Chapter 2

Chapter 2

"Sigurado ka bang tatanggapin mo yung trabaho?"

Marahan akong tumango kay Isabel. Medyo ngumiti siya sa akin. Kasalukuyan akong nasa apartment ngayon. Ibinalik ko ang iilang damit na ginamit ko nuong binabantayan ko sa hospital si Nanay. Wala na din kasi akong bagong damit kaya balak ko labhan tsaka kumuha ulit.

"Salamat nga pala doon sa pinaheram mo pang hospital ni Nanay. Malaking bagay rin 'yon."

"Grabe! Wala 'yon. Kailangan talaga ni Tita Norma yung pera eh. Tsaka mo na ibalik pag nakaipon kana o sa paunang sweldo mo dun sa trabaho!"

"Tsaka nga pala..." lumingon ako dito habang hawak ang iilan kong gamit. "Sigurado kabang hindi....scam yung trabahong 'yan?"

Biglang umayos sa pag kakaupo si Isabel at agad na umiling. Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na hinarap sa akin. Bago at mamahalin iyon na parang kakabili niya lang. Iwinagayway niya pa sa akin iyon para makita ko ng malapitan at humanga.

Huminga ako ng malalim bago marahang tumango.

"Tingin mo ba makakabili ako nito kung na scam ako sa trabaho?" Taas nuo niyang sambit.

"Ano bang trabaho yung pinagawa sa'yo?"

Sa pag kakataong iyon ay napatigil siya. Nakita ko ang pag aalinlangan sa mata niyang sagutin ako dahilan para kumunot ang nuo ko. Pilit siyang ngumisi sa akin at agad na inilapag ang mamahaling cellphone sa gilid.

"Nakipag sex ako sa isang matandang negosyante para makuha yung mahalagang dokumentong pinapakuha nung amo ko. Angas diba? Bilyon bilyon ang laman nung dokumentong 'yon! Halos isang milyon din ang makukuha ko."

Napahinto ako dahil doon. Mabilis kong inilapag ang damit sa gilid ta gulat siyang tinignan. Nakipag ano siya sa isang matandang lalake? Totoo ba iyon? Hindi ko akalaing magagawa niya 'yon para sa pera. Paano pa ang trabaho ko na aabot sa dalawang milyon ang halaga?

Medyo nag iba din ang timpla ng mukha niya at agad na tumawa. Hindi ko alam kung nag loloko ba siya kung ano pero hindi magandang biro 'yon!

"T-Totoo ba-"

"Gaga! Nag bibiro lang ako. Pineke ko lang ang ID ko para maging trabahante at kinuha yung dokumento. Madali lang 'yon!" Pilit siyang tumawa.

Parang may kakaiba sa sinabi niya pero mas inaalala ko ang sarili ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa trabahong papasukin ko. Paano kung sindikato pala ito o baka legal! Paano kung makulong ako?

pero kailangan ko ng pera.

"Bukas din ay kukuha tayo ng appointment para sa trabaho mo. Payment first doon kaya hindi mo kailangan mag aalala. Mag handa ka lang sa mga ipapagawa sa'yo."

Umurong ang sikmura ko at pikit matang tumango. Tahimik kong inayos ang damit ko habang si Isabel ay nanahimik na lang din. Kung ano man iyon ay wala na akong pake basta ay mapagamot ko si Nanay. Sana lamang ay hindi ito konektado sa droga, pagpapatay o... pakikipag siping.

Pumasok ako sa trabaho kahit pagod ako. Nahihiya lang din ako kay Brent. Bukod sa napautang niya ako ay 'di rin nababawasan ang sweldo ko kahit lumiban ako sa trabaho.

"Miss! I want you! We don't have any accompany." Muntik na akong mahigit ng isang lalake kung hindi lang ako madaling umiwas.

"We have entertainers, Sir. I can call them for you." Mahinang sambit ko at kaagad na tumawag ng table waitress.

Laking pasasalamat ko nang 'di na muli nila akong tinawag at nag patuloy na lamang sa ginagawa. Pumunta ako sa counter at ngumiti kay Helios, isa sa bartender. Ngumisi siya sa babaeng costumer habang pinapakitaan ng ilang moves medyo ngumisi din siya sa sa'kin dahilan para matawa ako.

