Chapter 17

Chapter 17

Ang sabi nila, ang tunay na liwanag ay makikita mo lang sa dilim. Ang liwanag na 'yon ang mag tutulak sa'yo para humanap ng daan palabas sa dilim na kinalalagyan mo.

Para sa'kin isa siyang buwan, hindi bituin. Isa siyang buwan na nag liliwanag sa madilim. Na palagi kang susundan kahit nasa kasuluk sulukan ka man ng mundo. Isa siyang buwan na kahit anong taas ng 'yong mga kamay ay hindi mo maabot.

Pwedeng tignan at pag masdan, ngunit ang makasama't makuha tila napakalabo.

Hinanap ng aking mata si Zacid. Papa umpisa na ang event at tanaw ko ang iilang artistang ini interview sa malayo. Parami ng parami ang tao, ang iba ay dayo at mga fans na tingin ko'y may passed sa resort. Open ground lang ang event kaya mahangin at kitang kita ang dagat sa harap.

Kanina lamang ay kasama ko si Zacid pero nang tawagan siya ng team ay agad na rin siyang umalis. Naiintindihan ko at sino naman ako para mag reklamo?

"Ayusin ninyo ang set up! Baka matumba sa stage!"

Bumuntong hininga ako habang pinapanuod ang mga staff na abala sa pag aayos. Lumubog na ang araw kanina kanina at binubuksan na nila ang iilang magagarang ilaw sa harapan.

Wala sa aking paningin si Brent o kahit si Ma'am Daila dahilan para makahinga ako ng maluwag. Nasa dilim lang naman ako, e. Imposible ding makita nila ako.

"Anong oras daw mag sta start?"

"Malapit na daw! Hinihintay lang ang special guest."

Sumulyap ako sa mga katabi ko. Nag uusap sila tungkol sa event mula kanina. Medyo lumayo ako sa kadahilanang baka iniisip nila na nakikinig ako sa usapan nila. Naririnig ko lang naman kaya ako biglang napapakinig.

"Ganda ng suot nila kanina sa red carpet, hah! Lalo na si Daila!"

"Aba, syempre! Pupunta ba naman ang karibal dito! Syempre walang urungan 'yon."

Muli silang nag hikhikan. Medyo napasulyap ako nang banggitin ng babae ang pangalan ni Ma'am Daila. Alam kong tutungo dito ang mga babae ni Zacid. Hindi ko nga lang alam kung ilan at sino sila.

Sa mukha at katayuan ni Zacid Casciano ay tingin ko'y walang hindi mahuhulog dito. Kahit ako na sa umpisa'y walang alam ay natutunan siyang mahalin, lalo na't mas lalo ko siyang nakilala. Ang kaso ay may pader pa din sa pagitan namin, marahil ay nakikita namin ang isa't isa pero hangan doon lang 'yon.

Umaandar ang oras at kasabay non ang sunod sunod na pag dating ng mga bisita. Humugot ako ng hininga at pinag masdan ang iba't ibang kulay ng disenyo para sa beach event na Ito.

Nang mag salita ang MC ay natukoy kong mag sisimula na din ang pinaka hihintay nila. Hindi ko pa din mahagilap sa aking mata si Zacid. Sinubukan kong ilingon ang mga mata ko sa aking paligid ngunit natitiyak kong wala siya.

"Special guests are also here!"

Ngumuso ako at marahang tumayo para lumipat ng puwesto, sa malayo ngunit malinaw pa din naman tignan. Hindi ko iniintindi ang sinasambit ng MC pero natitiyak kong nag papa salamat ito sa mga dumalo.

Hindi ko rin naman hilig ang ganyan. Siguro ay may iilan akong artistang namukhaan ngunit hanggang soon nalang 'yon.

Inaangat ko ang camera at sinimulang i-iclick 'yon sa mga taong nag sisi daanan. Tuwing ginagawa ko 'yon ay ngumingiti sila sa akin. Marahil ay akala nila'y isa akong reporter o journalist ngunit kahit ganoon ay masaya pa din naman ako.

Nang tumunog ang cellphone ko at nang tinignan ay ang number ni Isabel ang nalagay doon. Sinagot ko 'yon at  marahang nag lakad papaalis kahit rinig ko'y may tinatawag na ang MC.

