Chapter Thirty-One
Nics’ POV
Nakabalik na ako ng shop after a one week vacation sa Sta. Ines. Babalik nalang ako doon before New Year’s eve.
“Hey, how’s the most beautiful bestfriend in the world?!” masayang bati ni Zeb pagpasok sa shop ko. Napatawa naman ako dahil nakatawag pansin na naman siya sa ilang customers. Wala na akong nabalitaan sa kanya after ng Christmas eve nila sa bahay ng lolo niya.
“Where’s my gift?” nakangiting tanong ko. Iwinagayway naman niya ang isang gold bracelet.
“Di ka talaga nag-abalang i-wrap ha?” natatawang saad ko habang papasok sa office ko.
“Chusera! Choosy ka pa! Suotin mo na!” irap nito. Inistretch ko naman ang kamay ko para maisuot niya.
“Yung gift ko, asan?”
“Tapos na ang Christmas noh!” bigla namang naningkit ang mata niya sa sinabi ko. Alam ko mangungurot na naman yan kaya mabilis akong lumayo habang tumatawa.
“Joke lang! Eto oh.” Sabay kuha ko sa isang kahon sa drawer ko.
“Thanks!” nakangiti ito habang binubuksan ang kahon. It’s actually a watch. Wala kasi akong maisip ibigay. Hehehe
“Nics, mag-bar naman tayo tonight.” Nakaupo na ito sa sofa at pinapalitan ang suot na relo.
“Okay, ano nga pala ang nangyari sa Christmas party niyo sa bahay ng lolo mo?” bigla siyang nag-angat ng tingin.
“Ayos naman.” Matipid nitong sagot.
“What’s that smile for?”
Natanong ko lang, paano kasi ang lapad ng ngiti ng loka.
“Nothing!” sagot nito pero nakangiti pa rin.
“Hindi siguro nagsumbong si Zach noh kaya ka masaya?” Kindat lang ang isinagot nito. Kaya naman pala.
“Alis na ako, basta tonight ha, 10PM at The Reserve” saad nito bago tinungo ang pinto at lumabas.
.
.
.
.
.
.
As usual magkakaharap kaming tatlo nina Zeb at Josh habang umiinom at ineenjoy ang music. Ito ang gusto ko sa kanila, they are not showy pag kasama ako.
Masayang nagkukuwento si Josh tungkol sa experiences niya sa office nila nang bigla nalang may humila sa akin. I know that scent. It’s Zach.
I looked at Zeb para humngi ng saklolo pero tumingin siya sa ibang direksyon. Seriously? Takot ba siyang masuntok ulit? Asan na ang to the rescue na bestfriend ko.
“What’s the matter with you!?” piksi ko pero pinilit niya pa rin akong isakay sa kotse niya at ibinalibag ang pinto.
“Are you a martyr or just plain stupid?” hinawakan niya ang magkabilang sentido niya.
“That’s offensive!” mahina ngunit madiin kong saad.
“So what is not offensive to you huh? Yung isasama ka ni Zeb with his lalaking kabit?!”
Hahaha! Lalaking kabit talaga? Tumingin ako sa ibang direksiyon para pigilan ang ngiting gustong umalpas sa labi ko. Sino kayang stupid sa aming dalawa? Tsk!
“You were with him ng matagal na panahon, ni hindi mo man lang ba napansin na bakla siya” litanya niya.
“I know that eversince! And I know him more than you do.” Mahinahong sagot ko.
“Pumapayag ka sa ganyang set-up?” bakas sa boses niya ang pinipigil niyang galit.
I didn’t answer. Sasabihin ko bang hindi kami? I don’t owe him any explanation.
“Why can’t you answer?”
I look at him. He really looks furious.
I looked at other direction. Ang sarap tumawa ng malakas. Bakit ba di niya naisip na baka nagpanggap lang kami? Tanga lang?
Nagulat ako nang bigla nalang niyang pinasibad ang sasakyan.
“Hey! Magpapakamatay ka ba!?” sigaw ko pero nagdrive lang siya ng nagdrive at matiim na nakatitig sa daan.
Parang wala namang patutunguhan ang daang tinatahak niya. Parang paikot-ikot nga lang kami.
Pagkatapos ng ilang minuto, nag-slow down na siya. I looked at him, mukhang kalmado na siya.
Itinigil niya ang sasakyan sa isang restaurant. Inalalayan niya akong makababa. Wala kaming imikan habang papasok sa lugar kahit nakahawak siya sa siko ko.
As usual, he ordered for me.
Kumain nalang din ako gutom na rin naman ako.
“I’m sorry!” he said while we are eating.
“For yelling at me or for driving too fast?”
“For loving you more than Zeb can.”
Natigilan ako. Seryoso ba siya? Because he looks like one. Napainom tuloy ako ng tubig nang wala sa oras.
“How about for driving too fast?” para maiba ang usapan. Hehehe ang seryoso niya kasi.
“I’m not sorry for that.”
“Hmm, bakit naman?”
I saw him smile. Atleast, gumaan na ang aura niya.
“Wala naman akong balak ibangga ang sasakyan lalo na at kasama kita.”
Sige hirit pa. Ang corny mo na.Pero siyempre diko yun isinatinig.
“Siguro nagdadrag race ka noh?” iwas usapan ulit. Hehehe!
Tumango siya. Sasagot sana siya nang biglang may babaeng lumapit.
