IV
Chapter Four
Tumagilid ako ng higa nang muli na namang pumasok sa isipan ko ang imahe ng lalaking iyon habang sumasayaw at nag-ra-rap sa TV. Ibang-iba ang hitsura niya kumpara sa hitsura niya noong huling pagkikita namin. And he had got his hair dyed in black when it was brown when I had last seen him. But ugh, he was still gorgeous!
Dati ay tinatawanan ko lang ang mga lalaking naka-hip-hop style, mga lalaking mas makapal pa ang eye-liner sa mga Smokey-eye models ng Vogue at mas kikay pa sa mga babae kung magpalit ng kulay ng buhok. He was just so handsome in those styles!
Hindi ko akalaing dito ko makikita sa Korea ang taong sisira ng standards ko. I was not saying that I liked him already but he just broke my standard and easily got into my point of interest. Dahil sa totoo lang, hindi ako mag-aaksaya ng oras para lang isipin ang kung sinumang lalaking sobrang opposite ng standard na mayroon ako.
Marahan kong tinapik ang pisngi ko para patigilin ang malikot kong utak sa pag-iisip sa lalaking iyon. He might be so handsome but he was not worth a space in my mind. Masyadong maraming gumugulo sa isipan ko ngayon para dumagdag pa siya. Tumihaya ako ng higa at muling nakipagtitigan sa mataas na kisame.
Now, what would happen to my life? I must say that my life had become a little easier now that I found a sauna with a cheap payment. Siguro ay maghahanap ako ng mapagkakakitaan pero sa lagay kong ito, paniguradong mahihirapan ako. I couldn't speak their language, I couldn't even understand them. Sinong matinong employer ang tatanggap sa isang tulad ko? Baka kahit janitress ay required ang pagiging marunong sa Korean.
I tiredly yawned while staring up the ceiling. Hinaplos ko ang gilid ng mga mata ko dahil sa luhang bahagyang kumawala mula rito. So much for thinking everything in just a day, bukas ko na ipagpapatuloy ang pag-iisip kung paano ako makaka-survive dito.
Kinabukasan ay sa sauna house na lang din ako kumain ng almusal, seeing it as a lot more practical than going out to eat at some convenient store. Masusuka na ako ng tuluyan kung mag-nu-noodles na naman ako. At least, the boiled egg here was less cholesterol and I needed some walnuts to knock me up from still thinking about the mean guy since I had seen him last night on TV.
Hirap na hirap ako sa pagbabalat ng mga nuts dahil hindi naman ako marunong kumain nito. Nakita ko ang ibang kasama ko rito kung paano nila kinakain ang nuts nila at nakakabilib lang dahil walang kahirap-hirap lang nila itong ginagawa.
"Ouch!" I stupidly reacted before my hand flew to my forehead. Napangiwi ako dahil sa sakit na dulot ng pagkakabasag ng walnut sa noo ko.
No one said it was painful!
Tinitigan ko ng masama ang magnobyong ilang metro ang layo sa akin, nagkakatuwaan sila habang kumakain ng walnuts at binabasag ang mga ito gamit ang noo ng bawat-isa.
Tss, sino ba kasing may sabing makigaya ka, Evah?
Patuloy lang ako sa paghaplos sa noo ko habang pinapaliguan sila ng masamang tingin. Imbis na kainin pa ang mga natirang walnuts ay pinagtuunan ko na lang ng pansin ang mga boiled eggs. Nang matapos akong kumain ay nagtungo ako sa isang gilid para pababain ang kinain ko. Walang treadmill dito kaya nakontento na lang ako sa pag-yo-yoga, stretching dito, stretching doon, hinga papasok at hinga palabas. Siyempre nag-warm up muna ako.
I just continued the same routine for at least an hour. Nang tumigil ako para mag-warm down ay napansin kong nasa akin ang atensyon ng ilang grannies na kasama ko sa hall. I even saw some of them sitting the way I was sitting while performing the last part. Ang iba ay nasa parehong posisyon ng pag-wa-warm down ko.
Napanganga ako dahil may mga sumasabay pala sa pag-e-exercise ko, at karamihan pa talaga ay mga lola, nakilala ko pa ang mga lolang kinikilig kagabi sa panonood noong grupong sumasayaw at kumakanta sa TV. Hindi ko tuloy alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang ginagawa ko pero nang maalala kong tapos na nga pala ako at warm down na lang ang kulang ay tinapos ko na lang ang counting ng warm down na ginagawa ko.
The moment I sat down flat on the ground, they also all fell flat on their places. Siguro ay dala lang ng pag-ka-bored kaya sila na-engganyong sabayan ako sa pag-e-exercise. It wasn't a big deal for me, it was just that they should have told me so that I could have guided them.