Nakarinig ako ng hikbi. "Marisela..."

"Isabel? Umiiyak ka ba?"

Kumunot ang nuo ko dahil sunod sunod na tahimik na hikbi ang naririnig ko mula sa kabilang linya. Sigurado akong nag mumula 'yon kay Isabel. Huminga ako ng malalim at tumihimik muna habang umiiyak ang kaibigan.

"I'm sorry. Did i disturbed you? Kailangan ko lang kita. I feel so w-wasted."

"Ano bang problema at bakit ka umiiyak?"

Kalmado parin ako kahit nag aalala para sa kaibigan. Kakaiba ang boses niya at tingin ko'y naka inom pa. Naawa tuloy ako dahil wala ako sa tabi niya.

"M-Mqnloloko lahat ng lalake, Marisela. Akala nila ay lahat easy woman! Na porke marami silang pera ay kaya na nilang paikutin lahat!" Bigla niyang bulyaw.

"Ano bang ibig mong sabihin?"

"Binigay ko naman lahat, e... para mapatawad niya ako. Ginamit ko katawan ko para mapatawad niya lang ako! Kahit saktan niya ako araw araw ay ayos lang basta mapatawad niya ako pero sobra na t-talaga..."

Kahit 'di ko maintindihan ang sinasabi ni Isabel ay pinili ko nalang makinig. Gusto ko ding malaman kung bakit siya nag kaka ganyan, ngunit sinisisi ko din ang sarili dahil wala ako sa kanyang tabi ngayon.

Umayos ako. "Boyfriend mo ba?"

"Boyfriend? Wala kaming label nun..." Iyak niya ulit.

"Hindi naman pu pwede 'yan, Isabel.."

"K-Kaya ikaw, ha, Marisela! Yang mga lalakeng 'yan magaling lang 'yan pag may makati sa kanila o kapag gusto mag pa kamot. Maraming ma bulaklaking salita lalabas sa bibig pero hindi naman malinaw yung nararamdaman nila para sa'yo!"

Humalakhak Ito. "Kapag may kilala kang ganyan, better avoid him. He'll just play your feelings until you lost yourself and break apart."

Mag kaiba ma kami ng pananaw ni Isabel patungkol sa pag ibig ay pinakikiramdaman at iniintindi ko siya. Bukod sa marami siyang karanasan ay nakakarami ito ng boyfriend sa isang buwan kaya paniguradong mas kilala niya ang mga lalake sa palagid.

Ngunit naiisip ko din na minsan tumitingin lang tayo sa pang unang bahagi ng isang pagka tao. Kung baga sa isang libro ay 'di pa tayo nakaka lahati ay hinusgahan na natin ang dulo at gusto na natin agad tapusin para makapag basa ng iba pang libro.

Napahinto ako nang muli siyang umiyak. Ilang sandali pa ay biglang tumahimik ang kabilang linya at nang tignan ko 'yon ay naputol na. Agad akong napaisip na baka may nangyaring masama dito kaya itinext ko 'to.

Ako:

Asan ka ba? Umuwi ka na, Isabel. Mag aalala ako sa'yo dito!

Buong akala ko ay 'di na mag rereply ngunit nakita kong me inbox dito.

Isabel:

Okay. Thank you.

Kinagat ko ang pang ibabang labi kahit 'di pa rin mapalagay sa text niya. Humugot ako ng hininga ng tuluyang maalalang meron pa pala akong gagawin. Agad akong umalis sa puwesto at tumungo muli sa event.

"What can you say that a lot of your supporters are now watching all the way from their homes, Zacid?"

Narinig ko ang hiwayan ng mga tao sa harapan. Marahan akong tumingin sa entablado at natagpuan si Zacid doon. Nakaupo siya kaharap ng MC habang hawak ang mic. Nakangisi lamang siya sa harap ng mga tao.

Kumabog ang dibdib ko sa pag kakataong ito. Ngayon ko lang na proved na kahit saang parte nang kanyang mukha ay gwapo siya. Hindi 'yon mapag kakaila. Kahit ilang beses ko sabihin sa sarili ko 'yon ay namamangha pa din ako.

Mapanganib siya tignan ngunit tila mas magugustuhan mo ang kapahamakan tuwing kasama siya.

