X
Chapter Ten
Unang araw ng ikatlong linggo ng Marso, Biyernes ay magkasama na naman kami. Sa susunod na linggo ay birthday ko na. Ayaw ko sanang isipin pa ang tungkol doon dahil wala naman akong balak mag-celebrate. Hindi sa taon na ito muna. Isa pa, naibigay na naman sa akin ng Diyos ang pinakamaaga at pinakamagandang regalo e. Medyo nosy, medyo bossy, medyo masungit, medyo salbahe at medyo rude pero sobrang guwapo at sobrang ramdam ko ang pagmamahal sa akin.
Ngumuso ako kay Joon para hingin ang permiso niya nang sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay inilingan na naman niya ang damit na itinuro ko na nakasuot sa isang mannequin. It was a one-piece dress. Sleeveless at deep round neck ito at sa tantiya ko ay hindi lalagpas sa mga tuhod ko ang haba.
I could see myself wearing it at school. Mabuti na lang, freestyle kami at hindi uniform. Iyon nga lang, masyadong magastos sa damit. Kung hindi nga lang ako namumulubi ay hindi ako maglalaba para isuot muli ang damit na nasuot ko na.
"That's too pretty," simpleng sabi niya saka ako hinila palayo sa parte ng mga dresses at dinala sa mga two-piece clothes.
Kumunot ang noo ko. "What's wrong with that? You don't want me to wear pretty dresses?" takang-tanong ko dahil hindi ko mahanap ang logic sa dahilan niyang maganda ang damit kaya hindi niya gusto.
Not that he would wear it though. Ako ang magsusuot. Kaya nga gusto ko kasi maganda e.
We stopped in front of a lady mannequin wearing a silky black floral sleeveless jumpsuit. Pants type ito at spaghetti strap ang itaas.
"Redundancy. You're too pretty enough and wearing such dress will overlook the package. And I don't want anybody else seeing what's mine only," aniya saka ako tinalikuran at matamang pinagmasdan ang damit na suot ng mannequin na para bang pinag-aaralan niya iyon habang napapanganga na lang ako sa logic reasoning niya.
I suddenly asked myself… just how high exactly was his IQ level to even contemplate of that? It should be more than a hundred and forty-eight. Sinong matinong lalaki—ordinaryong lalaki I might say, ang makaka-isip pa noon? Dahil lang ayaw niya akong mas maging maganda sa paningin ng iba kasi… kasi kaniya lang ako.
Gusto kong mainis sa kaniya pero buwisit lang kasi, iba ang ni-re-react ng traydor kong puso. Pinapatunayan niya lang sa akin na hindi siya kabilang sa grupo ng mga ordinaryong lalaki. And ugh, he had 148 IQ, I would never cope up with how the way his mind ran.
Day-off ko ngayon kaya naisipan kong mamili ng mga damit dahil nauubusan na ako ng isusuot sa school. When he found out about it, naisipan niyang sumama sa akin. Nagtataka na talaga ako sa kaniya. He always had time! Popstar ba talaga itong boyfriend ko?
In the end, nagustuhan niya ang jumpsuit na sa kabutihang palad, nagustuhan ko rin. At least, may napagkasunduan din kaming damit pagkatapos ng lahat. Nalaman ko ring big 'no' siya sa mga dresses. Napaka-arte, akala mo talaga siya ang magsusuot. Kaya kahit na more of a dress-type lady ako, napilitan akong bumili ng mga blouses—t-shirts at that and jeans. Mostly, mga ganoong klase ang nabili ko.
"Where do you wanna go after this?" tanong niya sa akin habang palabas kami sa boutique na pinasukan namin. Nilingon ko siya at nakita kong nakatitig siya sa akin sa likod ng bilog niyang specs.
Kanina nang makita ko siyang naka-specs ay hindi ko napigilang mapahagikhik, because he reminded me of those dorks at school flocking inside the medicine library and burning their eyebrows. Pero hindi ko rin namang maipagkakailang bumagay sa kaniya ang may salamin. Nagmukha siyang genius strict sugar daddy… my bad, my flirtatious devil sided in me, only got triggered by Joon, plus his black bonnet, hiding his hair and only showing some locks covering his forehead.
