Chapter Twenty-Three

It’s been a month since that incident sa bar. Medyo gumaan na rin naman ang pakiramdam ko. Ganun talaga, move-one move-on lang lagi. Hehehe!

Okay, it still hurts but I have to accept the situation. May mga bagay na hindi talaga natin kontrolado.

.

.

.

Late na ako nagising kanina kaya di na ako pumunta ng shop. Ngayong hapon nalang ako bibisita to check if everything’s okay. Dalawa na pala ang shop ko sa magkaibang Mall.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng condo ko dahil aalis ako nang may nag-doorbell.

I was stunned for a moment.

“Hi!” Zach is smiling at my doorstep.

Tingnan mo nga naman kung kelan ok na sana ako saka naman siya magpapakita.

“Why?” kunot-noong tanong ko.

“Dumaan ako sa shop mo, di ka  raw nagpunta dun, so I figured you’re here.” He said nonchalantly.

“So?” Napataas ang kilay ko.

“So, I’m here!” he said still smiling. Parang wala siyang pakialam kahit kasing-taas na ng Mt. Everest ang kilay ko.

“I know right! Anong kailangan mo?” saad ko sabay lock sa pinto at lakad papuntang elevator. Sumunod naman siya.

“Well, I just wanna date you!”

 

“What?!”

He just winked and smiled. He’s totally out of his mind.

“Yup, and you can’t say no to me.” He said with a mischievous laugh.

So the playboy and arrogant Zach is back!

“Why don’t you date Blaire instead?” wala sa loob na tanong ko.

He smiled.

“Bumalik na siya sa US.”

Hmp! Kaya pala naalala niya ako.

He chuckled.

“Wag ka nang magselos! Magdadate naman tayo ngayon eh.” Nakangising saad niya saka inakbayan ako at hinalikan sa ulo.

Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya. Sakto namang nagbukas ang elevator. Binilisan ko nalang ang paglabas at paglakad papunta sa sasakyan ko. Ewan ko ba! Pero yung pag-akbay niya sa akin feeling ko bumalik ako sa pagkateen-ager. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko nang hilahin niya ako sa kamay at hinila papunta sa kotse niya.

“Hey, what are you doing?” piksi ko.

Ngumisi siya.

“I told you magdedate tayo.” Hinawakan niya ang ulo ko at pinilit yumuko para makapagbent ako papasok sa passenger’s side ng kotse niya. Nagulat ako sa ginawa niya kaya di ako nakapagreact agad. Tumawa lang siya at mabilis na isinara ang kotse at sumakay na sa driver’s seat.

“Saan mo gustong magdate?” tanong nito habang papalabas ng building ang sasakyan.

I didn’t answer. Diko pa rin kasi mawari kung bakit di man lang ako pumalag nung pinapasok niya ako sa kotse niya.

“Alam mo diko pa na-try pumuntang Amusement Park sa Pasay, gusto mo ba dun?” excited na tanong nito.

Napatingin naman ako sa kanya. Seriously? Para siyang bata.

“Di ka pa nakakapunta ng amusement park?”

His lips curved and formed a smile.

“I’ve been in Disney California and Hongkong but in Philippine Amusement Parks never.”

I just smirked. Yabang! Pahiya ako dun ah! Di na lang ako umimik.

Medyo traffic kaya magdidilim na ng makarating kami dun.

Hila-hila niya ako habang mabilis na naglalakad.

“Dun tayo sa horror booth!” saad niya.

“Ayoko di naman nakakatakot diyan” tanggi ko.

Ngumiti lang siya.

“Dun nalang tayo sa snow world.” Aya niya.

“Ayoko, masyadong malamig diyan.”

“Di bale hot naman ang kasama mo!” kindat niya. I just rolled my eyes at binawi at naglakad na palayo dun. Nakasunod lang siya dahil di niya binibitawan ang kamay ko.

Pinanuod ko nalang ang mga bata sa bumper cars.

“Diyan nalang tayo” saad niya sabay hila sa akin. Kahit ayoko sumakay nalang din ako sa isang car. Err! Sayang ang bayad.

Nag-paikot-ikot ako dun. Pero lagi niyang hinahabol at binabangga yung sasakyan ko. Hay, kainis! Napapasigaw ako kasi nabibigla ako. Siya naman tawa lang ng tawa. Inihinto ko nalang sa gilid at umalis na. Tumatawa naman siya habang nakasunod.

