IX
Chapter Nine
Nang marinig ko ang pintong bumukas ay agad akong napatayo kasabay ng pagpapaskil ko ng malapad na ngiti sa mga labi ko nang makita ko ang taong inaasahan ko… but my smile immediately vanished when I saw that he wasn't alone.
Matatanggap ko pa kung si Jin ang kasama niya o ang iba pa sa mga ka-members niya na hindi ko pa talaga formally na-mi-meet, pero hindi, dahil iba ang kasama niya.
Kusang nagsalubong ang mga kilay ko nang lumanding sa isang braso ni Joon ang mga mata ko kung saan nakasabit ang isang maputi at payat na braso ng isang matangkad at magandang babae. Nagtungo naman ang mga mata ko sa kabuan ng babae. Hapit na hapit sa makurbang katawan niya ang suot niyang itim na long sleeves deep neck shirt, revealing her deep cleavage, in this cold weather at that. Naka-tuck in ang pang-itaas niya sa hapit rin sa baywang niyang puting skinny jeans. Ang itim na itim niyang manipis na buhok ay naka-high bun at mamula-mula ang magkabilang pisngi maging ang mga labi.
I clenched my teeth when they disappeared from my sight to the shelves. Hindi pa nga nag-iisang araw na hinalikan ako ng Joon na iyon ay may kasama na siyang ibang babae?! At talagang ibinabalandra niya pa sa pagmumukha ko?!
Sa dalawang buwang pagkakakilala ko sa kaniya, masasabi kong hindi ko pa nga siyang kilala ng lubusan. Ngayon ko lang nakitang may kasama siyang ibang babae. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon ka-close sa ibang babae.
Sumalampak akong muli sa upuan ko habang masamang tinitingnan ang hallway sa pagitan ng dalawang shelves na paniguradong lalabasan nila. Humalukipkip ako sa inis. How dare him? Tingin ba niya ay easy girl ako dahil nagpahalik na ako sa kaniya? At ngayon ay tapos na siya sa akin kaya may iba na siya? Ang kapal! Para ipaalala ko sa kaniya, siya itong lumapit-lapit sa akin!
"Yah!" Nagulat ako nang may sumigaw sa harap ko at mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita ito.
"Won?!" I exclaimed in surprise. Nanlaki rin ang mga mata niya nang makilala ako. Agad na gumuhit ang malapad at matamis na ngiti sa mga labi niya.
"Evah-ssi!" He beamed at me.
Tumayo ako. "You live here?" tanong ko dahil napansin ko ang simpleng ayos niya. Nakasuot lang siya ng puting sweater at cargo shorts. As usual, naka-specs pero magulo ngayon ang nakasanayan kong perfectly gelled hair niya.
I could only imagine his lazy days…
"No, I was just visiting someone I know who lives in this neighborhood." Umiling siya.
Napatango ako na tipong naliliwanagan. Hindi ako makapaniwalang makikita ko siya rito. Sa dinami-dami kasi ng mga puwedeng lugar na magkikita kami, dito pa talaga sa working place ko! Natutuwa ako kasi kahit naman isang beses pa lang kaming nagkikita ay naging mabait siya sa akin.
Mula sa pagngiti ay lumukot ang mukha ni Won at nag-aalala ang mga matang tumitig sa akin na tipong may naalalang hindi magandang pangyayari. "How's your health? I am very sorry. I didn't know you have an allergy—"
Mabilis akong umiling. "Won, it's not your fault. I wanted to eat the food that's why I didn't mention to you about it, that I'm sorry." Mabilis ko rin siyang pinutol dahil ayaw kong sisihin niya ang sarili niya gayong hindi naman niya kasalanan iyong nangyari sa akin.
Bumuntong-hininga siya ngunit nananatili pa rin sa mga mata niya ang bahid ng pag-aalala. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti ng palihim. I was so lucky to have instant people around me who worried about me. At least, I felt like I was not alone.
"Anyway, are you gonna buy something?" untag ko sa kaniya.
Tumango siya at nagpaalam muna sa akin na hahanapin lang sa shelves iyong bibilhin niya bago siya mawala sa paningin ko. Sakto naman ang paglitaw ng dalawang tao mula sa shelves na pinanggalingan ni Won. I gravely turned my attention to the stuff on the counter to keep my eyes from them. Hindi ko gustong makita kung paano siya ngitian ng babaeng iyon. Hindi pa ako ngumingiti ng ganoon sa kaniya, kaya siguro naghanap na lang siya ng ibang babae.
