CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-FIVE
IVAN'S POV
Nagulat na lang ako nang bigla akong hatakin ni Tres saka hinalikan. Frozen at first but I felt her strong emotion so I kissed her back, making sure that she wouldn't feel bad especially if it would take long before I react.
Closing my eyes to savor the moment, the kissing became deeper, and we weren't giving any attention to our surroundings when suddenly, I felt my cheek getting wet.
Imposible namang dinidilaan ni Tres ang pisngi ko kaya naman agad kong idinilat ang mga mata ko. There I saw her crying. I quickly pulled away and automatically wiped her tears away. "Ayos ka lang? Bakit ka umiiyak? Nag-toothbrush ako, pramis. At wala rin naman akong ibang gagawin sayo na paniguradong ayaw mo—Tres!"
She pulled me closer once again and gave me a peck on my lips before smiling. "Idi*t. I wasn't crying because of that." Binitawan na ni Tres ang pagkakahawak niya sa shirt ko saka pinunasan ang sariling pisngi. "I was... I was just happy." She softly chuckled as if she remembered something funny. "I'm just very happy."
Naguguluhang tiningnan ko siya. "Ayos ka lang ba? May mali ba sa kinain natin kanina? Kulang ka ba sa tulog?" Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Ayun! Bumalik ka na sa dati!" Nagpunas-punas pa ako ng kunwaring luha.
Tres rolled her eyes. "Ewan ko sayo. Just drive now, Ivan." Inayos naman niya ang pagkakaupo niya sa passenger seat.
"Yes, Ma—Anong tawag mo sa akin?" Bago ko pa mabuhay muli ang kotse ay malalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. "T-Tres..."
Nilingon naman niya ako saka siya ngumiti nang pagkatamis-tamis. S-Seryoso ba 'tong nakikita ko? "Ivan, let's go. Come on."
Ilang beses akong napahinga nang malalim dahil sa epekto niya sa akin. Sh-She called me by my first name... By my first name!
Mahina naman siya natawa pagkatapos muling iikot ang mga mata. Then she did something unexpected again, attacking my already fast-beating heart. She gave me a peck on my lips then smiled again. "Come on. We'll miss the fireworks then we'll cuddle at home." Trecia softly tapped my cheek before sitting properly on the seat again, also fixing her seatbelt.
Ilang beses pa akong napakurap bago dahan-dahang tumango at humarap sa kalsada. Walang imik kong binuhay ang kotse saka pilit na hinihila pababa sa alapaap ang isip ko. Kailangan kong mag-drive nang maayos. Hindi pwedeng maaksidente kami dahil lang sa kinikilig ako.
Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang pinaandar ang kotse pabalik sa unit ko nang umimik si Tres. "I'll sleep in your place tonight." Nilingon naman niya ako habang may maliit na ngiti sa labi. "You wouldn't mind that, right?"
Nahigit ang paghinga ko saglit. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa nakikita at naririnig ko. Pakiramdam ko ay nananaginip ako or something like that. I couldn't be imagining this, right?
Ilang beses pa akong napakurap bago dahan-dahang tumango at pinanatiling nasa kalsada ang tingin. Please lang naman, puso, kumalma ka naman. Baka bigla tayong mabangga eh.
Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang mapagdesisyunan ko nang umimik. "Uhm... Tres?"
Nakita ko siyang lumingon sa akin through my peripheral vision. "Hmm?"
Damn it! Even her simple hmm sounds sweet! That's illegally attacking my heart! I then cleared my throat. "W-Wala kang damit sa apartment ko." Yes, this is me trying to put a safe distance dahil pakiramdam ko ay nanghihina ako sa sunod-sunod na pag-atake niya sa akin.
She just shrugged and smiled. "That's okay. I used to wear your clothes anyway. Plus you always have unused boxers in your closet, right?"
Muli akong napahinga nang malalim bago tumango. "O-Oo naman." Tumingin na ulit siya sa labas ng bintana nang muli akong magsalita. "P-Pero sigurado ka ba? Kaya pa rin naman kitang ihatid sa condo mo eh."
I heard Trecia chuckle. "Calm down, Ivan. Matutulog lang naman tayo sa lugar mo. And cuddle, of course. I missed cuddling, and I have been stressed lately so be my pillow later, hmm?" She really looked so happy, even her tone says it all.
So she's really sleep beside me... then... Lord, kayo na pong bahala. Baka gapangin ako ni Tres mamaya, hindi pa po ako handa.
Ilang saglit lang ay nakarating na rin kami sa lugar kung saan magkakaroon ng fireworks show. Nakita ko yung post ng event na 'to kaninang madaling araw at si Tres ang unang-una pumasok sa isip ko.
Para kasi siyang sumasabog na fireworks tuwing galit pero ang ganda pa ring tingnan.
Napatitig naman ako kay Tres na nakaupo sa kanan ko. Naglatag kasi ako ng lampin namin sa lapag para makaupo kaming dalawa. Hindi pa nagsisimula ang show pero hindi rin naman ganoon katahimik dahil dinadagsa nga ito ng mga tao dahil sa post.
Alam ko naman nang crowded place ang pinuntahan namin kaya naghanda ako ng black face mask para sa amin ni Tres, pati na rin ang sumbrerong suot namin ngayon.
"I was... I was just happy."
"I'm just very happy."
She was crying earlier because she was happy... but what made her happy that she ended up crying?
Nanatiling na kay Tres ang mga mata ko hanggang sa napansin kong dumilim ang buong lugar at ang sunod-sunod na malalakas na pagsabog ng fireworks sa madilim na kalangitan.
Kahit mata niya lang ang nakikita ko ay alam kong nakangiti siya. At para makita ko iyon nang ganoong kadali, hindi ko mapigilang mas lalong mahulog sa kanya ulit.
"Tres..." tawag ko sa kanya, pero hindi ko na nilakasan at nasasapawan din naman ng tunog ng fireworks. "Mahal kita." Wala na akong pakealam kung hindi niya marinig, alam ko rin namang hindi niya sasagutin iyon at syempre, masasaktan na naman ako.
Bigla naman siyang lumingon sa akin saka nanatiling nakangiti ang mga mata niya. Alam kong hindi niya narinig ang sinabi ko pero natigilan ako nang marinig ko siyang magsalita. "I love you too, Ivan."
I... stopped... breathing. Nakatitig lang ako kay Trecia. Hindi ko masigurado kung tama ba ang narinig ko o hindi. G-Gising ba ako? O-O nakatulog ako habang nag-aabang ng fireworks? A-Anong—
Mas lalo akong nanigas nang lumapit si Trecia sa akin saka ako niyakap at bumulong sa tenga ko. "I love you so much, Ivan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top