Sa totoo lang kasi, close ako sa mga grandparents ko sa father side even before they were gone. Noong bata pa ako ay masyado nila akong ini-spoil na sobra rin akong naapektuhan noong sabay silang mawala. I had met my grandparents from my mother side but they were based outside the country and they would only go to the Philippines to visit us every once in a year. Pero kahit na ganoon, malapit din ako sa kanila.
Na-mi-miss ko na rin ang makipag-usap at makipaglambingan sa mga lolo't lola.
Dinampot ko ang mineral water ko at uminom. Sa susunod ay yayayain ko silang sabayan ako dahil baka nahiya lang silang kausapin ako. Hindi pa man ako nakakatatlong lunok ay nakarinig na ako ng nagsisigaw. I turned to the direction of the screaming only to see people crowding into something I couldn't see. Hindi sana ako makiki-usyoso kung hindi ko lang nakita ang kaninang babaeng kasama ang nobyo niya na umiiyak habang sumisigaw. Seemed like she was asking for help but no one in the crowd was capable of.
Kaya tumayo ako dala ang mineral water ko at huminto sa may kalayuan sa kanila. I could hear them talking but I couldn't really understand them. Patuloy pa rin sa pag-iyak ang babae habang nakatingin sa baba.
My forehead creased as I saw an arm lying past through those feet crowding a lying body inside. I checked if there was a medic ready to rescue but I saw none. Tanging ang mga clueless at useless na mga taong nakiki-usyoso lang ang nasa paligid maging ang babaeng umiiyak.
I then let my feet drag me towards the commotion. Bahagya kong hinawi ang mga taong nakaharang at nang hindi ko magawang makadaan ay sumigaw ako. "I'm a nurse! Excuse me please so that I can check the patient!"
Pinagtinginan ako ng mga tao. Pina-ulanan nila ako ng nagtatakang tingin at wala ni-isa sa mga ito ang kumilos para padaanin ako. Sa inis ko at sa pakiramdam na kailangan kong agad na ma-check ang taong nakahiga ay hindi ko na hinintay pang bigyan nila ako ng daan. Sumingit ako sa kumpol ng mga tao at agad na lumuhod sa lalaking nakahiga na namukhaan kong kasama ng babae kanina. Iyong magnobyo. Inilapag ko ang bote ng mineral water ko sa sahig.
The guys was unconscious.
"Hey, what are you doing?!" The girl screamed at me as I was about to put my fingers on the guy's neck pulse to check his breathing. Bakas sa mga mata niya ang pagtataka pero mas nangingibabaw ang pag-aalala.
Bumuntong-hininga ako at itinuloy ang gagawin. I felt the guy's neck pulse. Nakahinga ako nang maramdaman ko ang pagpintig ng pulso roon ngunit mabagal lang. I could already tell that it wasn't normal.
"What's the emergency line here?" I asked to anyone. Walang sumagot kaya inis akong pumikit bago mag-angat ng tingin sa babae. Posibleng hindi nila ako naiintindihan pero imposibleng wala ni-isa sa mga taong ito ang nakaka-intindi ng Ingles. Kahit isang tao lang! "Look, Miss, I don't know what happened to him but he needs to get to the hospital. Now, can someone call the emergency line?!" Hindi ko napigilang magtaas ng boses. Kung tutulala lang sila ay baka may mangyari ng masama sa lalaking ito.
Bumalik ang tingin ko sa lalaki. My eyes then went to his neck. Saglit akong nag-isip habang ina-alala kung naroon na ba ang mga pulang pantal na iyon nang makita ko sila ng nobya niyang naglalambingan kanina. Hindi ko matandaan sa totoo lang. Narinig kong may tumawag na sa emergency line. Muli kong chineck ang pulso ng lalaki at nag-panic ako ng halos hindi ko na ito maramdaman.
My hands then immediately did the work. I served him a CPR. Agad akong lumuhod ng maayos bago ko ipinagpatong ang mga palad ko sa dibdib ng lalaki at paulit-ulit na nag-pump. I even spared him some air to breathe through a mouth to mouth way before continuing pumping him.
Allergy.
Maaaring allergy ang sanhi ng pag-pi-faint ng lalaki at mukhang naaapektuhan na ang paghinga niya. Ang mga pulang pantal sa katawan niya ay allergy reaction din.
"It's an allergy attack." I firmly informed the panicking girl just sitting on the other side of the man just to let her know that I got this since I was seeing her almost teary eyes.
It could be because of the nuts since iyon lang naman ang nakita kong kinakain nila kanina. Though I was sure, this guy knew about his allergy, I just didn't know why he had ignored it though.
Nakakarinig ako ng mga bulung-bulungan sa paligid at mukhang nag-pa-panic na rin ang lahat sa nangyayari. After pumping many times, I again checked his pulse. I sighed deeply as I felt it coming back to a normal pace. Just like that, medics from the Sauna house came, taking after my part and repeating the first-aid I had performed.