“Zach Baby!” humalik ito sa pisngi niya at umupo sa tabi niya. Baby daw si Zach? Sa laki niyang yan, baby? Hmp! Bakit ba kasi kasya sa dalawa ang upuan ng restaurant na to.
Tumikhim si Zach.
“Shernese, I’m with Nicasia” tinuro ako ni Zach. He looked at me apologetically. Bumaling naman ang babae sa akin.
“Nicasia? What a name!” Tumawa ito ng mahina. Ayoko sa pangalan ko pero wag lang naman itong pagtawanan ng ibang tao. Baka gusto niyang bumangon ang lola ko sa hukay.
“What’s funny? She has a beautiful name and a beautiful face.” Naiiritang saad ni Zach. Aw! Thanks baby! Naki-baby din daw ako eh, noh?
Natahimik naman ang isa. Nagsalita ulit si Zach.
“Nicasia, she’s Shernese an acqu-”
“His ex-girlfriend! And who knows, if we’re getting back again.” Putol nito.
I just gave her a half-smile.
“Actually, paalis na kami. Excuse us.” Paalam ni Zach at tumayo na. Nag-iwan na siya ng cash sa table. Agad naman akong tumalima. Pero nagulat kami dahil sumunod ulit ang babae.
“Hey Zach, can you give me a lift. See, I don’t know anyone here yet.” Malambing itong humawak sa braso ni Zach.
“Ok!” he sighed. When he opened the passenger’s side agad namang pumasok yung babae. Zach looked at me pero nagkibit-balikat nalang ako at sumakay sa likod.
“Kaya, pala I haven’t seen your shadows in a while, andito ka pala sa Pilipinas.” Maarteng saad ng babae with accent pa ha.
“I’m managing my Grandfather’s firm here.” Sagot naman ni Zach.
“For good?”
“For good!” Tumingin si Zach sa akin sa rearview mirror. Tumingin nalang ako sa labas. Bahala silang mag-usap dalawa.
“Saan ka NAMIN ihahatid?” tanong ni Zach sa babae. Napa-smile ako. Namin talaga?
“Why don’t we drop first uh, Acasia ba?” tumingin siya sa akin. Ginawa talaga akong punong-kahoy? Sabunot you like?
“Nicasia!” Zach corrected. Dapat kasi Nics nalang eh. Kasalanan to ni Zach. Hmp!
“Uh, okay!” I saw her rolled her eyes on the mirror.
“Saan ka ba tumutuloy?” tanong ulit ni Zach sa babae.
“Along Buendia.”
“Good, we’ll drop you first.” Sagot naman ni Zach sa babae. Eh, una namang madadaanan ang place ko ah. In fact, it’s twenty minutes away from here ang place ko pag hindi ma-traffic.
“Why, saan ba siya nakatira?” nakataas ang kilay na tanong ng babae.
“Sa Pasay Pa!” sagot ni Zach. Ha? Kelan pa ako nakatira sa Pasay? Kumindat naman si Zach nung magtama ang tingin namin sa salamin. Ngumiti nalang ako.
The girl monopolized the conversation while we are on our way. Isinasali naman ako ni Zach sa usapan pero matipid lang ang mga sagot ko.
Nakahinga ako ng maluwag nang makarating na kami sa hotel na tinutuluyan ng babae. She tried to kiss Zach when she said her goodnight pero tinabig niya ito. Hahaha! Serves you right!
“Sorry for that!” Zach said nung pabalik na kami. Nakaupo na ako sa passenger’s side.
“Ayos lang.”
“Dapat inunahan mo siyang umupo diyan kanina.”
Napatingin ako dahil sa sinabi niya.
“Hinintay mo pa kasi siyang unang pumasok” nailing niyang saad.
Sisihin pa ako? Tsk!
“Next time, don’t let anyone sit on that place because that is reserved for you.”
Di ba dapat siya ang magbawal sa tao kung ayaw niyang may umupo sa sasakyan niya?
Di na lang ako sumagot.
“I’ll be busy the next three days may mga sites akong kailangang bisitahin.” He glanced at me.
“So?”
“Baka lang kasi mamiss mo ako! Aw!” pinalo ko kasi sya sa braso. Ang kapal naman kasi.
Tumawa lang ang loko.
“Can I get your number para matawagan kita?”
“Bakit?”
“Mamimiss kasi kita.” Iniabot niya ang phone niya. Tumitig lang ako dito. Paano kasi mukha ko ang nasa wall paper niya.
“Dali na!” idinuldol niya ito sa kamay ko. Tinanggap ko nalang and dialled my number saka inilapag sa dashboard.
Ngumiti naman siya.
Inihatid niya ako hanggang sa tapat ng unit ko.
“Ako na ang bahalang kumuha ng sasakyan mo sa bar.” Saad niya. Oo nga pala, I forgot.
“Hindi daanan ko nalang bukas.” Saad ko ngunit kinuha niya ang pouch ko at inilabas ang susi.
“Here!” he said at iniabot ang susi ng sasakyan niya. Naguluhan ako sa ginagawa niya kaya di ako nakapagreact.
“Gamitin mo muna yung sasakyan ko.” Saad niya at hinalikan ako sa noo saka naglakad papuntang elevator.
“Hey Zach!” habol ko pero sumara na ang elevator.
Gosh. Palit muna kami ng sasakyan? Bahala siya! Pink kaya yung kulay ng kotse ko. Hahaha!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top