F I N A L E

FINAL CHAPTER

♪ Soundtrack: First Heartbreak by Tori Kelly ♪

Of course. We were fine. Of course. We were.

Madali niyang nasabi sa akin ang mga salitang iyon noon, kasi pala, ako na lang pala iyong nag-aakalang maaayos pa kung anuman ang nasira sa aming dalawa. Ako na lang pala ang umaasang may pag-asa pa kaming pareho.

Why did he have to be so unfair? Why did he have to do that when I still loved him the most? Why did he have to say those words when I was hurting the most? Why did he have to make me hope for the relationship that was slowly breaking? Why did he leave me when I was still fighting for our love?

He could have been honest to me and then left, it would have been less painful. It would have changed everything. It would have made me hope less. Or stop hoping. And fighting. And waiting. But then, he had chosen to break me.

Mula sa pagkaka-upo sa boarding area ay inayos ko ang suot kong wayfarer at tumayo na nang marinig kong tinatawag na ang flight number ko. Staying in this land for six months was not so bad at all. Maraming bagay ang ipinamulat sa akin na hindi ko lubos-maisip na magagawa ko. I had lived with what was only given to me and all that was gave me lesson to keep.

Higit sa lahat, dito ko naumpisahan ang pagbuo ng pangarap ko. At kung bibigyan man akong muli ng pagkakataong tumuntong sa lugar na ito ay papayag ako, pero sa ngayon, I would have first to leave all the hatred, all the pain and all the sadness so that I could get going. Kailangan kong umalis dahil kailangan kong maka-move on.

Staying in this land wouldn't help me, lalo na at kahit saan ako tumingin ay sila ang nakikita ko.

Yes, I had loved Joon and I still loved him. Masakit na mas pinili niyang sukuan ako at ang relasyon namin kaysa ang sabay kaming lumaban. He left me fighting alone and to be honest, I had no clue as to why. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa sa akin iyon.

Ano bang pinag-awayan namin para umabot kami sa ganoon?

"You wait again, noona?" malungkot na tanong sa akin Ryu nang muli na naman akong lumitaw sa store sa hindi ko na mabilang na pagkakataon kahit na day-off ko.

Dumiretso ako sa dulo ng mga shelves at inokupa ang mesang medyo malayo sa mga salaming dingding at bahagyang natatabunan ng shelves para hindi ako makita ng mga customer na papasok. Agad ko rin namang naaninag si Ryu na palapit sa akin na may bitbit na distilled water.

"He not go here," aniya matapos okupahin ang upuang nasa harap ko at mailapag sa harap ko mismo ang bote ng tubig.

Malungkot akong tumitig sa kaniya kahit na sa normal na sitwasyon ay tinatawanan ko na dapat siya dahil sa mali niyang ingles. "I'll still wait for him," desidido kong sagot kay Ryu na siya nang naging karamay ko sa paghihintay kay Joon na lumitaw rito sa tuwing day off ko. Kasi kahit naman araw ng trabaho ko ay hindi rin siya lumilitaw rito, o kahit na sana isa lang sa mga kamiyembro niya.

Bigla na lang siyang nawala.

Tinanggap kong hindi siya nagpakita at nagparamdam sa akin sa lumipas na isang buong linggo matapos ang paghatid niyang iyon sa akin noon, isang buwan na ang nakakalipas. Tinanggap ko. I was actually very willing to give him time and space because I thought, that was what he needed.

I didn't know he needed more than that.

Pinili kong ipikit na lang ang mga mata ko nang maka-upo na ako sa designated seat ko sa eroplano. Kung noon, nasa business class ako, ngayon ay nasa economy class na lang ako pero hindi naman ako nalulungkot. Ang mahalaga ay maka-uwi ako ng Pilipinas.

Nakakatawa.

I ran away from the Philippines before to chase my dreams, it had sense, it was reasonable. Who would have thought that I would be coming back to the Philippines just to runaway again from all that pained me here? I was running again to save my sanity, my self and my heart.

After all that I had gone through?

Nagpasalamat ako sa taxi driver matapos kong i-abot sa kaniya ang fare ko. Bumuntong-hininga ako dahil nararamdaman ko na naman ang sakit na iyon sa dibdib ko. I didn't even know if it still had plans to stop. Nakakapagod na kasi.

Dahan-dahan kong tinahak ang mabato at medyo nangangalawang nang railway patungo sa pamilyar na shipping container na iyon. Ito na lang ang tanging natitirang pag-asa ko kung saan ko siya mahahanap at makikita. Hindi siya nagpapakita sa store, o kahit sa school. He just disappeared. Nawala na lang siya pagkatapos ng huli naming pagkikita noong hinatid niya ako.

