EPILOGUE


EPILOGUE

IVAN'S POV

Stress.

Tres.

Pangatlong taong kasal at puro stress ang nararamdaman ko ngayong oras na ito—I mean kanina pa. Mga dalawang oras na akong stressed.

I mean aware naman akong hindi maiiwasan ang pagtatalo pero hindi ko naman inaasahang ganito kalala. Halos ayaw niyang makinig sa kahit anong pinagsasasabi ko. Wala ni isa sa mga salitang binitawan ko ang pinakinggan niya at sa totoo lang ay wala na rin kaming ibang ginawa kundi ang magtalo.

"Tres, sinabi nang 'wag ka ngang gagalaw muna!" saway ko sa kanya at hindi ko maiwasang pagtaasan siya ng boses.

As usual, I received a glare. Kung nakamamatay lang talaga ang sama ng tingin niya, malamang sa malamang eh kanina pa ako nakabulagta at pinaglalamayan. "Don't you f*cking shout at me, Myers!"

Agad naman akong huminahon saka siya nilapitan. Kung alam ko lang na kapag binuntis ko siya eh titriple ang katarayan niya edi sana—never mind, mabubuntis ko pa rin siya, one way or another. "'Wag ka kasing galawa nang galawa at baka mapano yung bata. Paano kung biglang sumakit ang tiyan mo tapos biglang lumabas yung bata habang nakatayo ka—"

Bigla akong napatigil sa pagsasalita nang biglang may humampas na kung ano sa batok ko. "Siraulo. Ang OA mo."

Nilingon ko naman si Ate saka sinamaan ng tingin. "OA rin naman 'yang asawa mo nung nagle-labor ka, Ate ah! Ba't ako lang ang binatukan mo? Ha?"

Napailing na lang si Ate saka naman umupo sa upuan sa gilid. "Bahala ka na nga riyan." Tiningnan naman nito si Tres. "Mamaya pa darating si Martina. Mags-switch kami mamaya para magbantay sa mga bata sa bahay."

Tumango lang naman si Tres. "Yeah, and so I've heard." Halatang hanggang ngayon eh ilang pa rin ang asawa ko sa ate ko kaya napailing na lang ako.

Sa tingin ko naman ay nahalata 'yun ni Ate. "So... May naisip na kayong pangalan niya?" tanong niya habang nakatingin sa siyam na buwang tiyan ni Tres.

Tres once again nodded and also stared at her tummy. "Yeah... A mix of what Ivan and I wanted." At katulad ng normal na reaksyon niya kapag pinag-uusapan ang anak namin, Trecia smiled. "Jonriel Kim."

Ngumiti rin naman si Ate. "Nice name. At least sa inyo eh pinagkasunduan niyo. Hindi katulad nung sa amin." Ate even rolled her eyes which made Tres and I laugh.

"Anlakas naman kasi ng trip ni Martina." Tumango naman si Ate sa sinabi ko. "Anyways, anong gusto mong kainin—Tres!" Agad nanlaki ang mga mata ko nang makitang namimilipit na siya sa sakit. "T-Tres!" Inalalayan ko siya sa bewang saka sa kamay.

She kept on heavily breathing in and out. "It's okay. We're okay. He's coming out. Don't panic."

Akmang magpa-panic ako nang muli akong batukan ni Ate. "Oh! 'Wag sabing mag-panic eh." Tumalikod naman siya sa amin saka sumigaw. "Nurse! Manganganak na itong hipag ko!"

Mabilis namang may kumilos kaagad na mga nurse at doktor na lumapit sa amin saka isinampa sa stretcher si Tres bago itinulak papunta sa operating room. Ilang beses akong napahinga nang malalim. Katulad kasi ng sinabi ni Ate kay Martina noon ay hindi rin ako pinapapasok ni Tres sa OR.

Nagpa-panic daw kasi ako at baka biglang himatayin habang nanganganak siya. Kahit nakailang pilit ako sa kaniya para sana maalalayan ko siya at syempre ay unang beses kong makikita ang anak ko sa ganoong kahalagang pagkakataon pero hindi! Ayaw niya talagang pumayag! Sigurado raw siyang hihimatayin ako. As if. I'm not that weak!

"AAAAAAHHHHHH!" Nanlaki ang mga mata ko saka napatitig sa pinto ng operating room. Mabilis ang tibok ng puso ko at para bang hindi ako makahinga nanhg maayos. Isa pang ulit siyang sumigaw at hindi ko na namalayang nawalan na ako ng malay.

Pagkagising ko ay nakahiga na ako sa isang mahabang sofa. Napabangon ako kaagad nang maalala ko si Tres kaya lang ay una kong nakita si Martina na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.

"Seriously, Jester, how come you lost consciousness? Don't tell me na mas malakas pa ako sa'yo?" pagtataray niya. Siguradong-sigurado na talaga akong magkaibigan 'tong dalawang 'to.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Anong ginagawa mo rito? Asaan si Tres?"

Nagpameywang naman siya habang nakaharap pa rin sa akin. "Well, Mr. Myers, I'm here to visit one of my best friends because she just gave birth and her husband was oblivious to the world, so I'm the one guarding her and your son."

Nang marinig ko ang salitang iyon ay agad akong napatayo. "S-Son. Where's my son?"

Martina moved to the side and there I saw my wife sleeping peacefully on the hospital bed. She looked so exhausted that I couldn't help but approach her and gave her a soft kiss on her forehead. "Thank you for bringing Jonriel into the world, Tatlo ko. Pahinga ka na muna at ako nang bahalang mag-alaga sa kanya."

Nakatutok ang atensyon ko sa asawa ko nang may marinig akong mahinang iyak ng bata. Agad nalipat ang tingin ko sa sanggol na nasa lalagyanan. I could hear his baby cries and see his little hands and feet moving in the air.

Nilapitan ko siya saka idinikit ang isang daliri sa kamay niya. "Hey, Jonriel Kim. I'm your dad." Bigla naman niyang hinawakan ang daliri ko. He was trying to wrap his small hands on my finger. I let out a chuckle. "Adorable. Mom and Dad are gonna take good care of you, Jonriel. I promise to give you a happy and complete life."

At that moment, as I moved my head from side to side to see my wife and my son, I could already feel the overflowing happiness. 'Yung saya na halos maiyak na ako.

I couldn't ask for more with the life that I currently have. With the family that I finally have.

Maraming pinagdaanan. Andaming pang-aasar at kung ano-ano sa pagitan namin ni Tres, pero kahit isa, wala akong pinagsisihan.

Alam ko naman kasi na 'yung pinagdaanan namin ang mas nagpatibay sa relasyon naming dalawa. So experiencing those all over again, I know it would also end the same way.

An eventful and amazing life...

With our beautiful baby boy...

And a wife who owns the most beautiful mischievous smile.

~*~The End~*~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top