Chapter 19

Chapter 19

Sobrang sakit ng aking gitna pag ka gising.

Hindi ko maalis ang yakap sa akin ng natutulog na si Zacid. Matapos ang gabing 'yon ay mahimbing akong nakatulog dahilan para maaga rin akong nagising gaya ng nakagawian. Tuwing naalala ko ang hawak at halik niya, kung paano niya inangkin ang bawat sulok ng aking katawan ay kinakabahan ako.

Naibigay ko na ang sarili ko sa taong ni hindi ko pwedeng mahalin. Hindi ko pwedeng maangkin.

Mapait akong ngumiti at sinubukang tignan ang lalake sa aking tabi. Nasisilawan siya ng malawinag na araw. Napangiti ako nang makitang mahimbing ang tulog nito. Ang tila paborito kong mukha ay nakaharap sa akin. Ang kanyang labi ay pulang pula, ang ilong niyo ay perpekto ang kilay niya ay nanatiling naka kunot ang ang mahahaba niyang pilik mata ay nakakainggit.

Nararamdaman ko ang mabibigat niyang hininga sa aking leeg. Para siyang bata kung matulog. Ang sarap panuorin.

"Mahal kita." Sambit ko sa aking isipan. Hindi ko masabi ng diretsuhan dahil natatakot ako sa pwedeng kalabasan nito.

Nag init ang aking mga mata. Ano, Marisela? Naiiyak ka dahil sa katangahan mo? Bakit hindi ko ba alam na sobrang mapag laro talaga ng tadhana?

Na ang unang taong mamahalin ko ay siya rin palang unang taong masasaktan ko.

Sinubukan kong ilabas ang aking kamay kahit ang mga braso niya ay nakayapos sa akin. Tuwing gagalaw ako ay uungol siya Kaya natatakot akong baka magising ko ito. Ngunit kailangan kong tumayo!

Ngumuso ako at pinilit na inurong ang kanyang kamay. Kaso tuwing nagagalaw siya ay napapahinto ako. Napapadasal nalang ako na sana'y huwag siya magising. Pakiramdam ko kasi kapag nagising siya ay wala akong masasabi.

Pigil hininga kong tinanggal ang braso at binti niya sa akin. Nang matagumpay ko iyong nagawa ay halos mag pasalamat ako sa lahat ng santo. Mabilis hinanap ng mga mata ko ang damit na napunit kagabi ngunit binalewala ko nalang nang makita ang bestida ko kagabi na naka tupi ngayon sa gilid ng kanyang kama.

Sumulyap ako sa natutulog na si Zacid at marahang tumungo sa lamesa kung nasan ang cellphone at camera ko. Naalala kong nabasa ang lalagyanan ko kagabi kaya 'di na ko mag tataka kung di na gagana muli ang camera ko.

"Sana gumana.."

Ang mahalaga ngayon ay any cellphone ko dahil naroon ang mga numero nila Isabel at syempre... ni Zacid. Nasa akin naman na ang card ng camera kaya ang letrato nito ay nasa maayos na kalagayan ngunit ang cellphone?

Ilang sandali lamang ay nagulat ako nang rumehistro ang logo ng cellphone matapos kong piliting pindutin ito. Marahan akong nag papadyak at napapasulyap kay Zacid para siguraduhing 'di ito magigising.

Gumana siya! Guma ang cellphone ko.

Naka kabilib dahil basang basa talaga ito pero ngayon ay maayos naman. Nakita kong wala namang inbox bukod sa mga unread texts ni Zacid kagabi patungkol sa pag hahanap sa akin.

Nang makuntento ay inilapag ko 'yon. Kahit iika ika akong bumalik sa kama para silipin si Zacid na natutulog ay 'di ko masyadong iniinda 'yon. Napangiti ako at marahan siyang nilagyan ng kumot paitaas.

Hindi ako makapaniwalang katabi ko siya. Na nandito sa piling ko. Na kagabi ay nakasama ko siya. Siya lamang ang una ay huli ko. Hindi ako nag siding ibinigay ko ang sarili ko sa taong mahal ko, natatakot ako pero hindi ako nag sisisi.

Pero tingin mo ba, Marisela ay pang habang buhay kayong ganito? Paano kung malaman niya ang ginawa mo? Paano kung kamuhian ka niya? Hindi ka ba matatauhan?

Lumapit ako muli sa lamesa nang mapansing umiilaw ang cellphone ko. Dali ko iyong sinagot para hindi an tumunog pa. Ni hindi ko nga tinignan ang pangalan na rumehistro doon.

"Hello?"

Walang sumagot. Kumunot ang nuo ko at medyo sinulyapan si Zacid.

Lumayo ako. "Hello?"

"I know where you are. I'm here outside the mansion, gate 2. I have a great news for you, darling."

