III

Chapter Three

"He's just sixteen, are you sure you were not planning to do something to him?"

Napanganga ako sa narinig kong lumabas mula sa bibig niya habang pinapanood ko siyang ina-ayos ang pagkakahiga ng lasing na lalaki—turned out, batang lalaki—sa kamang kulay asul dito sa loob ng silid na nilabasan niya kanina. Hindi ako makapaniwalang ina-akusan niya ako pagkatapos ng pagmamagandang loob ko! And what, sixteen? He was still a minor and yet, he drank alcohol?! Hindi puwede iyon!

Sinamaan ko ng tingin ang sexy'ng likod—forgive and bless me—niya dahil hindi siya nakatingin sa akin at abala pa rin sa batang nasa kama at natutulog dulot ng sobrang kalasingan.

"Tell that to that drunkard, idiot! 'Cause I might file a case against him for harassing me awhile ago!" inis na sigaw ko habang pinipigilan ang sariling sipain siya.

"I'm not sure. He's drunk and nowadays, some foreign tourists are victimising young Koreans just to get a good fvck," he blandly said as if what he said was just a normal thing. Na para bang nasa mukha ko na magagawa ko nga ang ina-akusa niya sa akin. And he didn't even think about it!

Nanlaki ang mga mata ko, naiiskandalo sa sinabi niya. "How dare you?!" I exclaimed, disappointed and angry.

Binabawi ko na. Binabawi ko na ang sinabi ko kaninang mabait siya! Maling-mali ako! I knew I shouldn't judge a book by its cover, at mas lalo na sa unang pahina pa lang! Hindi ma-isasalba ng paunang kabaitan niya sa akin ang talas ng dila niya ngayon!

Napa-atras ako nang nilingon niya ako gamit ang malamig na mga mata, tapos na niyang kumutan ang batang lasing, si Yexel. Hindi ko alam kung kaanu-ano niya ang batang iyan at hindi ko na dapat pa ina-alala iyon dahil mas mahalaga ang lagay ng puso ko ngayon dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. But I didn't dare back away. Sinalubong ko ng galit ang mga malalamig niyang mata.

I didn't judge him, so he shouldn't be judging me easily!

"So, this is how Koreans show their gratitude? After I picked that boy in the street and had a heart to let him stay in my room since he's drunk, oh sure, you're so welcome," seryoso kong sabing may diin ang bawat salita. Nakita kong suminghap siya bago lumambot ang mga mata niya. Nag-iwas ako ng tingin at hindi na siya hinintay pang makasagot dahil mabilis ko nang hinubad ang jacket na suot ko. Agad na nunuot sa katawan ko ang lamig ng silid dahil sa pagkawala ng komportableng init na dulot ng jacket niya. "Anyway, thanks for this. I hope we don't cross paths again," sabi ko bago ko marahas na ibinato sa kaniya ang jacket niya na agad naman niyang nasalo. Kasunod ay pumihit na ako paharap sa pinto at nagmamadaling magmartsa palabas.

Ngunit bago ako tuluyang makalabas, narinig ko siyang nagmura sa ingles.

Well, damn him too!



Mahigpit kong hinawakan ang phone ko habang tinititigan ang contact information ni Daddy sa speed dial list ko. I just had to press that green sign button and I would be talking to my father already. Suminghot ako habang pinipigilang ang paghikbi. Mabigat ang dibdib ko, parang pinuno ng lifts ang loob ko kaya ganoon. Wala akong karapatang magdamdam pero kasi walang naka-appreciate ng ginawa ko.

Hindi ba alam ng lalaking iyon ang mga paghihirap ko kanina matulungan lang ang lasing na batang iyon?! At saka sa lahat ba naman ng puwedeng kakilala noong batang iyon, bakit iyong lalaking iyon pa?! Nasira tuloy iyong magandang image niya sa akin. Buwisit! Akala ko pa naman mabait talaga siya.

