Chapter 7
Chapter 7
Zacid Casciano, 27 years old. Bachelor of Science in Business Administration Operations Management graduated with Latin honors. Got the highest recognition from the government at itinanghal bilang isang napaka responsableng estudyante.
Nanggaling siya sa isang maka pangyarihang angkan sa Pilipinas. Pagmamay-ari nila ang ilan sa napalaking shipping line at casino sa bansa. Bukod doon ay kilalang kilala ang mga Casciano sa pagiging utak ng negosyo.
Hindi sila maiisahan at napaka respetado nila pag dating dito. Kilala siya sa larangan ng industriya bago palang siya bumida sa pinakauna niyang pelikula na sumikat sa buong bahagi ng Pilipinas at iilang bahagi ng Asya.
Napaka pribadong tao ng mga Casciano ngunit siya lamang ang nag iisang bahagi nito na pumasok sa industriya ng pag aartista. Malinis at walang dumi ang pangalan niya bukod sa marami na siyang naging kasintahan sa industriya at halos lahat ng na lilink dito ay sikat na artista, modelo at negosyante.
Huminga ako ng malalim at nilukot ang papel na pinag susulatan ko ng impormasyon ni Zacid. Kalokohan lahat ng mga sinasabi dito. Wala ba siyang isyu tungkol sa pagiging walang respeto at mayabang niya?
Inaamin ko na gwapo siya pero sobrang umaalingasaw ang ugali niya. Napaka plastik sa harap ng camera pero sa likod naman ay puro kabaliktadan nito ang ipinapakita.
Sabihan pa naman ako na wala daw akong katawan! Ano naman kung wala akong dibdib at puwet? Napaka bastos niya! Kung hindi lang siya ang puntirya ko dito ay matagal ko na itong isinampal muli.
Gusto ko na ulit makasama ni Nanay at Auntie. Huling kausap ko kay Auntie kahapon para kamustahin ang lagay ni Nanay at nasabing maayos naman daw at kalmado ang kanyang mga ginagawa ngayon.
Wala ako ni isang sinagot si Auntie tungkol sa trabaho ko. Tuwing itinatanong niya ay umiiwas ako ng sagot dahil ayaw kong mag sinungaling dito.
"Ayos naman kami dito, Marisela. Nag papahinga ang nanay mo at panay ang tanong sa'yo. Ngayon ka lang napa tawag!"
Malungkot akong napangiti. "Pasensya na po kayo. Medyo madami po kasing ginagawa kaya 'di ako makatawag. Ipinadala ko napo yung pera dyan kaya bumili kayo ng mga pagkain ni Nanay, Auntie."
Naririnig ko ang mahinang buntong hininga ni Auntie sa kabilang linya. Gustong gusto kong sabihing gusto ko na ulit sila makita at makasama pero batid 'kong baka mag alala sila sa'kin lalo.
"Miss ka na namin. Huwag ka masyadong mag pakapagod diyan sa trabaho ha. Babawi kami ni Norma sa'yo. Mag papagaling ang Nanay mo para sa'yo, Sela.." Marahang sambit niya.
"Huwag nyo po akong alalahanin. Nasa ayos po akong palagay..."
Gusto kong humikbi. Gusto kong umiyak pero 'di ko magawa. Nananatili akong matatag para sa kanila. Kaya kong lunukinang ang lahat ng batong sasagi sa amin para maligtas lang sila.
Tuwing gabi ay napapaiyak ako sa lungkot at awa para sa aking pamilya. Hindi naman siguro ito ibibigay sa akin ng diyos kung hindi namin kakayanin? Pero bakit ganoon bakit sa buong buhay namin ni Nanay ay parang kami ang pinarurusahan ng kalangitan.
Mag mula sa aking ama, sa pera at bahay namin at ngayon ay kay Nanay. Gusto kong manguwestion pero sino ako para gawin 'yon? Masakit pero kailangan kong indain para sa aking pamilya.
Wala akong nagawa kundi sundan siya sa mga sumunod na araw. Sobrang ikinakahiya ko na ang sarili ko dahil sa ginagawa ko. Unang patak palang ng umaga ay agad na akong gumigising para pag planuhan ang gagawin ko.
Oo, lahat ng ito ay planado na. Ayaw ko mag sayang ng oras kasama ang mayabang na haring 'yon.