Iyong babaeng may matamis na ngiti. But I also have a sweet smile! Hindi ko nga lang madalas ilabas. Bwisit!
"Noona, are you sure with all that?" Narinig ko ang banayad na boses ni Joon habang kausap ang babaeng kasama niya at palapit sila sa akin. At this point, I was just barely keeping myself from growling at them, at him.
Napakawalang-hiya ng loko! Hindi ko man naintindihan ang sinabi niya ngunit ang banayad niyang tinig ay sapat na para malaman kong may kung ano nga sa kanilang dalawa.
"Ne," simpleng sagot lang ng babaeng may mala-anghel na boses.
Napalunok ako. Inisip ko kung maganda ba sa pandinig ang natural kong paos na tinig at halos mapangiwi ako sa sariling isipin. Ang pangit sa pandinig ng mga paos! Naririndi nga ako sa tuwing napapaos ang mga resident nurses na kasama ko sa hospital noon e!
Nang makalapit sila sa akin ay agad kong nasamyo ang natural na bango ni Joon. Nakayuko ako kaya't nagawa kong pumikit ng mariin para pakalmahin ang traydor kong puso. Nagawa pa talaga nitong mag-react kahit na nasasaktan na. Hindi ako makapaniwala.
Agad kong inasikaso ang mga produktong nilapag nila sa counter at habang pina-punch ko ang mga iyon ay nakayuko lang ako. Ugh, I couldn't let them see my pooling eyes, that would be really embarrassing!
Ayaw kong isipin ni Joon na napakababaw ko. Wala siyang sinabing label sa pagitan namin, at kung makikita niyang naiiyak ako, baka isipin niyang nag-a-assume akong may namamagitan nga sa amin na malinaw namang wala!
For fvck's sake, Evah! Calm your freaking heart now before your eyes turn into falls!
I gritted my teeth as I stoically told them the price. Kahit nang mag-abot siya ng card ay nanatili akong nakayuko, ganoon hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Nang marinig kong nagsara ang pinto ay bumigay na ang mga tuhod ko at napasalampak ako sa sahig. Nagtago ako sa ilalim ng counter habang hinahayaan kong tuluyang maging falls ang mga mata ko dahil sa sunod-sunod na paglaglag ng mga luhang namuo kanina pa.
Buwisit na Joon iyon! Matapos akong paibigin ng ganito, iiwan lang pala ako sa ere! Buwisit siya! Huwag na huwag lang talaga siyang magpapakita sa akin!
Kada-punas ko sa pisngi ko ay may panibagong batch ng mga luha ang bumabasa rito.
"Evah-ssi?"
Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Won. Oh, shoot! I forgot that he was still here! I forgot I still had a customer left! Mabilis kong pinunasan ang mukha ko maging ang mga mata ko at nagkunwaring may hinahanap.
"Won? I'm sorry, my p-pen fell," medyo malakas kong sabi. Now, where was the freaking pen?! Walang pen dito! Nasa counter! Tahimik kong nai-usal na sana ay may lumitaw na ballpen dito para naman mabigyang katarungan ko ang dahilan kong iyon.
"Pen? It's here, Evah-ssi," aniya.
I sighed deeply. Dahan-dahan akong tumayo habang sinisilip siya mula sa counter na nagtatakang pinapanood ang paglabas ko. Ngumuso ako at dumiretso ng tayo nang makita kong itinuturo niya ang ballpen na nasa tabi ng post.
"I thought it fell." Ngumiwi ako.
Oh, come on, Evah. Better luck next time.
"By the way, the man with a lady a while ago, isn't he the guy at the noodle restaurant yesterday?" tanong niya, napansin ko ang isang rice meal sa kamay niya na mukhang nakuha niya sa freezer.
"Ah, yes. I think he's with his girlfriend." Tumango ako kahit na nagngingitngit na ang kalooban ko sa ideyang hinalikan niya ako kagabi tapos ngayon ay may girlfriend pala siya.
Buwisit!
"I actually thought he's your boyfriend," natatawang sabi niya. Nanlalaki ang mga mata ko at mabilis na umiling habang iwinawagayway ang dalawang kamay ko para mas dramatic. Akala ko rin e.
"He's just a friend," sabi ko. Take that from someone who wasn't known in this field.
Madali kang maloloko kung wala kang experience, at sa kaso ko, naloko niya ako dahil siya pa lang naman ang unang lalaking nakaramdam ako ng ganito. Una… buwisit siya. Una, dahil hindi ako papayag na magiging siya lang! Buwisit! Buwisit siya!