"I appreciate your support for me, guys. I hope you're doing well. You guys are my inspiration and Mahal ko kayo." Matigas na ingles ang gamit niya.

Mukhang 'di satisfied ang MC soon dahil medyo ngumiwi siya sa audience pero agad ring nabawi at malaking ngisi na ang iginawad sa harap.

"Naku! Sila lang ba talaga ang inspirasyon at mahal mo, Zacid? Baka may iba ka pa dyang babatiin? Go!"

Nakita ko ang pag ngisi ni Zacid at marahang umiling. Ang mga tao ay biglang nag tilian, mas malala kanina. Halos mapaatras pa nga ako ng may isang babae ang tumalon talon sa aking harap.

"It's private, I'm sorry." Mahinang tawa niya.

"Bakit gagawin pang private kung nandito na nga siya? Marami na namang kikiligin sa inyo!"

Nawala ang ngiti ko. Agad lumapat ang tingin ko sa babaeng paparating. Nahihiya siyang kumaway sa camera ngunit taas nuong nag lakad patungong hagdan. Ang liwanag ay nasa kanya. Maputi at matangkad ito, may balingkinitang katawan at mahaba't bagsak ang kanyang buhok. Kumikislap din ang suot niyang hapit na hapit sa katawan nito.

Mukha siyang anghel, hindi. Hindi lamang anghel, isang diyosa.

"Ladies and gentlemen, Chaira Fuentabella!" 

Ang sigawan ay bumalot sa aking tenga. Pinanuod ko lamang lumakad ang babae patungo kay Zacid. Mas lalong 'di na ako nagulat ng bigla niya itong halikan sa pisngi.

May kung anong bumigat sa aking kalamnan. Lumunok ako at hindi maiwasang ang pait dito.

"Bagay talaga sila. Alam mo kung mag kaka anak 'yang dalawa, siguro ay magaganda!"

"Pero sana lang ay mag tagal. Hindi ba sunod sunod ang babae ni Zacid?"

"Ano kaba? Imposible 'yan! Tignan mo naman kung paano tumingin sa isa't isa."

Mas lalo akong nanlumo nang marinig ang iilang sambit ng tao sa likod. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Si Zacid ay tipid na nangingiti sa camera habang si Chaira Fuentabella naman ay kinakausap ng MC.

Siguro nga ay bagay sila. Sa mga taong ganyan ang katayuan. Yung tipong masasabi ng mga tao na ka'yo na ang pinaka perpektong couple sa industriya. Oo nga naman,  sila may pera at kapangyarihan tapos ako? Ako ito na inaabot si Zacid kahit alam ko namang kahit kailan ay 'di ko kayang abutin.

Wala e, pagmamahal lamang ang meron ako.

"Actually, i'm here to surprise Zacid but i think I'll surprise him again, later. Privately..." Matamis na dagdag ni Chaira.

"Oh... Oh... Is that mean that you and Zacid will have a private dinner later? Engagement naba ang sunod?"

"We still knowing each other at makakasa naman kayong malalaman nyo din ang plano namin sa isa't isa. Who knows, right, dear?" Bumaling siya kay Zacid.

"Stop it, Chaira." Mahina siyang tumawa.

"He's embarassed but we will update you."

"Ganyan talaga pag inlove sa isa't isa ano? Ang lakas ng chemistry kahit mag ka layo!"

Yumuko ako at hinawakan ang dibdib. Shit! Bakit ka umaatras ngayon?

"Can you show your fans how much you love Zacid, Chaira?" Ani pa ng MC.

Matamis na tumawa si Chaira bago puntahan si Zacid sa gilid. Nag tilian ang mga tao sa oras na hinigit ni Chaira si Zacid para patakan ng halik sa pisngi. Uminit ang pisngi ko at nag iwas ng tingin.

Lumiit tuloy ang tingin ko sa sarili ko. Naalala ko ang sinabi ni Isabel kanina. Paano nga kung tama siya? Tungkol sa mga lalakeng matamis ang dila pero punit ang gawa. Na nahulog ako sa patibong ni Zacid sa akin. Ang tanga ko naman kung ganoon! Akala ko ba ay matalino ka, Marisela? kung gaano ka katalino sa eskwelahan ay ganito ka kabobo sa pag ibig.