Suot ang aking asul na floral maxi dress at tinahak ko ang daan patungong beach kung saan ginaganap ang photoshoot ni Zacid. Medyo bumaba ang tingin ko ng makita kung paano sumusunod ng tingin sa akin ang iilang empleyado ng resort.
Taas nuo ako kaninang nag lalakad pero parang pinanghinaan ako ngayon marahil sa hiya. Ayos naman ang suot ko? Mahaba at hindi masyadong kita ang balat bukod sa aking balikat.
"Hi, Stephanie!" Bungad sa akin ni Diana.
Pilit akong ngumiti dito. Mabilis niyang inangkla ang kanyang braso sa akin at sinabayan ako sa pag lalakad. Mukha naman siyang mabait at masiyahin kaya ayos lang.
"Saan ka pupunta?"
"Diyan lang. Uh, manunuod ng shoot ni Zacid."
Naniningkit ang mata niyang tumingin sa akin. "Ikaw ha.... Everyone is gossiping you with Zacid Casciano. Kahapon daw sa seaside ay magkasama kayo. How can you explain that?"
Tama nga ako sa hinala ko. May mga taong nakakakita na sa amin. Umiling ako kay Diana at itinanggi ito. Isa din siyang reporter at journalist, Hindi ko pupwede basta bastang mag tiwala sa ganitong tao.
"Well, kung sa bagay. Besides, Zacid Casciano is in relationship with Chaira Valdez. Maybe you're friends with him? Can i interview you?" Kumikislap na mata niyang tanong.
Chaira Valdez? Hindi gaanong pamilyar sa akin ang pangalan. Ibig sabihin ay may kasintahan na ito, hindi ko nga langa alam kung pan samantala lang.
"Hindi e. i'm a paparazzi too, Diana. Besides i'm here to capture every of his action at hindi para makipag kaibigan."
Tumango tango si Diana at hindi na muling nag tanong. Mabuti naman at kung ganoon dahil ayaw kong maipit sa mga bagay na wala akong alam. Biglang tumunog ang kanyang cellphone dahilan para mag paalam saglit.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Hindi ko kilala si Stephanie Zamora at kailangan kong maging maingat sa mga taong kilala siya. Paano kung ma bisto ako? Paano si Nanay?
Kalmado akong nag lalakad sa tabing dagat. Payapa at napaka hangin dito. Tila gusto ko munang maupo at mag muni muni ngunit hindi pwede.
Huminga ako ng malalim at pumihit malapit sa kanila. Ang assistant, photographer at make up artist ay nag sama sama habang pinapanuod si Zacid Cacsiano.
Ganuon pa din siya. Ang kanyang mapanirang awra ang natatanaw ko. Ngayon ay mabuting nakasuot na siya ng summer outfit at ito ang iminumudelo niya. Medyo basa basa ang kanyang buhok habang matalim na nakatingin sa camera.
"Anong oras matatapos ang shoot?"
Humarap sa akin ang babaeng tinanungan ko nito pero imbis na ngumiti ay tinaasan niya pa ako ng kilay.
"Bawal sabihin, Miss." Masungit na sambit niya.
Kinagat ko ang pang ibabang labi at hindi nalang pinansin ang babae. Tumungo ako sa mas malinaw na puwesto kung saan pwede niya akong makita. Ipinag krus ko ang aking kamay at medyo ngumisi sa banda niya.
Nang napatingin siya sa banda ko ay agad kong nakita kung paano siya sumimangot at nabanas. Mas lalo akong natuwa doon. Tinitigan ko lang ang bawat galaw niya at medyo namangha kung paano niya dalhin ang camera.
Alam niya ang ginagawa niya pero bakit ganoon? Kahit saang parte naman ay mukha pa din siyang nag momodelo ng damit! Ngunit hindi naman ang damit ang kapansinpansin kung hindi ang mukha at pangangatawan niya. Lalo na sa ibaba parang napaka perpekto nun at hubog na hubog.
Napalunok ako sa iniisip ko. Huh? Marisela? Hindi naman siya gwapo e! Ang panget kaya ng katawan! Mag hunos dili ka nga.
"Last shoot na for tommorow, Sir Zacid. Thank you for having us here at your place."
"No problem, Johnny. It's a pleasure to be part of your magazine." Ngisi nuya.
"Oh No! No! Thank you! Many of you fans requestes this and this is our pleasure to work with you. You're a Casciano! Sino kami para tumanggi? Totoo ngang mabait at approachable ka sa ibang tao."
