Chapter Four
Zeb’s POV
Nics is my bestfriend, the last thing I want is for her to get hurt.
When she had a relationship with Jed, I gave her warning. And I was right, that asshole left her hanging pagkatapos ibigay ni Nics lahat ng gusto niya.
I saw how she grieved at ayoko nang maulit yun.
When I saw her talking to Zach parang kinabahan ako. I suspected na siya ang high school crush niya when my cousin said na schoolmate niya ito dati.
My cousin is a chronic playboy, ayokong mabiktima niya pati si Nics.
Zach’s POV
Kakauwi namin ng Pinas when I decided to explore the city alone. Nung magutom ako, pumasok ako sa isang restaurant and I saw a familiar face eating alone. I approached her but she seems to be in bad mood.
Di ko akalaing dito pa sa bahay ni lolo kami susunod na magkikita. Pero mas ikinagulat ko nung ipakilala nitong si Zeb na girlfriend niya. Iba na naman pala ang gf nito. Iba-iba lagi ang pinapakilala niya. That’s why when I had the chance, I warned her pero mukhang minasama niya ito.
I saw how Zeb kissed her on the head at yumakap naman ito. Siguro nga she’s an exception, nakikita ko naman sa mata ni Zeb na mahal niya nga ito.
Nics’ POV
It’s been three months, ang bilis ng panahon. Tapos na rin ang construction ng bahay sa Sta. Ines.
“Bebe, sama ka sa Sta. Ines sa Saturday ha, blessing ng bagong bahay namin.”
Andito ako ngayon sa bagong restaurant ni Zeb, nakikikain. Hehehe
Napatigil siya.
“Sta. Ines? I’ve been there once.”
“Really? Kelan?”
“Matagal na, wayback high school. May bahay kasi dati sina grandma doon.”-paliwanag niya.
“Wow, tingnan mo nga naman. Eh bakit isang beses lang?”
“Alam mo namang ayoko kay lolo diba, saka paalis na rin sila nun papuntang US.”
Napatango nalang ako.
“Basta sa Saturday sama ka ha? Tapos uwi nalang tayo ng Sunday.”
Napaisip ito.
“May gwapo ba don?”
Napa-smile naman ako.
“Hmm, meron si kuya!”
“Eww, ayoko nga! Incest na yun noh!”
“haha, gaga ka talaga. Basta sunduin kita sa unit mo, yung sasakyan ko nalang gamitin natin.”
“Dapat lang, para makalibre ako sa gas.”
Napatawa kaming pareho.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Natigilan si Zeb, nung ipasok ko ang sasakyan ko sa malawak na bakuran ng bago naming bahay.
“This is your house?”
I smiled.
“Ito ang bahay dati nila lolo!” –bulalas niya. Nagulat ako.
“Si grandpa mo yung si Jose Villacorta?” oo nga pala Joe ang pakilala ni Zeb short for Jose at yung middle initial pala ni Zeb V, di naman kasi niya ginagamit kaya di ako familiar.
“True!”
Napapailing akong lumabas ng kotse, sumunod din siya. So, apo siya ng dating may-ari ng bahay? Naalala ko yung litratong nakita ko dati. Posible kayang…
Napukaw ang pag-iisip ako nang batiin kami ni mama.
“Andito na pala kayo!”
“Wala pa po Tita! Guni-guni niyo lang kami!” sabay lapit at beso kay mama. Kinurot ko nga siya sa tagiliran, pati si mama pinipilosopo niya.
“Ouch! Tita oh, si Nicasia!”
I glared at him. Napatawa naman si mama.
“Pasok na kayo, para masimulan na ang blessing.” Yaya naman ni mama.
Marami-rami na rin ang bisita. May mga tables silang inilagay sa malawak na lawn sa harap ng bahay paikot ito sa fountain, nagmukhang stage tuloy ang fountain sa gitna.
“Mas gumanda na siya ngayon.”-bulong naman ni Zeb.
Napatango naman ako.
“Did you restore it?”
“Nope actually, pinatayuan nila kuya ng ibang bahay but the same features, design and structure.”
“Ang galing naman! Sige payag na akong maging sister-in-law kita.”
“Gaga ka talaga!” tumawa naman ito.
Pumasok na kami ng bahay at sinimulan na ang blessing.