Kaya nakakatakot mag mahal, dahil alam mong sa huli ay ayon din ang ikakasira mo.

Aamba na ako paalis. Iniangat ko ang aking tingin at sa di sinasadyang pangyayari ay nakulong ako sa mga mata ni Zacid na diretsong nakatingin sa akin.

Nakita ko sa mata niya ang gulat at pangamba. Sinubukan niya pang marahang lumayo kay Chaira ngunit 'di sa bastos na paraan. Kita ko ang matatalim na titig niya sa mga tao pero tuwing tumitingin siya sa banda ko ay nag iiba 'yon.

Tipid akong ngumiti bago umatras.

Hindi ka para sa akin, Zacid. Parehas lang siguro tayong masasaktan para sa isa't isa.

Unti unting pumatak ang luha ng ulap. Akala ko ay umiiyak ako ngunit hindi, ang kaulapan ang tuluyang umiyak. Lumapat ang malamig na tubig sa aking balat at saktong 'yon ay biglang nagsi tarantahan ang mga tao sa paligid.

Halos mabangga pa ako dahil sa pag mamadali nilang tumakbo papasok sa hotel.

"Zacid! It's raining, let's go!" Higit sa kanya ni Chaira.

Lasang selos ang dila ko ngayon. Alam kong nababasa na ako dahil sa malalaking pag bagsak ng ulan pero wala na akong magawa. Tuluyan na akong mabasa.

Nanatili ang titig niya sa akin. He's fully aware that it's raining! Ano pang ginagawa niya diyan sa stage?

Nag iinit na ang aking mata nang tuluyang lumayo doon. Mabilis ang aking lakad patungo sa 'di ko alam. Ayaw ko sa hotel dahil maraming taong makakita kung gaano ako ka miserable. Kahit madilim na ang tinatahak ko ay may kakaunting liwanag naman na sinu subukan akong gabayan sa harap.

Ramdam ko na ang lamig sa buong paligid. Ang hampas ng alon sa nakakatakot at malakas ngunit nanatili akong nag lalakad malayo sa dalampasigan.

Kumikirot ang dibdib ko at nilalamon na ako ng sari't saring emosyon sa buo kong pagka tao.

I quickly locked my self with my arms because of the cold wind trying to hug me.  I'm afraid that i'll catch cold kung mag tatagal pa ako dito.

With a swift motion, i felt someone grabbed my wrist. Mabilis akong napaharap at namataan si Zacid sa aking harapan. Dahil sa gulat at pag hinto ng lahat ay 'di ako nakagalaw.

Nanlaki ang aking mata nang tignan siyang basang basa at tila sinundan pa ako mula dito. Ang mukha niya ay nag babadyang panganib sa akin, na kahit madilim ay alam kong galit ito.

"Stephanie.."

"B-bumalik kana doon. Baka may naka sunod pa sa'yo at makita tayo d-dito." Halos pumiyok ako dahil sa di mabitawang emosyon.

"Then, let's go back together."

Umiling ako at buong lakas na itinulak siya.

"Bumalik ka kay Chaira! Bumalik ka na doon tutal naman ay inaalagaan nyo ang isa't isa kaya bakit ka mag aalala sa taong 'di mo naman kilala?" Hindi ko na maitago ang pait sa mga boses ko.

He groaned. "Wala akong pakielam sa kanila. Now, let's go back! I'm afraid that you'll catch cold here."

"Sinungaling! Manloloko! Mali talagang nakilala kita. Paano mo ako napapaikot, huh? Dahil mababango ang salita mo o dahil sa mga halik mong nakakalasing?" Bulyaw ko at muling nag lakad.

"Oh damn... You're words are hurting me, baby. Let's talk later, please? let's go back. You're so wet because of the rain. Mag kaka sakit ka kapag nag tagal ka pa dito!"

Natahimik ako. Mabilis akong nag iwas ng tingin at pumikit. "Ayaw kong bumalik roon."

Malakas ang ulan ganoon na din ang patak nito. Naiiyak na ako dahil sa sakit at inis na nilalamon ako. Humikbi ako at tinignan siya.

"Alright. You can curse me, punch me or even kill me later, baby. Iuuwi na kita pero hindi doon." Marahan niyang sambit.

