XI
Chapter Eleven
Nahinto ako sa pag-pa-punch ng mga produktong napili ng customer na nasa harap ko nang makarinig ako ng ilang clicks, sunod-sunod na clicks. Nag-init ang mga pisngi ko at hula ko ay pinamumulahan na ako ng mga pisngi nang makita ko ang ginagawa niya. Mabuti na lang at mababait ang mga customers ko at wala namang sinasabi.
I didn't even know if they recognized him.
"Hey, what are you doing?!" singhal ko sa lalaking mukhang napakaraming oras para tumambay lang dito sa store.
Para talaga sa isang rising popstar, napakaluwag ng schedule niya. I actually expected him to have less time for me since their group was always practicing. At isa pa, ang laki niyang distraction sa akin dito. Kung minsan nga ay may mga batang customer dito na madalas na napapatingin sa kaniya at sa tantiya ko ay namumukhaan siya. But since hindi pa sila gaanong sikat, hindi naman siya kinukuyog. Though I could sometimes see few of them taking a picture of him… which he didn't always give a damn.
"I'm taking a photo of my pretty girlfriend," simple niyang sagot saka itinuong muli ang pansin sa phone niya para tingnan ang mga kuha niya. He blurted it out so casually.
Mas lalo tuloy nag-init ang pisngi ko nang magtama ang mga mata namin ng customer na inaasikaso ko. I just smiled a bit at the old lady and she kindly smiled back. Tinapos ko na ang pag-asikaso sa customer. At nang maka-alis na ito ay muli akong nakarinig ng clicks, itinaas ko ang kanang kamay ko para takpan ang mukha ko mula sa phone ni Joon na muli na naman niyang hinaharap sa akin.
"Stop it!" natatawang saway ko sa kaniya dahil sa kakulitan niya.
"Yah, let me capture your pretty face!" Narinig kong natatawa rin siya. Patuloy pa rin siya sa pagkuha ng litrato sa akin dahil naririnig ko pa rin ang tunog ng clicks.
I could even imagine his phone full of my pictures.
Somehow, I was thankful that they were still not known yet… not so well known yet, because we had the chance to do what we wanted in public though we couldn't post anything on social media. Kasi oras na makilala na sila, mahahalungkat ng mga fans maging ang pinakamatagal ng pangyayari sa buhay niya. At puwede iyong makasira sa career niya in future times.
Masaya akong ngayon ko siya nakilala dahil gusto kong makasama siya habang unti-unti niyang inaabot ang mga pangarap niya. Alam ko ring hindi magiging madali para sa relasyon namin ang mga magdadaan pang mga taon pero handa ako para roon. For as long as I had him, as he was with me, I guessed my runaway heart could fight.
"You're disturbing me, Joon." Tumawa ako dahil sinundan niya ako sa mga shelves habang ni-ri-refill ko ang ilang mga palapag. Mga bar ng tsokolate at saka mga biscuits.
"Stop ignoring me then. Come here, let's take a photo together," aniya na nasa tinig na wala siyang balak tantanan ako kaya kahit na hindi pa ako tapos sa ginagawa ko ay humarap ako sa kaniya at ngumuso, giving into his demands. Para matapos na at nang tumigil na siya. Dahil sa totoo lang, napakalaki niyang distraction. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil sa presensya niya.
He grinned widely as he smoothly slid his hand around my waist, he lightly pulled me near his body and stretched his other hand upward that was holding his phone. Nakita ko ang repleksyon namin doon. Pareho kaming nakatingala sa screen habang dikit na dikit kami sa isa't isa. Nang makita ko ang ngiti niya maging ang malalim niyang dimple ay napangiti na rin ako bago niya pinindot ang capture button.
Hindi siya nakontento sa isang larawan lang. He dragged me to post for several photos. Paminsan-minsan ay solo ako, kung minsan naman ay dalawa kami.
"Joon!" I stomped my feet when I felt like he didn't want to stop anymore.
"Okay. Okay, baby. Last. Last one." Pagsuko niya. Muli niya akong hinila pero sa pagkakataong ito, hindi na sa beywang ko sumuot ang braso niya. His hand immediately landed on my nape and even before I could protest, he pushed my head meeting his just to close the distance between our faces… and to land a soft and conquering kiss on my lips.
Just then, I heard another click just as we got our first photo, kissing.