After the blessing, party-party na. May mga nakita akong dating kakilala kaya enjoy naman. Yung mga ibang kamag-anak nina Papa andito rin. Wala kasing immediate family member si dad dito kasi only child siya kaya karamihan, second cousin niya lang, yung mga tiyuhin at tiyahin niya pinsan na ng lolo at lola ko.
Bigla nalang akong tinawag ni dad sa gitna at sinabihang tumugtog ng piano. May hinire kasi siyang mga musicians. Ito namang si Zeb, tinulak-tulak pa ako.
Zeb’s POV
Ang ganda talaga ng bestfriend ko especially when she played the piece “A Thousand Years” at sinabayan ng kanta. Diko mapigilang mapahanga. Sana may talent din akong ganyan.
But what surprised me when she played Canon in D Major using a violin.
I know, siya yun! Siya yung tumutugtog noon sa violin recital sa school nila ni Zach nung minsang sinundo namin ito. I can’t believe it! Matagal ko na siyang kasama pero ngayon ko lang narealize na siya yun!
Nics’ POV
I went back to our table pagkatapos kong tumugtog ng violin.
“Hey!”-untag ko kay Zeb. Mukhang malalim kasi ang iniisip niya.
“Tulaley ka teh!”-komento ko. Napailing naman ito.
"May iniisip lang ako."
“Ano yun?”
“Mamaya nalang!”
Hindi ko na siya kinulit. Maya’t-maya itong napapaisip. Mamaya ko nalang siya kulitin.
.
.
.
.
.
.
.
Pagkatapos ng party, umakyat na kami ng bahay.
“Dito nalang tayo sa kwarto ko matulog.”-yaya ko kay Zeb. Mukha itong alanganin kaya natawa ako.
“Bakit? Lagi naman tayong magkatabi matulog pag may lakad ah.” Napangiti naman ito.
“Dito din ako sa room na to natulog dati nung nagpunta kami dito!”-kuwento niya.
Dito pala sa pwestong ito ko nakuha yung picture noon. Ewan ko nang tanungin nila mama kung saang kuwarto ang gusto ko, ito ang naituro. May kinalaman ba sa litrato ang pagpili ko? Well, maybe.
“You mean yung dating kwarto sa part na to?”
“Oo nga pala, basta sa part na to. You’re so maarte pareho lang yun!” Napatawa kami pareho.
.
.
.
.
“I have something to tell you!” Nakahiga na kami pareho sa kama. Umupo siya at sumandal sa kama.
I was puzzled. Umupo nalang din ako sa tabi niya.
“Do you remember when you asked me kung nagkagusto ba ako ever sa isang babae?”
Tumango ako. I remembered that pero inokray lang niya ako. Di rin niya sinagot ang tanong ko dati.
“Well, ugh! Nakakahiya!” nagtakip siya ng mukha gamit ang unan.
“Gaga! Bestfriend mo ako ngayon ka pa nahiya.” Inalis ko ang unan sa mukha niya.
“Kasi, oo! Pero matagal na yun. Di ko sinagot tanong mo dati kasi naalala ko siya sayo parang magkafez kayo.”
I chuckled.
“Wag mo nga akong pagtawanan bruha!” hinila pa niya ang ilang hibla ng buhok ko. Sumeryoso naman ako.
“Kanina ko lang narealize nung tumutugtog ka ng violin, ikaw pala talaga yun!”
“What?! How? Di naman tayo magkakilala dati ah.”
“Yeah, I saw you once nung pumunta kami dito sa Sta. Ines. Third year high school palang ako nun. Sinundo namin si Zach sa school niyo at saktong may violin recital. Doon kita nakita.”mahabang paliwanag niya.
Napamaang ako. Naalala ko bigla yung picture na nakita ko dito sa room dati. Kuha iyon nung violin recital namin.
“Pero feel ko talaga nainsecure lang ako sa ganda mo at hindi iyon pagkacrush.”-irap niya.
Napatawa naman ako.
“Did you ever take a picture of me?”
“Uhm, actually yes pero naiwala ko. Pag-uwi namin ng Manila wala na.”
I smiled.
“Na sakin nakita ko dito nung binisita namin tong bahay few months ago.”
Napamulagat siya. I winked at him.
“Oh di ba destiny talaga tayo?”
“Hindi tayo talo noh! Tsaka bet ko lang talaga magplay ng violin kaso di ako bet ng violin, hmp!”
Napatawa kami pareho.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top