Ilang sandali pa ang lumipas ng tuluyan akong bumawi. Nanlalambot ang tuhod ko sa sobrang pang hihina. Nakita ko ang pahinga ng malalim ni Zacid bago lumuhod patalikod sa aking harapan. Medyo nagulat pa ako doon.

"Sumakay ka sa likod ko."

Umiling ako. "Ayaw ko nga!"

"Stephanie.."

Kinagat ko ang pang ibabang labi at wala ng nagawa. Nag lapat ang basa naming katawan ngunit may init ding bumalot sa akin.

"B-baka mabigat ako." Nanghihinang sambit ko.

Narinig ko ang pag buga niya ng hininga. "You're so small. Paanong mabigat?"

Hindi na ako sumagot. Tuloy tuloy kaming nabasa ng ulan. Mainit kong niyakap ang kanyang leeg at humilig sa kanyang likod. Kahit malamig ay nanghihina na ako. Hindi ko na matanggi sa sarili ko na siya ang hanap ng aking emosyon at buong pag ka tao.

Oo, naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil Wala naman akong karapatan. Kahit ilang babae pa 'yan ay dapat wala akong pakielam pero... eto ako ngayon at nasasaktan dahil may kasama siyang iba kanina.

"Manang Vilma..."

Isang matandang babae ang sumalubong sa amin sa harap mismo ng mansion ng mga Casciano. Nanginginig na ako sa lamig at ramdam na ito ng buong kalamnan ko. Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak sa akin ni Zacid.

Nung una'y wala itong emosyong tumingin sa gawi namin pero agad ding napalitan ng pag aalala ng sinulyapan ako sa likuran.

"Zacid? Anong nangyari? Sino 'yan?" Tanong niya habang papalapit.

May sinabi si Zacid sa matanda at nakita kong sulyap ito ng sulyap sa akin. Tumango ang matanda at sinundan kami ng tingin ni Zacid hanggang makarating kami sa pangalawang palapag. Mabilis at mabibigat ang hininga ni Zacid habang binuksan ang isang pintuan.

"I-Ibaba mo na ako. A-Ayos na'ko." Nanginginig kong sambit.

Gaya ng nangyari ay marahan niya akong ibinaba sa isang couch. Natakot ako na baka mabasa ko 'yon ngunit huli na dahil tuluyan na ngang nabasa 'yon.

Nasulyapan ko kung gaano din kabasa si Zacid ngayon. Ang kanyang suot ay dumidikit na sa kanyang katawan dahilan para lumabas ang itinatago sa luob. Napalunok ako at mabilis na napaiwas ng tingin sa oras na bumaling siya sa'kin.

"Dito ka lang. Ihahatid nila ang damit mo at mag bihis ka na." Buong sambit niya.

Hindi ako sumagot at sa baba lamang nakatingin.

Bumuntong hininga muli siya. "We will talk later, alright? Just... Just change your clothes."

Narinig ko ang yapak niya papaalis kaya agad akong nakahinga ng maluwag. Hinawakan ko ang dibdib kong hinahabol at sumulyap sa pintuang pinag labasan niya. Sana ay ayos lang din siya.

Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto. Ito ang bahay niya sa mansion at halos kasing laki lang ng nasa suite siguro ay mas malaki ito ng kaunti. Ngunit kagaya ng kulay ay puti at itim lamang ito, marahil paborito niya.

Malinis at halatang naalagaan. May malaking kama sa bandang gilid ng balkonahe. Nakabukas lamang ang lamp shade sa gilid at nakikita ko kung paano kumislap ang kidlat sa labas. Sa gilid ay may c-shaped couch at nasa harap non ang malaking cofee table. May malaking tv sa harap at sa ibabay mga ilaw at bato bato.

May dalawang pintuan pa sa gilid isang simple at ang isa'y malaki. Marahil isang walk in closet at banyo.

Pag talikod ko ay saktong may isang malaking salamin na rumepleksyon sa akin. Nawala ang hanga sa aking mukha at napalitan ng gulat ng makita ang itsura ko.

Nakikita na pala ang bikini sa luob ng bestida ko! Kita ang pulang pang itaas at underwear. Napapikit ako ng mariin dahil doon. Nakakahiya ka, Marisela!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top