VI

Chapter Six

Pinagmasdan ko ang maliit na silid habang hinihila ko papasok ng pinto ang stroller ko. I didn't need to wait for my first salary because I still had money left. Ang manager ng pinagtatrabahuan ko ay inirekomenda sa akin ang bahay na ito nang malaman niyang naghahanap ako ng bahay na mauupahan.

Of course, I had immediately grabbed it after I heard the monthly rent. Mataas lang ng kaunti sa isang gabi ko sa Sauna house pero ayos na iyon. Though, I had needed to pay the deposit and the first month.

Maganda naman ang bahay. Maliit pero sapat para sa isang tao lang. May sink sa kaliwang dingding at sa gilid nito ay isang nakasarang bintana, pagpasok ng bahay ay iyon agad ang mapapansin. Magkasama na rin ang kuwarto, ang sala, ang dining area at ang kusina dahil nasisiguro kong ang pintong nasa kanang bahagi ng silid malapit sa pinto ng labasan ay ang siyang banyo.

Looking ahead, not exceeding ten meters away from the door, I could see myself buying a soft cushion floor bed to put there for my sleep.

Parisukat ang pinakahugis ng bahay at wala na akong balak pang alamin ang sukat nito dahil halata namang wala pa sa kalahati ng kuwarto ko sa Pinas ang sukat ng bahay na ito.

Paunti-unti ko na lang pupunan ng mga gamit ang bahay. Uunahin kong bilhin sa ngayon ang kama at mga gamit pangluto gamit ang natitira ko pang pera. And oh, hygiene stuff! I must not forget!

I carefully settled my stroller and my backpack on somewhere the room near a wall. Nagtungo ako sa sink at agad na binuksan ang gripo. May tubig naman. Kasama na sa rentang babayaran ko ang tubig at ang kuryente. Medyo maalikabok ang tiled flooring ng sink dahil siguro sa tagal nang hindi nagagamit ang bahay na ito. Sunod ay nilapitan ko ang bintana at itinulak pabukas. Sinalubong ng malamig na simoy ng hangin ang mukha ko. At this rate, mukhang kakailanganin ko rin ng heater. Nakasanayan ng katawan ko ang komportableng init sa sauna.

My brows arched when I saw a big house ahead, sa ibaba ay ang kalsada. Ang bahay na ito ay nasa parehong village lang kung nasaan ang 7-Eleven at ang Sauna House, kaya nga agad ko ring tinanggap dahil ayaw ko nang lumayo pa, isa pa nasasanay na ako sa lugar na ito.

"Evah, the poor woman," bulong ko sa sarili ko bago ko iwan ang bintana at hinayaan itong nakabukas. Naisip ko, ano kaya ang iniisip ng parents ko ngayon? Nasa isip pa rin ba nila ang pagpaparusa sa akin? Hindi man lang ba sila nag-aalala sa akin?

This was the very first time I had been so far away from them. Hindi man lang ba nila ako na-mi-miss? Bakit hindi sila gumagawa ng paraan para hanapin ako? Kasi sa totoo lang, unang araw ko pa lang dito sa Korea, kung talagang nag-aalala sila sa akin ay mayroon ng mga taong sumundo sa akin dito. That was in anywhere of Korea I might be, they would find me because my family wasn't powerful and influential for nothing.

I harshly wiped my eyes with my arm when I felt them pool with tears.

You're a strong woman, Evah. Patutunayan mo iyan sa mga magulang mo. I said to myself bitterly.

My lips quivered for a restrained sob. Mabilis na nabasa ang mga pisngi ko ng mga luhang hindi ko na napigilan pa. This run wasn't really that successful. This only proved me how easy for them to throw me away just because I broke one of their orders. This run was only making my heart suffer that undeniable reality.

Na mas mahalaga pala talaga sa kanila ang mga kagustuhan nila kaysa sa akin. I was their daughter, only daughter for fvck's sake!

Napa-upo ako sa sahig habang nakasandal sa dingding katapat ang sink at tuluyan nang inalintana ang maalikabok na sahig. I slowly folded my knees and tightly hugged them to my chest as I buried my face on top. Hinayaan kong kumawala ang mga luha mula sa mga mata ko at pinalaya ang mga hikbing bumabara sa lalamunan ko.

