Chapter 11

Chapter 11

Bakit niya kaya ako naisipang samahan ulit? Para ba bumawi sa'kin? Siguro ay nakonsensa siya sa nagawa niya kahapon kaya ngayon ay nandito siya para samahan ako. May parte sa aking masaya ako marahil siguro'y sasamahan niya ako ulit o baka naman gusto ko lang talaga siyang makitang ma guilty o mag sabi ng sorry.

Hindi ko rin alam bakit hindi nakikisama ang dibdib ko ngayon at patuloy na nag wawala. Kabadong kabado ako tuwing nasa paligid siya!

"Hindi kita ipinilit na sumama dito. Baka sumbatan mo ako." Hindi ko alam kung bakit ayon ang unang lumabas sa labi ko matapos ang mahabang katahimikan.

Tumikhim siya at hindi na nag salita. Sumulyap ako dito at nakitang seryoso lang siya sa pag mamaneho ng kotse.

Nag iwas ako. "P-pero salamat pa rin dahil naisipan mong samahan ako.."

"You're welcome." Walang emosyong sambit niya.

Hindi na ako sumubok na mag salita. Napasulyapsulyap nalang ako sa gawi niya. Hindi ko alam! May kakaiba talaga sa kanya. 

Mabilis akong lumabas sa kotse ng mapuntahan namin ang rock formations na gustong gusto kong puntahan. Ang lalaki kasi ng bato dito at may mga kulay. Ang gandang iguhit! Itinaas ko ang aking camera para kuhanan iyon.

"Ang ganda sa malapitan." Ani ko sa sobrang pag ka mangha.

Tingin ko'y wala pang taong nakakatuklas ng lugar na ito dahil ni isang tao ay wala dito. Tahimik at payapa ito. Maganda sanang puntahan ang kaso ay wala akong kotse para tunguhin ito. Kailangan ay kasama ko pa so Zacid?

Patago tuloy akong napangiti sa pag iisip na ipapakita ko ito kay Nanay at Auntie kapag tuluyan na akong nakauwi sa maynila. 

"Did you like it?"

Nawala ang ngigi ko nang lumingon ako sa likod ko at namataang papalapit siya sa akin habang nakapamulsa. Marahan akong tumango at kagat labing lumapit sa isang bato.

Huminga ako ng malalim. "Bakit wala masyadong tao ang nandito?"

"This place is out of nowhere. As you can see it's in the middle of the highway. Kabisado mo dapat ang pasikot sikot sa isla bago mo mapuntahan ang lugar na ito..."

"Sayang. Ang ganda pa naman dito." Haplos ko sa mga bato.

Tinignan ko ang itaas no'n at may naisip. Mabilis kong itinaggal ang aking sapatos at sinimulang akyatin ito habang 'di nakatingin si Zacid sa akin. Buong akala ko ay magiging madali iyon nang maramdaman kung gaano katulis ang mga bato.

"What are you doing?" Mabilis na sambit ni Zacid.

Napangiwi ako nang medyo nadaplisan ako ng tulis ng bato sa aking balikat. Medyo dumulas tuloy ang kamay ko.

"Get down." Sigaw niya mula sa ibaba.

"Kaya ko!"

"Get down, Stephanie. It's dangerous!" May pag babanta sa boses ni Zacid pero 'di ko Ito pinansin. Hindi ako si Stephanie.

Dalawang bato nalang ay pupwede na akong makaakyat para makita ang ganda ng buong paligid ng maramdaman kong wala na pala akong pupwedeng maapakan at tuluyan akong nadulas sa batuhan.

Buhanginan naman ang bagsak ko, e. Ayun ang buong akala ko pero isang braso ang agad na sumalo sa akin. Mariin akong napapikit ako napakayap doon. Tumatakbo ang dibdib ko sa nangyari.

"Damn! I told you it's dangerous." Halos pabulong na niyang sambit.

Nang minulat ko ang aking mata ay sinalubong iyon ng kanya. Trumiple- hindi doble pa sa triple ang nararamdaman ko ngayon. Ilang beses akong lumunok habang pinag aaralan ang mukha niya. Nakakailang siya pero ngayong sordang lapit ng kanyang mukha sa akin ay para akong nanlalambot.

Ang abo niyang mga mata ay inaakit ako. Puno iyon ng panganib at babala ngunit ayaw ko iyong hiwalayan. Kahit mapangib ay parang gusto kong mag risk na titigan 'yon.

"Are you hurt?" Lumamlam ang kanyang mga mata.

"H-hindi." Lumunok ako bago nag bitaw.

Ano bang nangyayari sa akin! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Umayos ka, Marisela. Bawal ito! Alam mong bawal.

"Mukhang nasaktan ka. Akin na."

"Hindi nga! Daplis lang naman. Malayo sa bituka." Ani ko at nag simulang mag lakad papalayo kahit nanlalambot ang tuhod ko.

Hinahamon ako ng mga hangin ngayon. Alam kong nakasunod sa akin si Zacid dahil sa mga tingin niyang tumatagos sa akin. Yumuko ako at medyo lumapit sa dalampasigan at umupo doon.