Muli akong suminghot, nanunubig na ang mga mata ko at may nagbabara sa lalamunan ko ngunit bago ko pa man hayaang lumandas ang mga luha ko ay pinindot ko na ang dial button. Idinikit ko sa tainga ko ang phone. Rinig ko ang sunod-sunod na ring mula sa kabilang linya kasabay nang pagsikip pang lalo ng dibdib ko.

My heart sunk when it only kept on ringing until the voice of the female operator came. Inulit ko ang pag-dial sa number ni Daddy pero nanatiling ganoon, kahit nang si Mommy ang tinawagan ko ay wala ring sumasagot. Nanghihinang nalaglag ang kamay kong may hawak ng phone sa mga hita ko.

Hindi nila sinasagot ang tawag ko. Isa lang ang ibig sabihin noon, itinatakwil na kaya nila ako?

Agad akong umikot para dumapa sa kama, ibinaon ko ang mukha ko sa comforter saka ko ibinuhos ang hikbi at luhang kanina pa gustong kumawala. Iniyak ko ang lahat ng pressure na dala ng dibdib ko buong araw na ito.

Mas masakit pala na itakwil ng mga magulang. It felt so isolating, I felt so alone. Hindi pa nakatulong na nasa bansa ako kung saan wala akong kilala, wala akong taong puwedeng matakbuhan. I was used to always having people whenever I needed them, kahit na ganoon ang parents ko, they had never made me feel like I was alone. They could be manipulating, but they had never made me feel un-loved.

My runaway heart could only take light pains, but the pain of being thrown and freed by my parents was striking my heart in a most painful manner.

I wanted freedom, I didn't know it would hurt this much.



"Miss, your card isn't working," wika ng babaeng nasa counter matapos kong i-abot sa kaniya ang credit card ko para sa mga damit na pinamili ko.

Kumunot ang noo ko dahil sa kawalan ng ideya sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung makakaya ko ba talagang manatili sa lugar na ito. Most of the people here couldn't understand me, and neither I could understand them.

I smiled hesitantly. "I can't understand Korean," sagot ko.

Nakangiwing tumitig siya sa akin saka luminga sa paligid. Nagtaka ako dahil mukhang mayroon siyang hinahanap. Mayamaya lang ay bigla siyang nagsalita—sumigaw bago lumitaw ang isang maputing babae, singkit ang mga mata at mukhang kinulang sa nutrisyon sa katawan dahil sa payat.

I was skinny but I had curves. Dulot iyon ng pagkain ng masusustansyang pagkain at tamang diet.

"What's the problem here?" wika ng bagong dating sa malambot at mahinhing tinig gamit pa rin ang linggwaheng hindi ko maintindihan. Sumagot ang babaeng nasa counter.

Akala ko ay masisiraan ako ng bait dahil sa pag-uusap nila kaya napahinga ako ng malalim nang humarap muli sa akin ang babaeng sa tantiya ko ay siyang manager nitong shop dahil sa kakaiba ang suot niyang uniporme kumpara sa mga suot ng nasa counter.

Ngumiti sa akin ng babae, ang maninipis niyang mga labi ay nakabinat at ipinapakita ang mapuputing ngipin. "Seems like there's something wrong with your card, Ma'am," aniya sa diretso ngunit may ibang accent na English.

Suminghap ako at binalingan ang card kong hawak ng babaeng nasa counter. Naglabas ako ng isa pang black card at inabot ito. "Try this," sabi ko.

Tinanggap ito ng babae at muling isin-wipe para subukan ngunit muli siyang umiling na nagpalaglag ng panga ko. Bakit walang laman ang mga cards ko? Malinaw na sinabi sa akin ni Pia na hindi ma-ho-hold ni Daddy ang mga bago kong cards!

"Ma'am, do you have other cards?" untag sa akin ng manager.

Of course, I have a lot! Gusto kong isagot iyon ngunit walang kasiguraduhan kung gagana ba ang mga iyon!

Napatingala ako sa sobrang frustration. Pinaparusahan ba ako nina Daddy? Could have they talked with my personal representative? Pero imposibleng ilaglag ako ni Pia! I trusted her. Hindi niya ako ilalaglag sa mga magulang ko. At kahit na isipin ko pa iyon, alam kong ang mga magulang ko lang ang may kakayahang gawin ito.