They might not miss me, but God, I missed them! I missed my parents! I missed that despite how dictatorial they could be, they would always pat my back and make me feel loved when I really felt sad. They were always beside me, comforting me.

At sobrang sakit lang kasi wala sila ngayon, at sila ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.


Nagising ako na may hindi magandang posisyon sa isang gilid ng bahay. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa leeg at balakang ko dulot ng ngalay maging sa mga binti ko. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa kaka-iyak.

Sa kaharap kong bintana agad dumiretso ang mga mata ko. My brows creased as I saw it close. Wala akong matandaang isinara ko ang bintanang iyon kanina! Mabilis na nilipad ng mga mata ko ang pinto. Sarado. Paanong nakasara ang bintanang iyon? I could clearly remember I left it open because I loved the cold wind entering the room. Hinangin ba kaya nagsara?

Ngumiwi ako nang pilitin kong tumayo sa kabila ng pananakit ng mga paa ko. I went to the window and pushed them open, the cold refreshing wind immediately slapped my face. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa langit. Kaya pala nananakit ang katawan ko dahil ilang oras rin ako sa posisyong iyon. I again left the window open. Gusto kong nakikita ang langit. It would be my only companion in this house alone.

Nag-ayos lang ako ng sarili ko. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at itinali. Hindi na ako nagpalit ng damit dahil sa 7-Eleven lang naman ako kakain.

Tuwing biyernes ang day off ko at may ibang nagbabantay ng store. Since twenty-four hours open ang store, kailangan din ng karelyebo ko sa shift ng day-off. We had the same day-off. I heard from Manager Barrongei that someone working on our days-off would be working twenty-four hours that was because, he was only working for one day a week. Working student kasi.

Now that I remembered that, magpaplano na ako kung kailan ako babalik sa pag-aaral. This time, I would take Hotel and Restaurant Management. This time, without restrictions, without my parents rules. One of these days, I would tell Manager about it. Okay lang sa akin kung gabi ako papasok sa school.

I would endure. For my dreams.

Nang pumasok ako sa store ay agad akong nakilala ng cashier. Nagkita na kami dahil pangalawang day off ko na ito.

"Evah noona!" He enthusiastically called me. Nakangiti siya at halos hindi ko na maaninag ang mga mata niya. Nasa likod siya ng counter at suot ang uniform niya ngunit hindi ang sumbrero kaya kitang-kita ko ang bagsak niyang itim na itim na buhok na mas nagbibigay linaw sa kaputian niya.

Koreans are naturally pale white while I was a little bit rosy white.

"How's the store, Ryu?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad palapit sa counter.

He was already standing from sitting a while ago when he saw me. Mukhang wala siyang customer, na hindi na nakapagtataka dahil palagi namang ganito. Mas masusurpresa pa ako kung makikita kong may customer siya.

Ngumuso siya ngunit ngumisi ring muli bago niya itaas ang isang kamay niya. "Oke!" He beamed, signaling a like sign on his fingers.

Natawa ako. It was 'okay' by the way. Ngumuso siya dahil mahihirapan na naman siya sa pakikipag-usap sa akin pero dahil likas siyang masiyahin at madaldal ay hindi niya mapigilang kausapin ako. He was just actually seventeen and was now a grade eleven student. Bilib nga ako kasi nagtatrabaho siya para sa pag-aaral niya.

When I had all the luxuries before when I was studying, hindi ko kailanman pinroblema ang pagbili ng mga libro, ang miscellaneous fees, ang tuition fee at kung anu-ano pang bayarin sa school. Ni hindi ko pinroblema ang babaunin ko noon because I always had my credit cards with my parents' financial support. Pero siya, kailangan niyang magtrabaho pam-baon niya.

"Good boy! I'll just look for something to eat, hm," nakangiti kong sabi saka itinuro ang mga estante ng pagkain.

"Again ramyeon?" Sumimangot bigla ang mukha niya, his lips quickly pulled down in a frown and his eyes stared sadly at me.

He was too cute!

