Chapter 14
Chapter 14
Paulit ulit ang sulyap ko kay Zacid habang hinahanda ko ang pag kain niya. Alam kong kanina pa ito nakatuon sa akin at pinapanuod ang bawat galaw ko. Labis ang tahip ng puso ko tuwing nag kakatinginan kami.
Alam ko naman na ang nararamdaman ko. Natatakot lang ako. Sobrang natatakot.
"Kumain ka. Pagka tapos umalis ka na." Sabi ko habang hindi naka tingin dito.
Bumuntong hininga siya. "You don't missed me, huh?"
Nag init ang pisngi ko at hindi na lamang sumagot. Marahan kong inilagay ang pag kain sa counter at isinama ang ulam na kanina kong iniluto. Nang tinitignan ko si Zacid ay 'di ko maiwasang mailang. Naka suot ito ng itim na polo't nakatupi hanggang siko niya, itim na slacks at kapansin pansin ang itim na relos sa kanyang maugat na kamay.
Ang laki laki niya at parang sinasakop niya na ang buo kong upuan. Ngumuso ako sa pag iisip na hindi siya bagay sa ganyang upuan lamang.
"I handled La Casciano in manila. Kakauwi ko lang that's why I'm so tired and exhausted." Aniya sa tamang tono.
"Pagod ka pala, e. Dapat ay nag pahinga ka nalang muna." Sagot ko.
"Yeah, that's why i go straight up to here..." parang wala lang sa kanya ang sinabi niya at mabilis na sumandok ng kanin.
Umupo ako sa harap niya at nanatili ang tingin sa pag kain. Tapos na ako kumain at nanatiling walang gana pero nang dumating si Zacid ay nag karoon ako ng onting ligaya.
"How's your day?"
Tumaas ang tingin ko at nakitang nakaharap na ito sa akin. Mag kahawak ang dalawang kamay nakapatong sa lamesa. Walang ngiti sa mukha niya ngunit nanatiling seryoso ito sa tanong.
"A-ayos lang. Katulad ng dati. Kapag wala naman akong magawa ay baba ako para tumungo sa dalampasigan." Nguso ko.
"You can go to our place. Gabriela is surely there."
"Baka ma istorbo ko pa siya. Ayos na ako dito." Hanggang dito lang naman dapat ako.
Tumaas ang kilay niya nang mapatingin sa ulam na iniluto ko kanina. Ngayon ko lang nakitang nginunguya niya na pala ito. Tila binabasa niya ang iniluto kong pag kain kanina. Umawang ang labi ko at tila nangangamba sa pu pwede niyang sabihin dito.
"L-luto ko 'yan. Hindi pa kasi ako marunong sa ganyan mga putahe, naninibago pa ako kaya baka pangit yung lasa...." Kinagat ko ang pag ibabang labi habang isinasambit 'yon.
"You're good."
"Ha?"
Tumango tango siya habang tinitignan ang ulam sa hapag. Lumingon siya sa akin at medyo ngumisi.
"I almost forgot my name. Oh? What's my name?" Pinilig niya ang ulo habang umaarteng nag iisip.
"Tumigil ka nga." Humahaba na ata ang labi ko kakanguso.
"I think i know you,"
"Tumigil kana.." natatawa ako.
"Are you my future wife?"
Napatigil ako at gulat na napatingin sa kanya. Tila wala pa din sa kanya ang kanyang sinabi at naka pilig pa din ang ulo habang nanunuyang naka tingin sa akin. Lumunok ako at napa kurap kurap dahil dito.
Mabilis akong nag iwas at nag salin ng tubig sa baso ko. Narinig ko ang iilang buntong hiningang pinakawalan niya sa paligid.
"I didn't change my mind when i said, i want to know you better." Mababang sambit niya.
"Zacid.."
Pumungay ang abo niyang mga mata. "Gusto pa kitang makilala lalo. Are you willing to help, for me to know you better?"
Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong mo. Andaming nasasaktan at malaking risk kung papayagan kitang pumasok sa buhay ko. Unang una dahil ikaw ang taong dahilan kung bakit ako nandito, Pangalawa dahil iba ka at iba ako. Buong akala mo siguro'y madali lang gawin 'yan ngunit hindi, walang madali kung kikilalanin mo ako.
Umurong ako at unang nag bitiw sa tinginan namin.
