CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-EIGHT
IVAN'S POV
Thank you, Lord! Finally! Tapos na ang aking paghihirap. Maraming salamat po talaga! Nakaraos na ako—
Napatigil ako sa pagpupuri at pasasalamat sa Diyos nang may marinig akong umubo. Agad ko iyong hinarap saka nakita si Tres na nakatingin sa akin na para bang may ginagawa akong weird, at talagang nakataas pa ang isang kilay niya.
"What on earth are you doing? Why are you punching the air, while opening and closing your mouth without words leaving them? Or at least voice?" medyo naguguluhan pero halatang natatawang tanong niya. Sus! Pigil pa more ng tawa.
Napabuntong hininga naman ako saka ngumiti nang malaki. "Tapos na ang shooting. Makakapagpahinga na tayo. Tapos na ang paghihirap." Nagkunwari pa akong naiiyak at nagpupunas ng imaginary luha.
Napailing na lang siya saka binasa ang magazine na hawak niya. Saglit pang natahimik kaming dalawa dahil babalik na sana ako sa pagpapasalamat nang muli siyang umimik. "Yeah, it's finally over. What are you planning to do now? In the Philippines? Spending time with your family?"
Tuluuyan ko nang iniharap ang katawan ko sa kanya kahit medyo mahirap dahil nakaupo na nga kami sa loob ng eroplanong papalipad na. "Plano na kitang ipakilala kela Ate at Martha bilang girrlfriend ko." Napangiti naman ako. "Ayos lang naman diba?"
Ilang saglit bago niya ibinaba ang hawak niyang magazine saka bumuga ng hangin at tumingin sa akin. "You still think that it's a good idea for me to meet your sister?" walang emosyong tanong niya.
Agad naman akong tumango. "Oo naman. What's not to like about you? Mataray ka lang naman na snob. Medyo masama ang ugali. Sarcastic. Akala mo reyna ng mundo—Aray, Tres!" Pilit kong sinasangga gamit ang mga braso ko ang mga hampas niya ng rolled magazine.
Nakailang hampas pa siya—though hindi naman talaga masakit. Gusto ko lang magkunwaring masakit para mamaya may kiss—bago tuluyang tumigil saka tiningnan ako nang masama. "Thanks for boosting my confidence, Myers," she sarcastically said.
Hindi ko tuloy napigilang matawa kahit na dapat eh magpapa-cute ako. Ang cute cute niya kasi manaray eh. Hay! Mahal ko talaga 'tong babaeng 'to. "Joke lang, Tatlo ko. Joke na medyo lang pala. Mga one-fourth—" Mas sumama pa ang tingin niya sa akin kaya napatigil ako. "Joke lang talaga. Eto na nga. Seryoso na." Pinaseryoso ko ang mukha ko saka tumingin sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "'Wag kang mag-alala kay Ate. Panigurado naman kasing hindi galit sa'yo 'yun. Hindi niya trip ang magtanim ng galit o sama ng loob kaya okay na kayo for sure."
Tres let out a heavy sigh. "I do hope so, Ivan. I do hope so."
Napangiti na lang ako nang isandal niya ang ulo niya sa balikat ko. "Don't worry so much. And always remember, mahal na mahal kita kahit anong mangyari."
"And I love you too, Ivan. So much."
Naging maayos naman ang bakasyon namin sa Pilipinas ng halos dalawang buwan. Kapos nga lang dahil pinabalik na ulit kami para naman sa magaganap na premiere ng pelikula namin.
At sa totoo lang ay never sa tanang buhay ko ang maiisip kong tatayo ako sa mala-red carpet at mapapalibutan ng maraming-maraming camera at paparazzi.
I mean oo nga at naging girlfriend ko na rin noon si Tres at sikat na siya, pero nang dahil nga sa tatay niyang KJ eh hindi ako pwedeng maging escort ni Tres sa mga premier.
Pero ngayon? Eto ngayong nangyayari? Na kaliwa't kanan ang mga mga camerang nagfa-flash. Potek! Alam kong gwapo ako pero ansakit kaya sa mga mata!
Bigla ko namang naramdaman ang pagmasahe ni Tres sa noo ko. "Remove those wrinkles. Why are you even frowning? You should be smiling, Ivan." Mahinang natawa pa siya.
"You are well aware na hindi ako sanay sa ganito, diba?" I still kept the frown on my lips pero hindi naman na nakakunot ang noo ko.
I heard her chuckle once again, making the cameras flash on us again.
Sino ba namang hindi pi-picturan itong katabi ko eh ang ganda-ganda niya. Ang swerte ko talaga at binalikan niya ulit ako. Gwapo rin kasi ako.
"That's why we already practiced at your place, right?"
Mas lalo naman akong napanguso. Naalala ko na naman 'yung pinaggagagawa namin. Inutusan niya sina Mommy France niya at ilang bodyguard niya na picure-an ako para masanay ako sa camera. Kahit ang mga interview ng paparazzi eh ipina-practice sa akin.
Kasalukuyan akong nagre-reklamo sa isip ko nang may maramdaman akong malambot na kung ano ang dumampi sa pisngi ko. Agad akong lumingon sa pagkabigla kaya naman...
Biglang nag-ingay ang lahat at ang iba ay malalakas sa tumili. I accidentally planted a kiss on her lips.
Imbes na mairita ay ngumiti lang si Tres habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. "Feeling better now?"
Ilang beses akong napakurap bago tuluyang makabalik sa wisyo saka ngumiti. "Hindi pa eh. Kulang pa." I pucked my lips but instead of her lips, pitik ang inabot ng mga malalambot kong labi.
Napatingin naman ako kay Tres. "Nope. Naka-isa ka na. Learn your limits," naiiling na sabi niya habang matalim kunwari ang mga matang nakatingin sa akin.
Napanguso na lang ako. Andamot-damot. Buti na lang at mahal ko siya.
"Mr. Myers, Ms. Davies, please step right here and pose for the camera," tawag sa atensyon namin nung isang babaeng may suot na ID. Mukhang staff sa event na 'to.
Agad naman kaming nakinig saka pumwesto sa may platform saka nag-pose. Napag-practice-an na rin naman namin nila Tres ang para rito sa couple pictures namin eh. At halos lahat ng kuha ay either nakatingin ako sa kanya o nakatitig kami sa isa't isa.
Kasalukuyan kaming nasa premiere ng movie ni Director Davies. Bitter Goodbyes ang title at tungkol iyon sa lalakeng pinagkalamang cheater ng fiancee niya dahil sa insidenteng naganap between him and his girl best friend.
Sa totoo lang ay noong mga unang take at hindi pa kami maayos ni Tres ay madalas siyang maluha sa script reading practices namin. Lalo na tuwing tungkol sa panloloko ni Simon, which is 'yung character ko. Pero nung maging maayos na kami ay parang nabawasan ang bigat ng dating ng pagkakabitaw ng linya niya sa mga practice. Nagiging mabigat lang ulit kapag take na.
Iniisip ko tuloy na baka nga iniisip niyang niloko ko siya noon. Ang hindi ko lang lubos na maisip ay kung saang lupalop ng mundo niya makukuha 'yung idea na 'yun.
Jusmiyo! Hindi niya ba alam na patay na patay ako sa kanya, mula noon hanggang ngayon?
Paano ko siya lolokohin kung siya lang naman ang lagi kong nakikita?
Kung laging siya ang laman ng puso't isip ko?
Naka nang talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top