Natatawang tumango ako pero sa loob-loob ko, gusto ko nang masuka sa paulit-ulit na pagkain ng noodles dahil sa kawalan ng choice. Nagtitipid ako kaya hanggang noodles lang ako sa ngayon.

Iniwan ko na siya at pumihit na patungo sa mga shelves kaso napahinto rin agad ako nang may isang pigura pala sa likod ko kaya nang humarap ako, halos bumunggo na ako rito. Agad kong nasamyo ang pamilyar na panlalaking bangong kilalang-kilala ng pang-amoy ko. And I didn't need to raise my head to confirm it, because I knew.

Hindi lang ang pangalan niya ang naka-ukit na sa buong sistema ko kung hindi ang buong pagkatao niya. Kilalang-kilala siya hindi lang ng isipan ko kung hindi maging ng puso ko.

"Sorry," mahina kong sabi at akmang lalagpasan na siya para magtungo na sa shelf ng mga noodles nang maramdaman kong mahigpit na hinawakan niya ang pulupulsuhan ko at marahan akong hinila pabalik sa harap niya.

He then squatted, levelling his face to mine. Ang nananantiya niyang mga mata ay hinuli ang mga mata ko. Sa sobrang lapit ng mukha niya ay puwede ko na siyang mahalikan.

I gulped at the thought when my eyes landed on his pink full lips. They looked so soft… and inviting. Nanatili siyang nakayuko habang sinisilip ang mukha ko. I tried to turn my face away from his gaze but he immediately held my chin to still it.

"Did you cry?" he asked dangerously. May kalakip na otoridad ang tono ng boses niya. He always talked this way to me. Na para bang hindi ko puwedeng baliin ang kahit anong sinasabi niya.

Napasinghap ako dahil sa itinanong niya. Nakikita ba iyon sa mga mata ko?

"Did you cry?" He asked again, this time in a harder tone. He gritted his teeth when it took me long to respond, he surely looked not so pleased about it. Ang mga daliri niyang hawak ang baba ko ay nakakapagpahina sa mga tuhod ko.

"Why d-do you care?" utal kong tanong. I couldn't afford to will my feet to step backward. I couldn't even move my face away from him. All I could do was to stare back at his intense looking eyes.

Mariin siyang pumikit habang nag-iigting ang mga bagang niya sa hindi ko matantiyang galit. His dimple showing too deep, as if mocking me, teasing me to touch it and dig it. And when he again opened his eyes, all hell broke loose.

I saw rage and frustration mixed up with something serene and soft, something that was unknown for me. Something too deep and too intense for me to even comprehend or even feel at this very moment. Ni hindi ko nga alam kung paanong naging possible iyon e. The combination was weird, how could he stared at me with rage and that something soft at the same time?

"Aish, I care. I fvcking care," galit niyang sabi, the profanity that slipped on his tongue sounded smooth. Hindi na niya ako hinayaang makapagsalita dahil kinaladkad na niya ako palabas ng store.

Hindi ko na rin nalingon pa si Ryu dahil sa bigla sa ginawa ni Joon. Ni walang pumapasok sa isipan ko kung hindi ang ideyang hawak niya ang pulso ko at hindi mapakali ang puso ko dahil doon. The familiar cold immediately wrapped around me the moment we went out the store. Mabuti na lang at naka-sweater ako.

Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong mapagmasdan ang suot niya kanina kaya hinayaan kong maglandas ang mga mata ko sa malapad niyang likod.

He was again wearing the brown jacket… that brown jacket he had let me use before. Sa tuwing nagkikita kami ay ito parati ang suot niya, naka-itim siyang sombrero at itim rin ang pants niyang hapit na hapit sa mga hita't binti niya. Nakasuot din siya ng pares ng itim na Nike shoes. Nasa likod niya ako habang hawak niya ang pulso ko at mula rito ay kitang-kita ko ang malapad niyang likod.

That lean and broad back could easily crash you, Evah.

Pakiramdam ko sa mga oras na ito, itinatakas niya ako. Itinatakas niya ako sa lahat ng sakit at paghihirap na puwede kong maramdaman, because the only thing my heart could acknowledge was the comfort he was currently giving my runaway heart. And God, I would want to runaway with him! Kahit saan!

