Chapter 21

Chapter 21

"Zacid Casciano?"

Naputol ang titig ko sa kanya at napunta 'yon sa likod. Duon ko lang namataan na maraming kuryosong tao na pala ang nasa aming tabi. Dahil sa takot ay mabilis akong nag tago sa dibdib ni Zacid.

Bakit ba siya andito? Paano niya ako nasundan?

Nasundan! Bakit mo namang iisiping sinundan ka, Marisela?

"Shit." Naramdaman ko ang higpit ng yakap sa akin ni Zacid nang makita ang mga tao.

Public place ito at alam niyang maraming tao tapos bigla bigla siyang susugod. He's a superstar for pete sake! Paano kung dagsain siya dito? Iba ang mga tao kapag nakakita ng mga artista. At ngayon nakita pa ako kasama siya! Oo, siguro ay ganoon din ang mangyayari pero iba ito! Andaming camera na nag si iilaw sa amin.

"Zacid, papicture!"

"Sino 'yan, Zacid!?"

"Idol na idol ka namin?"

"Sino yung babaeng kayakap? Hindi ba sila nung model?"

Diniin ko ang sarili kay Zacid. I can hear his heavy breathe over my head. His heartbeat are exploding like a big bomb, sunod sunod at malalakas.

"U-umalis na tayo dito, Zacid." Hindi na ako nakapag pigil at nag salita.

"Yes, alright." Bulong niya.

Napapikita ko. "Paano? Andaming tao!"

"Let's run."

Tumakbo? Hibang ba siya? Hindi kami makakatakbo kung ganito ang posisyon namin!

"Paano-"

"When i count and reached the third number, just lower your head and run fast  okay?" Malambot na paninigurado niya.

Tumango ako at pinabayaan na lamang sa kanya 'yon. Ang kamay niya ay pumalupot sa akin. Mainit at kumportable 'yon sa akin. Mas lalong nag lakasan ang boses ng mga tao, marahil dahil dumarami na sila. Pinag papawisan na ako sa init at pagka hilo parang anu mang oras ay hihimatayin ako.

"Fucking one..."

Tumakbo na tayo.

"Two..."

Takasan natin silang lahat.

"Three...."

Sa isang iglap ay alam kong tuluyan na naming nakawala sa dagat ng mga tao sa aming pag takbo. Sumunod ito sa amin kaya mas binilisan ko pa ang pag takbo hawak ang aking mga papeles.

Bumaba ang tingin ko sa kamay naming magka hawak. We're running and he didn't take off his hands over mine. Sinama niya ako sa pag takas niya.

Para kaming nasa pelikula na napapanuod ko. Kapag tumatakbo ang bidang babae at lalake ay nagiging mabagal ang lahat. Totoo ba'yon? Dahil ngayon ay sigurado akong ganito ang pakiramdam non. Wala akong paki sa mga taong nasa likod namin o nadadaanan namin.

Pero sa oras na bumitaw ako ay alam kong maiiwan ako at lalamunin ng alon. Alam ko 'yon.

Hindi ako makapag salita sa tabi niya. Para akong manikang tinanggalan ng baterya, hindi makapag salita o makagalaw. Gulong gulo ako habang tinitignan si Zacid sa peripheral vision ko.

Parehas kaming hingal kanina sa aming pag takbo at nung marating namin ang kotse na minamaneho ng isa niyang bodyguard ay agad niya akong hinila sa luob. Natakasan naman namin ang mga tao pero ang kaba at takot sa dibdib ko ay mas lalong umusbong ngayong katabi ko siya.

Naalala ko, muntik na ako masagasaan kanina ng truck kung 'di lamang siya dumating para hilahin ako. Ngunit 'di 'yon ang iniisip ko! Iniisip ko kung bakit siya andito at nasa tabi ko. Isang linggo. Isang linggo na wala akong balita apos andito siya?

"I'm sorry. I needed to do that." Panimula niya.

Hindi ako sumagot at blankong tumungin sa harapan. Tinignan ko ang nadadaanan naming gusali. Pamilyar sa pakiramdam Ito, parang nagawa na namin dati.

"Kailangan nating tumungo sa ospital." Malamig na sambit niya.

Sa oras na 'yon ay tumanggi ako. "Ibaba mo na ako dito."

"Pupunta tayo ng hospital."

Tumalas ang mga mata ko at tumingin sa kanya. Hindi pa rin siya mapigil sa pag sabi n'on! Kung kanina nga ay halos daganan kami ay paano pa sa hospital? Tsaka ayos lang naman ako kung tutuusin. Siya dapat ang mag dala sa sarili niya sa hospital dahil baka may galos ito.