Lumabas ako ng Sauna house pagkatapos ng mga nangyari. I just wore a warm white dress sweater na umabot lang sa itaas ng tuhod ko, white pants and my boots. Ipinatong ko pagkatapos ang hoodie ko. I just braided my long hair in a high bun before putting on a black beanie na isa sa mga dala ko mula pa sa Pinas, to keep my head warm.
Dala ko ang backpack kong naglalaman ng iilang mahalagang bagay na pag-aari ko, phone and wallet na paubos na rin ang laman. I could bet, wala pang isang buwan ay nagpapalaboy-laboy na ako sa mga street ng Seoul. Nasa loob din ng bag ko ang ilang papeles ko na makakapagpatunay na ako nga ay si Emmanuelle Yvana Ignacio na isang Filipino citizen at tanging tourist visa lang ang mayroon ako.
Great! Whatta life, Evah. Isa ka ng OFW—let me change some things, OFR. Overseas Filipino Runaway.
Illegally at that because I didn't have a working visa. I just hoped, bago pa dumating ang six months validity ng tourist visa ko ay maka-isip na ako ng susunod na hakbang.
Naghanap na ako ng ilang mapapasukan sa Internet, I even did a bit of researching about some jobs offering there on that one site. Siyempre, pinili ko iyong mga saswak sa akin, iyong mga hindi na masyadong nangangailangan ng sobrang daming papeles. Nakakita ako ng isang urgent hiring at iyon ang pupuntahan ko ngayon. Nakita ko sa address na ilang blocks lang iyon mula rito. I really did search a nearer place since I still didn't know the city.
Sinulyapan ko ang isang pamilyar na establisimiyento dahil mayroon ding ganito sa Pinas. That familiar orange, blue and red horizontal lines accordingly on top of the store and to each of the transparent walls, and that number logo it had.
7-Eleven
Nakapaskil din sa isa sa mga dingding ang papel na may nakalagay na mga Japanese Characters or Korean whatsoever, sa ibaba noon ay ang mga katagang: URGENT HIRING-Cashier.
Cashier?! Parang naririnig ko na ang pang-asar na tono ng mga kaibigan ko kapag nalaman nilang nagtapos ako ng apat na taon sa medisina, nag-top ten sa board exam at kabilang sa pamilya ng mga kilalang Doctors, Surgeons and Specialists tapos cashier lang pala ang babagsakan ko.
I would really give shame to the high and mighty Residential Hospital my parents owned in the Philippines.
Nagkibit-balikat ako. Itinakwil na nila ako, ito na lang ang magagawa ko para maka-survive dito. Not that I could walk in on some hospital here, show them my diploma and ask them to hire me.
Funny.
"Hi, I heard you're in an urgent hiring?" I asked the girl at the counter who sat comfortably on her seat while sipping on a what seemed like an orange juice in can.
Umangat sa akin ang maliit niyang mga mata ko. Bahagya pang nag-bounce ang shiny at straight niyang hanggang balikat na buhok, ang mga tusok ng bangs niya ay natatabunan ang noo niya hanggang sa talukap ng mga mata niya. She had small face and was very pale.
"Come again?" She spoke.
Nagulat ako nang marinig ang boses niya. For a small and petite girl like her, I didn't expect her having a big and deep voice. Para bang dinadaya ako ng panlabas niyang anyo at itinatago ang tunay na katauhan sa loob niya.
Hinawakan ko ang parehong hawakan ng backpack kong nasa gilid ng baywang ko bago sumagot. "I'm here to apply for the cashier. I saw the poster outside." At itinuro ko ang bandang labasan.
Nagtaas siya ng kilay at tamad akong tinitigan. "No English," mariin niyang wika matigas na Ingles.
Bumuntong-hininga ako. I should have seen this coming, I just couldn't really mix up with them because I didn't do the same things they did, I didn't speak the way they did and I didn't believe things they believed. Nag-isip ako ng ibang paraan para magka-intindihan kami dala-dala ang isiping kung sakali mang mabigo ako, siguro ay aalis na lang ako at maghahanap na lang ng iba. Though I liked it here since I was familiar with the store, I should really bare in my mind that the choice wasn't on me now.
"Cashier." I eagerly started. Itinuro ko siya pagkatapos. Nanatili ang pagmamatayog ng kilay niya ngunit nagpatuloy pa rin ako. "Me. Apply! Cashier," sabi ko matapos kong itinuro naman ang sarili ko tapos siya ulit.
Ugh! Mas nakakabobo pala ang ganito! At ang mas nakaka-inis pa, wala man lang siyang reaksiyon sa mga sinabi ko, kung kaya nang tumunog ang pinto hudyat na may pumasok ay ikinumpas niya ang isang kamay niya na tipong itinataboy ako.
