Chapter Three
May isang linggo na ang nakaraan mula ng insidenteng yun, hindi ko na rin naman siya nakita ulit.
Nagulat ako ng biglang sumulpot si Zeb sa office ko.
“Akala ko ba busy ka sa new branch mo?”-bungad ko sa kanya.
He pouted.
“Swear, hindi mo bagay…wag ka ng magpapout ulit!”-biro ko pero seryoso pa rin siya.
“I need your help bestfriend…”seryosong saad niya.
I looked at him puzzled.
“Si Grandpa kasi umuwi at may lunch sa bahay nila sa Sunday.”
“Oh?”
“Siyempre, pinepressure na naman akong ipakilala ang mamanugangin niya.”
“Oh! My! Again?”-every year nalang kasi itong pinoproblema ni Zeb pag umuuwi ng Pilipinas ang grandparents niya. Siya kasi ang apong lalaki sa panganay na anak kaya siya pinepressure mag-asawa.
“Yeah, at ayoko nang magdala ng kung sinong babae. Alam mo naman ang nangyari last time di ba?”
Napatango ako. Yung last kasi na isinama niya, umasa yung babae at hinabol-habol siya. Pati ako inaway nung babae at sinabihang mang-aagaw. Epic talaga yun! Buti nga napagod din yung babae kakahabol.
“Paano ngayon yan maglaladlad ka na?”
“No!”-tanggi niya. Di naman ako nakasagot.
“Please help me, ikaw nalang ang dadalhin ko dun, please.”
“Ha? Bakit ako?”
“Ikaw lang naman ang hindi maghahabol sa akin at isa pa ikaw ang nakakaalam nang lahat, mas madali para sayo ang magpretend, please?”
Shocks! Never ko pang nameet ang lolo niya. Baka super strikto siya pero mabait naman si Tita Lindz, baka mabait din ang ama niya. Si Tita Lindz ang mommy ni Zeb, I already met her so with Zeb’s dad.
“Ok, sige!”-pumayag na ako minsan lang naman to.
“Really, thanks sis! Bait mo talaga bestfriend!”-niyakap pa ako ng luka-lokang lalaki. Hehehe
.
.
.
.
.
.
.
.
Pumasok ang sasakyan ni Zeb sa isang marangyang bahay sa isang village sa San Juan. Di ko akalaing ganito pala kayaman ang lolo niya. Tumuloy kami sa malawak na garden sa likod. May mahaba itong mesa at nandun ata lahat ng immediate family members nila.
“Hi!”-salubong ng mommy ni Zeb.
“Hello, Tita!” nagbeso ako sa kanya.
“So you finally realize that you two are meant to be?” masayang bati ni Tito John, ang daddy ni Zeb. Nagkatinginan naman kaming tatlo nina Tita Lindz at Zeb. Alam kasi ni Tita Lindz ang totoong sexual orientation ni Zeb pero ayaw nilang sabihin sa daddy niya. How did she know? Well, she’s a mother kahit hindi aminin ni Zeb, she can feel it.
“Tara na doon.”-pukaw ni Tita Lindz. Inakbayan naman ako ni Zeb at pinisil sa balikat saka lumapit na.
Kumpleto ang tatlong anak ng lolo niya pati mga asawa nila at limang apo, tigdalawa kasi ang apo ng lolo niya sa younger siblings ng mom ni Zeb, at si Zeb only child. Nakuwento na ni Zeb though it’s my first time to meet them, sa Amerika kasi nag-aral ang mga pinsan niya ng College.
Paglapit namin, I stood frozen. Napatitig ako sa lalaking nakaupo at nakangisi sa akin.
“Stop staring at my cousin.”-nagulat ako sa pagkurot ni Zeb sa balikat ko.
I looked at Zeb with a blank expression.
He smirked.
“Para kang lalake!” bulong ko naman.
“Love at first sight, sis?”-bulong niya din. I glared at him.
“Hijo, lumapit na kayo dito, is she your fiancé?”-nakangiting bati ng lolo niya. Ngumiti naman ako ng tipid.
“Not yet but we’ll come to that grandpa.”-nahihiya namang sagot ni Zeb.
“Meet Nics! Nics, meet grandpa Joe and grandma Zen”-pagpapakilala ni Zeb sa akin. Nakipagshakehands naman ako sa lolo niya. He still looks handsome despite his age and he has this certain authority the moment you meet his gaze. His lola also looks aristocratic because of her Spanish features. Pero nawala ang nerbiyos ko nung makipagbeso siya sa akin.
Isa-isa niyang pinakilala ang mga tito at tita niya.
“Cousins, meet my girlfriend Nics.”-pagpakilala niya. Unang nakipagshake hands ang dalawang babae at isang lalaki na sa tingin ko mas bata sa amin ng mga apat o limang taon. Pinakamalayo ng upuan yung sinasabi ni Zeb na tinititigan ko.
Napatingin si Zeb sa akin at hinila ako palapit sa kanya.