Hindi na rin ako nagtaka na hindi kilala ni Won si Joon. BTS was still a new group in the music industry, baka hindi pa sila masyadong kilala ng mga tao.
"I see. I'm glad." Won vaguely told me as he put the rice meal on the counter.
Agad ko iyong inasikaso at nang tinanong ko siya kung takeout ba or dine-in at sinabi niyang kailangan niya nang umuwi dahil paniguradong hinahanap na siya ng parents niya lalo na't hindi siya umuwi kagabi kaya takeout. Nakitulog lang daw siya sa kaibigan niyang binisita rito, that gave justice to his messy hair and his lazy getup.
"See you later, Evah-ssi," aniya at umalis na.
Evah-shi. Hindi ko maintindihan kung bakit may 'shi' sa dulo kapag tinatawag nila ako. Was that some kind of a name extension or suffix? Pero nilalagyan ba ng suffix ang pangalan?
Matanong nga kay Won kapag nagkita kami mamaya—Wait, later?! Hindi naman kami magkaklase ah!
"Pretty, Unnie is pretty!"
Kinurot ko ang magkabilang pisngi ni Elli nang purihin niya ako dahil sa simpleng black long sleeves one-piece dress ko na tinernuhan ko ng isang pares ng puting high-base converse shoes. Paalis na ang winter kaya't hindi na masyadong malamig pero always ready naman ang jacket ko if ever. Sanay kasi talaga ako na dresses ang sinusuot.
Ang mahaba at straight kong buhok ay hinayaan kong nakalugay lang.
Sinabi niyang 'big sister' ang ibig sabihin ng 'unnie' at ang 'big brother' naman ay 'oppa'. The weird thing was, Elli told me that most of the girls here called their boyfriends 'oppa'.
Weird. Sa Pilipinas, ang weird kung tatawagin mong 'kuya' ang boyfriend mo.
"You're pretty too," natatawang sabi ko sa kaniya habang nasa loob siya ng counter at nahihiyang nakangiti sa akin.
May blonde siyang hanggang balikat lang na buhok at sobrang puti. Siya ang karelyebo ko sa shift. Isang taon ang tanda ko sa kaniya at katulad ni Ryu ay nag-aaral din siya at working student din.
"Take care, unnie," tanging sabi na lang niya bago ako hinayaang lumabas ng store ngunit napahinto ako.
Papasok ako ng school at nakaka-inis lang dahil naaalala ko si Joon. Paanong hindi kung kahapon ay magkasama kami, hinatid niya ako sa school at hinalik—
Come on, Evah. Stop thinking about the jerk.
Kinawayan ko na lang si Elli na sinusundan pala ako ng tingin bago ako naglakad na palabas ng store. Kanina pa nag-start ang shift niya. Napagpasyahan ko kasing magdala na lang ng pamalit sa store para hindi na ako umuwi sa bahay kapag papasok na ako sa school. Sa store na lang ako magpapalit.
Napahinto ako sa pagsasara ng pinto ng store nang masulyapan ko ang napaka-agaw pansin na pigurang naka-upo sa isa sa mga upuang nasa labas ng store. Nakasandal siya sa sandalan ng upuan, magkahiwalay ang mga hita at matamang nakatitig sa akin na para bang inaasahan na niyang makikita niya ako.
Napa-atras ako nang itulak niya paatras ang upuan at tumayo pero hindi ko napigilang pagmasdan ang suot niya. Nakasimpleng itim na t-shirt lang siya at itim na loose pants, kita ko ang itim niyang belt na nagsusumigaw ng brands dahil naka-tuck in ang shirt sa pants niya. Puti naman ang rubber shoes niya. Ang itim niyang buhok ay mukhang kinatamarang suklayin dahil sa gulo nito.
My heart instantly raced upon the realization that his clothes complemented very well my clothes. A combination of black and white. We got damn matching clothes! And it was creepy! We were not even a couple!
"I'll take you to school," aniya na para bang iyon talaga ang dapat naming gawin.
Bumuhos bigla sa ala-ala ko ang lahat ng mga nangyari kanina. Bumilis ang paghinga ko at humigpit ang pagkakasara ng bibig ko. Sinamaan ko rin siya ng tingin. Nang bumuntong-hininga siya ay napagtanto kong aminado siyang hindi kami okay. Wait, I meant, aminado siyang may kasalanan siya sa akin.
Hindi naman kami kaya hindi puwedeng hindi kami okay. This was just a one sided mistake. Siya ang may kasalanan sa akin, iyon lang iyon.