Rinig ko ang mumunting yapak niya kaya sinubukan kong umarte na nag picture ng dagat. Jusko! Kinakabahan po ako.

"Kung gusto mo nang bumalik ay umuwi na tayo. Mukhang mag kakasugat ang daplis mo kung papabayaan nalang nating ganyan.."

"A-ayos nga lang ako. K-kung gusto mo ay ikaw nalang umuwi tapos susunod ako."

"Alright."

Mabilis akong napatingin sa kanya at nakitang aamba na siyang bumalik. Agad akong tumayo.

Uuwi na ba siya? Ayaw ko pang umuwi!

"T-teka! Uuwi ka na talaga?"

Humarap siya sa akin at agad kumunot ang nuo na parang may nasabi akong masama dito.

"Do you really think i can go back without you? I'm obligated to you, remember?" Aniya sa iritadong paraan. Bipolar?

"Malay ko ba kung uuwi kana talaga. Baka hinahanap ka na ng mga babae mo doon." Mabilis akong umupo muli sa limestone.

Nairita tuloy ako sa pag iisip non. Iba ibang babae ang nag hihintay sa kanya, 'di lang duon kung hindi sa maynila pa! baka nga kapag nalaman ng mga babae niyang kasama ko siya dito ay maubusan ako ng buhok.

Ilang milyon o libo ba ang mga tigahanga niya? Baka hindi lang buhok ang mawala sa akin.

Sa peripheral vision ko ay nakatayo ito. Ngumuso ako at kumuha ng letrato sa aking camera. Iilang click lang 'yon dahil masyado akong nabibingi sa katahimikan namin.

Hindi naman kami close.

"Hindi ka ba natatakot na may makakita sa'yong kasama ako dito. Sigurado namang may mga baliw na baliw sa'yo yung mga tigahanga mo." Pagbasag ko.

Hindi siya umimik at nanatiling nakatungo pa din sa dagat.

"O baka naman yung mga girlfriend mo ang magalit."

"Who?" Diba nag-react agad siya.

"Chaira....Kylie? Daila? Charlene?"

Teka sino si Charlene?

Umismid siya. "They're not my girlfriends."

"Bakit kayong mga artista, kailangan nyo pang umarte sa harap ng camera na gusto niyo yung isang tao kahit 'di naman."

"I'm just acting professional and it's not my problem if they take that personally." Malamig na antas niya.

"Pero dapat isinaalang alang mo din yung damdamin nila. Malay mo ba kung gusto o mahal ka talaga nila. Kung 'di mo naman pala kayang suklian yung ipinapakita nila sa'yo dapat ay simula palang 'di kana nag bigay ng motibo."

"What are you saying? That's who showbiz works. Entertainment purposes only."

Tumingin ako sa kanya. "They are the the one who's making fuss about it. They keep pairing me to those women. I told you, i'm just acting professionally." Inis siya.

"Kaya pala andami mong babae."

"I'm guy and it's normal. Those are just flings."

Oo nga naman. Zacid Casciano, e. Kung ikaw ba aalukin ng isang Zacid Casciano e tatanggi ka paba? Siguro nga sobrang proud ng mga babae niya. Naikama niya ba lahat ng 'yon?

Uminit ang aking pisngi ng maalala ang pantalawa naming pag kikita. Nakita niya ang katawan ko at sa kanya. Para tuloy nabuhayan ang aking dugo habang inaalala kung paano nga siya humalik.

Marisela! Ano bang sinasabi mo? Umayos ka nga!

"S-sabi mo, e."

Huminga siya ng malalim. "It's nothing, Stephanie."

Tumango tango ako at tumayo. Hinigit ko ang aking camera at medyo kinuhanan ang sarili. Sa gilid ng aking mata ay alam kong nakamasid siya habang ginagawa ko 'yon. Pinamulahan ito ng aking pisngi pero patuloy ko padin akong umaakto sa camera.

"Ako na ang kukuha sa'yo ng letrato.." babang boses na sabi niya.

Halos mag landas ang aking kamay sa ginawa niya. Naramdaman ko ang pag tayo ng aking balahibo sa kuryenteng naramdaman ko. Umirap nalang ako at medyo pwumesto ng nakahawak na ito sa camera.

Medyo malakas ang hangin kaya kinailangan kong ilagay ang aking takas na buhok sa ilalim ng aking tenga. Hindi ako nakangiti dahil wala naman talaga akong balak na mag papicture. Hindi din naman ako mahilig sa ganito. Susulitin ko na.

Tinitigan ko ang camera. Kumabog ang dibdib ko habang ginagawa ko 'yon. Pakiramdam ko kasi ay ang mga mata niya ay nasa ilalim non at nakatitig sa akin.

Nang marinig ko ang isang click ng camera ay ngumiti ako. Ilang sandali pa ay hindi ko namalayang tapos na pala siya at marahang naibaba ang camera ko.