Hindi ko man kilala ang taong muntik na makasagasa sa akin ngunit pakiramdam ko ay mas kailangan niya ng tanong sa 'ayos ka lang' nasulyapan ko ang truck kanina at nakita kong matanda na ang driver non at nakaka sigurado akong hindi niya intensyon ang nangyari kanina.

Hinampas ko ang harap. "Ayaw ko nga sabi! Ibaba mo na ako at may pupuntahan pa ako!" 

I heard his low growl to me. Halos mauntog ako sa salamin ng bigla niyang hininto ang kotse sa gilid ng daanan. Nang tignan ko Ito ay gulat at kaba ang bumungad sa akin. Halos mamula Ito sa galit at kunot nuong nakatingin sa harapan. Gusto kong hawakan ang kamay niya at sabihing 'sorry' pero hindi pwede.

Gusto ko lang naman umiwas sa kanya. Ayaw ko na siyang makita.

Sinungaling.

"You almost died earlier and your pride is still high like that? You're driving me crazy, woman!" He yelled like a mad wolf.

I gritted my teeth. "Hindi ko naman kailangan ng tulong mo. Buksan mo na Ito at aalis na ako."

"No. I won't let you leave me again like a dumbfounded!"

Nanlamig ang buo kong katawan at bumaba ang tingin. Ang salita niya ay tumama na sa pinaka iiwasan ko. Bigla akong naubusan ng salitang sasabihin. Wala na akong kawala sa mga kasinungalingan ko.

"I woke up and found you nowhere. I texts you but you didn't even care to texts back? Do you know how much i thought you leave me and played with my feelings!?" Napapikit ako sa malakas niyang boses na umaapaw sa buong kotse.

"After you moaned my name and beg for my touch!"

Nanlaki ang mata ko at agad pinamulahan. What the hell, Zacid?

"Hindi-" 

"Oh fuck, shut up.  Do you think you can fool me like that?....I love you but why are you hurting me?" May kung anong pait na dumaan sa kanyang boses.

Mabilis akong nag iwas ng tingin. Hindi ko siya kayang tignan sa paraan na nilalabas ng mga mata ko. Hindi kita iniwan, Zacid. kung pwede lang ay kahit sa tabi mo na ako tuluyang mag laho. Kung pwede lamang ay sa tabi mo nalang ako sa habang buhay ngunit hindi... Alam ko at ng diyos kung paano ko pilit na nilalabanan ang lahat ng takot at pangamba ko.

"Aalis na ako-"

"But fine.... fine, baby. Fool me, hurt me just continue stabbing my back but please..." pumikit Ito. "Don't. fucking. leave me. like. that."

My lips is trembling while looking at his bloodshot eyes full of pain. I feel so lonely and confused as i look at those pair eyes. Something within me feels lost and at the same time found. Pakiramdam ko ay gusto ko siyang higitin ng yakap at sabihing mahal kita.

Parehas kaming nasasaktan pero ang mundong ito ay hindi lamang talaga para sa amin. Hindi ako para sa kanya at ganoon din ako dito. We're totally different person with different words. Maybe i was destined to ruined him while he destined to confused me.

The more i resist with this feeling, the more i feel lost. I feel like he's my other side and without him i feel empty and incomplete. Isa siyang piraso sa aking puzzle.

Kanina ay naibaba niya ako sa destino ko. Walang nag salita matapos nung naging bangayan namin. Hindi ko narin sinubok dahil alam kong hahaba lang ulit ang usapan. Sana lamang ay pag katapos nito ay huwag na ulit kami mag kita.

Delikado at... may kakaiba akong nararamdaman.

Tingin ko ay ipapaxerox ko na naman lahat ng papeles na nabasa at napunit. Hindi ko mapapasa Ito ng ganito ang itsura kaya minabuti kong ipa xerox muna sa tabi ng campus namin.

Naisip ko tuloy na 'di pa pala alam ni Isabel ang tungkol kay Zacid, ako pa lamang. Nahihirapan akong itago ang problema kong Ito pero nahihirapan naman ako sabihin dahil baka magulat si Isabel. Alam kong may panahon din para masabi ko lahat ng nilalaman ng utak ko, hindi man ngayon ay baka sa susunod sa araw.

"Sela!"

Papalapit sa akin ang isang malapit na  kaibigan. Ngumiti ako dito at marahang kumaway mas bumilis ang takbo niya patungo sa aking direksyon.