"Baby—"
"My ass." Agad kong putol sa kaniya dahil umpisa pa lang ng lalabas sa bibig niya ay panloloko na. Pumihit ako paharap sa daan at walang sabi-sabing iniwan na siya. Mabilis akong naglakad kasabay ng mabilis ding pagtaas-baba ng mga balikat ko dahil sa inis.
Buwisit ka, Joon! Ang sakit mo sa puso!
"Evah! Wait, baby!" He managed to keep up with my pace. Nasa gilid ko siya at para kaming couple ngayon sa daan na nag-aaway. Hindi ko siya pinansin. Kahit nang sinubukan niyang hawakan ang kamay ko ay mabilis ko iyong hinawi.
I maybe inexperienced but I was not stupid. Alam ko kung kailan ko dapat gamitin ang utak ko at ignorahin ang isinisigaw ng puso ko. Kahit na nagsusumigaw na ang puso kong pansinin na ang lalaking isinisigaw nito, mas nangingibabaw ang mga babalang paulit-ulit na isinisigaw naman ng utak ko.
He's a playboy! He's a lothario! A philander! Man whore! Casanova! He has his share of women! Don't get included! Pull yourself out immediately! Evah, wake up!
"Aish, this will be really hard…" Narinig kong bulong niya sa gilid ko.
Nahinto ako sa paglalakad nang humarang siya sa dinaraanan ko at halos panlambutan ako ng mga tuhod nang makita ko ang malalalim at intense na mga matang madalas niyang ibigay sa akin.
No, Evah! He's tricky! He got you with those eyes so he's using them against you!
"Get lost," mariing sabi ko sa kaniya habang pinananatili ang masamang titig sa kaniya.
"It's not what you think…" Pagbabalik niya sa mariing tono rin.
"You don't care about what I think. Mind your own business!" I spat angrily at him. Siguro kung mayroon mang magandang impluwensiya sa akin ang mga intense niyang titig, iyon ay unti-unti na akong nasasanay sa mga ito. Naroon pa rin ang panginginig ng mga tuhod ko at ang pagwawala ng puso ko pero alam ko namang hanggang doon lang iyon.
Humakbang siya palapit sa akin kaya umatras ako. I saw him clench his teeth because of what I did. "You. You're my business, baby. Let's talk it out, hm…" His voice softened a bit. Maging ang mga mata niya ay lumamlam at sinasalamin ang kislap ng mga butuin sa langit, if there was, or maybe his eyes were naturally bright.
"There's nothing to talk about, Joon—"
"Aish!" malakas niyang sabi na nakapagpatalon sa akin dahil sa gulat. "Say it again," aniya sa pigil hiningang paraan.
Kumunot ang noo ko. Ayan na naman siya sa pangalan niya.
Wrong move, Evah. Take note, don't ever mention his name when you're in an argument with him.
"Leave me alone. There's nothing to talk about!" Sinubukan kong muling lampasan siya ngunit mas maling kilos iyon dahil nahuli niya ang braso ko at hinila ako palapit sa kaniya.
I lightly bumped to his hard chest. Mabilis na sinakop ng natural na bango niya ang pang-amoy ko ngunit hindi ako nagpa-apekto, the familiar mixture of vanilla and musk assaulted my nostrils. I immediately put my hands against his broad and firm chest as I pushed him hard. Napanganga ako nang hindi man lang ako lumayo sa kaniya dahil nakasuporta pala ang mga braso niya sa likod ko para ikulong ako sa mga bisig niya.
He was not playing fair!
"Let me go!" sigaw ko sa kaniya.
"No, not unless you listen to what I'll say," aniya.
Hinampas ko ang dibdib niya habang umiiling. "Who wants to hear your lies, huh?! I said, let me go!" Paulit-ulit kong hinahampas ang dibdib niya ngunit hindi siya natitinag hanggang sa ako na lang ang sumuko. Hinayaan kong yakapin niya ako ng mahigpit habang mabilis ang paghinga ko dahil sa pinaghalong frustration at hindi ko maipaliwanag na pakiramdam… nasisiyahan ang puso ko dahil sa lapit naming dalawa.
"Did you calm down already?" I heard him softly ask as I felt him gently land soft kisses to my head.
"Go to hell," tangi kong sabi. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na likas na tahimik ang village namin at madalas na deserted ang bawat streets o maiinis dahil walang makakatulong sa akin ngayon.
Mas humigpit ang yakap niya sa akin habang ramdam na ramdam ko ang paglapat ng katawan ko sa katawan niya. Hindi na masyadong malamig kaya hindi nakakatulong ang init na nagsisimulang mabuhay sa sistema ko. I could actually stay like this with him for the next couple of hours, that was if I didn't have class tonight.
