang banyo. Nagsilbi ring studio-type house ang buong paligid. Hindi ko na rin ma-imagine pa kung saan ang source of electricity and water ng buong lugar. Muling bumalik ang tingin ko sa harap, kung nasaan ang mga larawan. I stepped forward, only creating four to five steps, as I recognized those people on each of the frames.

"That's me with my members," Joon said behind me, as if he knew at which frame I was looking. May ibang frames kasi na siya lang ang nandoon, mayroon namang may iba pa siyang kasama... I assumed, his family.

Tumango ako para ipakitang naiintindihan ko. Natuon ang mga mata ko sa picture frame kung nasaan ang grupong BTS. Now that I was seeing them, as a group, they were familiar. Nakita ko rin si Jin.

"You all looked young here." I commented. Medyo payat pa si Joon sa larawan, though he was still slender now, some part of his muscles were restrained, not like in the picture. Masasabi talagang mga totoy pa sila...

"That photo was captured three years ago, when we all first met each other," sabi niya.

That was why. Namangha ako nang malaman kong ganoon katagal na pala silang magkakakilala. Hindi nga malabong malayo ang mararating nila gayong hindi lang pala talent ang strong foundation na mayroon sila, they had the friendship, the bond.

"Is this Jin, right?" Itinuro ko sa larawan ang lalaking katabi ng lalaking sobrang puti.

Si Jin lang naman ang kilala ko sa mga kagrupo niya. Ngayong nakikita ko silang magkakasama sa isang picture, unti-unti nang lumilinaw sa mga mata kong hindi sila magkakamukha. They were all handsome, in their own ways. Really, I never liked Koreans!

Napatalon ako nang maramdaman kong dumulas ang braso niya sa beywang ko at marahan niya akong hinapit palapit sa kaniya. Malakas ang kiliti ko sa beywang! Napahawak ako sa braso niya at nang maramdaman ko ang tigas noon ay hindi na ako nagbalak pang alisin ito.

"Yes, the ugliest," he whispered to my ear. Bahagya akong napalayo sa kaniya nang maramdaman kong may basa at malambot na bagay ang dumaan sa punong-tainga ko. My palm immediately landed on his shoulder.

"Joon!" saway ko sa kaniya.

Did he just lick my ear?! This jerk!

"Stop looking at Jin, or else..." Hindi niya tinapos ang sinasabi niya, sa halip ay marahas na ikinikot niya ang frame para hindi ko makita ang picture nila. "I shouldn't have kept this!" inis niyang sabi.

"Are you jealous?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata. I could still remember how he had got pissed before when he had asked me if I liked Jin... that time, he was still so rude to me and well, suplado.

Iniisip niya pa rin ba iyon? Hindi ko siya nasagot noong mga panahong iyon dahil bukod sa hindi ko pa kilala ang Jin na tinutukoy niya ay napakasuplado niya talaga.

"Yes," seryoso niyang sabi na ni hindi man lang ako nililingon at ni hindi man lang niya dineny!

Kumunot ang noo ko at himapas siyang muli. "We were just talking about maturity earlier, Joon!" I annoyingly screamed at him.

Hinuli niya ang kamay ko at naaninag ko ang gilid ng labi niyang bahagyang kumukurba... he was grinning! I couldn't believe this man! Napakaseryo ng usapan namin kanina tungkol sa maturity na iyan! At saka, bakit naman niya pagseselosan si Jin? They were friends!

"Stop hitting me, baby... you're turning me on," he said out of the blue.

Nawala ang kunot ng noo ko sa halip ay nalaglag ang panga ko. Hindi talaga ako makapaniwala! Sinabihan ko ba talaga ang lalaking ito na mahal ko siya? My heart wasn't changing course... I was just doubting.

"Joon!" I stomped my feet and glared at him. Sinubukan ko ring itulak siya para makawala ako sa kaniya ngunit matigas ang braso niyang nakayakap sa beywang ko.

"Don't worry, it still isn't time for it. I'll take you when we are both ready, hm?" malambing niyang sabi sa akin na para bang napaka-normal lang na pag-usapan namin ang ganoong bagay gayong nag-iinit na ang mga pisngi ko sa ideya pa lang. Nakuha niya pang hawiin ang ilang hibla ng buhok ko na nalaglag sa mukha ko para isabit ang mga ito sa likod ng tainga ko bago siya dumuko sa akin at dampian ng banayad at malambot na halik ang kaliwang pisngi ko.

He didn't lean back, pinanatili niya ang noo niyang nakasandal sa sentido ko habang nararamdaman ko ang mainit na hangin mula sa ilong at mga labi niya maging ang tungki ng ilong niyang humahaplos sa pisngi ko.

"Joon..." I barely uttered because of the emotions and sensations he was giving me. Nag-iinit hindi lang ang mga pisngi ko kung hindi maging ang buong sistema ko.

I was not a pro with this. Kung may level nga lang ang expertise ng isang tao sa bagay na ito, masasabi kong starter pa lang ako. So new with this feelings. So foreign. It was as if I was being a bizarre to that heat... it was me who was damn bizarre!

"No, baby, not now..." natatawa niyang sabi. He then leaned back, leaving me on air.

Ewan. Pakiramdam ko hinayaan niyang naka-hang ako sa ere...

I slowly pressed my legs together finally killing that foreign and unnamed sensation that shortly heated me up. Kumapit ako sa damit niya at hinulog ang ulo ko sa balikat niya kasabay ng pagsuko kong labanan ang panghihina ng mga tuhod ko. His arm around my waist went gripping me tightly... as I stumbled down.

"Damn, I'm sorry, baby. That was... unintentional," he whispered in a husky and throaty groan.

Just... what was that?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top