"A-Ano bang ginawa mo sa Manila kanina? Trabaho?"
Saglitan siyang 'di naka sagot. Sa pagkain lamang nakatuon ang atensyon ko at iniiwasan siyang tignan. Baka may masabi pa ako kung patuloy siyang ganyan.
"I visit the casino also, i cancelled my upcoming project for this year."
Kumunot ang nuo ko. "Anong i-cinancel mo?"
"It's alright. I also need to take a break."
"Kung sa bagay, 'di naman lahat ng sikat at mayayaman 'di na napapagod. Gawin mo lang kung saan ka makakahinga ng maluwag."
"And my rest is obviously with you."
Tumingala ako.
"I'm so tired with this world. So let me find peace with you, hmm?"
Masasabi mo pa kaya 'yan kapag ako mismo ang mangugulo sa buhay mo? Huwag ako. Hindi dapat ako dahil kahit ako din nag hahanap ng kapayapaan sa mundong 'toh. Kahit kailan ay 'di ko mahagilap 'yon.
Halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam na hahantong ako sa ganito. Ang huling masayang alaala ko lang nung kaarawan ko. Mag kakasama pa kaming tatlo nila Nanay at ngayon sa isang iglap ay naipit na ako sa dalawang sitwasyon.
"Ano? Andyan si Brent?"
Tumango ako. "Anong gagawin ko?"
Narinig ko ang iilang mahinang mura ni Isabel sa kabilang linya. Nakatanaw ako ngayon sa dalampasigan at pinapanuod ang iilang turistang nag sisidatingan.
"Mag kunwari ka nalang na 'di mo siya kilala. Huwag mong pansinin, ganoon!" Ani niya.
Pumikit ako. "Alam mong hindi pupwede 'yan. Boss ko pa din si Brent. Ang laki ng utang na loob ko doon sa tao."
"Kesa naman mahuli ka kaagad, Sela. Hindi mo nga kilala 'yang lalakeng pinapa trabaho sa'yo. Mamaya ipakulong kapa!"
"Basta. Gagawa nalang ako ng paraan, Isabel..."
"Sela?"
Halos mapa talon ako nang may taong nag salita sa aking likuran. Nang makita kong si Brent iyon ay pilit akong ngumiti bago umikot ang mata sa buong lobby.
"Good afternoon. Andito ka pala, Sir." Yuko ko.
Humalkhak siya. "Drop that sir, Sela. Wala naman tayo sa trabaho."
Tumango tango ako. Napansin kong wala pala talaga siyang kasama at paniguradong nauna sa resort. Nag tataka lang itong tumingin sa akin dahil sa matagal na pag kaka tahimik ko. Tumikhim ako at umayos ng tayo.
"Mabuti naman at lumabas ka. Magandang mag lakad lakad dito kasi maaliwalas ang panahon."
Sumangayon siya at ngumiti sa akin. "Ayun nga dapat ang sasabihin ko. Can you join me for a tour? Wala naman kasi akong kilala dito. Thanks god you're here."
Napahinto ako at medyo nag aalinlangan na tumango. Muling umikot ang mata ko para tignan ang buong lugar. Hindi ako makakahindi sa kanya dahil paniguradong mag iisip Ito kung bakit. Marahan akong tumango at nakitang nag liwanag ang mukha nito.
"So, let's go?" Yaya niya.
Tumango ako. Niyaya ko muna siyang libutin ang buong resort para makita ang iilang rock formations. Masaya naman siyang kasama. Nag eenjoy akong kausapin siya habang nag lalakad kami sa dalampasigan. Medyo lumuwang na ang pag hinga ko ng medyo naka layo layo kami sa hotel.
Humeap siya sa akin. "So you're mom is fine now? Is she stable?"
"Ayos naman. Hindi na siya masyadong inaatake dahil naalagaan ng hospital pero nag iipon pa din ako para mapa opera siya." Mumunti akong ngumiti.
"Nag alala ako sa'yo nung nag resigned ka. I thought I will never see you again. Humina na ang kita ng bar, e."
Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang tumingin dito. Napahinto din siya para makita ang reaksyon ko at mabilis siyang napatawa. Kumunot ang nuo ko dahil doon. Nag loloko ba siya? Totoo bang humina ang kita dahil sa akin? Paanong nang yari 'yon e kahit nuon pa man ay sikat na ang bar niya.