Huminto ako at lubusang nalilito sa salitang 'yon. Kilala ko kung sino ang boses na 'yon at hindi na nakapag tataka kung bakit 'di ako gulat. Unti unti kong naibaba ang aking cellphone at biglang umusbong ang kaba sa aking dibdib.

Anong sasabihin sa akin ni Ma'am Daila? Lumalaglag ang dibdib ko nang muling tignan si Zacid. Gustong kong malaman kung ano 'yon. Kailangan kong pumunta doon.

I'm sorry, Zacid.

Walang pasabi kong kinuha ang mga gamit ko at lumabas sa kwarto. Tinahak ko ang daan pababa ng engrandeng hagdanan. Isang palapag na lamang nang mabilks akong napahinto. Dumaan sa aking harapan si Manang Vilma.

"Magandang umaga, hija." Malamig niyang bati.

"M-Magandang umaga po.."

"Gising ka na," Humarap ito sa akin. "Nakapag handa na ng pagkain. Kumain na ka'yo ng Señor."

Lumilitaw ang puting buhok niya dahil sa katandaan. Mapayat at makulubot narin ang balat nito ngunit kahit ganoon ay makikita mong napakaganda ng matanda. Manipis ang kanyang labi at mataas ang tungki ng kaniyang kilay, sumisigaw ng kakaibang kapangyarihan.

Yumuko ako. "Hindi pa po kasi gising si Zacid..."

"Kung ganoon ay hihintayin mo ba siya?"

"Kailangan ko na po kasing umalis. May... May trabaho pa po kasi ako. Siguro po ay mag iiwan nalang ako ng mensahe para kay Zacid. Ayaw ko rin pong ma istorbo ang tulog niya."

Bigla akong nailang nang taas nuo itong nakatingin sa akin, tila pinag mamasdan ang pag katao ko. Mahigpit kong hinawakan ang aking hawak at bumaba sa hagdanan.

Hindi siya tumango o kung ano. Huminga lamang siya ng malalim at isang iglap ay umalis sa aking harapan. Kagat labi ko siyang pinagmasdan na tumungo muli sa kusina.

Nakita kong may iilang kasambahay ding nakatingin sa akin at halatang naintriga sa aming pag uusap pero nang sumulyap ako sa kanila ay agad silang nag iwas sa akin ng tingin at nagsi balikan sa kani kanilang ginagawa.

"Sandali."

Napahinto ako sa pag lalakad nang bumungad muli sa akin si Manang Vilma dala ang isang paper bag.

"Dalhin mo ito. Paniguradong magagalit ang Señor kapag nalamang hindi ka kumain bago umalis. Tingin ko'y importante ka para kay Zacid."

Napakurap ako. "Po?"

Tumaas ang kanyang kilay. "Ikaw pa lamang ang dinala niyang babae sa mansion. Sayang at hindi uuwi si Filomena at Abraham para makita ang kanilang manugang."

Tumikhim ako at hindi nakapag salita. Ano daw? Manugang? Kumabog ang puso ko sa nadinig. Parang may kung ano sa aking tiyan na tumatalon ngayon. Yumuko ako para matago ang ngiti na nag babadya sa aking mga labi.

Inihatid ako ng iilang kasambahay sa labas ng mansion kung saan kami tumungo ni Gabriela dati. Sa labas pa lamang ay napansin ko na ang pulang sports car na naka parada sa gilid. Alam ko kung kanina 'yon.

Humigpit ang hawak ko sa aking mga dala at marahang tumungo sa sports car na 'yon. Nang umilaw 'yon ay bumaba ang tinted glass dahilan para dumungaw ang itsura ni Ma'am Daila sa back seat.

Ngising ngisi itong tumingin sa akin at ibinaba ang shades na suot.

"Get in." She said joyful, fake.

Tumango ako at bumuntong hininga. Sa luob ay isang driver lamang sa harap at siyang nasa likod. Napansin ko ang suot niya ay simpleng itim na sando at pencil skirt.

"I was shocked when i heard you stayed here." Natawa siya. "I mean it's a private property of Cascianos! Tapos ikaw... A low class girl ay..." Her brows shot up. "Naka pasok?"

I pursed my lips and tried to hold my emotions back. Humugot ako ng hininga at iniyukom ang mga kamao. Pakiramdam ko ay minamaliit niya ang aking pag ka tao ngayon.

"Ano ba yung sasabihin mo?" Malamig kong sambit.

She chuckled and leaned her back to the seat. Hindi ko siya tinitignan dahil sa nag liliyab na galit ko ngayon.

"Well. I really love how your work for me. So... Here's some token of appreciation for that." Marahan niyang iwinagayway ang papel sa ere.

Kumunot ang nuo ko habang tinitignan 'yon.

"What i mean is you're done! You can go back in Manila, right away! I actually booked you a flight yesterday." Tumingin sa relos. ".. and you still have 40 minutes to prepare."

