Chapter Twenty-one
Nics’ POV
Hay, I’m trying to relax. Kasi naman kapansin-pansin ang pagiging sweet nitong kaharap kong babae kay Zach. Tumingin nalang ako sa kumakanta para ma-divert ang atensyion ko. Inakbayan naman ako ni Zeb at palihim na binubulong sa akin kung ok lang ako.
Kumanta na rin si Sam, natawa talaga ako kaya pala hindi kumanta nun si Ara sa Camsur, siya lang ata kasi ang di biniyayaan ng boses na nasa tono. Magaling din kasi si Sam kumanta.
I felt uneasy nung na kay Zach na ang mic. Tumingin siya sa akin bago nag-punch ng number sa machine.
Napatingin nalang ako sa ibang direksyon.
Zeb faked a cough. Napansin niya ata.
Bumalik siya sa upuan niya, agad namang yumapos sa braso niya yung Blaire bago siya nag-umpisang kumanta. Tiningnan ko nalang ang monitor ng videoke machine.
He started singing. [Maybe by King]
There I was, waiting for a chance
Hoping that you'll understand
The things I wanna say
But my love
Stronger than before
I wanna see you more and more
But you close the door
Umpisa palang ng kanta, pinagpawisan na ata ako. Naalala ko ang pag-uusap namin sa hagdan ng hotel.
Why don't you try
to open up heart
I won't take so much of your time.....
“Parinig to the max!”-bulong ni Zeb.
“Di naman siguro!”-sagot ko naman.
“You’ll never know!” saad naman nito.
“Nagkataon lang siguro.”-pilit ko pa rin.
“If you say so.”pagtatapos naman nito sa usapan.
Maybe it's wrong to say please love me too
Coz I know you never do
Somebody else is waitin' there inside for you....
Maybe it’s wrong to love you more each day
Coz I know it’s here to stay....
But I know to whom you should belong....
Napasulyap siya sa akin. Gosh! I think nagblush ako. Napatingin din sa akin yung Blaire. Sinalubong ko naman ang titig niya. Nakita ko siyang umirap. Hinayaan ko nalang.
Sumunod namang kumanta si Blaire.
“This song is for Zach!” malambing nitong saad. Nagpalakpakan naman ang iba.
Seriously? Hmp! Kailangan may dedication? Si Zach ba may anniversary? Napaismid ako. Kinurot naman ako ni Zeb. Napailing nalang ako. Talaga yatang tinitingnan ni Zeb ang bawat galaw ko. Hinampas ko nga siya at pinandilatan. Tumawa lang ang baklita. Kainis!
“Weak” ang title ng kanta ni Blaire. Unfair talaga! Maganda na nga, maganda pa ang boses.
Nung iabot sa akin ang mic umiling ako. Ayoko talagang kumanta. Wala ako sa mood.
“Ate, kanta kana! Ang ganda kaya ng boses niya.” –hayag ni Sam. Kumanta kasi ako sa CamSur dati nung navideoke kami.
Tumingin ako kay Zeb. Hinging saklolo. Hehehe.
“Duet nalang kami!” saad naman nito at tumayo na para magpunch ng number. Pumalakpak naman yung matatanda sa kabilang table na ikinatawa naman ng mga youngsters.
Inirapan ko naman si Zeb nung iabot niya sa akin ang mic. Ngumiti lang ito and glared at me.
Kinurot niya ako ng magsimula na ang kanta kaya napakanta na tuloy ako.
I looked at Zeb.
Me: What if I never knew
What if I never found you
I'd never have this feeling in my heart
Zeb: How did this come to be
I don't know how you found me
But from the moment I saw you
Deep inside my heart I knew
Kami: Baby you're my destiny
You and I were meant to be
With all my heart and soul
I give my love to have and hold
And as far as I can see
You were always meant to be
My destiny
Nagpalakpakan sila lalo na nung makarating kami sa chorus ng kanta. I saw Zach walked out. Napansin din ata ni Zeb pero tinuloy nalang namin ang kanta.
After the kantahan. Kainan na. Bigla nalang nawala yung dalawa. Baka may ginagawa nang kababalaghan. Tsk!
Pagkatapos naming kumain, naglakad-lakad ako sa may garden. Yung iba, nagpipicture-taking naman. Selfie-selfie kasama nila si Zeb.
Nakarating ako sa may swing kaya umupo nalang ako.
“What are you doing here alone?” Napatayo ako nang marinig ang boses ni Zach. Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
“Uhm, nagpahangin lang!” I tried to calm down. Tumango naman siya.
“Sige balik na ko dun!” sabi ko sabay talikod.
Napapitlag ako nung hawakan niya ako sa braso.
“Why?” tanong ko sabay bawi sa braso ko.
He smirked.
“Tss! You have a stain on your back!”
Napamaang ako.
“Ang tanda mo na di mo pa ma pre-empt kung kelan ang period mo!” galit nitong saad sabay alis.
Napatakip naman ako sa bibig ko. Nakakahiya! Pero bat siya galit? Weird!
I called Zeb, agad naman niya akong pinuntahan.
“Eww!” saad nito pagkakita sa stain ng damit ko.
“Inggit ka lang noh!” irap ko naman. He glared at me. Napatawa naman ako.
“Alis na tayo please.” Lambing ko nalang.
“Okay! Magpaalam muna tayo.” Saad niya. Nasa likod ko lang siya habang pabalik kami doon. Andun na rin sina Zach at Blaire. Halos yakapin niya ako from the back noong nagpapaalam na kami para lang matakpan ang stain sa likod ko.
Zach’s POV
When they sang Destiny, I really felt jealous. That’s why I just walked out. Pumasok nalang ako sa loob at umupo sa couch. Sana ako nalang yun. Dapat niligawan ko nalang siya nung high school pa para di na siya napunta sa iba.
“Are you alright?” tanong ni Blaire, sumunod pala siya sa akin.
Blaire is a good friend in College. She’s a Fil-Am. Kilala rin siya ng family ko dahil kapitbahay namin sila sa US. She’s the first friend Sam and I had pagtuntong namin ng US that’s why we are close.
“I’ll be fine! Just go back there and eat.”
“I’ll just accompany you here.” She said. Hinayaan ko nalang siya. Umupo lang kami ng tahimik. I was late kanina dahil sinundo ko pa siya. Kagagaling niya lang sa US kahapon at nung sabihin kong di ko siya masasamahang makapamasyal ngayon nagvolunteer siyang sumama. Pumayag naman ako dahil kilala naman siya ng pamilya except Zeb and his parents.
“Let’s go back!” I said nung makahuma ako. Agad naman siyang tumayo at ngumiti.
Paglabas namin napansin kong wala si Nicasia kaya nagdahilan ako kay Blaire na mag-ccr lang at susunod nalang ako after.
Agad akong nagtungo sa may swing. I smiled when I saw her there.
“What are you doing here alone?” I asked. Nakita kong nagulat siya.
“Uhm, nagpahangin lang.” she smiled shyly saka nagpaalam na aalis na. Kumunot ang noo ko nung makitang may tagos siya sa skirt.
I felt bad. I must admit, I was secretly hoping na sana magbunga ang nangyari sa amin a month ago. In that way, she has no choice but to dump Zeb. But it’s clear! She is not pregnant.
Mas lalo pang nadagdagan ang sakit nung makitang nakayakap si Zeb sa kanya para matakpan ang stain sa damit niya. It could’ve been sweeter if that was me covering and holding her. Pero hindi.
Ito na siguro ang sign ng destiny that we can’t possibly be together…
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top