“Uy, hahaha, bat ka umalis agad ang saya saya na nga eh!” saad niya sabay akbay.

Pinalis ko naman ang kamay niya.

“Ayoko lagi mo naman akong binabangga!” nakasimangot na sambit ko. Ewan ko ba para akong batang nagtampo.

Tumawa lang siya ng malakas at hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin.

“Kaya nga bumper cars di ba?” nakatawa din niyang depensa. Iningusan ko nalang siya.

Hinila naman niya ako papunta sa pila ng star flyer. OMG! Yan ang ayokong sakyan!

“Ayoko diyan!” irap ko. Tumawa lang siya at niyakap niya ako ng mahigpit mula sa likod para hindi makawala.

Malapit na kami sa unahan ng maramdaman ko na talaga ang nerbiyos. Sa tanda kong to talagang ayoko ng mga ganyang rides. Nahihilo kasi ako at natatakot din.

“Please Zach, wag na tayong sumakay diyan.” Hinawakan ko ang kamay niya na nakapulupot sa bewang ko.

“Wag kang mag-alala kasama mo naman ako.” Bulong niya.

“Ayoko talaga!” hinampas ko na ang braso niya. At nagpumiglas pero mahigpit ang yakap niya. Tumawa lang ang loko. Pinagtinginan na kami ng ibang nakapila kaya nahiya na din ako.

Hiyaw ako ng hiyaw habang umaandar ang ride. Diko talaga kaya. Ang higpit ng kapit ko sa supporter dahil baka anytime bumagsak ako. Halos malagutan na ako ng hininga.

Pagbaba namin nakahinga ako ng maluwag. Di ko akalaing nakayanan ko. I looked at Zach. Ngumiti naman ito at kumindat saka hinawakan ang nanlalamig kong kamay.

Humarap siya sa akin at ikinulong ang dalawang kamay ko sa mga palad niya as if to give me some comfort. Napatitig naman ako sa kanya.

“May mga bagay na akala natin di natin kaya pero sisiw lang pala! Gaya niyan kinaya mo!” saad niya saka ginusot ang buhok ko.

Tsk! Yung star flyer ba talaga ang tinutukoy niya?

“Tara kain nalang tayo!” yaya niya at lumabas na kami ng Amusement Park.

He was driving slowly at tumitingin-tingin sa paligid nang mahagilap namin ang isang night market. Marami-rami din ang tao na kumakain ng mga ihaw-ihaw at iba pang street foods.

 “I haven’t tried that yet. Can we go there?” tanong niya.

I looked at him.

“Baka magkasakit tiyan mo, di ka sanay.”

He smiled.

“There’s only one way to find out!” he said at ipinark na sa gilid ang kotse niya saka lumabas at pinagbuksan ako. Magkahawak-kamay kaming tumingin-tingin sa mga iniluluto at inilalako sa kalye.

Nagpaluto na kami ng barbecue, isaw at kwek-kwek at saka umupo sa bakanteng mesa.

“Masarap pala!” saad niya habang nilalantakan ang kwek-kwek na nakababad sa suka at sili.

Napangiti naman ako.

“Madalas kaming kumain ni Zeb sa mga ganito nung college kami.” Kwento ko.

Bigla namang nagbago ang expression ng mukha niya at seryosong ngumuya. Nagkibit-balikat nalang ako.

.

.

.

Nung maihatid niya ako sa unit ko saka lang siya nagsalita.

“Thanks for this date!” he said and smiled sincerely.

“Date ba to?”

“I thought so!” he said.

“I don’t think so!” saad ko naman.

“Uhm, I thought this is your idea of date!” nakangising saad niya.

“Why is it your idea of date?” I said with a challenging tone.

“No!” he said grinning.

 

Unti-unti siyang lumapit sa akin while still grinning. Gosh!

“Why? Do you want me show you my idea of date?” lumapit sya at isinandal ako sa pinto.

Shit! Now, I realized na mali yung nasabi ko. Oo nga pala iba ang date sa kanya. Bigla naman akong nahintakutan sa kung anuman ang binabalak niyang mangyari.

Halos magkadikit na ang aming katawan nang bigla niya akong pinitik sa noo.

“Akala mo ha!” ngumisi siya saka lumayo.

“Bukas ulit!” saad niya saka nagtungo sa elevator.

Napamaang naman ako. That was close! But wait? Bukas daw ulit? Shocks!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top