Chapter 20

Chapter 20

Nakakatakot maging masaya.

Mabilis lumilipas ang oras tuwing masaya ka. Hindi mo namamalayan na habang tumatakbo ma sa tulay ng kasiyahan ay malapit mo narin palang marating ang hangganan.

Maraming aral na ibinibigay ni Nanay at Auntie mag mula pa noon sa akin. Lumaki akong mayaman sa payo ng aking pamilya. Hindi nag tago kailan man ang pamilya ko sa akin ngunit 'di ibig sabihin non ay pinalaki nila akong bukas ang tiwala sa mga tao.

Iba iba ang katangian ng mga tao. May nananamantala at pinag sasamantalahan, may mga naloloko at may mga nag papaloko, may mga nangiiwan at na iiwan.

Bumigat ng marahan ang aking tulikap at sumarado. Ang aking dibdib ay marahang tinu turok ng mga alaala. Nag tatanong ako kung gising na ba siya? Hinahanap niya ba ako ngayon?

"Kanina ka pa tahimik."

Dumilat ang aking mga mata at dumirekta kay Isabel. Sumimangot itong nakatingin sa rearview mirror. Umiling ako at mahigpit na hinawakan ang mga pinamili naming pag kain. Papunta na kami sa hospital at namili ng mga prutas at pag kain para kay Nanay.

Bumangon ako. "Pagod lang. Medyo hindi ako nakatulog kagabi,"

"Nag iisip ka na naman. Marami kang utamg na kwento sa akin mamaya!"

Ngumiti lang ako at sinulyapan ang kasama niya sa harapan. Medyo bumaba ang aking tingin sa kanilang kamay na mag ka hawak. Bigla tuloy akong napaisip na kanina pa sila magkahawak kamay mula palang sa mall. May ganyan bang mag kaibigan? Dapat talaga ay bantayan ko ang galaw nitong si Leon, e.

Tumaas ang tingin ko nang kalasin nila 'yon. Kunwari 'di ko nakita.

"Sa bahay nyo ba ikaw tutuloy o sa apartment?"

"Titignan ko, Isabel.."

Bumusangot siya at sumulyap sa katabing kanina pa tahimik. "Mag isa nalang ako doon. Si Auntie Fely naman halos sa hospital na tumi tira kasama si Tita Norma. Alam ko namang uuwi uwi ka para sa school, Sela."

"Balak ko sanang bantayan rin si Nanay sa hospital..."

Tumango tango siya at nag aalalang tinignan ako. Nag iwas nalang muna ako at pinagmasdan ng tuluyan ang Maynilang kinagsinan ko. Ilang oras pa ay nakarating kami sa hospital.

Humarap ako kay Leon. "Salamat sa pag hahatid."

May mga mahihinang salita si Isabel sa tabi ko nang tinignan ko siya ay simangot siyang nakatingin kay Leon. Naka ngisi lang naman ang lalake habang naka sandal sa Sedan niya.

"No problem. Gotta go now. See you, ladies.." Sumulyap siya kay Isabel "... My sugar baby."

Agad pinamulahan si Isabel doon.  Napangiwi siya nang sulyapan ako. Binigyan ko lang Ito ng makahulugang tingin at muling sinundan si Leon ng tingin.

Really? Sugar baby?

"Tarantado talaga yung lalakeng 'yon." Dinig kong bulong ni Isabel.

"Sino ba talaga 'yon?"

Humarap siya sa akin, gulat. Mabilis siyang umiling sabay hawi ng buhok. "Si Leon."

Hindi na ako nagulat sa sagoy niya. Ayaw kong pangunahan ito sa mga gusto niyang sabihin kaya papabayaan ko nalang muna. Hindi rin naman siya obligado sabihin sa akin.

Kaibigan ko si Isabel. Kabaliktaran ko siya. Kung ako ay masyadong mahinhin at maingat sa mga salita, ibang iba siya. Siya yung tipo ng taong sasabihin lahat ng kanyang naiisip kahit masakit man yan sa tenga. Walang preno at may pag ka taklesa. Hindi ko nga alam kung paano kami naging malapit pero isang araw ay bigla akong naging palagay sa kanya.

Ang kinakatakutan ko lang ay kapag mag kaka boyfriend siya. May kahapon itong gusto nang ibaon, may trauma. May mga bagay siyang kailangan kotrolin na nakakatakot kapag umatake.

"Marisela?"

Naiiyak na tumingin ako kay Nanay at Auntie. Mabilis na nag takip si Auntie ng palad sa bibig habang si Nanay at gulat pa din. Agad akong lumapit sa kanila at sinalubong ng yakap.

"Nay..." Binaon ko ang sarili kay Nanay.

Humihikbi Ito."Ang anak ko..." 

"Nay, pasensya na ka'yo ngayon lang po ako nakauwi."

Kinapa kapa niya ang aking pisngi, hinaplos at hinalikan. Nang tignan ko siya ay ganun pa din ang kanyang mukha, maganda at maamo. Nakikita ko ang pag kakaroon niya ng laman ngunit 'di pa rin ako kampante hanggang 'di siya nauuwi sa bahay.