Tsk. Aggressive, aggressive Joon.
Yumuko ako dahil naiiling ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin matapos kong ikuwento sa kaniya ang dahilan kung bakit nandito ako sa Korea. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.
I didn't deprive him every detail, every reason and every failure I had during those days. Ni hindi ko pinlanong sabihin sa kaniya basta natagpuan ko na lang ang sarili kong sinasabi sa kaniya ang lahat. It must be the comfort I was feeling when I was with him. Nasasabi ko sa kaniya ang mga saloobin ko ng walang pagdadalawang isip.
Nang mag-angat akong muli ng tingin ay nakatitig pa rin siya. He was pursing his lips that was why his very asset was showing, his deep gorgeous dimple. Napansin kong may shade na ng pula ang ilang bahagi ng buhok niya. A combination of black and red hair, it suited him. He could really just casually change his hair color.
"I hope it wasn't so painful…" Mayamaya ay nagsalita siya, madiin ang tono ng boses at hindi man lang kumukurap ang mga mata.
I smiled bitterly. "I'll be lying if I tell you that it isn't hurting me anymore…" I trailed off. Binitiwan ko ang hawak kong chopsticks at tumingala para pigilan ang panunubig ng mga mata ko habang mabilis na kumukurap.
It was still hurting me. Hindi ako kailanman nalayo sa mga magulang ko ng ganito. At ang pakiramdam na hindi na nila ako tinatanggap ay sobrang nagpapasakit sa akin.
"I miss my parents… but my h-heart is longing for a long set aside d-dreams." Pagpapatuloy ko sa nanginginig na tinig. Kaya tinanggap ko na sa sarili kong baka kailangan kong maghintay ng matagal bago nila matanggap ang desisyon ko at mapatawad ako. I had even come up with the most painful scenario… maybe they did really disown me as their child.
"Evah…" He softly called my name.
I again met his eyes. At kung kanina ay kaya ko pang pigilan ang pamamasa ng mga mata ko, ngayon ay tuluyan na itong nanubig nang makita ko ang mga malalambot niyang mga mata na nagbibigay sa akin ng permisong… puwede. That I could always be strong to let my emotions overpower.
Parang sinasabi ng mga mata niyang umiyak lang ako nang umiyak kasi nandiyan lang siya… na puwede akong iwan ng mga magulang ko, o kahit ng buong mundo pa pero hindi siya dahil mananatili siya sa tabi ko.
Napatayo ako para lumapit sa kaniya at agad akong sinalubong ng mga braso niya. He brought me into his comfortable arms as he let me cry my heart out. He let me sit on his lap as he pushed my head on his chest, his both arms wrapping around me as if protecting me from all the things that could hurt me. Malaya akong humikbi sa dibdib niya habang yakap-yakap niya ako. We didn't mind that we were inside the store and only a clear glass wall was keeping us from the people's eyes outside.
Binasa ko ang kulay asul at mabango niyang shirt ng mga luha ko habang patuloy lang siya sa paghaplos sa likod ko. I could hear him whispering soft apologies to my ear.
"I'm sorry, baby. I'm sorry you had to go through it, I'm sorry I came too late…" His hot breath smoothly caressing my earlobe. "Damn baby, stop hurting. You're my most precious possession. I love you so much," mabini niyang bulong kasabay ng mas paghigpit pa ng yakap niya sa akin.
He was sorry. He was sorry for the things he didn't do, he was sorry for the things that hurt me and he was sorry for coming to my life this late… when I had been so thankful for just freaking having him!
Maybe, it was Kim Namjoon. Maybe God had given him to me in exchange of all the pain my parents had inflicted me. Maybe God had me a consolation in the form of Joon… only that, he wasn't just a consolation, he was a prize, a gift from Him. He had given Joon to me to heal my runaway heart and to provide the right path to my dreams, because he was now a part of my dreams. My runaway heart wouldn't get through all the hardships without him. And I was so lucky because he loved me.
Pero hindi ibig sabihing kinakalimutan ko na ang mga magulang ko. Gaya ng sabi ko, handa akong maghintay kung kailan nila ako matatanggap muli. I wanted to show them that I chose the right path. That I was not throwing away all the things they had planned out for me, I was just setting it aside because I needed a clearer way towards the path I was taking, my dreams.