Sa lahat ng mga emosyong bumalot sa akin sa araw na ito, from my parents' abandonment, from my nonstop run and chase to my dreams, and from all that disappointed me today. I just wanted run away from them all and let him bring me to wherever he planned to bring me just so I could forget everything.

Just so I could stop feeling so sad and upset.

We stopped in front of a grilling house just around the village. Madalas ko itong madaanan noon sa tuwing umuuwi ako sa Sauna house dahil ilang kanto lang ang layo nito mula sa store, ngunit hindi ko pa kailanman ito napupuntahan. Bahagya niya muna akong nilingon bago pumasok sa loob, hila-hila pa rin ako. My nostrils instantly flared at the delectable smell of a meat being grilled. Sa ilang linggo kong pa-noodles-noodles lang ay bigla kong na-miss kumain ng karne.

At this rate, I didn't care about the installation of proteins and cholesterol in my body.

Naupo kami sa isang mesang pang-dalawahan sa puwestong malayo sa karamihan. Hindi naman masyadong marami ang mga tao rito sa loob ng restaurant siguro dahil mga villagers lang naman ang madalas na nandito at siguro nga ay masama kung may makakakita sa kaniya.

He was a Korean Popstar, right?

I slouched in my seat as he darkly stared at me while he was sitting just in front of me just an arm away from me. Sa laki niyang lalaki ay halos natatabunan na niya ang view sa likod niya. He was all I could see. He was all my eyes could see… just the way my shameless heart wanted it.

"You are not allowed to eat noodles from now on…" Umpisa niya habang nakatitig sa akin. He still had that stern and authoritative voice that I couldn't break through.

"Just… just w-who are you to s-say that?" Halos sabunutan ko ang sarili ko dahil gusto ko sanang patigasin ang boses ko ngunit iba ang kinalabasan. It came out just soft and smooth, as if I was surrendering to him.

Gusto kong salungatin ang nararamdaman ko dahil hindi ko puwedeng ipakita sa kaniyang naaapektuhan na niya ang sistema ko.

"I'm declaring you as mine, Evah so stop being a hard-headed girl." He spilled in a stone cold yet low voice that made me gasp loudly.

Una, he was calling me by my nickname as if we were close, as if we were friends but I also came to realize, I was calling him by his first name too. Just since when did we get to the first name basis?

Second, did he just what?! Declaring me as his? Pinagloloko ba ako ng lalaking ito? Matapos niya akong akusahan? Pagsungitan? And what? I was his? Ni hindi pa nga niya sinasabi sa akin kung gusto niya ba ako! We were not even friends to begin with! And ugh, I couldn't find the right words for all of those thoughts!

"I'm not y-yours." Tanging nasabi ko na lang dahil sa kawalan ng sasabihin. Humalukipkip ako at nag-iwas ng tingin. My eyes then fell to the counter. Wala akong balak gumastos pero mukhang wala akong choice. For once, I would want to let myself eat whatever I wanted without thinking about the money, about the fats and all. Kakain lang ako. Iyong masisiyahan ako at mabubusog.

Nang bumalik ang tingin ko sa kaniya ay nakita ko siyang nakatitig pa rin sa akin. Napa-isip ako, may gusto ba siya sa akin? Kung wala, para saan ito? Bakit niya ako hinila rito? Mukhang wala naman sa hitsura niya ang naglalaro ng babae e…

Wait, uso ba rito sa Korea ang ganoon? Playboys and stuff?

Well, he looked harmless when it came to that matter. Mas mukha kasi siyang lalaking puro ka-seryosohan lang ang alam at walang panahon sa paglalaro. He seemed to be a man who only up for mature relationships. And me? Well, I had never been into one.

Unang-una, wala akong panahon para sa mga ganoong bagay noon dahil busy ako sa pag-aaral ng medisina. Pangalawa, hindi ko pa nararamdamang magmahal ng isang lalaki, bukod sa pagmamahal ko kay Daddy. Panghuli, hindi ko pa nakikita iyong lalaking magiging… sweetest downfall ko.