“Nics, meet my cousin Zach.”-pagpapakilala niya.
The guy smirked.
“Of course, Nicasia!”-he said at inilahad niya ang kamay niya. Hindi ko inabot ang kamay niya. Nainis ako eh, bakit ba kasi Nicasia ang tawag niya sa akin.
“Wait, you two know each other?”-nagpalipat-lipat ang tingin ni Zeb sa amin. I pouted at hindi iyon nakaligtas sa paningin nilang dalawa.
Ngumisi naman si Zach.
“Yeah, she was my schoolmate in high school.”
Nakakainis. Bakit ba kasi sa dami ng pinsan sa mundo. Ito pa ang naging pinsan ni Zeb.
“Small world…”-pukaw ni Zeb sa namumuong tension.
Napansin niya ata ang pagkainis ko.
“Baby, dun na tayo.”-hinila na niya ako papunta sa upuan na nakalaan sa amin. Napangiti naman ako. Nakakatawa kasi ang pagtawag niya sa akin ng ‘baby’ hindi bagay hahaha more of di ako sanay lalo na’t lalaking-lalaki ngayon ang boses niya.
Napakunot-noo siya sa akin. Napatawa naman ako.
He glared at me. Di ko talaga mapigilan ang pagtawa.
“Baby!”-ulit ko sapat lang para marinig naming dalawa. Inakbayan naman niya ako inilapit ang bibig niya sa tenga ko.
“Pag dika tumigil kakatawa, kakagatin ko tong tenga mo.”-inis niyang bulong.
Napatawa naman ako. Napansin ata nila, baka akalain nila kinikiss ako sa tenga ng baklang to. Heheh
Napatingin ako dun sa side ng Zach na yun. Bigla naman itong tumingin sa ibang direksyon.
Pagkatapos ng lunch, nagkwentuhan na ang mga matathunders. Pumasok naman sa loob yung tatlong magpipinsan, si Zeb naman magccr daw at si Zach, he’s nowhere. Naglakad-lakad ako sa garden, may nakita akong swing, umupo nalang muna ako dun.
“Maghihiwalay din kayo ni Zeb!”-nagulat ako sa nagsalita. It’s Zach!
I looked at him puzzled.
I didn’t answer.
“Sabi ko, maghihiwalay din kayo ni Zeb.”
“Hindi noh!” Loko to ah! Bat naman kaya kami maghihiwalay ng bestfriend ko?
“Believe me, mana sa akin yang si Zeb, playboy din yan.”
Napatawa ako. Mana daw sa kanya? Eh di bakla rin ang isang to.
Napatigil ako ng makitang nakakunot-noo itong nakatitig sa akin.
“I don’t believe you!”-bulalas ko. Natatawa talaga ako. Playboy daw si Zeb oh? Baka playgirl.
“Tsk!” –napailing ito.
Sumeryoso ako.
“Ok, what made you say that?”
“Well, everytime we have occasion like this, iba-iba ang dinadala niyang babae. Wala pa ata siyang relationship na nagtagal ng one year.”
Napatango nalang ako at pinigilang matawa. Ano bang pinaglalaban ng lalaking to? Hehehe
“Well, there’s always an exception.”-pagtatanggol ko.
“I doubt it!”
“Wait, sinisiraan mo ba si Zeb sa akin?” Napamaang siya. Paglaruan ko nga ang isang to.
“Bakit ikaw ba may nagtagal ng relationship?”
Natawa siya ng pagak.
“Wala din.”
“Ganun naman pala eh, so you don’t have the right to judge him.”-parang totoo. Hehehe. Pero actually, ayokong sinasabihan si Zeb ng hindi maganda. We’ve been friends for almost ten years at mahal na mahal ko yun.
Napailing naman siya.
“Kaya nga mana siya sa akin di ba?”-pangangatwiran niya.
“Ibahin mo si Zeb, he’s different and I love him so much!” Na-speechless ang lolo mo. hahaha
Sakto namang dumating si Zeb.
“Baby, andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap.”
“Di mo siya dapat iniiwan!”-saad naman ni Zach saka umalis.
Nagkatinginan naman kami ni Zeb at napatawa.
“Tell me may past ba kayo ng pinsan ko?”-usisa naman nito.
Di ako nakasagot.
“Wait, schoolmate mo siya dati? Siya ba yung basketball player na nambasted sayo?” napatawa ito.
“Sige, ipangalandakan mo pa!”-irap ko naman. Natawa lang ito.
“Uyyy, destiny!”-tudyo niya.
“Hmp! I don’t like him!”-sagot ko naman.
“Sabagay, after Jed, I want you to have a serious relationship. And that cousin of mine is not a good candidate.”
Napatitig naman ako kay Zeb, he look serious. Tumango nalang ako as response. Inakbayan naman niya ako at hinalikan sa ulo. Yumakap naman ako sa bewang niya. Ganito talaga kami ka-close ng babaitang ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top