Natawa ako nang hipan ni Joon ang mga mata ko habang salo-salo ng mga palad niya ang mga panga ko para patigilan ako sa pagluha. I was still sitting on his lap and I just came to realize that we were in a very awkward and malicious position.
"How's my baby, hm? I hope you're feeling fine now," untag niya sa malambot na tinig, pakiramdam ko nakikipag-usap siya sa isang bata. Sobrang nakakagaan ng pakiramdam ang malambot niyang boses at ang mahigpit niyang yakap.
Tumango ako. Hinayaan niya akong makawala mula sa kaniya nang tumayo ako at bumalik sa upuan ko. Iminuwestra niya sa akin ang pagkaing naiwan ko sa mesa para sabihing ipagpatuloy ko na ang pagkain. Nakangiti akong tumangong muli at sinunod siya. We couldn't afford the beast to get mad. Nakakatakot siyang magalit.
Balak pa sana niyang mag-stay ng matagal para makasama ako pero nang tumunog ang phone niya sa hindi ko na mabilang na pagkakataon na paulit-ulit lang din niyang ini-ignore ay ako na mismo ang nagtaboy sa kaniya.
He was with me while I was reaching my dreams, but I didn't want it to be the same reason for him to be neglecting his own dreams. We could both achieve our dreams together…
Pakiramdam ko ay sobrang busy niya pero mas pina-prioritize niya ako. That wasn't good. Hindi ko naman hinihingi sa kaniya ang buong oras niya, kontento na ako sa kahit na anong kaya niyang ibigay sa akin. Maiintindihan ko kasi mas nauna naman ang career niya kaysa sa akin.
"But we will just practice a single choreography all over again. We've perfected it already," aniya nang sinabi kong tigilan niya ang pangi-ignore sa mga tawag sa kaniya at umalis na siya dahil kailangan ko na ring mag-focus sa trabaho.
He just had so many reasons!
Lihim akong natawa. "I think you need more practice," pang-aasar ko sa kaniya dahil naalala ko kung gaano siya ka-awkward na sumayaw.
"Who said that? Have you seen me dance? I'm more cool when dancing!"
"Fine, fine. Just go, Joon…" I rolled my eyes and shooed him.
Bago siya umalis ay nagbilin muna siya sa akin ng ilang bagay na madalas niyang concern…
"Don't look at your guy customers."
"Don't forget to eat."
"Don't tire yourself too much."
"Respond to my messages."
Seriously, why was he so… so much strict yet so thoughtful? Hindi ko tuloy mapigilang alalahanin ang mga paalala niya sa tuwing may mga lalaking customers ako, tuloy imbis na ngiti-an ko sila ay hindi ko magawa, baka mamaya ay isipin nila masungit ako.
Kada-oras ay nagtutungo ako sa shelves ng mga less fat biscuits para kumuha ng makakain at sa fridge para kumuha ng flavoured distilled water dahil naaalala ko ang malalalim niyang mga mata habang pinapayuan akong kumain. I didn't need to follow his third reminder since I was always resting. Wala akong masyadong customers parati at sa tuwing tutunog ang phone ko para sa text niya, since iyon lang naman ang pakinabang ng phone ko, ay mabilis akong nagtitipa ng response sa kaniya.
He would just tell me what he was doing. Mukhang nagpa-practice nga sila at mukha ring nagpapasaway siya dahil nagagawa niyang makipag-text sa akin. I hoped he was not making his friends and their choreographer mad.
"Emmanuelle Ignacio?"
Mula sa pag-ti-take down notes ng mga salitang iniwan ng aming huling professor sa white board ay naagaw ang atensyon ko ng isang banayad na tinig-babae. Nag-angat ako ng tingin para lang makita ang isang magandang babaeng may maputi at makinis na mukha, maliliit na mga mata, maliit at matangos na ilong at maninipis na kulay rosas na mga labi.
Pumasok sa isipan ko ang pangalang itinawag niya sa akin.
"That's me," sabi ko sa kaniya na sinadyang diinan ang bawat mga salita para malaman niyang tanging English speaking lang ang puwedeng gamitin sa pakikipag-usap sa akin.