I uncomfortably shifted in my seat when he sighed. Bahagyang umangat ang malapad niyang balikat. His eyes fell from staring at me and rolled to somewhere. Nilingon niya ang kinaroroonan ng counter.

"Two orders here!" sigaw niya.

Akmang magtataas ako ng kamay para tumawag ng waiter pero hinuli niya ang kamay ko at ikinulong sa mesa gamit ang isang kamay niya. I struggled to take my hand from his big and strong one but he was gripping at it tightly.

His eyes that were so intense awhile ago turned playful. "I already ordered our food, and that isn't the right way to order." He grinned, his perfect set of whites showed as his lips stretched upward.

He… he looked cute. Nawawala ang mga mata niya at lumilitaw ang mga cheekbones niya dahil sa pagngisi niya. How could God seriously create someone that could be a very great distraction for any living female specie… or even gays? Oh, kindly spare my existence.

Marahas kong hinila ang kamay ko mula sa kaniya na agad naman niyang binitiwan saka ko siya inirapan pero sa loob ko, hindi mapirmi ang mga lamang-loob kong mukhang humahanga na talaga sa lalaking nasa harap ko. They were a fan of him, my insides and not me.

Ilang minuto lang naming hinintay ang mga pagkain. That was, with those agonizing couple of minutes, paulit-ulit kong iniiwas sa kaniya ang tingin ko sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin. I would say, he was just staring deeply at me all the time. At hindi ko maintindihan kung paano niyang natatagalan ang umupo lang sa harap ko at walang ibang ginawa kung hindi ang tumitig sa akin. Siguro para sa kaniya wala lang ang mga intense niyang titig, pero hindi okay sa akin. Hindi okay sa mahina kong puso! I felt achingly awkward and uncomfortable!

Mabuti na lang at nang dumating ang pagkain ay naagaw ang atensyon niya mula sa akin. There were raw beefs and bottles of beers in front of us. Mayroon ring maliit na pabilog na electric griller sa harap namin.

He started grilling some meats using the clamp, the smoke providing us a sneak taste of the delicious marinated meats. Samantalang ako ay naka-upo lang at tahimik siyang pinapanood. Actually, this, this wasn't usual for us. Ang kumain kaming dalawa ng sabay sa loob ng isang eatery house sa iisang mesa ay hindi nararapat sa aming dalawa, because we were not friends to begin with.

Strangers don't eat with each other.

Iyon ang gusto kong itatak sa isipan ko pero hindi iyon kayang intindihin ng puso ko. It cheered, it cheered because something like this could be possible for us. Hindi ko alam kung kailan pa nag-umpisa ang ganitong epekto niya sa akin.

Noong araw ba na niyakap niya ako matapos kong malaglag sa inuupuan ko sa counter? O noong unang beses kong narinig ang pangalan niya? Baka naman noong una kaming magkita rito sa store kung kailan unang beses din niyang nahawakan ang braso ko? Maybe, it was the time when fate had made our lives cross again at the hotel. Because this shouldn't be happening. Not this fast…

Not with the guy I first saw at the plane and was looking maniacally at me, not with the guy who had accused me and told me bad things. Not with a Korean Popstar, not with him.

Just not with Joon.

"We're not friends," mariin kong sabi sa gitna ng pananahimik namin na para bang mas ipinapa-intindi ko iyon, hindi sa kaniya kung hindi sa sarili ko.

I needed to. I needed myself to understand that what was happening right now was not right, not in the right time frame and not in the right moment. I still had so many things in my mind that I needed to do, and I didn't need him to distract me…

Hindi man lang siya nag-angat ng tingin sa akin nang sumagot siya dahil busy siya sa pag-gi-grill ng mga meats. "Who said I want us to be friends?" puno ng malisyang sabi niya. Yes, because everything about this guy had malice! Kahit ang pasimpleng pagtitig niya lang ay may malisya!

Gusto ko tuloy malaman kung sa akin lang siya ganito o ganito siya sa lahat ng babaeng kakilala niya? Gusto kong mainis sa isiping may ibang babae siyang nakaka-usap.

What the hell is this?!