That was why girls around couldn't stop looking at him and turning at me with envy on their eyes. Paano pa kaya kapag nalaman nilang isa siyang rising popstar? They might strangle me away from him. Hindi pa nakatulong na kahit nakasimpleng white shirt lang siya, khaki shorts at black boat shoes ay sobrang guwapo niya pa rin.
Hays, God did really take His time creating this goodness beside me.
"Baby…" A flick of his fingers snapped me back to reality, to a better reality. Kung siya nga naman ang bubungaran ko, bakit pa ako mananatili sa pantasya kung nasa harap ko na ang pinakamagandang reyalidad?
"Evah." He called my name. It was like reality saying my name.
Naputol lang ang takbo ng isipan ko nang maramdamang kong may malambot na bagay na dumampi sa mga labi ko. I blinked several times and once again, got drowned by the most beautiful reality my eyes had ever laid on, staring at me intently with a grin on his lips.
"Fantasizing of me, wide awake. Aish, I should be the one doing that," natatawang sabi niya saka ko pa lang napagtanto ang ginawa ko.
Napa-atras ako at gulat na napatingin sa kaniya. Did I just really fantasize of him?! And he was just in front of me?!
Gosh, Evah! You're so naive!
I mentally scolded myself. Shaming myself in front of him wasn't calming my heart. Lalo na at ang laki-laki ng epekto niya sa akin. My runaway heart would always get dragged back to him with just his smile, what more he was kissing me?! At hinalikan niya ako sa public place na ito!
"Come here. You should stop thinking so many things, unless it's me," aniya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at mas hinila ako palapit sa kaniya bago kami muling maglakad.
Hindi mo lang alam, Joon, ikaw naman talaga ang iniisip ko. Nakaka-inis kasi kahit na katabi lang kita, lumilipad pa rin papunta sa'yo ang utak ko. Buwisit. Buwisit na pag-ibig.
Funny how it was 'buwisit na Joon' to 'buwisit na pag-ibig' real fast.
Pagkatapos naming mamili ay nagtungo kami sa isang resto-bar na base sa kaniya ay madalas niyang tambayan noong hindi pa sila nag-di-debut. Malamlam na liwanag ang sumalubong sa amin. Nasorpresa ako nang makita ang bawat pabilog na mga mesa. Ang iba ay may tig-dadalawang upuan, ang iba naman ay may tig-tatlo. Para sa apatan naman ang mga couches na nasa gilid na bahagi ng lugar. Ang counter ay nasa gilid naman ng maliit na platform sa may unahan kung saan may mga instrumento sa pagtugtog.
There were also cocktail tables everywhere I saw. Mataas ang pabilog na mesa ng mga
ito at walang upuan. Intended for those alone goers, I supposed.
Madalas akong dumalo sa mga cocktail parties noong nasa Pinas pa ako, hindi naman kasi puro lang hospital at mga pasyente ang buhay ko. I had friends, I had a great social life back then.
Maghahapon pa lang kaya siguro hindi pa maingay at hindi pa marami ang tao. May ilang mga kumakain sa mga mesa habang deserted naman ang parte ng mga couches at mga cocktail tables. Waiters were still on their grounds. Since, restaurant ito sa umaga, natural lang na may mga waiters. Actually, the place looked so expensive.
"So, staff here know you?" tanong ko sa kaniya nang makahanap kami ng mauupuan.
"It was months ago since I stopped coming here but if they aren't still changing staff, then yes, let me see…" tumatangong sagot niya. Sinimulan niyang ilibot ang paningin niya at mukhang naghahanap ng waiter na kakilala niya.