My eyes watered when I arrived at his shipping container house. Nakita ko ang malalaki at makakapal na chains na iyon na nagsisilbing lock sa pinto. The last time I saw that chains, it wasn't locked in a big padlock. Nakatali lang ito noon at madaling nabubuksan.

Really, things had their ways to just easily change through my eyes but why did my heart still not changing course? Dalawang buwan na, pero bakit sumasakit pa rin ito?

"Is this really what you want, Joon? Bakit kahit sa'yo, hindi pa rin napapakinggan ang mga gusto ko? All I want is to keep you… I don't know that you don't want to keep me. Sana pala sinabi mo na noon pa lang, para hindi ganito kasakit."

Hindi na ako nagbalak pang lumapit sa pinto. Tumalikod na ako at umalis, finally realizing that I could no longer save this relationship. That it was over. He ended us already. He ended us without even telling me.

"Sillyehabnida?"

Mula sa pagkakapikit ay dahan-dahan akong dumilat dahil sa malambot at malambing na boses na iyon. Nakita ko ang isang stewardess na may tulak na cart habang matamis na nakangiti sa akin.

Umayos ako ng upo at ngumiti pabalik. "No, I'm fine," mabilis kong sabi bago pa niya ako paduguin sa pagsasalita niya ng Korean. Naintindihan ko ang una niyang sinabi dahil may mga natutunan na akong basic Korean words pagdating sa mga greetings, pero ibang usapan na kapag mahabang linya.

Muli lang siyang ngumiti at itinulak na ang cart para sa ibang pasahero. Nilingon ko ang babaeng katabi ko na may pulang buhok at singkit na mga mata pero may iniinom na pala siyang soda kaya pala hindi na siya tinanong ng stewardess. Muli na lang akong bumalik sa pagpikit habang inaalala ang mga bagay na tuluyan ko nang iiwan pero alam kong hinding-hindi ko makakalimutan.

Na kahit gustuhin ko man ay hindi ko magagawa. Joon was one of the best thing that had ever happened to me, he was my first love, he still was, he was my first romance, he was my first in everything. I could easily get reminded of him even through little things.

I saw him from everything, actually.

Napatitig ako sa isang lettuce na naiwang nakaipit sa chopsticks ko dahil lumilitaw na naman sa isipan ko ang mga ala-ala ni Joon. The moment he warned me not to eat noodles again and he appeared here at store just to bring me vegetables meals. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga dahil sa paninikip na naman ng dibdib ko. I saw him on an article earlier. Papalapit na pala ang anniversary nila, ngayong Hunyo na.

Maraming nagbago sa kaniya sa loob ng dalawang buwan naming hindi pagkikita.

"Are you starving yourself, Joon?"

He got skinnier, though he had got taller. Mas gumuwapo siya lalo dahil nag-iba na ang gupit ng buhok niya, at saka hindi ko na makita iyong dating sigla ng mga mata niya. Hindi siya nakangiti sa picture na nakita ko pero alam ko kung kailan siya masaya he didn't seem happy.

Only if he would let me make him happy.

Niyakap ko ang mga libro ko habang naglalakad palabas ng university at halos panghinaan ako ng loob nang makarating ako sa gate at makakita ng dalawang nilalang na naglalambingan. For an instant, it shortly brought me back to the time where Joon and I first started.

Doon iyon, sa kinaroroonan ng magnobyong iyon, doon kami naging official. On that spot, where our first kiss had happened. Ngunit kaakibat ng ala-alang iyon ay ang ala- alang puno ng sakit.

Just how could fate bring me into this kind of realization and coincidences? Sa lugar na iyon kami nagsimula, at doon din kami nagtapos, doon kami huling nagkita. On the spot, where we started, we also ended.

How funny.

I raised my palm to wipe the tear that escaped my eyes before I brought my eyes to open. Memories. I was hurting, so the only left memories to me were those that had happened after he left. Na pilitin ko mang alalahanin ang lahat ng mga masasayang ala-ala namin ay hindi ko magawa kasi mas umaasa lang ako, umaasa akong baka puwede pa. So I decided to keep them all in a far corner of my mind where I couldn't touch them. Itinira ko ang mga malulungkot lang na ala-ala para mas magtulak sa akin na mag-move on.

I needed those memories to convince myself that fighting, waiting and hoping for him were useless because we were over.  I was actually near to that point where I could go to him, kneel in front of him and beg him not to leave me. Na noong mga panahong iyon, kung alam ko lang kung saan siya hahanapin, ginawa ko na sana.

I needed those memories to convince myself to let go.

