CHAPTER TWENTY-TWO


CHAPTER TWENTY-TWO

IVAN'S POV

"Breaking news. After the recent break-up of our idols, Trecia Davies and Jeffery Adams, the lady involved was seen on what seems to be a date with the son of the owner of Myers Corporation, Ivan Jester Myers. Did the breakup involve a third party? We all shall know later at News at Sunset."

Pinatay ko naman ang TV pagkatapos kong manood saka napabuntong hininga. Ikatlong araw pa lang ng pagd-date namin ni Tres tapos ganito na ang nababalitaan sa TV.

Muli akong napabuntong hininga. I knew what I did—the decision I made, but... I don't feel the way I wanted to feel.

Weird na kung weird pero hindi ko nararamdaman yung kilig—yung saya tuwing hahawakan ko ang kamay niya, o magkakatitigan kami. Hindi katulad noon. The only thing that's making me stay in this setup is her kisses. Through those, I could feel her genuine feelings towards me.

That or she's a great actress and a great kisser.

Napahilamos na lang ako ng mukha. Kauuwi ko lang galing sa shoot and the scenes did not involve Trecia but she was there for me. Kahit tuloy ang co-actors at actresses namin eh kami ang laman ng chismis.

Though the good thing about it is that Ms. Belinda finally stopped pestering me about going to her penthouse.

Napangiti naman ako nang may maalala. Hindi naman siguro masama kung masaya akong makita na apektado si Tres noong hinaharot ako ni Ms. Belinda, diba?

Napailing na lang ako saka inalis doon ang isip. I decided to stand up and walk to the kitchen when I suddenly heard a knock on the door.

Wala akong inaasahang bisita ng ganoong oras kaya naman medyo nag-aalangan pa akong buksan ang pinto. Buti na lang talaga at naimbento ang peep hole. Mahina akong natawa sa pinag-iiisip ko.

Nang tingnan ko kung sino ang uninvited guest mula sa peep hole ay agad akong napangiti. I didn't expect that she'll be here. Agad kong binuksan ang pinto saka siya sinalubong na may ngiti sa labi. "Tres, napadalaw ka."

As usual, she raised an eyebrow as she let herself in. "I was bored in my unit." Tuloy-tuloy lang naman siyang naglakad hanggang sa maupo siya sa sofa. "What were you doing?"

Isinara ko ang pinto saka siya sinundan at umupo sa tabi niya. "Magpa-plano pa lang sanang magluto ng makakain. Late ko na napansing maglu-lunch na pala eh."

Hindi ko naman inaasahang isasandal niya ang ulo sa may balikat ko. "Dad's pissing me off again," halos pabulong na sabi niya.

Inabot ko naman ang kamay niya saka marahang minasahe. "Hmm? Magiging okay din ang lahat. Your father will realize how lucky he is to have a daughter like you."

Tres scoffed, but her grip on my hand somehow tightened. "An obedient daughter?"

"Nope, a brat young lady." Mahina naman akong natawa nang bitawan niya ang kamay ko saka umayos ng upo at sinamaan ako ng tingin.

"You think you're funny?" pagtataray na naman niya sa akin.

Napailing naman ako nang nakangiti saka inilagay ang kamay ko sa likod ng ulo niya at binigyan siya ng ngiti sa gilid ng noo niya. "I was kidding. He's lucky to have a talented and amazing daughter." I then kissed her cheek. "Pasalamat nga siya at sinusunod mo pa rin siya eh."

Tres put her forehead on my shoulder. "I'm technically disobeying him right now." Bahagya niya akong nilingon. "Being here with you... is against Dad's orders." Halata ang lungkot sa boses niya.

I then softly caressed her hair. "Pinagsisisihan mo ba?" Ayoko man pero hindi ko naiwasang masaktan sa tanong ko. "A... Ayokong pakawalan ka ulit, Tres..." I felt weak trying to open up to her. "Ayokong mawala ka sa pangalawang pagkakataon. So please know... I have no plans of letting you go again. Kahit ano pang sabihin mo o idahilan mo, hinding-hindi kita pakakawalan ulit."

Dahan-dahan ko siyang niyakap. Ang tanging maririnig na lang sa loob ng apartment ko ay ang paghinga naming dalawa at ang mahinang tunog ng mga kotse sa baba. Wala kaming imik hanggang sa tumunog ang tyan ko. Mahina namang natawa si Tres. "Right, you need to eat." She let go from the hug and softly tapped my shoulder. "Come on. Ako na ang magluluto."

Napangiti naman ako saka siya pinaunang tumayo at pumunta sa kusina. Nagpaiwan muna ako saglit sa sofa at nang hindi ko na siya makita ay saka nawala ang ngiti sa mga labi ko. "She did not say anything about not letting me go this time," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa pinto ng kusina.

"You said something?" medyo pasigaw na tanong ni Tres.

Umiling naman ako na para bang makikita niya iyon. "Wala! Ang sabi ko pakibilisan at gutom na ako!"

"I'm not your yaya, Myers!" Tinawanan ko na lang ang sinabi niya saka sumunod na sa kusina.

Pinanood ko lang siyang magluto habang nakasandal sa may pintuan. "Nasabi ko na ba sayong ang ganda mo?" hindi ko mapigilang tanungin habang nakatitig sa sa kanya.

Nilingon naman ako ni Tres saka nagtaas ng kilay. "I know that, Myers. A lot of people knows that." She rolled her eyes but a smile was clearly plastered on her lips.

"Oh edi ampanget mo na lang. Ako na ang magsasabi para unique ako."

Hininaan niya muna ang apoy ng niluluto niya bago nakapameywang na lumingon sa akin. "How dare you?"

Napangiti naman ako lalo sa mukha niyang asar na asar saka muling umimik. "Mahal kita."

Nakita kong natigilan si Tres saka walang imik na tumalikod sa akin at muling inabala ang sarili sa pagluluto.

Hindi ko naman maiwasang masaktan sa ginawa niya. You can do this, Ivan. Baka hindi pa lang talaga siya handa. She might still need time. "Hey, wala na pa lang softdrinks sa ref. Bili muna ako sa baba, ha?" Inabot ko ang susi ng apartment na nasa ibabaw ng island counter saka iwinagaygay. "I'll lock the door. Sarapan mo ang luto ha?" nakangiti kong saad bago tuluyang lumabas ng apartment.

If I want her to stay with me, then I have to be the man she needs and not the partner I wish I could be.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top