Chapter Twelve

Nics’ POV

Sumakit daw ang ulo ni Zeb kaya inihatid ko muna siya sa taas. If I know, palusot niya lang yun. Allergic talaga siya sa lolo niya.

Di pa ako inaantok pero ayoko namang bumalik doon kaya pumunta na lang ako sa likod.

Napangiti ako. Mom, took my suggestion, pinalagyan nila ito ng pool. Napapalibutan ito ng Bermuda grass.  Ang gandang tingnan dahil naiilawan ito ng bilog na buwan. Maganda ring pagmasdan ang mga puno sa paligid nito. May mga benches ito sa ilalim.

Umupo ako sa isang bench. Ang sarap ng simoy ng hangin na tumatama sa pisngi ko. Nakakagaan ng pakiramdam.

Nagulat ako nang may biglang umupo sa tabi ko.

“Why are you here?” tanong niya.

Si Zach pala.

“Feeling the fresh air.”-sagot ko naman.

“Where’s Zeb?”

“Masama daw ang pakiramdam.”

Napatango siya. We stayed silent for a moment. Wala rin naman kasi akong gustong pag-usapan.

“Uhm, how is Zeb as a boyfriend?”

Napatingin ako sa kanya. Why does he need to know?

“Ok, naman. Mabait! He’s sweet and caring. We make it a point to date once a week kahit busy siya sa business niya.” I said matter-of-factly.

Napatango naman siya.

“Pero naniniwala pa rin ako na magbebreak kayo…”

Napamaang ako. Ano raw? Ito pa rin ba ang pinaglalaban niya hanggang ngayon?

“Nasagot ko na yan dati ah.” Natatawa kong sagot.

“Maybe you are an exception but I still believe your relationship won’t last…”

“Manghuhula ka ba or prophet?” Seriously, he is amusing me.

“Hindi, but I just know…”

“Why do you say so?”

He stared at me. I met his gaze and waited for his answer.

He smiled.

“Because you were meant for someone else…”




Zach’s POV

She laughed when I said she was meant for someone else. Hinihintay kong tanungin niya kung kanino but she didn’t utter any word.

We stayed silent for a moment.

I looked at her. Nakasandal siya sa puno habang nakapikit. I can only hear her breathing.

“Hey, tulog ka na yata?” – I asked.

“Nope.” She said, nakapikit pa rin siya. She look so beautiful under the moonlight. Her heart-shaped faced matched her long lashes. Iniwasan ko nalang mapatingin sa labi niya. It’s tempting.



Nics’ POV

I slowly opened my eyes only to meet his gaze. Parang gusto kong pumikit ulit kaya lang na-magnet yata ako ng gwapo niyang mukha. His spanish nose na binagayan ng malalim na mata na lumiliit when he smiles.

Actually yung tangkad niya ang nagustuhan ko dati, I think he is 6-footer now. Medyo matangkad din kasi ako 5’8” at gusto ko yung mas matangkad sakin. Bakit ba ito ang iniisip ko?

Nagbaba na lang ako ng tingin but he held my chin paharap sa kanya.

“What are you doing?”- I asked nervously. Ang lapit-lapit na kasi niya sa akin.

“I just wanna have a better view of your face. I haven’t seen you this close yet.” He said.

I held my breath. Naamoy ko na kasi ang hininga niya. It’s just so fresh and manly. It’s minty.

When was the last time I smelled a man? Maybe, more than a year ago.

I don’t know what happened, bigla nalang akong napapikit ng maramdamang bumaba ang labi niya sa labi ko. It was an inviting kiss. And I let him come in. He gently kissed me na parang nilalasap ang bawat himaymay ng labi ko and so I did the same. I kissed him slowly like it is the only thing in the world left doing. Napayakap ako sa kanya and so is he to me. We savoured the moment exploring each other’s tongue, teasing ang tingling.

Napabitaw lang kami when we ran out of air. Parang bigla rin akong nabuhusan ng malamig na tubig when I realized what had just happened.