"Just kidding. You're still the same. I missed that." Medyo ginulo niya ang buhok ko.
Nakahinga ako. "Akala ko naman ay totoo. Hindi naman talaga ako maniniwala dahil may tiwala ako sa'yo. Maganda kasi ang pamamalakad mo sa bar."
"Pero 'di katulad ng dati parang may kulang pa din doon. Hindi na kasi kita nahahagilap." Medyo sumeryoso ang kanyang boses.
Mabait si Brent sa akin. Simula nung una ko pa siyang makilala ay binigyan niya na ako ng oportunidad para maka tulong kay Nanay at Auntie. Kahit kailan ay 'di siya naging madamot o masama sa akin. Isa siya sa mga kaibigang pinag kakaingatan ko.
Kahit malaki ang estado ni Brent sa buhay ay itinuring niya akong malaking bahagi sa kanya. Minsan napapaisip nga ako dahil sobra sobra ang tulong na na naibabahagi niya sa akin pero sino ba ako para mag reklamo sa ka baitang pina pakita niya para sa akin?
Ngumiti ako. "Salamat, Brent. Ang laki ng utang na loob ko sa'yo. Masaya akong maging kaibigan ka."
Nang tumaas ang tingin ko ay nasa akin parin pala ang mata niya. Nakaawang ang labi niyang naka tingin sa akin duon ko lang napansin na medyo malapit kami sa isa't isa. Matangkad si Brent kaya medyo bumaba siya para pumantay sa akin. Mabilis akong napalayo sa gulat dahil sa ginawa niya.
"S-sorry. I-I just thought-"
"Ah! Wala 'yon. Balik muna siguro tayo sa hotel?"
Mabilis ang mga paa ko. Siguro dahil sa gulat. Bakit naman 'yon gagawin ni Brent? Nang umikot ako ay isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin. Kunot nuo siyang naka tingin sa banda ko kasama ang iilang kaibigan sa gilid.
Kung 'di ako nag kakamali ay si Alastair 'yon. Pinsan ni Zacid. Kumabog ang dibdib ko at mabilis na lumisan sa lugar na 'yon. Nakita niya kaya akong kasama si Brent?
Hindi ko na muling iniharap si Brent at 'di naman niya ako pinigilan. Sana ay maintindihan niya dahil nagulat talaga ako sa kabmuntikan niya gawin. Kaibigan ko siya kaya bakit naman siya aaktong ganoon sa akin?
Gabing gabi ay aligaga ako sa pag iisip. Tumingin ako sa aking cellphone at naisipang i-text siya. Ngumuso ako at nag isip kung anong puwedeng itipa. Wala akong alam sa ganitong bagay dahil kahit kailan 'di naman ako nag gaganito.
Ako:
Tulog ka na ba?
Mabilis ko 'yong pinadala at laking gulat ng ilang minuto pa ay agad 'yong sumagot.
Zacid:
Not yet.
Kumunot ang nuo ko Ang ikli naman niyang mag reply.
Ako:
Ako din. Hindi ako makatulog. Anong ginagawa mo?
Zacid:
Stop thinking about something else so you can sleep.
Ako:
Hindi ko kaya. Marami lang talagang kailangan isipin.
Muling tumunog ang cellphone ko matapos ang ilang minuto. Agad ko iyong kinuha at binuksan ang inbox na galing kay Zacid.
Zacid:
Like your boyfriend?
Kumunot ang nuo ko at napahinto. Boyfriend? Anong boyfriend ang ibig niyang sabihin sa'kin. Muli akong nag tipa habang takang taka ang mukha.
Ako:
Wala akong boyfriend. Ayos ka lang ba? Mukhang pagod ka nga. Tutulog na ako.
Mabilis kong ibinaba ang cellphone ko at inis na umayos ng higa. Blanko akong tumitig sa itaas at iniisip kung bakit pumasok sa isip niya na may boyfriend ako kahit sa totoo'y wala naman talaga. Kahit kailan nga ay di ko naisipang mag ka nobyo dahil pakiramdam ko ay wala naman nang nag seseryoso sa panahon ngayon.
Hindi pa ako nag kakagusto kanino man.
Pipikit na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang buksan ko 'yon ay rumehistro ang pangalan ni Zacid. Tumibok ang puso ko at nag aalinlangang sinagot 'yon.
"Hello?"