I pursed my lips while watching him craning his neck to anywhere. Hindi ako makapaniwalang kasama ko ngayon iyong lalaking nakita ko sa eroplano noon na may manyak na tingin. I giggled mentally. Kung ganito ba naman kaguwapo ang mangmamanyak sa akin…
I lamely shook my head to throw away my flirtatious inner devil. Inisip ko na lang na bumawi si Joon nang ipahiram niya sa akin ang jacket niya. Iyon nga lang, nag-counterflow naman siya noong inakusahan niya akong may balak akong masama roon sa lasing na batang pinamagandahan ko ng loob na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anu-ano niya at paulit-ulit niya akong inatake noong inakala niyang tinatakot ko iyong dating babaeng cashier ng 7-Eleven, nagpatuloy pa rin iyon noong inakala naman niyang gusto ko si Jin.
I thought, he got me because of all that. Wala pa kasing lalaki ang nagpagulo ng isipan ko ng ganoon. There were guys in school who had tried to court me but I was too focus on my studies. I did entertain them but I couldn't offer them more than friendship. Isa pa, bantay-sarado ng mga magulang ko ang mga kilos ko noon that they had even planted three bodyguards around me, the same bodyguards—na sana ay hindi tinanggal ni Daddy sa trabaho—I had in the airport months ago.
Or maybe, he got me because, simply, he was Joon. Ang nag-iisang lalaking nagawang patibukin ang pihikan kong puso, kahit na sa kalagitnaan pa ng lahat ng ito. He managed to catch a hold of my runaway heart and provide it with shelter I wouldn't ever seek from anyone but him.
"Anyway, Joon…" tawag ko sa kaniya nang mailapag na niya ang mga paper bags sa sahig at mukhang hindi pa rin nahahanap ang kung sino o anumang hinahanap niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin sa nagtatakang hitsura. "The drunk kid the last time, what's your relationship with him?" I asked him.
Mas kumunot ang noo niya ngunit agad din namang sinagot ang tanong ko, "Yexel? He's the younger brother of Yoongi. You don't know Yoongi but he's one of my members. Why suddenly asked about him now?" Dumiin ang tono niya at kitang-kita ko ang pag-iigting ng mga bagang niya.
"Well, I was curious about your relationship with him…" Nagkibit-balikat ko para ipakitang hindi na dapat niya gawing big deal pa ang pagtatanong ko.
"He's a younger brother for me," sagot niya na ngayon ay kalmado na ang hitsura. Tumango na lang ako at hindi na pinalaki pa ang usapan. Mayamaya lang ay may tinawag siya.
Isang lalaking naka-white buttoned down polo at black slacks ang lumapit sa amin na may hawak na tray, mukhang kakatapos lang mag-serve. Lumiwanag ang mukha niya nang makita si Joon. They did that complicated man to man fist bump when the guy reached our table. Nag-usap rin muna sila sa wikang Korean bago ako ipinakilala ni Joon sa lalaki.
"Ah, Lance, this is my girlfriend, Evah," aniya saka ako inakbayan ngunit nang itataas ko na ang kamay ko para makipagkamay sa lalaki umiling sa akin si Joon.
"What?" takang tanong ko sa kaniya.
"You don't have to hold hands," may diin niyang sabi sa akin saka muling binalingan ang lalaki. Umarko ang kilay niya samantalang ngumisi naman ang lalaki at naiiling na tumawa. "Baby, he's Lance," simpleng pagpapakilala niya sa akin sa lalaki, not even exerting an effort to add up some information about the guy.
Wala akong nagawa kung hindi ngitian na lang ang lalaki. "Nice meeting you," sabi ko.
Hindi naman siya sumagot. Hindi ko alam kung dahil ba hindi siya nakakapagsalita ng Ingles o baka ayaw niya lang inisin si Joon.
"You're so mean," komento ko sa inasal niya matapos umalis ni Lance dala ang order namin at nang maka-upo na kaming muli.
"You're so pretty," aniyang malapad ang ngiti.
Hindi ko napigilang ikutan siya ng mga mata. Na-ge-gets man lang ba niya ang sinasabi ko? Pakiramdam ko, nabubuhay ako sa kasalukuyang taon at way advanced na ang mundong kinaroroonan niya, hindi kaya nasa 2030 na ang utak ng lalaking ito?