Muli ko pang nasulyapan ang intensidad ng mga mata niyang lumulunod sa akin nang mag-angat siya ng tingin, ang mga maliliit niyang mga matang iyon na hindi naman sana malalim pero iyong pakiramdam na hatid ng mga iyon ay para bang hinuhulog ako sa kailaliman ng kung ano.

How could a stranger possibly and strangely affect me this way?

I slowly gulped the rock in my throat… if there was. "Why are you d-doing this?" Nanliit ang mga mata ko nang itanong ko iyon.

His hand that was holding the stainless clamp stopped but my drumming heart didn't stop a bit, instead, it only beat more erratically fast and out of control.

Now again, I was more confused… why did I really feel this way towards him?

"'Cause I've never been this crazy for a girl, never been I, until I met you." He firmly spilled, more likely, he confessed so sincerely. At nakikita ko sa mga mata niyang wala sa plano niya ang sabihin ito sa akin, patunay na roon ang pag-igting ng mga bagang niya at ang mas pagdilim pa ng mga titig niya.

Before, I was always thinking how would a man confess his feelings to the girl he loves? He would maybe bring her to an expensive restaurant, hold her hand and spill the contents of his heart. Or maybe, he would plan out a surprise for her and in front of many people, he would keel and confess to her. That was a more expected yet romantic way for an ordinary boy.

Kaya't hindi ko masisisi kung ganito siya umamin sa akin kasi hindi naman siya basta-basta lalaki lang. He was out of ordinary. He was not the typical simple guy. He was out of the stereotypes. From how he treated me, mas iisipin kong nababaliw na siya sa kaka-iisip kung paano niya ako aalisin sa buhay niya. He had acted so rude and harsh to me before that stated how he disgusted me.

And who was I again? I was not the type of girl that could easily act out or blurt out words at this kind of circumstances. Ako iyong tipo ng taong kakailanganin munang pag-isipan ang lahat ng bagay bago magsalita o magdesisyon.

I would always go as planned and by all means, process because that was how my parents raised me.

Kaya imbis na sagutin siya sa confession niya ay mabilis na inagaw ko sa kaniya ang clamp at umipit ng isang beef na nakasalang sa griller bago diretsong isinubo sa bibig ko.

"Hey, that's hot—!"

"Ouch!" I flinched as the scorching soft meat painfully burned my tongue. Agad kong nailuwa ang karne at paulit-ulit na sumipol ng hangin. My tongue stung painfully.

"Aish, why are you so careless?!" Narinig ko ang pagalit na boses niya at mag-aangat pa lang sana ako ng tingin sa kaniya ay sinalo na niya ang baba ko. He leveled my face to his, his cold long fingers softly held my chin as he leaned even closer to me… our nose almost touching. Marahang hinaplos ng hinlalaki niya ang pang-ibabang labi ko habang sinisilip ang bibig ko na para bang makikita niya ang damage sa loob.

At ang mas ikinagulat ko ay nang maramdaman kong hinihipan niya ang loob ng bibig ko.

I slowly backed away from him, pulling my face away from his soft and gentle touch and feeling the sudden hitching of my breathing, as if the involuntary and quick drumming of my heart made me breathless. I was slowly losing it! Masyado siyang sweet! Matapos niya akong pagsungitan ay magiging ganito siya! Nasaan ang hustisya?!

Kung may balak siyang pabaliwin ako sa kaniya dahil sa mga ikinikilos niya, then he was winning! Dahil kahit naman noong nagsusungit pa lang siya sa akin ay may kakaibang epekto na siya sa akin tapos… tapos magiging ganito siya ka-sweet sa akin ngayon? He was not playing fair! He had been attacking me and I had yet used any of my counterflow!

Bumuntong-hininga siya saka sumigaw sa direksyon ng counter bago dumating ang isang lalaking may dalang isang baso ng tubig. Ibinigay niya sa akin ang baso na agad ko namang tinanggap. I uttered a simple thanks when the cold water shortly tended my burnt tongue.

We then continued eating. Sinimulan na rin niyang buksan ang mga bote ng beers at nagsalin sa mga baso namin. I would say he would be a sweet boyfriend because he even softly put the chopsticks on my hand.