Lumawak ang ngiti ko. "Kumusta, Julzen?"

"Saan kaba nag punta at 'di kita mahagilap sa buong school?" Hingal na hingal siya.

Si Julzen ay isang malapit na kaibigan. Babae ito at kagaya ko ay marami ding pinag kakakitaan habang nag aaral. Kailangan daw kasi ng pera para sa anak. Oo, may anak na ito ngunit 'di ko siya mahuhusgahan dahil hindi naman ako nakatayo sa kanyang pinag dadaanan.

Kahit batang ina siya ay sobrang pursegido niya sa pag hahanap ng trabaho at pera para pang tustos ng kanyang anak. Hindi kasi pinanagutan ng ama ang kanyang anak kaya siya ang nag susumikap.

"May trabaho kasi ako. Kailangan ko muna mag skip."

Napakamot siya sa ulo at tumingin muli aa akin. "Ayan nga sasabihin ko, e. Hindi ba nag hahanap ka ng sideline? Meron sana ako. Buti at nahanap kita ngayon kasi hiring talaga."

Nag liwanag ang mukha ko sa babae. Lalo na nang may ibinigay siyang papel sa akin. Tinanggap ko iyon at nakitang puro papel iyon ng mga hiring jobs. Sunod sunod ko tinignan 'yon. May waiter sa coffeeshop, clerk, janitress, assistant, etc.

"Salamat, Julzen. Kailangan ko kasi talaga ngayon ng mapag kakakitaan. Nasa hospital kasi si Nanay, e. Bukod don kailangan ko ng pang tution fee."

"Nasa hospital Nanay mo?" Malungkot na gulat. "Naku! Pasensya ka na at ito lang ang matutulong ko. Si baby kasi kailangan ng gatas din."

"Ayos lang. Sana lumaking maayos ang baby mo. Salamat pala dito, ha."

Ngiting ngiti ako buong araw, hindi inisip ang nangyari nung umaga. Kung anong bwisit ang dala ng umaga sa akin ay siyang swerte sa hapon. Ayaw kong isipin si Zacid. Ayaw ko muna talaga dahil... dahil nababaliw lang ako. Nung mag hiwalay kami ay grabe ang pag dadasal ko na ayos lamang siya at sana ganoon nga.

Napahinto ako sa pag lalakad. Yung kanina... paano kung may mag post ng mga pictures? Gagawin kaya ng mga tao 'yon.

Biglang nanlamig ang aking sistema. Wala akong cellphone ngayon para makita ngunit sana ay wala nga 'yon.

Ang trabaho ko kay Daila ay alam ko. Wala na akong narinig patungkol sa plano niya o baka itutuloy nya 'yon! Bayad ako at mas lalo akong natakot sa mangyayari. Ayaw kong masira si Zacid sa akin... pero huli na dahil nandito na ako sa Maynila.

"Marisela..."

Napahilamos ako sa aking mukha at tumingin kay Isabel na nasa aking likod. Lukot ang mukha nitong  diretso sa akin habang hawak ang cellphone. Bumaba ang tingin ko doon at tingin ko'y tama ang hinala ko kanina.

Lumapit siya. "Siya ba?"

Ilang beses akong lumunok at nag iwas ng tingin.

"Siya ba ang pina trabaho siyo?" Ulit niya, mas malinaw at mas gulo.

Marahan akong tumango at umiwas. "Oo.."

Nag karoon ng katahimikan sa amin. Hindi alam ni Isabel at gulat siya. Nakakagulat ba talaga kung malalaman na kami? Naiintindihan ko si Isabel sa emosyon niya. Siguro ay sinisisi niya ngayon ang sarili dahil sa nakita pero hindi niya kasalanan 'yon dahil ako rin naman ang may kagustuhang tanggapin ang trabaho.

"Bakit 'di mo sinabi sa akin?" Lumipat siya sa aking gilid.

I bit my lips and shook my head because of frustration. I run my fingers through my hair and sat on our couch. Pagod na pagod ako.

Lumunok ko kasama ng mga kasinungalingan ko. "Ayaw ko nang mag aalala ka pa. Akala ko kasi magiging ayos lang lahat bago ako umalis patungo doon."

"At ano nangyari, Sela?" Mas may pang hihinala sa kanyang boses.

Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. Sinimulang kong ikwento sa kanya ang totoong mga nangyari. Simula sa pagpunta ko kay Daila hanggang sa event. Halo halo ang emosyon na nakikita ko sa mga mata ni Isabel habang ikinu kwento ko 'yon. Hindi ko na mapreno ang bibig ko dahil sa pag buhos ng emosyon. Gaya ng dati ay di ako makaiyak, ayaw ko umiyak.

"Putangina talaga! Kasalanan ko 'toh, e. Dapat 'di kita nilapit don sa babaeng 'yon! Akala mo naman kagandahan." Bulyaw niya habang hinagod ang aking likod.

Wala akong sinisisi. Simula pa lamang ay alam ko na ang mangyayari. Sinabihan niya ako kung anong pwedeng kaka hidatnan ko sa oras na may nahulog ako kay Zacid.

"Tanga ka din, e. Bakit ka nahulog? Doon pa sa lalakeng 'yon? Alam mo naman ang mga ganyang lalake mga manloloko!"

Lumayo ako. "Isabel."

"Dapat sinabi mo man lang na ganon na pala ang pinag dadaanan mo don. Bakit kinailangan mo pa mag sinungaling sa'kin, sa akin? Si Zacid Casciano 'yon!"

"Hindi ko naman siya kilala, Isabel. Ang sabe kasi sa kontrata ay kailangan maging confidential lahat. Ayaw kong baka may isipin ka pa o ano at tsaka ano naman kung si Zacid 'yon?"

"Ang tanga tanga. Ikaw pa nag hukay ng libingan mo. Tsaka tingin mo ba se seryosohin ka nung lalakeng 'yon? Base sa kaalaman ko pag mayaman ka, gwapo ma-koneksyon, inglesero at may... abs, mga manloloko 'yan!" May pag aalinlangan pa nang sinabi ang huling salita.

"For example, si Leon. Ganon."

Huminto ako at tumingin sa kanya. Natigilan din siya sa sinabi niya at umayos ng upo, tila may nasabing kakaiba. Sumulyap ako sa pintuan at tumingin sa kanya.

Tinignan ko siya. "Habang wala ako dito.. may nangyari ba?"

Nag simulang lumikot ang kanyang mata. Hindi niya sinalasalubong ang tingin ko at humarap sa couch, tagilid sa akin. Mukha tuloy siyang nababalisa kaya iniisip ko kung tama ba ang naging tanong ko sa kanya.

"Isabel, Ano mo ba si Leon?" Mas seryoso kong tanong.

Bigla siyang tumawa. Nagulat ako duon at napakunot ang nuo. Bigla akong nalungkot sa tawa niya, may lungkot na nakapabaon do'n. Nang tumigil siya akala ko ay mag sasalita ito ngunit unti unting gumalaw ang kanyang mga balikat.

"Isabel.."

"Kabit ako." Naiiyak siyang tumawa. Tumingin sa akin at itinuro ang sarili.

"K-kabit ako, Sela. Kabit 'tong kaibigan mo. Nakakadiri ako diba?"

Napaawang labi ko habang inaabot ang kamay niya. Tumingin ako sa kanya at halos 'di makapag salita. Kabit? Ninong kabit? Kung ganoon si Leon... kabit siya ni Leon?

"P-Putangina kasi nitong trabaho na'toh, e. Kung sana alam ko lang na delikado at nakakabaliw pala 'toh di na kita dinamay o 'di na ko pumasok! Putanginang kahirapan 'yan!" Mas humagulgol siya.

Naawa ako para sa kaibigan. Naisip ko tuloy na parang mas maliit pa ang problema ko kumpara sa kanya. Kabit. Nag karoon ng kabit ang tatay ko noon at galit na galit ako dito. Nabasa ko sa isang nobela na kabit ang isang dahilan kung bakit nasisira ang pamilya, ngunit maraming kwento ang pwedeng nakapaloob doon. Hindi nanumpa ang kabit sa altar.

Sa kaso ng kaibigan ko ay 'di ko alam anong pwede kong maramdaman.

"Tanginang mga lalake! Tanga naman tayong mga babae! Tanga lang talaga ang maniniwala sa pag-ibig ng isang puta."

"Siya ba yung sinasabing mong... nakipag sex ka para-"

Tumayo siya at ginulo ang buhok. "Oo na, Sela. Nakakadiri na ako.. kasi akong diring diri na din ako sa sarili ko. Pero ano bang magagawa ko, Mahal ko 'yung tao, e. Kahit siguro mapunta pa ako sa impyerno, mamahalin ko parin 'yong taong 'yon." Mapait siyang tumingin sa akin.

"Ganoon talaga pag nagmahal. Nakakatanga."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top