Chapter 15

Chapter 15

Unti unti kong iminulat ang aking mata nang muling mag hiwalay ang aming labi. Nanatiling dumadaloy pa din ang elektrisidad sa aking katawan. Ang apoy sa aking looban ay nakasindi habang hawak at hinahaplos niya ako.

Diretso ang tingin niya sa aking mata at tila kinakababisado ang aking mukha. Nang mapansing matagal na kami sa posisyong iyon ay agad akong umiwas ng tingin.

Pulang pula ang pisngi ko at hiya sa nangyari kanina. Hinalikan niya ako. Sinuklian ko 'yon at wala na akong kawala ngayon.

Umatras ako. "Zacid..."

"How can i resist you when i finally tasted your lips?" Mahina siyang na mura. "It's addicting."

Namungay ang mata ko at kahit madilim ang buong kwarto ko ay nakikita ko kung paano siya makatingin sa akin. Kinagat ko ang pang ibabang labi at yumuko.

"Umuwi kana..."

Nag tangis ang bagang niya. "I'm not convince 'bout what happened earlier. Alastair pissed me off when he told me that you're with that guy! Damb, I'll cursed that nerdy guy."

Umiling ako. "K-kaibigan ko nga lang yung kanina. Wala naman akong ginagawang masama.."

"Of course, baby. I believe you." Bumuntong hininga siya. "I'm just scared that i might lose you."

Marahan niyang kinuha ang kamay ko. Tumingala ako sa kanya at muling tumungo sa kanyang mga mata. Mas dumilim ang perkpekto niyang mukha habang lumilibot ito sa akin.

"Jealousy is not my thing, baby, but when i met you life become more risky and i'm not willing to share with anyone."

Hindi ako makahinga. Para akong nakatali sa kanyang mga salita. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang puso ko tuwing nandito na siya. Bakit sobrang kinakabahan ako? Bakit sobrang nawawala ako? Bakit sobrang nalulunod ako? Ganito ang epekto niya sa akin.

Siguro nga karma ko ito, na sa dinami dami ng tao siya pa talaga ang unang lalakeng gugustuhin ko. Hindi ko namamalayan na unti unti na pala akong nag huhukay ng sarili kong patibong. Pumikit ako at pinakiramdaman ang tunog ng dalampasigan sa aking harapan.

Yakap ko ang aking sarili at mumunting tumaas ang balahibo sa lamig ng hangin. Huminga ako ng malalim bago muling dumilat at saktong tumunog ang aking cellphone.

Ngumiti ako. "Nay..."

"M-Marisela? Ah jusko, anak! Kamusta ka na diyan? Gustong gusto ka na makita ni Nanay."

Narinig ko pa ang boses ni Auntie sa gilid na tila gusto din akong kausapin. Napatawa ako at pinakinggan ang boses nila lalo na ang kay Nanay. 

May kaonting lakas ang boses ni nanay na masasabi kong magandang senyales. Hindi ito pagod at malinaw ito. Ngumiti ako dahil doon.

"Nay, hinay hinay lang po kayo. Baka atakihin na naman kayo sa puso.." pag papaalala ko.

"Ayos lang ako, anak. Alam mo ba itong si Auntie mo? Parang may isinisikreto. Tingin ko ay may nobyo na itong babaitang 'toh."

Narinig ko ang hiyaw ni Auntie Fely kaya mas lalo akong napangiti. Hindi pa naman huli para kay Auntie Fely ang lahat. Batang bata pa ito ay 'di nakakagulat kung may taong mag kaka interes sa kanya. Bukod doon ay wala pa siyang pamilya o anak.

"Marisela, huwag mo pakinggan ang nanay mo." Si Auntie Fely.

"Nakita ko kayo nung lalake kagabi, Fely! Mag ka yakap pa kayong dalawa!"

Nag sisigawan ang dalawang sa kabilang linya. Mas lalo akong nanlumo dahil doon. Dapat ay masaya ako ngunit mas lalo ko silang namiss. Tumingala ako para pigilan ang nag babadyang luha sa aking mga mata.

Umiiyak ka na naman, Marisela.

"Marisela?"

Umayos ako. "Opo..."

Huminto sa kabilang linya panandalian at tila nanahimik.

"Ayos ka lang ba talaga diyan, anak?  Pupwede ka namang umuwi na dito. Ayos na ang Nanay at pupwede na akong umuwi sa atin."

"H-hindi po ako papayag. diyan lang po kayo.." tuluyan na akong pumiyok.

Agad kong hinawakan ang aking bibig at inilayo ang cellphone doon. Bumibigat ng tuluyan ang dibdib ko na parang may mas isasabog pa 'yon. Na miss ko lang si Nanay, Sobrang miss.

Pero may iba pang dahilan. May iba pa at pakiramdam ko 'yon.

"Marisela..."

"N-Nay, paano po kapag papaliin kayo sa dalawang bagay na parehas mahalag sa inyo? Paano kapag pinapili kayo tapos alam mong isa doon m-masasaktan?"

