Chapter Five

Nics’ POV

I was glad to know na kay Zeb pala yung picture na nakita sa lumang bahay. Naniniwala na talaga ako sa destiny. Siguro talagang nakatakda kaming maging bestfriends.

It’s been two weeks since that night and now we’re in bar para sa operation lovelife niya. Gaya ng dati iniwan ko na naman siya.

I sighed. Sana makakita na siya ng tamang lalaki para sa kanya. Pero sa tagal naming magbestfriends, wala talaga siyang naging bf hanggang flings lang siya. Medyo bad gay. Hehehe

Pinipilit kong andarin ang kotse ko pero ayaw gumana. Shocks, ngayon pa ako masisiraan ng sasakyan, for sure di ako maihahatid ni Zeb ngayong may nahanap na siyang ka-date.

Lumabas nalang ako ng sasakyan at inopen ang hood. Kunwari marunong tumingin. Hehehe

Sinubukan ko uling andarin, wala pa din. Umusok pa. Peste naman.

I just carried my hand bag and went out, magtataxi nalang ako. Isinarado ko nalang ang hood ng sasakyan.

“Hey, Nicasia need help?”

Mas lalo atang uminit ang ulo ko pagkarinig ko sa buong pangalan ko. Sa lahat ng taong pwedeng makita bakit itong maangas na ito pa?

Inirapan ko nalang siya at nagmartsa papuntang gilid ng high way.

Paglingon ko nakasunod ang lokong Zach.

“What happened to your car, Nicasia?”

“Look, it’s not Nicasia, it’s Nics okay!” pinandilatan ko siya. Napatawa naman siya ng mahina.

“Bakit di mo kasama si Zeb? Break na kayo? I told you hindi kayo magtatagal.” Sunod-suod niyang pahayag.

“He’s just busy at di kami break, never!” naiirita kong sagot. Seriously, di ako makaget-over sa pagtawag niya sa akin ng Nicasia.

He smirked.

“That’s what you think.” – he said with a challenging look. Sinalubong ko rin ang titig niya.

Oh, no! He smiled seductively. Nag-iwas ako ng tingin mahirap na.

He chuckled.

“You can’t resist my charm, can you?”

I just smirked. Bakit ba kasi walang taxi na dumadaan. Kainis naman.

“C’mon  Nicasia, ihahatid nalang kita.” Hinawakan niya ako sa siko pero tinanggal ko.

“No, thanks! I’ll just hail a cab.” At ibinalik ang tingin sa highway.

“Baka matagal pa bago may dumating na taxi.”komento niya. Hindi nalang ako sumagot.

“C’mon Nicasia, you’re my cousin’s girlfriend. I won’t allow you to stay here all night waiting for taxi.”

Napatingin ako.

“I told you, it’s Nics!”

He seemed a little angry.

“Mas bagay sayo ang Nicasia.”

 

 “Pangalan ng matanda.”-komento ko naman.

He chuckled.

“Ayaw mo nun pag nakita ka nila they’d say wala sa mukha.”

Nang-iinis talaga ang isang to. Inirapan ko nga siya. Maya-maya’y umalis na ito.

Buti naman.

Bakit ba wala pang taxi, kainis naman.

Biglang may huminto na pulang  Audi S4 Sedan sa harap ko. Nakangiting bumaba si Zach mula sasakyan.

“Hey, Nics let’s go!”

I was speechless for a moment. Hinila na niya ako pasakay, hindi na ako nakatanggi pa.

“Saan kita ihahatid?”-tanong niya pagkasakay niya.

“Wag na kasi, nakakahiya, baba nalang ako.”

Huminga siya ng malalim. Malamang nagpipigil ng pagkainis. Bakit ba? Eh sa gusto kong tumanggi eh. Dati din naman tinanggihan niya ako ah.

“For old time’s sake ok!” Anong for old time’s sake? Bakit close ba kami dati, tatlong words lang naman ang narinig ko sa kanya noon ah yun yung “Cut the drama” after that never ko na siyang nilapitan. Never din niya akong kinausap.

“So, saan nga kita ihahatid?”

Ting! May naisip akong bright idea.

“Sa Sta. Ines!”

“What?! Don’t tell me doon ka pa rin nakatira until now?”

I nodded and smiled.

“Whew! That’s a five-hour drive from Manila.”-he said matter-of-factly.

“Di ba you volunteered na ihatid ako?” may tonong paglalambing na saad ko.