Totoo? Ano daw? Mabait at approachable? Asa ka naman doon. Umirap ako at umaktong lalapit sa kanya. Mapangasar kong tinitignan si Zacid Casciano habang nakikipag usap sa kanyang photographer matapos ang shoot.
Minsan minsan tumatama ang mata niya sa akin at kumakaway ako kapag nangyayari iyon.
Halatang nabwibwisit siya sa aking presensya. Ano ka ngayon, Zacid? Pag katapos mo akong asar asarin akala mo ikaw lang ang marunog? Well, no.
"Busy?" Bungad ko.
Tuluyan akong lumapit ng mawala ang photographer. Hindi man lang niya ako pinatakan ng tingin at patuloy na pinupunasan ang kanyang kamay.
"Ang galing mo kanina. You looked so professional in front of the camera. No wonder, are you a model?"
"Paparazzi don't easily ask their target artist to answer their question. They're searching." Ani niyang direstuhan at hindi nawawalay ang tingin sa kamay.
Lumunok ako. "Alam ko...."
Napaatras ako ng mapatingin ito akin at nag taas ng kilay.
"So why are you asking me?"
"W-well, because i want more straight forward answer?" Pasisinungaling ko.
Ngumisi siya sa akin at mas lalong lumapit. Eto na naman siya at ang napaka intimidating niyang mata. Mahigpit akong napahawak sa aking palda. Hindi ko dala ang camera ko ngayon.
"You're my obsessed stalker, aren't you?"
"What? No!" Ani ko.
"Then proved you're not. Get out of my sight, kid." Mariin ang bawat salitang sinabi niya.
Kid? 19 na ako! Mag bibente na ako sa susunod na buwan kaya kailan pa ako naging bata! Namula ang aking mukha dahil sa hiya ng tuluyan siyang mag lakad papaalis.
"I'm not introducing myself, by the way. I'm Stephanie Zamora and i'm not a kid anymore."
"Yeah, not my business." Patuloy pa din siya sa pag lalakad.
Nakakainis na! Diyos ko po at gabayan ninyo ako. Hindi ko napo kayang tantyahin ang kayabangan niya. Marisela! Humawak ka.
I cleared my throat. "Alam kong hindi maganda yung naging usapan natin this last days pero gusto ko talagang humingi ng tawad. I'm not invading your privacy or what. I just want to talk to you."
Huminto kami sa restaurant. Napayuko ako sa hiya ng marami raming tao ang nandito ngayon at sinalubong ang dating namin. Nananatili pa din akong naka sunod kay Zacid habang siya ay nasa harap ko.
Umupo siya sa dati niyang pwesto at hindi okyupado iyon ng iba. Walang pasintabi akong naupo sa harap niya at hindi tinignan kung ano pang naging reaksyon niya dito.
"Wala ka namang kasama diba? Ako nalang kung ganoon."
Inignora niya lang ako at nang lumapit ang waitress ay may iilang inorder siya dito. Ramdam ko pa ang tingin ng waitess sa akin. Panigurado ay naiintriga siya kung bakit ngayon ay kaharap ko at kasama ang isang Zacid Casciano sa table.
"Yeah, that's all." Buong boses na sabi ni Zacid.
Habang pinapanuod siya ay hindi ko maiwasang mainggit. Nasa kanya na lahat ng mga bagay na hinihiling ng iba.... na hinihiling ko. Iniwas ko ang mata ko at tinignan ang dagat sa ilabas. Sobrang ganda ng panahon ngayon pero para sa akin sa araw araw na babangon ako ay parang may kulang.
"Alam mo ang ganda pala dito, ano? Kung pwede ay dito na ako tumira. It's refreshing and peaceful. Dito kaba lumaki?" Baling ko sa kanya.
"Why are you asking?" Malamig na tanong niya.
Kasalukuyan siyang nakatutok na naman sa kanyang laptop. Mukhang mamahalin ito dahil nang tignan ko ang brand ay kapareha ng bagong cellphone ni Isabel sa maynila. Ganito din ang iilang mamahaling cellphone na nakikita ko sa mga blockmates ko sa school.
Umayos ako ng upo. Seryoso at hindi siya interesadong kausapin ako.
"Wala lang. Bukod kasi sa dito ka nakatira ay andito din ang pamilya mo. Last shoot niyo na pala bukas. Are you going back to manila?"