Napatakip ako sa bibig ko and hurriedly run inside the house. I heard him call me pero di na ako tumingin.

.

.

.

.

.

Pabaling-baling ako ng higa. It’s already 3AM nakaalis na rin lahat ng bisita at malamang tulog na rin ang mga kasama ko dito sa bahay pero ako dilat na dilat pa rin.

 Why did I allow him to kiss me?

Ganun na ba ako kasabik sa lalaki?

Gosh! Matitiklo kami nito ni Zeb pag nagkataon. But I won’t allow that to happen.

It was just a kiss nothing more.

.

.

.

.

.

.

Ala-una na akong nagising kinabukasan. May iniwang note si Zeb sa side table ko telling na nauna na siyang bumalik ng Manila. Ako siguro bukas nalang babalik ng siyudad. I wanna breathe some air.

“Hey, lil sis! Join us!”-bati ni kuya Niccolo. Naabutan ko silang naglelate lunch sa komedor.

Nakikain nalang din ako.

“Ano yung palabas niyo ni Zeb kagabi ha?” tanong ni Papa.

Napatigil ako sa pagsubo. I smiled.

Sorry dad, you weren’t informed. Kasi di naman namin alam na ininvite mo sila.”

“Nalaman ko kasi na hindi pa sila bumalik ng US kaya naisipan naming tawagan.”-singit ni Mama.

“Ganun po ba? Di po kasi nila alam na bakla si Zeb baka daw magalit ang lolo niya.”

“Loko talaga kayo.” –natatawang saad ni Papa.

“Pero, mali pa rin anak. Pati ba si Zach hindi alam?”-tanong ni Mama.

“Opo, ang alam niya kami ni Zeb.”

“What? Eh paano na ang love story niyong dalawa?”

“Ma, naman eh! Wala na yung kay Zach.”-tugon ko naman na ikinatawa ni Kuya Niccolo.

“Wala daw? Eh ano yung nakita ko kagabi sa likod?”

Napatingin naman kami sa kanya. OH!EM! Did he see us kissing? I blushed.

“Anong nakita mo??”

“Relax sis! Nakita ko lang kayong nag-uusap? Bakit may iba pa ba kayong ginawa?”-tudyo niya sabay tawa ng nakakaloko. Binato ko nalang siya ng table napkin. Napatawa naman si Dad.

“Tama na yan Niccolo! Baka maunsiyami pa ang pinapangarap ng kapatid mo.”-dagdag naman ni Mama.

“Dad, oh si Mama!” parang batang sumbong ko naman. Natawa lang si Papa. Sumimangot na lang ako. Napapailing naman na tumigil sila Mama at kuya.

“But I still have to warn you lil sis. I don’t want to see you cry again.”-seryosong saad ni Kuya.

“Don’t worry I’m old enough. I can handle it.”- I said. He looked at me seriously.

“You can never be so sure, heartache knows no age, lil sis!”

Napatawa si Mama sa sinabi ni Kuya.

“Don’t discourage her, ok!” binato niya ito ng table napkin.

Hahaha. Oh, di ba ang cool ni Mama. Napangiti nalang ako.

Naalala ko noong umiiyak ako dati dahil kay Zach. Tinawanan lang din ako ni Kuya but I’ll never forget what he said that time.

“Paasa siya, dapat hindi niya tinanggap ang mga binibigay ko kung wala din siyang balak na magustuhan ako.”-humihikbi kong pahayag.

Tumawa si kuya. “You know what lil sis, wag kang magbibigay ng isang bagay kung mag-aantay ka rin lang ng kapalit.”

Napatangin ako sa kanya. He was serious.

“Eh, dapat di rin siya tumatanggap ng isang bagay na di niya kayang suklian.”-depensa ko.

Napatawa ulit siya.

“Bakit akala mo ba ang pag-ibig parang buong pera? Na kapag ibinigay mo, dapat may sukli? What if yung binigay mo sakto lang? At wala na talagang sukli?”

Napailing nalang ako sa naalala ko. Mapang-asar si kuya but when he gets serious, may sense din ang mga sinasabi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top