They were still my source of money.

"Ma'am?" The manager called me.

Pumikit muna ako ng mariin bago ako magbaba ng tingin at hingin pabalik ang mga cards ko. Nakangiting ibinalik naman ang mga ito sa akin. Tinanong ko kung tumatanggap ba sila ng cash kaso ang problema ko, Philippine money ang mayroon ako.

"That will do, Ma'am," sagot ng manager.

At nakakahiya lang dahil kailangan kong bawasan ang mga napili kong damit dahil kung hindi, walang matitira sa akin at kailangan ko pa ng pambayad sa hotel na tinutuluyan ko.

Wow, I couldn't believe I was getting broke!

Matapos kong mamili ng iilang damit lang, dahil kilala ang store na pinasukan ko, nagtungo naman ako sa isang mobile store. Kung kahapon ay balak kong bumili ng phone, nagbago na ang isip ko. Magpapalit na lang ako ng line at magpapa-install ng ilang applications na madalas gamitin dito.

I wanted to praise myself for being so prepared. Mabuti na lang pala at hindi ko iniiwang gutom ang wallet ko. Kahit noong nasa Pilipinas pa ako ay palaging puno ng cash ang wallet ko sa kadahilanang mas madaling magbayad gamit ang cash. And really, Pia must have seen this coming beforehand!

Magtatanghali na nang matapos ako sa lahat ng balak kong gawin. I had to take my cashes to a money changer shop to get it change into won, Korea currency.

Pinagmasdan ko ang ilang piraso ng cup noodles sa coffee table ng kuwarto ko. Tinitimbang kung ilang fats ang mai-install sa katawan ko sa isang cup lang noon. I had to restrict my spending. Baka tuluyan na akong mamulubi kung mananatili ang luxury ko sa katawan plus the cost of living here in this country was unbelievably so expensive!

If only I had my cards tried first.

Sa mga sumunod na araw ay sinubukan kong mas magtipid pa. Imbis na tatlong beses akong kakain sa isang araw at bukod pa roon ang meryenda ay nagawa kong maka-survive ng hindi na nag-di-dinner. I even disregarded meryenda. So far, nagawa kong maka-survive ng isang linggo sa bansang ito. Luckily, or just so I thought, hindi ko na naka-engkwentrong muli ang lalaking nagpahiram sa akin ng jacket.

Salbahe siya. Hinding-hindi ko makakalimutan na naging mabait siya sa akin sa pagpapahiram ng jacket niya, but he was just like anybody else. Paano niyang naisip na may gagawin akong masama roon sa batang kakilala niya?

I didn't know Koreans look at the foreigners that way. Kawawa naman ang iba pang kapwa ko foreigners na katulad ko ay wala rin namang masamang balak gawin dito sa bansang ito. I didn't know if they were still occupying the room near mine because I didn't spare a moment to even check.

Wala akong paki-alam kung nandoon pa sila! At sana wala na!

Marahan kong sinipa ang maliit na bato habang naglalakad sa gilid ng kalsada kung saan may mga establisimiyento. Nagawa kong maka-survive ng isang linggo, pero paano ang mga susunod na araw? Paubos na ang pera ko at kung mananatili pa ako ng ilang linggo sa hotel na tinutuluyan ko ay wala na akong ma-ipambabayad.

Muli kong sinipa ang bato habang mas isinusuksok pa ang mga kamay ko sa bulsa ng puting hoodie na kasama sa mga pinamili ko noon. Manipis lang ito kumpara doon sa jacket na pinahiram—nevermind. Kinailangan kong lumabas para makapag-isip-isip. Gabi na at halata namang mas malamig dito sa bansang ito kapag gabi.

I was a runaway but I felt more like an abandoned.

I thought I had this all planned. Hindi ko naman puwedeng sisihin si Pia dahil baka tinakot siya ng mga magulang ko para bumaligtad sa akin. They must be thinking that I would be coming back to them, asking forgiveness and acceptance.