I always did this to anyone who tried to talk to me plus some of my classmates already knew that since I was getting this special privilege in every class I was attending. Para maka-cope up ako ay noon pa lang ay sinabi ko na sa mga professors na hindi ako nakaka-intindi ng Korean at kung maari, kung hindi naman hassle sa kanila ay sa linggwaheng Ingles sila magsalita. Some of my professors had a touble about it but some of them were fine with it.
Lumiwanag ang mukha niya saka dumiretso ng tayo. Napansin kong naka-simpleng white floral blouse lang siya na pinatungan ng light pink long coat, faded denim shorts at white high heels sneakers. Nalalaglag ang ilang hibla ng kulay light brown niyang buhok sa harap niya dahil nakalugay lang siya.
"You're my partner in our Psychology project!" masayang sabi niya.
Napanganga ako dahil sa diretso niyang pagsasalita ng Ingles, para siyang si Won. Speaking of Won, ilang araw na kaming hindi na nagkakasalubong dito sa school.
Nagkaroon nga kami ng roll call kanina sa Psychology subject namin para sa ibinigay na project na ipapasa namin at the end of the semester.
"Uh, hi," nakangiwi kong bati sa kaniya dahil hindi ko inaasahang siya pa mismo ang lalapit sa akin.
Nakangiti siyang naupo sa bakanteng upuang nasa tabi ko habang ipinapatong sa mesa ang pink niyang sling bag na agad kong nakilala ang mamahaling brand… dahil kapareho iyon ng brand ng suot kong relo, nakita ko rin ang logo na MK sa may zippers nito. Ang upuan ay talagang bakante dahil sa dami ng upuan dito sa silid ay talagang pinili naming mga night shifts ang malayo sa isa't isa gayong hindi naman kami tataas sa bente-katao sa klaseng ito.
"Should we talk about our project?" she asked, smiling widely.
Sandali akong napatulala at napatitig sa pares ng malalalim na biloy sa magkabilang pisngi niya na lumilitaw dahil sa pagkakangiti niya. Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagkaalala sa lalaking may malalim ding dimple. Parang gusto ko tuloy nakawin ang isang dimple ng babaeng kaharap ko at ibaon sa pisngi ko.
Bakit kasi wala akong dimple?!
"Anyway, I'm Ji Hanya," pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya sa akin. A silver watch was on around her wrist.
"Yes, I heard your name earlier," sabi ko dahil narinig ko naman ang roll call kanina para sa partnering. Tinanggap ko ang kamay niya. "Could you wait for me? I'll just finish this and then we'll go?" tanong ko sa kaniya.
Masaya siyang tumango ng sunod-sunod. "Of course, Emma!" aniya.
I winced mentally. No one had ever called me that way. May mga kaklase akong Yvana ang tawag sa akin noon pero wala pang tumatawag sa akin gamit ang first name ko o ang short version nito. Siguro dahil masyadong mouthful banggitin at saka sa Pinas ay mas prefer ng mga tao ang pangalang madaling tandaan.
That was Yvana. And for those people who knew me personally, they called me Evah. It was a nickname given to me by my late parents that came from my second name, Yvana.
Binilisan ko na lang sa pagsusulat. Tutal ay huling klase ko naman na ito at baka puwedeng akong maglaan ng oras para kay Hanya.
Paulit-ulit kong sinusulyapan ang phone ko habang nasa hallway kami ni Hanya patungo sa hagdan pababa ng building. Walang message mula kay Joon. Mukhang busy na naman siya sa practice. Wala talagang araw na hindi ko siya pinagtatabuyan para attend-an ang mga practices na tinatakasan niya. Mabuti naman at napapagtanto na niya kung gaano kahalaga ang career niya.
Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti. I could settle for whatever he could give me because having him was more than enough.
"Seeing your smile, seems like you're thinking of a someone special…" Siniko ako ni Hanya na ikinagulat ko dahil unang-una malakas ang kiliti ko sa baywang, pangalawa, hindi pa kami ganoon ka-close para magsikuan at panghuli, hindi ba medyo private iyong sinabi niya?
"Sort of," tangi ko na lang nasabi saka ibinaba ang phone ko.
"You have a boyfriend, Emma?" gulat niyang tanong. Hindi ko tuloy mapigilang pagtaasan siya ng kilay. Akala ko ba inaasahan na niya iyon? She shouldn't be so surprised if she was thinking about it already.
I silently nodded my head, not really adding up some details about my confirmation. At saka… hindi ako sanay sa pangalang itinatawag niya sa akin, pakiramdam ko, tinatawag niya si Mommy.