"You're so rude to him, Joon!" angil ko sa kaniya.
"I just don't want him to touch what's mine. If it means being rude, then yes, I'll be rude to all the men who'll land their hands on you," aniya. Kampante lang siyang sumandal sa upuan niya at mataman akong tinitigan, ni hindi man lang siya naapektuhan ng inis na ipinapakita ko.
Humalukipkip ako. "Possessive jerk," sabi ko sabay irap. He tilted his head as his lips stretched into a sly grin.
Of course, our minds wouldn't cross paths since our minds weren't living in the same age. Magka-edad kami pero sobrang advanced na ng tinaktabo ng utak niya. He was an old man, I supposed.
Nanatili siyang nakangisi habang sinasamaan ko siya ng tingin hanggang sa dumating ang order namin. Na-excite ako nang makita ang creamy vegetables salad na naka-serve sa harap ko kasama ng isang wine glass na puno ng pulang likido kaya pinalagpas ko ang ginawa niya.
Nagpasalamat ako sa kaniya dahil hindi ko na masyadong napagbibigyan ang sarili kong kainin ang mga gusto ko. He was actually spoiling me too much.
"I'm glad I don't have to force you eat healthy foods. Yah, why are you so pretty?"
"You're not expecting me to compliment you back, are you?" Pinanliitan ko siya ng mga mata dahil nakakahalata na ako sa kaniya.
"Just eat, baby," he said. He shook his head and chuckled a bit.
Dinampot ko na ang pares ng chopsticks na nasa gilid ng plato ko at nagsimula nang lantakan ang pagkaing nasa harap ko. Tanging beef steak lang ang kaniya at isang baso rin ng sa tantiya ko ay cherry flavored wine.
Nang matapos kaming kumain ay um-order pa siya ng isang large-sized mango cheesecake bean dessert. Nagtaka ako kung bakit isa lang ang in-order niya pero nang makita ko ang size nito ay napagtanto kong napakalaki nga ng isang order kung mag-isa lang akong kakain.
"Stop it, Joon," saway ko sa kaniya nang ilapit niya sa akin ang isang kutsarang may lamang isang cube ng cheesecake. "I'm not disable, I can feed myself…" Umirap ako at binalewala ang kamay niya.
"When will you have sweet bones in your body?" Ngumuso siya.
"I hate foods with so much sugar," sabi ko. Nagkibit-balikat ako habang nagpipigil na huwag ngumisi dahil sa pagnguso niya.
"But girls are naturally sweet…"
"How come you know that?" Nagtaas ako ng kilay. Dumako ang mga mata ko sa kamay niyang nahinto sa pagsubo. Naiwang naka-awang ang mga labi niya kung saan nakapagitan ang kutsara.
Oh, caught off guard, are we?
Isinaksak ko sa malabundok na ice snow ang kutsara ko at humalukipkip. He had some explaining to do. Sa bibig na mismo niya nanggaling. Para bang napaka-expert niya pagdating sa mga babae para malaman ang bagay na iyon… when I didn't know much about guys because of lack of experience.
Dahan-dahang niyang tinanggal ang kutsara sa bibig niya—that was after I saw how his lips touched the lucky spoon at inilapag ito sa maliit na platito sa harap niya.
"Joon." I warned him.
Malalim siyang bumuntong-hininga. "Baby, that was just a general opinion about girls," pagdadahilan niya.
"So you're telling me that I should be just like most of the… girls?" untag ko.
Mabilis siyang umiling. Sa hitsura niya ay parang natatakot na siyang magsalita dahil baka makitaan ko na naman ng butas ang mga sasabihin niya. "Aish, why are we talking about this? Let's stop, baby…" Sumeryoso ang boses niya at dumilim ang anyo.
He really did know how to scare the hell out of me. He could shut me up and make my heart go wilding with only his stern look and firm voice. Kaya imbis na i-push pa ang bagay na iyon ay ngumuso na lang ako at itinuon ang atensyon sa pagkain. Sumandok ako ng dessert bago mag-angat ng tingin sa kaniya.