Ayan, natanong ko na. Kailangan ko si Nanay. Kailangan ko ang gabay niya.

Narinig ko ang mahihinang buntong hininga niya. "Anak, may mga pangyayari sa buhay nating kailangan talaga nating pumili pero bago natin gawin 'yon kailangan nating malaman kung anong magiging  bunga ng pagpili natin."

"Kung pipili ka man dapat alam din ng mga taong 'yon ang rason kung bakit kailangan mong pumili at kapag nalaman nila 'yon at kung totoong naiintindahan ka nila ay magiging masaya sila sa'yo ngunit anak, huwag na huwag kang gagawa ng isang desisyong pag sisihan mo sa huli."

"N-Nay, paano po kapag may desisyon na pero kasi ayaw mo padin iwan yung taong 'yon? Importante silang dalawa..."

"Anak, may napupusuan ka naba?" 

Nanginginig ako at hinigpitan ang yakap sa sarili nang marinig ang tanong ni Nanay. Ayaw ko siyang bigyan ng iisipin at sakit ng ulo ngunit ito na naman ako na parang batang kailangan ng gabay at pangaral niya.

Oo, Nay, at mahal na mahal ko ang taong 'yon. Pero bawal, bawal na bawal.

"Kung ako man ang iniisip mo ay huwag mo na akong intindihin. Kung oras ko naman na ay oras ko na."

Mabilis akong umiling. "Nay! Huwag nyo naman sabihin 'yan."

"Alam mo ba anak kung bakit ako nabubuhay sa mundong 'toh? Para makita kang sumaya, mag karoon ng pamilya at mamuhay ng mag isa. Kampante na ako kapag nakita na kitang masaya kasama ang magiging pamilya mo. Eto lang naman ang hinihintay ko, na makakita ka ng taong mamahalin mo ng buo.."

"Nay, hindi kopo kayang mabuhay na wala kayo. N-Nay kayo ang lakas ko, e."

Walang lakas siyang tumawa. "Hindi naman ako mawawala, e. Nandito lang ako lagi, nasa puso mo lang ako lagi."

Ayaw ko pang isipin ang panahong mawawala siya sa'kin. Natatakot ako dahil baka hindi ko kayanin. Nay, kayo po ang lakas ko at taong laging nag papaala sa akin na kakayanin ko ang mga bagay na darating sa aking buhay kaya paano ko magagawa ang sinasabi mo?

Tuluyan akong humagulgol at nag tago sa aking mga tuhod. Ayaw kong may mawala sa akin pero sigurado akong kahit pumili naman ako sa dalawa, magagalit parin siya sa akin at kakamuhian niya pa din ako.

Suot ang aking pulang bestida ay kalmado kong pinapanuod ang mga bisitang dumadating. Tingin ko ay sila ang mga panauhin sa event na mangyayari bukas ng gabi. Pinag sakop ko ang aking buhok at lakas luob na humalubilo sa mga taong andoon.

"I'm so excited! This is will be a big night for us."

"Big scoop for the big couple. Grabe, hindi ako makapaniwala! Makikita ko si Zacid!"

Nilagpasan ko ang mga taong may hawak na camera. Hindi maganda ang pakiramdam ko tuwing nakikita 'yon. Wala akong I.D o ano man sa akin kaya tingin nila siguro sa akin ay isang normal na turista. Ayos na din 'yon kesa mag tanong tanong sila tungkol kay Stephanie Zamora.

Huminto ako sa entrance ng private pool, naisip ko sanang mag babad dahil ayaw ko sa dagat muna. Ngunit napahinto ako ng marinig ang tawag sa tunay kong pangalan.

"Marisela!"

Malakas 'yon ngunit nanatili akong kalmado. Pumihit ako paharap at sumulyap sa mga taong napatingin sa aking gawi. Sinubukan kong huwag sila tignan pabalik at tumingin sa papalapit na si Brent.

Naalala ko ang nangyari ngunit wala na man na 'yon sa akin. Bahala na kung anong iisipin niya pero tuluyan na 'yong nabura sa isipan ko.

"Brent.." pag bati ko.

"You're here. I'm actually trying to find you since yesterday. Tinanong ko yung room number mo ang kaso nakapag tatakang wala ka sa list ng guest." Hingal niyang sambit.

Tumango ako. Ekspektado ko naman. Muli ko siyang tinignan at nakatingin lang din ito sa akin. Nag iwas ako at tinuro ang mga tao sa labas.

"Madami dami na din pala ang pumupunta. Baka busy ka." Pag iiba ko.

"Oo, e. Inaayos na namin ang stage para sa event."

"Maganda 'yon.." maikling tugon ko.

Muli siyang huminto. Hindi naman ako makapag isip ng puwedeng sabihin dahil sa katahimikan. Medyo umatras ako at nanatili ang tingin sa mga taong nasa labas, iniiwasan ang kanyang mata. Hindi kami pupwedeng makita dito ng katagal.

"About what happened last day, i'm really sorry, Sela. I admit, nadala lang din ako-"

"Ayos lang, Brent. Hindi mo sinasadya."