"I told you Zacid is here!"

Ngumuso ako habang tinitignan ang mga babaeng nag sisigawan sa harapan. Mukhang may kung sino pa atang sikat na nandito sa bar. Muli akong bumalik sa trabaho ko at nag serve ng iilang drinks.

"Narinig mo? Andito daw ulit! Grabe ang gwapo talaga niya!" Sumulyap ako sa iilang waitress na aking katabi.

"Sino daw?" Tanong ko.

"Zacariah Cidro Casciano? Hindi mo kilala? Saang bundok ka ba nakatira, Marisela?"

Nag dikit ang kilay ko at umuling. Zacariah Cidro?

Wala naman din akong interes ngayon. Maaga pala akong uuwi para maalagaan si Nanay sa hospital dahil panigurado bukas ay kailangan ko imeet yung babaeng sinasabi ni Isabel. Marahan kong dinial ang phone number ni Auntie Fely at agad namang sumagot 'yon.

"Maayos po ba si Nanay ngayon?"

Nag simula akong mag hanap ng magandang lugar para marinig si Auntie.

"Tulog siya ngayon, Sela. Nga pala kumain ka naba? May pag kain dito ngayon. Nag luto ako ng pancit bihon."

"Tatapusin ko lang po yung shift ko tsaka didiretso po ako ng hospital agad."

Medyo yumuko ako sa mga guest na pumapasok sa club. May isang nagtanong sa akin kung nasaan ang restroom kaya medyo binaba ko ang cellphone at agad na itinuro sa kanya iyon.

"Drank too much, got the sickness. Pray to God and his son for forgiveness. Same crew but another mistress. Every day, every night getting wasted.."

Napahinto ako nang marinig ang baritonong boses na kumakanta. Marahan akong tumingin sa stage at nakita ngang may kumakanta doon. Lahat ng tao ay biglang tumahimik. Kuryoso akong lumapit saglit dahil sa narinig.

"But I miss you, what did I do? Fuck it up, laugh it off and I lost you If I pull through, is it too soon? Turn it up, close my eyes, then I'm with you.."

Medyo kumabog ang dibdib ko sa tono at boses na iyon. Ang sarap pakinggan sa tenga at parang hinehele ka nito. Gusto ko pang lumapit sa harap ng marinig ang malakas na tawag ni Auntie sa kabilang linya. Agad akong umurong at lumayo doon.

"Ah opo! Sige, Auntie. Puntahan ko nalang po kayo. Mag dadala po akong prutas."

May iilan pang sinabi si Auntie pero hindi ko na iyon naintindihan dahil sa boses na kumakanta. Hindi ako mapakali! Parang pamilyar siya sa akin.

Nag palakpakan na ang mga tao at sabay noon ang hiyawan. Ni hindi ko na nasulyapan pa ang kumanta dahil sa dami ng taong sumugod doon.

"Bumalik kana sa pag kanta, Zacid!"

Zacid?

"May project daw dapat yan with Daila pero nireject ata." Rinig kong sambit ng katabi kong costumer.

"Bitter lang 'yon dahil lumabas na may relasyon si Chaira at Zacid last week. Feeling ko naman hindi seseryosohin."

Ngumuso ako at pinigilan ang sarili sa pag kinig. Hindi ko naman kilala ang mga iyon kaya bakit ko sila papakeelaman? Mas mabuti nalang mag trabaho muna para may maiuwi ako kay Nanay.

Nang matapos ang shift ko ay dumeresto nga ako kay Nanay at doon nalang nag palipas ng gabi. Minsan ay nag papalitan kami ni Auntie Fely at saglitan siyang umuuwi sa bahay para icheck ang gamit o magdala pa ng extra gamit kay Nanay. Tapos kinabukasan ay ako naman ang aalis.

Kinabukasan, sinamahan ako ni Isabel sa hotel na pag memeet ko sa babaeng sinasabi ni Isabel. Kinakabahan nga ako dahil mamahalin at pribado ito. Simpleng puting polo at kupas na pantalon lang ang suot ko. Habang si Isabel ay naka dress pa.