Emma was my mother's name. My name was a combination of my parents' name. Emma and Manuel, dinagdagan lang ng kaartehan sa spelling kaya naging Emmanuelle.
Hanya was a kind of nosy and bubbly girl, hindi kami nauubusan ng topic dahil sa sobrang dami niyang sinasabi. Tipong mga pagkain sa breakfast niya ngayong umaga ay na-ikuwento na niya sa akin habang palabas kami ng school.
Pareho lang kaming napahinto sa paglalakad nang tuluyan na kaming makalabas sa gate ng university dahil sa lalaking nakasandal sa gilid ng gate kung nasaan naroroon rin ang guard house… pero hindi lang siya ang dahilan kung bakit nagwawala na naman ang puso ko kung hindi dahil sa mismong kinatatayuan niya ay roon nangyari ang una naming halik.
Goodness Joon, stop giving me heart attacks!
"Omo…" Narinig kong bulong ni Hanya sa tabi ko pero masyadong okupado ang buong atensyon ko ng lalaking parati na lang pinapatibok ng sobrang bilis ang puso ko… at wala pa siyang ginagawa sa lagay na iyan.
Nakayuko lang siya habang nakapamulsa so I got the chance to check him out. Naka-puting hoodie siya na may dalawang side pockets kung nasaan nakapaloob ang mga kamay niya, may nakasulat na salitang BROWN sa harap, naka-itim siyang skinny ripped jeans at puting rubber shoes.
Somehow, overlooked package made sense to me. Paanong napaka-over dress ng tingin ko sa kaniya sa simpleng suot niya? O sadyang napakaguwapo niya lang talaga sa kahit na anong isuot niya? Isa pa ulit… gabi na, bakit ganyan ang porma niya? Hindi kaya galing siya sa practice? O baka naman tumakas na naman siya sa practice nila?
Nang mapansin kami ni Joon ay tumayo siya ng tuwid at mataman akong tinitigan. Akala ko ay busy siya. Akala ko talagang napagtanto na niyang mas mahalaga ang practices nila. Bakit ko nga ba nakalimutang siya si Joon? His priorities would always go wrong. Kahit nga ang takbo ng isip niya ay hindi ko masundan.
"Baby…" aniya sa medyo paos na tinig.
It again made my cheeks heat up. Nasasanay na ako sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Lumapit siya sa amin at agad na dumausdos sa beywang ko ang isang braso niya… saka niya pa lang napansing may kasama ako.
Really, Joon was the kind of guy that wouldn't make his girl jealous. Kasi nasa iisang bagay o tao lang siya naka-focus. Sa tantiya ko nga ay hindi niya pa mapapansin si Hanya kung hindi ko lang ito nilingon para tingnan ang ekspresyon nito.
Kumunot ang noo ko nang makitang titig na titig si Hanya kay Joon. Both admiration and amazement mirrored her eyes. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na ganyang-ganyan ang mga nakikita kong titig ng mga babae kay Joon sa tuwing magkasama kami. Naagaw lang ni Joon ang atensyon ko nang maramdaman kong dumiin ang pagkakabaon ng mga daliri niya sa gilid ng beywang ko. Kinilabutan ako dahil sa ginawa niyang iyon at bahagyang nakaliti.
Bwisit, Joon! Halos hampasin ko siya para matigil lang siya.
"Is she your friend?" bulong niya sa malapit sa tainga ko, bahagyang humahaplos ang hininga niya sa balat ko.
I sighed to calm my insides as I again turned to Hanya. Inistorbo ko ang paninitig niya kay Joon, though hindi ko siya masisisi dahil ganoon talaga ang epekto ni Joon sa kahit na sinong babae.
Even me failed to escape from that reality…
"Uh, yes. Hanya, he's—"
"RM, leader of BTS! Oh my gosh, is this real?! You're Kim Namjoon, right? You're the leader of BTS! Omo, I'm an ARMY!" hindi makapaniwalang sabi ni Hanya habang nanlalaki ang mga mata at sobrang lapad ng pagkakangiti.
And again, I was wrong when I said, they were still not known yet because unexpectedly and ironically, of all the people who would recognize him as a popstar, as the leader of BTS, si Hanya pa.
My new found friend and my Psychology partner.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top