"Eat. Blow it first or else, I'll kiss you for every burn you'll get." He warned me, eyes narrowing at me and lips pursing. Ramdam ko ang tigas ng boses niya senyales na hindi siya nagbibiro. I firmly pressed my lips together, gulping the choke on my throat as I stared in the space between his eyes and lips.

Warning ba iyon? Should I try burning myself again?

Evah! You little piece of a flirt!

Mabilis akong umiling. I couldn't possibly be wanting him to kiss me! Siyempre hindi! Inayos ko na lang ang chopsticks na nilagay niya sa kamay ko at nagsimula nang kumain, that was, with so much care of course. Hinipan ko muna ang karne bago isinubo.

I knew how to use chopsticks because my family often ate at some famous Chinese restaurant influencing us some of their customs. At saka, may mga business partners ang mga magulang ko na Chinese at parati kaming iniimbitahan sa mga pagpupulong.

Habang tahimik kaming kumakain ay nakikita kong panaka-naka siyang sumusulyap sa akin.

Maybe, waiting for my mistake?



"Just, I don't want to hear or see you again eating noodles. I'll buy you meal from now on," aniya nang huminto ako sa harap ng 7-Eleven store dahil ayaw ko namang umabot kami hanggang sa inuupahan kong bahay.

"No need. I can absolutely buy myself a meal. Don't worry, I won't eat noodles again if that will calm you." Tumanggi ako sa kaniya dahil ayaw kong maging kargo sa kaniya. Ayaw kong abalahin pa siya at hindi niya trabaho ang gawin iyon para sa akin.

He just stood tall in front of me, over towering my fair height. Nakatunghay siya sa akin na tipong pinag-aaralan ang mukha ko. Both of his hands were casually tucked into his pants pockets and he was just too undeniably gorgeous. He had been ruining my standard!

"Fine. Where's your house?" untag niya bago sinilip ang loob ng convenient store na nasa likod ko.

"I can go home alone, Joon," inis kong sabi dahil ayaw kong ihatid niya ako. Tama nang dito niya ako ginugulo sa store. I needed my home to be away from all the chaos. Doon kasi, safe ako. I could take out all of my fusses and all of my frustrations.

From looking inside the store, his head immediately turned to look back at me. His eyes softened as his lips parted, again showing his deep dimple.

Tease!

"One more time, baby," malambot niyang sabi saka matamis na ngumiti sa akin, ang mga namumungay na mga mata ay nasisinagan ng ilaw mula sa store.

Saglit akong napatitig sa lumitaw niyang dimple sa kaliwang pisngi niya. I wanted to touch it. I really wanted to dig my fingers onto it but I stopped myself.

Not now, Evah. Someday, it won't be just your fingers… there will be more.

"Huh?" takang-tanong ko sa kaniya dahil sa biglaan niyang pag-iiba ng mood, nag-init din ang mga pisngi ko dahil sa itinawag niya sa akin.

Baby… my heart wouldn't probably mind that but not me, ugh, not me! I would mind!

He was quickly to take a step forward to me until our toes touched, my breath hitched at his nearness. Hanggang baba niya lang ako. Matangkad ako pero mas matangkad siya. I immediately smelled his vanilla scent. I just wanted to clutch his jacket, pull him closer and snuggle at his smell.

Only if I had the courage… and the rights.

"Say my name again," he whispered softly, his hot breath fanning my face. Gustong-gusto niyang pinapaulit-ulit sa akin ang pagtawag ko sa pangalan niya.

"Joon." I called his name again, giving into his demand.

"Aish, I'm sorry baby, but I need this to calm my heart," muli niyang bulong sa nahihirapang tono saka ako hinila palapit sa kaniya. His palm softly went to a little portion of my back as his other hand went to my head. He lightly pushed his body to mine, cutting the distance between us, my body touching his body, my face resting on his chest and my hands clutching at the sides of his jacket.

He hugged me so ever softly as he let me have my way to his now drumming heart. And I couldn't believe that he made me feel fragile, vulnerable and soft inside his embrace.

He gave my runaway heart a shelter, something my heart had been seeking through this run.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top