Mapait akong ngumiti nang pumailanlang na sa ere ang boses ng babaeng announcer para ipaalam na sa mga pasahero ang pagti-take off ng eroplano. Bakasyon ngayon, Hulyo, kaya may pagkakataon akong bumalik sa Pilipinas para ipa-renew ang visa ko, pa-expired na kasi ang tourist visa ko. Sa Pinas ko na pagpaplanuhan kung saan ko ipagpapatuloy ang pag-aaral ko.

Maayos naman akong nagpaalam kay Mr. Barrongei ng pag-alis ko. He actually told me everything before I left, that he was my parents' person. He needed to be the store manager to watch after me. Sinabi rin niyang ang store na iyon ay franchised under my name, kinumpirma rin niya na ang mga magulang ko nga ang dahilan kung bakit ako madaling nakapasok sa university na pinapasukan ko.

Too many surprises that I was too messy to even mind. Sinabi niyang mananatili siya sa Korea para i-manage ang store na agad ko namang sinang-ayunan. 

I didn't need the store anyway, I needed a remedy from all the pain.

"Just, I want you to give this to him if you happen to cross path with him…" I told Mr. Barrongei as handed him a white envelop and I gave him a sad smile. Gulat siyang napatitig sa akin. "I'm sure, you know him. You've been watching after me."

Bago ako magtungo sa airport ay nakipagkita muna ako kay Mr. Barrongei para lang i-abot sa kaniya ang sulat na ginawa ko para kay Joon.

He might not want to hear from me but I wanted to say something to him for the last time. And I hoped, we wouldn't cross paths again, this time, I was dead serious.

Imbis na pumikit ay inilabas ko na lang ang poetry book na binili ko dahil ang favorite author ko ang sumulat. I just didn't know if it was a new release, basta nang makita ko ito ay agad kong binili. Naumpisahan ko na itong basahin dahil sa ilang gabi akong bugnot. Hinawakan ko ang dulo ng bookmark para buksan ang pahinang hinintuhan ko. And I almost laughed upon reading the first two lines of the poem, only if my tears didn't go off first.

For the last time, I would let my eyes shed tears for him. For the last time, because the moment I landed in the Philippines, I would never cry for the same man anymore.

'We didn't break up.
You broke everything and left.'

Just how perfect that was? Just how suitable that was for us?

Unang linya pa lang ay sumasakit na ang dibdib ko kaya mabilis kong naisara ang libro at inis na ibinagsak sa kandungan ko. Napansin kong napatingin sa akin ang babaeng katabi ko ngunit nanlalabo ang mga mata ko sa mga luha kaya hindi ko siya malingon.

"I'm fine, yes, I'm f-fine," I said while wiping my face. Wala akong pakialam kung isipin niyang nababaliw na ako dahil nababaliw naman na talaga ako. Kung alam ko lang na magiging ganito ang kahihinatnan ng lahat, hindi na lang pala sana ako tumakas, hindi na lang pala sana ako nagmatigas at sinunod ko na lang sana ang gusto ng mga magulang ko.

If I had known, I should have taken the other path—no, I should have taken the right path. Hindi ko na sana siya nakilala, hindi ko na sana siya minahal at hindi na sana ako nasasaktan ngayon.

Indeed, everything comes with a price. Hindi pa pala ako buong bayad sa pag-abot ng mga pangarap ko. I needed to sacrifice more for it, even if it meant, I would get hurt in the process.

Palagi na lang. At sana, kung gaano kadali niya akong iniwan, he left me with those uncertain words and heart break that ripped my heart, that ripped all of me, sana ganoon lang din kadaling umalis. Madali naman sana e, kung hindi lang ako nasasaktan.

Muli kong binuksan ang libro matapos ang ilang oras kong pag-idlip. This time, I was determined. Wala nang atrasan ito. Binasa ko ang poem kahit na sa bawat pasada ng mga mata ko sa mga salita ay ang unti-unting pagtanggap ko na talagang hanggang dito na lang kami.

'We didn't break up.
You broke everything and left.
You broke our trust,
broke your promises,
broke our bond
and lastly, broke my heart.
We didn't break up, you broke me and left.'

Kasabay nang paghawi ko ng pahina para sa kasunod ay ang pagsasa-ereng muli ng tinig ng announcer na ipina-paalam na lalapag na ang eroplano sa NAIA kaya marahan kong isinara ang libro.

I closed the book and I knew, I had also closed Joon's part in my life. We were over. But then I realized once more, I still had a runaway heart all over again.

I was still a runaway…

The end.

*
Property of Hannan Usman
All Rights Reserved 2018.

♥♥♥

Giving credits to the real owner of the poem used, the author is really good and I love his works ♥.

This is just a side-story of Her Beautiful Dream, just one of the three side-stories.

You're all cute and amazing ♥ just in case you don't know. Thanks for reading 💕.

180703

revised 200601

- Hannan ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top