He smiled sweetly.

“Sige, pero may kapalit…” hinawakan niya ang baba ko and then looked down at my cleavage.

“Perv!” tinabig ko ang kamay niya. Tumawa naman ang loko.

“Hahaha, ang dumi ng isip mo!”-tawa pa rin siya ng tawa.

“You were looking at my boobs! Ano sa tingin mo ang dapat kong isipin?”-inis na saad ko.

“Hindi naman ako dun nakatingin ah.”

He smiled.

“But if you like, I’ll be  more than happy to…”

Hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya dahil pinaghahampas ko siya ng handbag ko.

 “Ouch! Ouch! Nicasia stop!”

Napatigil naman ako sa pagsigaw niya. Masakit nga siguro yung paghampas ko.

“Ok, I’m sorry if you misinterpreted it!” He smiled.

“Ang sinasabi ko lang namang kapalit eh chocolate.”

Napamaang ako. Naalala ko lang kasi dati nung high school pag nakakasalubong ko siya sa school lagi ko siyang binibigyan ng chocolate na tinatanggap naman niya pero nilalagpasan lang ako without any word pagkakuha ng chocolate.

“Wala akong chocolate.”-inis na sagot ko.

“Alam kong meron, pahingi na. Energizer lang, mahaba-haba ang biyahe natin.”-pangungulit niya.

“Wala nga!”

“Meron yan!” inagaw niya ang handbag ko at binuksan. Napangiti siya.

“Sabi ko na eh, snickers favorite ko to!”

Napamaang ako. Ganun kasi dati ang lagi kong binibigay sa kanya. Binuksan niya ito at agad na kinagatan.

“Gusto mo?” –alok niya. Napailing naman ako. Pinagmasdan ko lang siya. Para siyang batang napagbigyan. Pagkaubos niya inandar na niya ang sasakyan. Napahilig nalang ako sa headrest ng sasakyan.

“Hoy Nicasia wag kang matulog!”

Ayos na sana eh kaso tinawag niya ulit akong Nicasia. Kainertz!

“Bakit ba?”

“Subukan mong matulog! Paggising mo hindi mo na mahahanap ang underwear mo!” may himig pagbabanta niyang saad.

“Pervert ka talaga!”

“Basta, wag kang matulog ok! Kung hindi tototohanin ko talaga ang sinabi ko!”

“Ano namang gagawin ko?”

“Eh di kwentuhan mo ako habang nagdadrive ako!”

“Hmp! Magpatugtog nalang tayo.” Pinakialaman ko na ang playlists niya.

“Wag lovesong ah! Baka mainlove ka ulit sa akin! Kawawa naman si Zeb!”

“Yabang mo rin eh noh!?”

Tawa lang ang isinagot ng loko.

Siguro nung nagsabog ang diyos ng kayabangan, sinalo mo lahat!”naiinis pa rin ako.

“Kayabangan at kagwapuhan kamo!”

He winked then chuckled.

I can’t believe him! Tinuloy ko nalang ang pagbrowse sa playlist niya at nagplay.

“Woh! Eminem!” He exclaimed. Hindi nalang ako sumagot.

Now playing: Without Me by Eminem

Pagdating ng Verse 1, sinabayan ko ang kanta.

I've created a monster, cuz nobody wants to
See Marshall no more they want Shady
I'm chopped liver
Well if you want Shady, then this is what I'll give ya
A little bit of me mixed with some hard liquor
Some vodka that will jumpstart my heart quicker

Zach’s POV

Really? She can do Eminem rap? That’s new.

Akala ko puro mozzart at Beethoven ang alam niya sa music. Siya yata ang best in Music noon sa batch nila. In fact lagi siyang bida sa mga recitals at musical performances noong high school kami. How did I know? Maliit lang naman ang school namin dati, although private school siya. Madalas kasi pag my program, required lahat ng students na manuod.

Saka paano ko ba siya malilimutan? Lagi akong sinasalubong niyan sa school dati at binibigyan ng chocolates. Kaya nga kanina sure ako na may chocolates sa bag niya.

Ewan ko kung bakit napatingin ako sa cleavage niya kanina. Kung bakit kasi si Zeb pa ang bf niya. Kung iba sana ang BF niya, ginapang ko na siya. Hehehe. Ang Pervert ko mag-isip.

I find her really hot and beautiful. Sayang!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top