My heart raced faster when I met his stern look. "I may not be like other girls… but I can be sweet exclusively just for you," mahina kong sabi saka ko inilapit sa kaniya ang kutsara para subuan siya ngunit nanatiling seryoso lang siyang nakatitig sa akin.
Sabi ko nga, hindi siya tatablan ng ganoon lang. Hindi nga kasi ako sweet…
Ilalayo ko na sana ang kamay ko nang mabilis siyang umayos ng upo at hinuli ang kamay ko para tanggapin ang nasa kutsara. At habang ginagawa niya iyon ay unti-unting lumalambot ang ekspresiyon ng mukha niya kasabay ng unti-unting pagngisi niya… revealing his deep dimple.
At least, we somehow contrasted each other, because he had a lot of sweet surprising deeds that I didn't have. At least we were balance.
Nang matapos kaming kumain ay nagpasya na kaming umuwi, hanggang store niya lang ulit ako hinatid, for some reason I still didn't want him to see my house. Not because it was not as luxurious as my room in the Philippines, it was just that, I just didn't want to.
My phone beeped for a text message when I was walking to my next room for my last subject for tonight. A smile crept my lips when I saw the recipient.
Joon:
we have a broadcast tonight
i'm sorry
i can't fetch you
Agad akong nagtipa ng iri-reply. Nagpalitan na kami ng phone numbers, iyon pa ba ang makakalimutan namin? Sa lagay ni Joon na may pagka-possessive, hindi siya papayag na mawala ako sa paningin niya nang hindi nasusundan ang bawat galaw ko. He was texting me every hour, actually, when we were not together like this dahil nasa school ako at madalas ay may practice sila.
To: Joon
its fine
just see you tomorrow
good luck!
Natapos ang mga klase ko ng maayos. Since hapon na kami kumain ni Joon kanina ay hindi na ako dumaan sa store para bumili ng dinner, dumiretso na lang ako sa bahay dahil may report akong paghahandaan para bukas ng gabi.
Nilabas ko ang phone ko para muling mag-text kay Joon. Hindi rin ako na-disappoint nang makitang wala siyang reply sa huli kong message dahil naiintindihan kong baka busy na siya.
To: Joon
ill just finish my report
and then ill go to sleep
I hope youre getting enough rest and sleep
good night, Joon
Isinantabi ko na ang phone ko at inilabas ang laptop ko para umpisahan na ang gagawin ko. I had to thank the strong and reliable connection in this country for helping me with my report.
Kaunting research lang at data from the internet and well, some words from my mind, natapos ko rin ang report ko. Sa school ko na lang i-pi-print ito since may printer naman sa library. After that, I took a shower to get ready for sleep because I still had a long day tomorrow at work and at school. I just slipped into my usual night clothes—a silky purple long sleeves and knee-length nighty.
Ready na akong matulog nang marinig kong tumunog ang phone ko, a tone intended for incoming calls. Hinanap ko pa ang kinalalagyan ng phone ko bago ko ito makita sa sahig na nakakalat katabi ang laptop ko at ilang mga papel na kinatamaran ko nang ligpitin.
Gumapang ako patungo roon. Hinawi ko ang ilang papel na tumabon dito saka ito dinampot at pasalampak na bumalik sa pagkakahiga kaso napabangon din ako agad nang makita ang caller ID na nasa screen ng phone ko. Napasapo pa ako sa ulo ko dahil sa hilong bigla kong naramdaman dulot ng biglaang pagbangon.
Ugh, it was already late!
Joon calling…
Mag-aalas-onse na. Mukhang tapos na ang broadcast nila at mukhang hindi naman iyon live dahil gabi na.
Sinagot ko ang tawag ngunit hindi pa man ako nakakapag-hello ay narinig ko na ang baritono niyang tinig.
["Good night, baby. I just called for that. See you tomorrow,"] ani Joon sa kabilang linya na ikinangiti ko.
"Good night. Yeah, see you tomorrow," sagot ko kasabay nang pagwawala ng dibdib ko sa loob.
Now, I didn't know if I could still sleep after that…
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top