Umigting ang kanyang panga. "No. Stop asking me stupid question."
"Hindi naman stupid 'yon. Gusto ko lang talaga makausap ka."
Sige. Kumuha ka pa ng mabulaklaking salita, Marisela. Hindi ko pa nagagawang lumapit sa mga lalake sumali dati kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Huminga ka! Maging natural ka lang... hinga..
"I'm not interested with someone younger than me. So better give up." Madiin at seryoso niyang sambit.
Ang kapal! Sinong may sabing gusto ko siya. Hindi rin naman ako mahilig sa matatanda ano! Wala akong pakielam kung ikaw pa ang pinaka mayamang tao sa mundo.
Sarkastiko akong napatawa. "Not so fast, Zacid. Marami pa akong gustong malaman sa'yo. You maybe not interested with me right now but... we don't know."
Hindi niya ako tinignan at kunot nuo lang nakaharap sa kanyang ginagawa. Buong oras ay ginagambala ko siya sa mga tanong ko, natutuwa naman ako sa ginagawa ko dahil naiinis ko siya. Nang matapos siyang kumain ay sabay akong tumayo nang tumayo siya.
"Saan ka pupunta?" Ngiting tanong ko.
Ang mga tao ay nag bubulungan habang nakamata sa akin. Hindi ko naman 'yon pinansin at sumunod kay Zacid Casciano na mabilis naglakad. Nang sumakay siya sa elevator ay agad ko siyang sinundan sa luob.
Pipindutin na sana niya ang floor button nang naunahan ko siya. Sumulyap ito sa akin habang nag didikit ang makakapal at perpektong kilay.
"Parehas lang naman tayo ng palapag kaya ako na ang pipindot.." ako.
Ipinag sakop ko ang aking buhok para ilagay sa kabilang balikat. Nakaramdam ako ng init sa di malamang dahilan. Parang may anong tumutusok sa aking likuran na tagos sa aking harapan. Nang iniangat ang tingin ay namataan ko ang repleksyon naming dalawa ni Zacid sa harapan.
Ngayon ko lang napansin na totoong matangkad ito. Halos leeg niya lamang ako at parang ang liit liit kong tignan sa tabi niya.
"Look, I'm just being friendly with you. Don't take it seriously. Akala ko ba ay mabait ka sa mga tao lalo na sa fans mo?"
"Not with obsessed one..."
Hindi naman halata. Parang lahat pinapatulan mo, e.
"Edi dapat ay maging mabait ka sa akin? E, hindi naman ako fan." Halakhak ko.
Hindi siya sumagot at nanatiling nakasimangot. Nang tumunog ang elevator ay siya pa ang naunang lumabas kesa sa akin. Mabilis ko siyang hinabol pero masyadong malaki ang kanyang hakbang kesa sa akin.
Ang liit lang kaya ng mga binti ko!
"Teka lang!" Sigaw ko sa hallway.
Parang hindi ako nitong narinig kaya mas lalo kong binilisan ang lakad hanggang sa marating ang kanyang pintuan. Ilalagay na sana niya ang passcode ng harangan ko ito.
"What do you want?" Inis na siya.
"Can i have your number? For emergency use."
Emergency use? Tanga, Marisela!
"No."
Tinabig niya ako pero nanatili ako sa harap at humalukipkip. Nag dilim ang kanyang mukha sa akin, ewan ko kung bakit pero parang kinabahan ako doon. Tumambol ang dibdib ko abong mata niya na nakatitig sa akin.
Focus! Anong nga bang sasabihin ko?
"H-hindi ako aalis hangga't hindi ko nakukuha ang cellphone number mo." Paninigurado ko.
Ilang sandali siyang tumitig sa akin bago kunin ang kanyang cellphone sa bulsa. Iritado niyang ibinigay sa akin ito kaya mabilis ko namang kinuha. Agad kong tinipa ang numero ng cellphone na ipinaheram sa akin ni Ma'am Daila, hindi ang totoong sa akin.
Tumabi naman ako at marahang ibinagay sa kanya iyon. Ang mapanganib na mata ni Zacid Casciano ay nanatiling iritado sa akin hanggang sa buksan niya ang kanyang kwarto.
"See you tommorow, Zacid..." Ngisi ko.
Matalas niya akong tinignan bago padabog na isinarado ang pintuan.
May bukas pa... bukas pa para inisin ka.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top