"Sela, I like you."

Huminga ako ng malalim. Sabi ko na nga ba ay hahantong sa ganito. May parte sa akin ang gulat pero pagod na ako sa ganoong reaksyon. Mumunti lamang akong ngumiti kay Brent.

Malaki ang utang na loob ko dito at itinuturing ko na siyang kapatid mag mula noon. Sa paraan ng pag tingin niya sa akin ay alam ko ng may laman iyon. Ngunit kahit kailan ay sinasabi ko sa sarili kong 'di ko ito kayang tanggapin.

"Brent, alam mo naman siguro diba-"

"I know and i'm willing to wait."

Halos mapatalon ako ng bigla niyang kunin ang kamay ko at hinaplos iyon. Tumingin ako kay Brent at nakitang malungkot siyang nakatingin sa akin.

"Give me a chance, Sela. I can prove my love to you.."

Nalilito akong tumingin dito. Aakto na sana akong mag sasalita ng may humigit sa aking bewang. Kumabog ang dibdib ko sa pamilyar na amoy sa aking gilid. Ang mainit na palad na 'yon ay sumakop sa buo kong bewang.

"She can't." Buong boses na sambit nito.

Kagat labi akong napatingala at nakita si Zacid na nakatingin din sa akin. Madilim at nag liliyab ang kanyang mga abong mata. Sinubukan kong umayos at mas lalong kinabahan ng naalalang andito si Brent sa aking harapan.

Laglag ang kanyang panga habang pasalit salit na nakatingin sa akin at kay Zacid. Nakaramdam tuloy ako ng konsensya para sa kaibigan. Sorry, Brent.

"Z-Zacid? You're with her?" Gulong tanong ni Brent.

"Brent..." Pigil ko.

Ngumisi siya. "She's my girlfriend."

Laking mata akong napatingin kay Zacid. Sobrang gulat ako na pakiramdam ko ay mahuhulog na ang aking mga mata. Anong sinabi niya? Girlfriend niya ako? Nahihibang na ba siya?

Matangkad si Brent ngunit mas matangkad si Zacid. Natatabunan ng kagwapuhan ni Zacid ang sino mang tatapat dito. Habang boyish look si Brent ay mas masasabi kong badboy look si Zacid. Kakaiba siya at mas malakas ang karisma kesa sa iba.

"What?" Lumingon sa akin si Brent. "Sel-"

Hindi na pinatapos ni Zacid ang pag banggit ni Brent sa tunay pangalan ko at tuluyan akong hinila. Wala siyang paki kahit ang iilang journalist and reporters ay nakatingin sa amin. Mabilis akong napayuko para 'di nila makita ang aking mukha. Wala naman nag tangkang mag picture o ano sa huli lang ng tuluyan kaming nakaalis doon.

Binitawan ni Zacid ang aking bewang at duon na ako tuluyang napatingin sa kanya.

"So that man is finally confessing his feelings for you? Sad for him, he's late." Pag bungad ni Zacid.

Nakita ko ang pag pula ng kanyang mukha. Umiigting ang panga niya habang nakatingin sa akin.

"Matagal ko na 'yong kaibigan. Tsaka bakit mo sinabing girlfriend mo ako? Hindi mo ba naisip na madaming tao doon!" Bulyaw ko.

Nag kibit balikat siya. "I don't care about them. As if it's not true?"

"Hindi naman talaga totoo! Hindi kita boyfriend."

"I don't care if i'm not your boyfriend, atleast you're my girlfriend."

"Zacid!"

Nag init ang pisngi ko. Kalmadong kalmado pa talaga siya ngayon. Magulo ang buhok niya dahil sa hangin. Huminga siya ng malalim at may iilang murang pinakawalan matapos bumitaw ng titig sa akin. Muling kumabog ang dibdib ko ng lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking braso hanggang makapunta 'yon sa aking pisngi.

"I'm inlove, if it's not obvious with you." Paos niyang sambit.

Lumunok ako. "K-kanino naman..."

"With you, My angel."

Parang sirang plakang nag pa ulit ulit iyon sa aking utak. Lumapit siya sa akin at tuluyan akong hinapit para isang malalim at matamis na halik. Napahawak ako sa kanyang balikat dahil doon.

Nangangatog ang aking tuhod habang dinadama ang kanyang labi ko. Parang lason iyon sa buong sistema ko ngunit kahit nakakalason ay tila gusto kong araw arawin. Hinaplos niya ang aking batok at mas nilaliman ang kanyang halik sa akin.

Ang kanyang dila ay lumibot sa aking buong bibig na tila nakikipag espadahan. Napaungol ako at mas ginusto iyon. Medyo sinipsip niya ang aking labi dahilan para masabik ako lalo.

"I marked you again." Bulong niya matapos ang halik.

Naduduling na ako sa sobrang lapit namin. Parehas kaming hingal dahil sa matagal naming halik na pinag saluhan. Hindi ko namalayang napangiti ako at tumango.

"I'm yours, Zacid."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top