I could even go forever! Unbelievable!
"She isn't someone that will match your place in my heart, Evah. She's just a friend, or most definitely, my friend's older sister. She's years older than me. She's an older sister for me too." Litanya niya. He was lending me the answers my heart had been asking to freaking give justice to its pain.
"Jerk," komento ko kasabay ng pagsinghot.
"Ssh, say my name," aniya kasabay ng marahang paghaplos niya sa buhok ko.
Ibinaon ko ang mukha ko sa malapad niyang dibdib saka sunod-sunod na umiling. Pinasakit niya pa rin ang dibdib ko kanina kaya't hindi ko siya susundin.
"Believe me, Evah. You're my girlfriend, the only one, in my heart. Aish, I don't know since when did I get this so head over feels for you," bulong na niya ngayon.
Kumalabog ang dibdib ko nang sabihing niyang girlfriend niya ako. Binigyan na rin niya ng linaw kung ano nga kami sa isa't isa. At mas binigyan niya lang ako ng karapatang magdamdam sa kaniya.
Hindi niya ako pinansin kanina!
"Bastard," muli kong sabi.
"No, no, no, baby. That's not my name. Say my name please," pagsusumamo niya, lumuwag ang yakap niya sa akin para lang ikulong ang mukha ko sa mga palad niya. He gently made me look up at him. Again, his handsome face starstruck me for the umpteenth time. With a companion, not his usual intense stares but his soft and lovely stares.
I was starting to love his soft stares.
"Come on, baby…" He pleaded.
I pursed my lips to keep myself from saying his name. But who was him again? He wasn't just Joon, he was the man who held my heart. He had freaking ways.
Yumuko siya at dinampian ng isang mabilis na halik ang mga labi ko ngunit hindi ko pa rin siya sinunod kaya't sunod-sunod na mabilis na halik ang iginawad niya sa akin. Hindi ako makapalag dahil hawak niya ang pisngi ko. Ni hindi niya ako binibigyan ng pagkakataong makabawi sa bawat halik niya kaya napahampas ako sa balikat niya.
"Joon!" I annoyingly called him. One last swift kiss before his lips stretched into a triumphant smile because he got me mention his name that he so wanted so much. "Tricker!" I angrily accused at him that he just laughed at, his arms tightening around me as if he still wasn't planning on letting me go yet.
Pero hindi puwede dahil alam niyang may pasok ako.
Hinatid niya ako sa school pagkatapos naming magkaayos. Ganoon parati ang nangyayari sa mga sumunod pang araw. Kung hindi siya lilitaw sa store ng umaga ay parati siyang nasa labas ng store at nag-aabang sa akin para ihatid ako sa school. Though there were days when he wasn't showing up because of his busy schedules.
Kung minsan naman ay sabay kaming kumakain dahil mukhang hindi pa rin siya tapos sa pagbabantay sa akin sa pagkain ng noodles, tapos nadagdagan pa. Mahigpit na rin niya akong binabantayan sa pagkain naman ng seafoods, kahit mga flavours ay ipinagbabawal niya.
For a week, puro ganoon ang nangyayari at unti-unti na akong nasasanay. Masyado niya akong sinasanay!
Napatunayan ko na rin kung gaano siya ka-sweet bilang boyfriend. It wasn't about the intensity of his outside appearance, it was about the softness he had inside… maybe he had a lot of sweet bones stocked in his body.
Minsan nga naiisip ko, for a rising popstar, he sure had lots of vacant times. Parang nasa akin na nga ang lahat ng oras niya. Mabibilang ko lang sa isang daliri ko sa kamay kung ilang beses lang siyang hindi nagpakita sa akin.
My runaway heart had found a greatest—gorgeous companion in the middle of the run, and I would love to be with him until the end of all this.
Siguro naman darating din iyong araw na mapapatawad ako ng mga magulang ako. Maybe they were right, you can't have everything, you can't have all the things you want at the same time, it should be one at a time. Noon, kasama ko ang mga magulang ko dahil pinagkakakait sa akin ang pangarap ko. Ngayong inaabot ko ang pangarap ko, sila naman ang wala… pero masaya naman ako, kasi nandiyan si Joon.
Sana lang talaga agad na maintindihan ng mga magulang ko na ito ang gusto ko at hindi ang kung anumang gusto nila para sa akin.
I was not a their puppet. I was their daughter, just like them, I had dreams.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top