"Hintayin kita dito. Ibigay mo sa receptionist para makilala ka kaagad." Aniya sabay bigay sa akin ng parang pass card.

Lumapit kami sa receptionist na k wasalmado niya kaming tinignan hanggang sa ilapag ko ang pass card na ibinagay sa akin ni Isabel. Kumunot pa ang nuo ng babae hanggang sa suriin ako sa pataas hanggang pababa.

"Ms. Daila is already waiting you upstairs."

Panay ang hawak ko sa aking pantalon nang binuksan nila ang pintuan sa kwartong iyon. Ngumiti ako sa iilang body guards na nasa labas bago tuluyang tumungo sa kwarto.

Bigla kong naramdaman ang lamig at takot dito. Lalo na ng naaninag ko ang rebulto ng isang babae sa glass window. May hawak siyang alak sa kabilang kamay at nakatingin sa malayo.

Mag sasalita na sana ako ng naunahan ako nito. Mabilis siyang nag taas ng kamay at sumenyas na umupo ako.

"You're here. Have a seat." Aniya habang nakatalikod pa din.

Marahan akong umupo sa malaking couch at hinintay ang pag harap niya sa akin. Pinanuod ko kung paano niya inilapag ang baso sa gilid at tuluyan akong hinarap. Napaawang ang labi ko sa pamilyar na mukhang naaaninag ko ngayon.

"I'm Daila Jimenez. Nice to meet you, Marisela."

Kung ganoon ay isang napalaking personalidad nga ang kasama ko ngayon. Hindi man ako mahilig sa panunuod ng television ay rinig kong sikat itong si Ms. Daila. Bukod pa duon ay model ito kaya madalas ko siyang nakikita sa mga kalendaryo at dyaryo. Ngayon ay nasa harap ko siya!

"N-nice to meet you po. S-Sela nalang po, Ms. Daila.."

Tumango siya sa akin at ngumiti. Umupo siya sa aking harap at tumingin sa akin.

"So it's nice that you accept my job. The agency recommend you but i heard you refused to take the job at first. How did i change your mind, then?"

Yumuko ako. "Kailangan ko po kasi ng pera para sa Nanay ko."

"Oh. It's sad to hear that."

Kaya kahit anong trabaho ay kailangan kong pasukan para lamang sa Nanay. Mas kailangan ako ni Nanay ngayon at kahit ang pride ko pa ang matapakan ay ayos lang.

"Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa. I bet you know him, right?"

Inilapag niya ang isang letrato sa harap. Kumunot ang nuo ko at dahan dahang kinuha iyon.

"Zacid Casciano. You know him?" Tanong niya ulit.

Lumunok ako at marahang umiling. Kilala ko siya sa pangalan dahil kagabi pero sa mukha? Mukhang hindi ata. Casciano ang apelyido. Mukhang mayaman at may kaya sa buhay. Ngumuso ako nang makita sa letrato kung gaano siya sa katanyag. Nakangisi siya sa camera habang nakasuot ng formal attire.

Kitang kita mo kung paano perpektong naka hubog ang kanyang katawan. Malinis ang gupit ng kanyang buhok habang nakikita ang perpekto niyang mukha. Kahit nakangisi Ito ay sobrang dilim ng kanyang mukha na may parang kung ano doon. 

"You must be kidding me! You don't know Zacid Casciano?" Natatawa niyang sambit.

"S-Sa pangalan lang po pero hindi po kasi interesado sa mga artista."

Saglitan siyang tumingin sa akin ng may pag hanga bago ngumiti at tumawa. Sumimsim muli siya sa kanyang baso at may inilapag muli sa lamesa.

"I like you. Here's the two million check." Tampal niya sa pera. "Basta gawin mo lang ang gusto kong ipagawa sa'yo ng malinis."

Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ang dibdib ko. Nang sinabi niya iyon. Marahan kong kinuha ang pera at kahit may kung anong nararamdaman ako ay nilunok ko para dito. Kailangan ko ng pera. Kailangan ni Nanay. Namin!

"You need to stalk Zacid everywhere he go. Kahit sa ibang bansa pa 'yan o sa pinaka dulo ng mundo. Stalk him until you make a big scandal that will ruined his career. That will end him."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top