Ilang segundo kaming nagka titigan hanggang sa bumitiw ako. Bakit ganoon ang mga mata niya!

Lumunok. "A-akin na. Salamat..." 

"Here.." Lahad niya.

"Umuwi na tayo." Mariin akong napapikit na bumalik.

Sa buong byahe namin pag uwi ay walang nag salita. Mabuti naman dahil hindi ko na kaya! Parang sasabog na ang puso ko sa kabog at 'di ko malaman kung anong dahilan. Nasisiraan na ata ko. Hindi pupwede ang mga naiisip ko.

Iba ang ipinunta mo dito, Marisela. Hindi ikaw si Stephanie Zamora, tiga maynila ka. Hindi ka paparazzi, isa ka lang college student. Hindi ka mayaman o kilala, nangangailangan ka lang ng pera ngayon.

Hindi ka nababagay kahit kanino na hindi mo kalebel. Huwag kang ambisyosa!

Tuwing ipinipikit ko ang aking mata ay ang mukha niya ang nakikita ko. Hindi ito pupwede. Alam mo 'yan, Marisela.

"Are you doing good there?" Bungad ni Ma'am Daila sa akin.

Ngayon nalang ulit sila tumawag dahil ang pag kakaalam ko'y hinayaan nalang nila ako gawin ang mga gusto ko. Nagulat ako dahil ngayo'y tumawag si Ma'am Daila, siya mismo.

"Opo. M-madalas ko din po nakikita si Zacid Casciano."

"I know. You're doing good, Marisela. Madami dami na din kaming mga photos na nakukuha. Soon, irerelease nila 'yan in public. I'm sure mag frefreak out ang fans niya and ofcourse his girlfriend."

Napakagat ang aking labi sa sinabi ni Ma'am Daila sa kabilang linya.

"Makikilala po ba ako? Pano po kapag nalaman nilang-"

"No! Come one. Let's not talk about that. Wala kabang tiwala sa akin? Ang isipin mo nalang after this makakapag pa galing na ang Nanay mo. You can take my money!"

Tumango ako. "O-opo.."

"Masyado ka nang malapit kay Zacid Casciano and i'm actually liking that..." Huminto siya. "But remember.... know your limits."

"Who knows." Dagdag pa niya.

Tama, Marisela. Umayos ka at makakauwi kana. Maipag papatuloy mo ang kurso mo at mamumuhay kayo nila Auntie at Nanay sa lugar kung saan malayo ang gulo. Makakapag simula ka! Huwag ka nang mag inarte at huwag mo nang isipin ang mga bagay na alam mong imposible.

Pinasok mo ito kaya kailangan mo humanap ng daan palabas kung hindi baka tuluyan ka nang maligaw dito.

Wala ako sa sariling bumaba kinagabihan. Napasulyap pa ako sa kwarto ni Zacid. Nang makita ko sa balcony kanina na tila wala nang ilaw ang kanyang kwarto ay marahil talog na siya.

Niyakap ko ang aking sarili ng tuluyang makababa sa dalampasigan. May iilan pa akong turistang nakikita na marahil nag iisland hoping.

"Mas maganda pala kung tuwing gabi ako bumababa.."

Kahit gabi ay nakikita mo padin ang linaw ng tubig dito sa Casceres. Malamig at maalon ngayon, maganda din siguro kung mapapanuod ko ang sunset o sunrise. Ang kaso ay puyat ako tuwing gabi kaya halos hapon na din akong nagigising tuwing umaga.

"What are you doing here at this hour?"

Halos mapatalon ako sa boses na iyon. Nakita ko sa aking likod si Zacid na ngayon ay pirmeng nakatayo sa aking tabi.

Ngumuso ako. "Hindi ako makatulog."

"Same." Aniya.

"Bakit hindi ka makatulog? Matulog kana para makasama mo ulit ako bukas." Ngisi ko dito.

Sumulyap siya sa akin. "I'm here with you right now. So why do i need to sleep and wait for tommorow?"

Lumunok ako. I don't know why i need to be awkward with him. I just think that his cold brooding eyes are intimidating. When he's around, i feel like i need to behave. I feel like i'm around danger.

"S-Sabihin mo sinundan mo lang ako ngayon. Crush mo ako n-noh?" Ano ba itong sinasabi ko?

Hindi siya sumagot. Pakiramdam ko ay parang may kakaiba akong nasabi. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi.

"Why do i feel like you're lying whenever you're around with me?"  Mababang boses na sambit nito.

Ano?

My heart jumped as he walked towards me. I can't feel my feet! I feel like i'm paralized right now. Medyo unatras ako ng magsimula siyang mag lakad papalapit sa akin. Natatakot ako pero hindi ko alam kung bakit.

"I want to know you more." Napapaos niyang sambit habang diretsong nakatingin sa akin.

Nanlambot ang tuhod ko. Sino, Zacid? Sino ang gusto mong makilala. Hindi ko pwedeng gawin 'yon. Paano mo ako makikilala sa katauhang ipinakilala ko sa'yo.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top