Nakangusong napatitig lang ako sa kaniya habang uma-atras. Nilingon ko ang pinto ngunit nakasara na iyon at mukhang nasa shelf na ang kung sinumang pumasok. I really needed the job! I couldn't let this opportunity slip! Bumalik ako sa kaninang puwesto ko at akmang aabutin ko ang kamay niya ngunit mabilis siyang naka-ilag na para bang inaasahan na niya ang gagawin ko.
I stared at her pleadingly as she deadly glared at me.
"Please! Please! I need this job! I really need this job! Please, Miss!" Halos magka-awa na ako sa harap niya, lumuhod I might add, habang ina-abot ko pa rin ang kamay niya.
"What could be this crazy girl is saying?! Don't touch me!" Sumigaw siya na ikinagulat ko.
Akmang hahawakan ko siyang muli nang may humawak sa braso ko at malakas akong hinila palayo sa babaeng cashier na ngayon ay takot na nakatingin sa akin. Wait, what? Takot? Was I some bad girl she should be afraid of?!
"What are you doing?!" Malakas at malalim ang pamilyar na tinig na narinig kong pagmamay-ari ng taong humila sa akin.
Bumaba ang mga mata ko sa braso ko para lang makita ang malakas at mahigpit na pagkakakapit ng mga mahahabang daliri niya sa maliit at maputi kong braso. I could bet my life, I would get a bruise from the way he was gripping me. But that wasn't the reason why I could feel my heart starting to run a feast inside my ribcage. Hindi iyon ang dahilan kung hindi ang pamilyar na bangong nasasamyo ng ilong ko maging ang pamilyar na boses.
Ang mga buhok ko sa batok ay nagsisitayuan dahil sa napakalakas na presensyang nasa gilid ko. Ang mga tuhod ko ay gustong manghina dahil sa paraan ng paghawak niya sa akin. And I was afraid that if I turned around, I would see the perfection my eyes would never take.
"Don't touch me." I only found my voice low but stern. Sinubukan kong hilahin sa kaniya ang braso ko ngunit mahigpit ang kapit niya sa akin. As if keeping a criminal on hold and not letting it escape.
What, criminal, really Evah? Can't you think of a better metaphor?!
"You're scaring the girl, what do you think you're doing?!" Mas mahina na ngayon ang boses niya pero ramdam ko pa rin ang diin nito.
I gritted my teeth. "I'm not scaring her!" malakas kong sigaw saka muling sinubukang kumawala sa kaniya.
To my surprise, he just let me go so easily that was why when I forcefully took my arm from him, I stumbled down the dirty tiled floor. Napanganga ako habang nakapinid sa malamig na sahig ang mga palad ko, ang naka-ponytail kong buhok ay sumasayad sa sahig at mabibilis ang paghinga ko dahil sa galit.
I was wearing white clothes so I was sure, nadumihan na ito!
"It's your fault," mabilis na sabi ng lalaking isang buong gabing nagpagulo sa isipan ko nang marahas ko siyang nilingon. Ang mga maliliit niyang mga mata ay nakatingin pabalik sa akin. His deep dimple showing due to the little movements of his lips.
Ngayon, pinagsisisihan ko nang sinayang ko ang buong gabi ko sa pag-iisip sa kaniya! He was not worth it!
Mabilis akong tumayo at akmang susugurin siya kung hindi ko lang naalalang nasa TV siya kahapon at kapag pinatulan ko siya, paniguradong mag-te-trending din ako bukas at magiging source of hate ng maraming tao. Of course, he was a celebrity and he sure had fans. I didn't actually need to confirm that from him since I was smart enough to put two and two together. He was an idol and with a reputation.
The guy only stood coolly, with his familiar brown jacket, faded jeans and white sneakers. He was in a snapback but I could still see his black hair escaping from his cap. At nakaka-inis lang dahil kahit na matangkad ako ay mas matangkad pa rin siya.
Hanggang leeg lang niya ako!
Nilingon ko ang cashier girl at tahimik lang siyang pinapanood kami. In the end, sumuko na lang ako. Naglabas ako ng isang papel ng tissue at ballpen, sunod ay inilabas ko ang phone ko para hanapin ang bago kong number in this country code. I then wrote my digits on the tissue before putting some details on it like my name and that I was applying for the hiring position.
0100-000-0000
Evah Ignacio
Cashier
"Call me 'cause I can't still let this job slip." Kahit na hindi niya ako naintindihan ay umaasa akong maibibigay niya iyon sa manager niya. Nilingon ko pagkatapos ang lalaking salbahe at masamang tiningnan.
So much for hoping that we wouldn't cross paths again, because it just happened. And ugh, he was too careless for a popstar, looking undisguised like that?! I hoped he would get caught!
Mean jerk!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top