"Aalis na ako?" Hindi ko maiwasang ang pait sa boses.

"Yes." Nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Go home and never come back."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Dapat ay masaya na ako ngayon ngunit parang dumoble ang pinag daraanan ko nang sumulyap sa mansion na lumiliit na marahil sa bilis ng andar ng kotse.

Hindi ako nakapag paalam kay Zacid. Ni Hindi ko nasabing aalis na ako ngayon. Ang buong akala ko ay may araw pa ako para makasama siya ngunit wala na.

Halos maiyak ako habang iniimpake ang mga gamit ko. Pinatay ko ang aking cellphone at walang paligoy ligoy na umalis ng resort. Baka maabutan pa ako ni Zacid. Natatakot ako at nalulungkot. Natatakot ako na iwan siya at nalulungkot ako na 'di na siya makasama.

Pinagmasdan ko ang nadadaanan naming tanawin habang nasa kotse ako. This place thought me a lot of things. Ang lugar na ito ang nakasaki kung paano ko nakita si Zacid at paano ko siya nakilala ng lubusan. It hurts me to leave this place. Masakit... parang nawalan ng malaking parte ang aking puso.

Umiyak ako buong byahe. Nakatitig lamang ako sa kawalan habang pinagmamasdan ang nakapatay kong phone. Pagod ako ngunit ang lungkot sa aking damdamin ay gising na gising.

Aalis na ako dito. Sa Isla Casceres. Ang lugar kung saan ako unang nag mahal at huling mag mamahal.

Until we meet again, Zacid.

Pag ka dating ko sa maynila ay naka ilang beses akong check sa aking mukha baka kasi bakas pa ang iyak ko kaya nung makuntento na ako ay tinawagan ko na si Isabel para mag pasundo. Iyak nga ng iyak sa kabilang linya dahil umuwi na raw ako.

"Marisela!"

Umangat ang tingin ko at sumalubong ang tumatakbong si Isabel sa aking direksyon. Halatang 'di nakapag handa dahil sa sando at shorts na suot niya.  Napangiti ako ngunit agad ring napawi nang makita ang lalakeng kasunod nito.

Boyfriend? Akala ko ba ay grabe ang iyak niya kagabi?

Halos masakal ako sa yakap na iginawad sa akin ni Isabel. Napangiwi ako sa higpit non at sa pag yugyog nito sa akin.

"Bakit hindi ka nagsabi sa aking uuwi ka ngayon? Hindi tuloy ako ready!" Bulyaw niya sa akin.

Umirap ako. "Kumalma ka nga."

"Buti nandito ka na! Grabe, Sela! Buwan don pero bakit ganyan pa rin ugali mo! Na miss ko ang pambabara mo sa akin." She acted like she's overwhelmed.

"Salamat nga pala at sinundo mo ako. Sa Hospital ako didiretso para dalawin si Nanay at Auntie. Hindi rin kasi nila alam na uuwi ako." Ani ko habang hinahatak ang aking mga bagahe.

Sumulyap ako sa lalakeng naka tabi kay Isabel. Nakapa mulsa ito habang pinag mamasdan kaming dalawa. Tumaas ang mga kilay nang makitang nakatingin ako. Narinig kong tumikhim si Isabel sa aking gilid at medyo siniko ang lalake.

"Ah.. Marisela..."

Hindi ako sumagot. Parang hindi ko ramdam ang boyfriend niya ngayon.

"Si L-leon pala." Tumingin ito sa akin at alam kong pilit ang ngiti nito.

Tumango ako at tinignan ang kamay nang lalakeng nasa aking harap. Mabilisan ko iyong tinanggap at nakita ko ang mapang asar niyang ngiti 'di lamang sa akin kundi kay Isabel din.

Mayaman ang kanyang pustura. Suot ang abong long sleeves at black jeans. Mamahalin ang relos sa kanyang kamay at nakita kong may tatto Ito sa kabilang braso.

"I'm Leon. I'm Isabel's-"

"Kaibigan, Sela...." Sumulyap siya kay Leon. "Kaibigan ko."

Tumango ako. "Marisela."

Medyo napahinto ito at mas lalong tumaas ang makakapal kilay. Umayos siya ng tayo at ngumiti. Mabilis kong binawi iyon.

Alam ko namang hindi. Kilala ko si Isabel at malalaman ko kaagad kung kaibigan niya ito o mas mahalaga pa roon. Pinabayaan ko nalang sila at muling naunang mag lakad. Naririnig ko ang asaran nila sa likod, tila pinapagalitan ni Isabel si Leon.

"Ihahatid tayo ni Leon sa hospital."

Tumango ako kay Isabel at nag pa salamat kay Leon. Dalawa silang nasa harap  habang ako ay nasa back seat. Tumingin ako sa malayo hanggang sa nag umpisang umandar ang makina ng sedan ni Leon.






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top