"Miss na miss ka na namin. Bakit 'di ka nag sabing uuwi ka ngayon? Ayos ka lang ba-"

"Ayos lang, Nay. Napaaga kasi ako. Ayaw ko narin po abalahin kayo ni Auntie."

"Masaya kaming andito ka na, Sela. Mag pa hinga ka muna at mukhang pagod na kayo ni Isabel." Si Auntie.

Nag simula kaming mag usap usap nila Auntie habang nag hahanda ito ng pag kain. Wala ako sa sariling napapangiti tuwing naririnig ko ang tawa nila. May humahaplos na mainit sa aking dibdib. Ayos lang na wala akong maintindihan sa pinag uusapan dahil sa tuwing ngingiti sila ay nagagaya ko.

Huminto si Nanay. "Hindi naman ba nakakapagod ang trabaho mo doon, anak? Nung nakaraang araw ay umiiyak ka."

Tumigil ako sa kanila. Nakita ko kung paano umayos ng upo si Isabel at malalim na tumingin sa akin. Pilit akong ngumiti kay mama na nag hihintay pa rin sa aking sagot.

"Mabait naman ang mga tao doon, Nay. Maganda yung itsura ng lugar tsaka maraming akong natutunan sa trabaho ko. Tungkol naman doon sa napag usapan natin..."

"Wala po 'yon. Kakabasa ko lang po ng paborito kong nobela." Natawa ako, pilit.

Hindi kumbensido si Nanay sa sagot ko. Nag hihintay pa rin ng aking sasabihin. Hindi naman ako kinakabahan ngunit naaligaga ako. Napapaisip tuloy ako kung bakit kinailangan ko pa sambitin 'yon kay Nanay.

Tapos na rin naman 'yon....Wala na 'yon.

"Ito nay oh." Tumungo ako sa lamesa para kunin ang libro. Ngumiti ako at inilapag sa harap ni Nanay 'yon. "Maganda 'yan, Nay. Pag bored ka basahin mo. Naka kaiyak kasi 'yan, tsaka napaka martyr ng bida."

Tungkol ang libro sa ibang babaeng pinag kaitan ng magandang buhay. Pinakasalan niya ang isang lalakeng kahit kailan ay 'di kayang suklian ang pag mamahal na naiibigay niya. Ang ayaw ko lamang sa bida ay kahit ilang beses na siyang sinasaktan ay pumapalagi pa rin siya sa lalake.

Ganoon ba talaga ang pag ibig? Dapat ay nag bibigay ng saya at katahimikan 'yon sa atin ngunit bakit iba? Bakit imbis na pag mamahal ay pananakit ang naibibigay?

"A-Ah Tita!"

Yumuko ako at hinayaan si Isabel na mag salita.

"Sa apartment muna po tutuloy si Sela. Malapit lang 'yon dito sa hospital kaya tingin ko imbis na umuwi siya sa bahay nyo sa apartment muna ulit siya."

"Hmm!" Tumango si Auntie. "Wala ring kasama sa bahay 'yan baka may mangyari pang masama."

Tumingin sa akin si Nanay dahilan para mapatango ako. Ang kanyang maputlang labi ay mumunting ngumiti sa akin.

"Dito pa rin naman po ako pagkatapos ng klase para matignan ko kayo..." Marahang sambit ko.

Muli niyang hinigpitan ang hawak sa aking kamay. Tumingin ako doon at hinaplos 'yon.

Huminga siya ng malalim. "Sigurado ka bang ayos ka lang?"

Tumango ako dito. Ayaw ko na madagdagan pa ang iisipin ni Nanay sa problema ko. Tingin ko rin naman ay kahit kailan 'di na pupwedeng plantsahin ang gusot na 'yon. Oras na para gumising ako na tama na. Kung anong nangyari sa Casceres ay nananatili 'yon soon.

Naibigay ko ang sarili ko. Ngunit 'di ko pinag sisihan. Alam ng puso ko, utak at kahit katawan na siya ang gusto non. Hindi ako maka hindi. Tanga man ako ay tatanggapin ko. Babaunin ko ang bawat sandali na kasama ko siya nung habang 'yon.

Alam kong di magandang desisyon na gawin 'yon habang 'di pa ikinakasal. Ang pag kakamali ko lang ay nakuha ako ng pag mamahal dahilan para maibigay ko ang sarili ng 'di legal.

Binuksan ko ang camera sa aking gilid ngunit 'di na gumagana 'yon. Wala na akong choice kundi kunin nalang talaga ang card para sa letrato.

Kasalukuyan akong nakikitira sa apartment  ni Isabel. Dapat ay mag hahati muli kami sa bayarin ngunit humihindi siya at ipinipilit na tulong ito. Halos mag iisang linggo mula nung umalis ako sa lugar na 'yon. Wala pa ring balita sa kanya.

Ayaw ko ring makarinig. Namimiss ko lang siya.