Tama sila. Ginawa ko nga iyon pero mukhang wala silang balak tanggapin pa ako. This wasn't just a punishment, this was abandonment.

Natigil ako sa paglalakad at pagsipa-sipa sa maliit na bato nang mawala ito sa paningin ko. Napalakas ata ang pagkakasipa ko. Dumuko ako para hanapin ang maliit na bato. I pushed strands of my hair behind my ear just to see clearer.

"Nasaan ka na?" I said, talking to the small stone. Habang hinahanap ko ang maliit na bato nang hindi lumalayo sa puwesto ko kanina ay may lumipad na flyer papunta sa akin. Dinampot ko ito at tumayo ng diretso. "Sauna," I uttered as I read the main content of the piece of paper.

Pinaghalong English at Korean ang mga salitang nakikita ko pero naiintindihan ko naman dahil sa mga English words na mukhang pinasadya talaga. Binaliktad ko pa ito baka sakaling may sulat sa likod at mayroon nga. Halos mapanganga ako nang makita ang presyo ng bawat gabi. Ni hindi man lang umabot sa one-eight ng rentang binabayaran ko sa hotel na tinutuluyan ko kada-gabi!

Wait, may ganito ba talaga rito?! Binasa ko pa ang mga details and information sa papel. Tinantiya ko kung aalis ako sa hotel at tutuloy sa isang sauna, ang isang gabi ko sa hotel ay isang linggo ko sa sauna!

What the hell? Bakit hindi ko ito naisip noon pa?! E 'di sana mas nakatipid pa ako!

"So… this is the address," bulong ko sa sarili ko dahil nasa papel din ang address nito.

Sa mga panahong ganito, kailangan kong pairalin ang pagiging praktikal dahil mahirap mang tanggapin, sarili ko na lang ang tangi kong maaasahan sa mga oras na ito. I should bare in mind that I was no longer the rich girl who had all the money because I was now a runaway—abandoned lady and was very broke. Kaya bago pa man pumatak ng ilang libo na naman ang babayaran ko sa hotel ay bumalik na ako at agad na nag-impake.

Mas dumoble ang mga dalahin ko dahil sa mga damit na pinamili ko ngunit na-ipagkasya ko naman lahat sa stroller. Nagpalit din ako ng damit, dinoble ko ang panloob ko bago ko muling isinuot ang hoodie. I would often see people here wearing double clothes, that was a lot more smarter but if you were practical enough, you wouldn't do it. Ang hirap maglaba ng mga damit. Kung hindi lang ako namumulubi ay isang beses lang sa akin ang damit pero dahil wala na akong pera…

I sighed as I zipped my stroller. Walang pera… I was sure my friends in the Philippines would really laugh at my current situation now. Kung hindi nga lang ako natatakot na malaman ng mga magulang ko ay nagpatulong na ako sa kanila e. But of course, I would show my parents that I could survive.

Ngumuso ako habang isinu-surrender sa reception desk ang swipe card ng kuwarto ko, hawak ko sa kabilang kamay ang stroller ko at suot ko ang backpack ko. Ma-mi-miss ko itong hotel na ito. This played a big role in my runaway life.

I went to the address said on the paper with the help of the kind driver. Ipinakita ko lang ang flyer at agad na nitong nakuha ang gusto kong sabihin. Mahirap makipag-usap sa mga tao rito lalo na't hindi sila marunong sa lingguwaheng Ingles. Hindi naman kalayuan mula sa hotel ang sauna. Kung alam ko nga lang ay nilakad ko na lang sana para nakatipid ako.

Gosh, I didn't know I would have to restrict my spendings! Hindi pa nangyayari ang ganito sa akin!

Kumurap-kurap ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang maliit na gusaling nasa harap ko. Nandito ito sa street ng isang village. Sa itaas na bahagi ng building ay may mga Japanese characters kasunod ang salitang 'Sauna' at nakapaskil ito vertically.