Walang nag sasalita sa kabilang linya. Mas lalo akong kinabahan. Humilig ako sa headboard ng kama at maiging pinakinggan iyon pero bakit walang nagsasalita?
Lumunok ako. "H-hello? Zacid?"
"I'm here outside your suite. Open the door."
"A-Ano? Andyan ka sa labas?!"
Aligaga akong tumayo at halos mahulog pa sa kama. Kumabog ang dibdib habang nag lalakad patungo sa pintuan. Dis oras na ng gabi ay tumungo siya dito? Lumunok ako at marahang binuksan ang pintuan. Tuluyan iyong ipinakita ang katauhan ni Zacid. Nakatagilid ang kanyang ulo habang mumunting ibinaba ang kanyang cellphone.
Lumikot ang paningin ko habang nakahawak nang mahigpit sa pintuan. Alam ko lang ay parang tinatamaan ako ng matatalim niyang tingin.
"Gabi na, ah. Umuwi ka na. B-Bakit ka pa nandito sa hotel?" Sabi ko.
"Are you mad?"
Napahinto ako sa kanyang tanong. Nang tumingin ako diretso sa kanyang mata ay nakita ko kung paano lumambot iyon habang nakatingin sa akin. Para siyang basang sisiw na nag mamakaawang patuluyin siya sa bahay 'ko.
Dahil ba nung sa last reply ko? Hindi naman ako galit. Nalilito lang ako at naiirita.
"Bakit naman ako magagalit?" Mahinang sambit ko.
Malalim siyang nakatingin sa akin. "Hmm. 'Cause i told you about your boyfriend."
Na irita ako nang muli niyang sambitin ang salitang boyfriend agad akong umiling. Bakit niya ba ako pinag pipilitan?
"Wala nga sabi akong boyfriend! Kahit kailan ay 'di pa ako nag kakaroon non!"
Matapos 'yon ay nagulat ako sa pag sigaw ko. Wala paring bakas sa kanyang reaksyon pero mabuti nalang at nasabi ko na din. Medyo gumaan ang pakiramdam ko.
"Really?"
Humakbang siya papalapit sa akin. Dahil doon ay mabilis siyang naka pasok sa aking kwarto. Grabe ang takbo ng puso ko nung makalapit siya at tuluyang na ilock ang pintuan. Muli akong umatras nang lumingon siya sa akin.
"Alastair saw you with your boyfriend. He told me he kissed you. Should i believe him hmm?"
Si Brent ba ang tinutukoy niya?
Umatras ako. "K-kaibigan ko lang si Brent. Hindi kami nag halikan! Umamba lang siya pero umatras ako!"
Napapikit ako nang maramdaman ang huling pag hakbang ko at tuluyang na dikit sa pader. Nahihilo ako sa kanya. Nangingiliti ang tiyan ko sa hindi malamang dahilan.
"Your boyfriend sucks." Bulong niya nang makalapit.
Nanghihina na ako. "H-hindi nga sabi..."
"Then who's the one you like then?"
Nabibingi ako. Naririnig ko ang tibok ng puso ko. Nababaliw ako sa mata niya. Unti unting lumabo ang paningin ko nang maabot niya ang aking labi. Kasabay non ang tuluyang pag sabog ng aking luha.
Marahan niya akong hinalikan. Malalim at matagal. Hawak hawak niya ang aking bewang habang ginagawa 'yon. Marahan kong sinuklian ang halik na iginawad niya sa akin at sa tuwing ipinuputol niya 'yon ay rinig ko ang mahihinang mura niya.
Natatakot ako pero para sa halik niya ay nababaliw ako, nasasaktan ako at nahihibang ako.
Kinagat niya ang pang ibabang labi ko dahilan para mapaungol ako ng kaunti. Ang sensual na pag halik niya ay binabaliw ako ng sobra.
"He can't even kissed you like this..." Bulong niya.
Nanlalambot na ako. "H-hindi siya ang gusto ko..."
Huminto siya at namumungay ang matang tumitig sa akin. Muli akong umiling para sabihing hindi totoo ang kanyang iniisip. Mas hinigit niya ang aking bewang at sumandal sa aking balikat.
Napa hikbi ako ngunit mahina lamang. Huminga siya ng malalim sa balikat ko bago muling mag salita.
"I know, baby. I know...."
Hindi siya ang gusto ko dahil ikaw. Ikaw lang at wala ng iba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top