"Mauuna na ako, Isabel." Labas ko sa aking kwarto.

Gaya ng naaabutan ay nandoon si Leon sa sofa. Nakaupo at sinasakop ang buong sofa habang si Isabel ay nasa kusina. Ngumisi sa akin si Leon.

"Magandang umaga." Bati ko.

Tumango siya. "Goodmorning too, Sela."

Ganito siya parati. Kung umasta ay tila nasa bahay lamang. Hindi ko man tinatanong si Isabel pero alam kong may namamagitan sa kanila. Minsan nga ay naabutan kong nag hahalikan sa salas ngunit iginigiit na mag kaibigan lang.

Hindi ko alam kung saan niya napulot itong si Leon. May nararamdaman akong kakaiba sa lalaking ito. Ayaw kong bumase sa itsura na porket may mga tattoo ito. Maganda at matipunong lalake at matangkad si Leon, mukhang ring mayaman.

"Hintayin mo nalang ako maliligo na ako, e." Nguso ni Isabel pag ka labas ng kusina.

"Sunod ka nalang sa akin sa school. Mag pahatid ka dyan..." Nguso ko kay Leon. "Nag aayos ako ng requirements."

"Uuwi ka ba mamaya dito?"

Tumango ako. "10 pm ang shift ko kay Brent. Baka makauwi ako ng madaling araw tapos hapon hanggang gabi naman ako tumutungo sa hospital, e."

"Shift? What's her shift?" Rinig kong bulong ni Leon kay Isabel.

Hindi ko na sila pinansin at lumabas na lamang ng apartment. Bitbit ang maraming envelopes sa aking kamay ay sumakay ako ng jeep. Nag iisip akong mag apply apply ng part time jobs bukod sa pagiging waitress sa club ni Brent. Meron sa mga cofee shop of flower botique, maganda ang kita at malapit lang, ang kaso ay nag iisip ako baka gipit naman ako sa oras nito.

Graduating na ako. Kukunin ko ang gusto kong kurso. Hindi ko pupwedeng gamitin ang naibigay na pera ni Daila dahil sa pagpapagamot 'yon ni Nanay.

"Salamat po."

Ngumiti ako sa matanda at tinanggap ang binili kong sago at gulaman. Mainit kasing sumulong sa arawan kaya eto, pampalalamig.

Pamilyar sa akin ang sinag ng araw ngunit 'di kagaya doon ay dito'y maingay at maraming tao. Suminghap ako nang may taong nakaka bunggo sa akin dahilan para mabitawan ko ang mga papel na dala ko.

"Hala!"

Nanlaki ang mga mata ko ng iilan doon ay nilipad sa mismong daanan ng sasakyan. Agad kong kinuha ang mga nasa sahig nahirapan pa ako dahil may iilang basa doon. Nang magawa ay tumakbo ako sa gitna para kunin ang mga papeles ko.

Sobrang mahahalaga ito! Hindi man lang ako tinulungan ng taong nakabangga sa akin!

Halos maiyak ako sa sobrang hangin na dahilan para lumipad ang iilang papel sa mas malayo. Gulo gulo na ang aking buhok dahil dito. Nanginginig akong pinulot ang pinaka huling papel na nakita ko.

"Ate!"

Napatingin ako sa taong sumigaw sa aking gilid. Nang tumama ang tingin ko sa harapan ay doon ko lamang natanto ang isang truck na papalapit sa aking gawi. Tuloy tuloy 'yon. Gusto kong tumakbo ngunit ang gulat at takot sa aking buong pag ka tao ay nagpapigil sa akin. Mabilis akong napapikit.

Ayoko pang mamatay.

Sa isang iglap ay maiinit na brasong pumulupot sa aking mga bewang. Kumabog ang dibdib ko nang maramdaman kong nawala ako sa pwesto. Sa mabilis na galaw ay alam kong may nakayakap na sa akin.

Humikbi ako sa takot na dumilat. Natatakot ako.

Isang pamilyar na amoy ang bumalot sa aking ilong. Ang aking ulo ay nasa balikat ng sino man. Nakayakap ang kanyang braso sa aking likuran bilanv suporta.

"Fuck!"

Inulan ako ng mga mahihinang mura. Gusto ko sanang tulakin pero may iba sa aking sinasabing huwag. May nag hihila sa akin na huwag siyang pakawalan.

Bumigat ang paghinga niya. "Dammit! Ayos ka lang?"

Napahinto ako. Marahang akong tumingala upang silipin ang taong kayakap ko. Parang huminto ang lahat ng makita ko siya. Ang kanyang mga mata na bumabalot ng dilim ay nag aalalang nakatingin sa akin. Ang labi niya ay nag papakawala pa rin ng mahihinang mura.

Tumatagos sa akin ang kanyang mga salita at tingin. Nanlambot ang aking mga tuhod sa pag kakataong ito.

"Baby, are you okay?" Aniya ngayon sa mas malambot na tono.

Umiling ako.

Hindi. Hindi ako okay, Zacid.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top