Kasabay ng pagkurap-kurap ng mga mata ko ay ang pagkislap-kislap naman ng mukhang low-maintenance nitong lighting.

No wonder, it was cheap.

Napangiwi ako nang silipin ng maskulado at singkit na lalaking may makapal na balbas na nasa counter ang mga dala ko.  Akala ko ay may sasabihin pa siya ngunit tahimik lang niyang inabot sa akin ang isang pares ng kukay pink na t-shirt at shorts, at isang susi.

"Thank you." Nagpasalamat ako at nagtungo na sa direksyong itinuro niya, hila-hila pa rin ang stroller ko.

Nalaman kong doon ang locker room dahil sa hilera ng mga lockers na nandoon. Paglingon ko sa isang gilid ay mayroong malaking kahoy na kahon doon, sa ibaba nito ay may mga Japanese characters pa rin. Sa loob ay may iba't ibang bag na mukhang hindi kakasya sa loob ng lockers. Doon malamang ilalagay ang mga bagahe. Doon muna ako nagtungo at ipinasok ko roon ang stroller ko na paniguradong wala namang gagalaw.

Isinuot ko ang damit na ibinigay sa akin. Hindi malamig dito sa loob at nakakatuwang ganoon samantalang halos umusok na ang mga kalsada sa labas sa sobrang lamig. Naupo lang ako sa isang tabi, sa may malaking poste ako sumandal at ibinuro ang sarili sa telebisyong nag-iingay dahil sa grupo ng mga babaeng nagsasayaw. Hindi ko rin mapagilang ngumiti dahil halos mga Lola ang nandito sa part na ito pero nanonood sila ng ganyang palabas.

May ibang mga nakahiga sa manipis na kutson, mayroon namang nagtsi-tsismis-an. Mayroong mga kumakain, may mga katulad kong tahimik lang na naka-upo at nanonood.

"Hey, look! My grandson's group is next! Look!" biglang sigaw ng isa sa mga Lola. Nakangisi siya habang nakaturo sa TV. Napapalibutan siya ng ilan pang grannies. She seemed so excited while looking at the TV, ang mga kasama niya ay mukhang ganoon din. Kahit na hindi ko naintindihan ang sinabi niya ay nag-focus ako sa TV.

Kasalukuyang nagsasalita ang dalawang host dahil tapos nang mag-perform ang grupo ng mga babae. Mayamaya ay lumabas na ang ilang mga lalaki kasabay ng tugtog. They were all wearing this hip-hop styled clothes with those big and long chains around their necks, thread of different hair colours and dark eye liners. And oh, I could see a sea of sneakers!

Those boys started singing along with hard and complicated dancing. Hindi ako mahilig sa K-Pop o kahit na K-Drama. My life was a heavy drama itself at masyado akong abala sa pagkakabisa ng mga terminolohiya sa medisina para isingit pa ang mga iyon.

Itinupi ko ang mga tuhod ko pataas saka niyakap habang nag-iingay ang mga lola sa panonood. They would either clap or scream. For their age, they sure were too old to be idolizing those boys and fan girling. Though mga guwapo nga ang mga lalaking nasa TV. Kumunot ang noo ko nang mag-focus ang camera sa lalaking kasalukuyang nag-ra-rap. Matagal ko siyang tinitigan at sa kaniya lang naka-focus ang mga mata ko.

Gusto kong isipin na namamalik-mata lang ako, na baka kahawig lang niya ito dahil brown ang kulay ng buhok ng salbaheng iyon samantalang itim ang kulay ng buhok ng lalaking nasa TV ngayon. But… but the same small cold eyes, button nose, slightly plump pink lips, even that deep dimple were all telling me that the mean guy who had lent me jacket and accused me a week ago was the same man I was now seeing on TV, dancing and rapping handsomely, owning the stage as if he was the greatest and serving undeniably gorgeous looks.

Iisang tanong lang ang nasa isip ko kahit na nilulunod na ng hindi maipaliwanag na damdamin ang puso ko.

Is he a Korean Popstar? Or what do they call them here that I often hear from my colleagues, K-Pop idol?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top