CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY
IVAN'S POV
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Broken to pieces @Trecia_
We tried our best but we just can't make each other complete like how we wanted it to be. So long then, my sun.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Until next time @Living_Jeff
We tried our best but we just can't make each other complete like how we wanted it to be. So long then, my moon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Anong... meron?
Pagkatapos ni Tres na ipaalala sa akin ang tungkol sa usapan namin noon sa movie night, nakita ko siyang nag-phone. After she put it down, my phone vibrated, informing me about a notification.
Naka-turn on notifications ako kay Tres kaya naman alam ko kaagad ang nangyayari sa kanya... social media speaking.
Nang buksan ko ang tweet niya ay iyan ang bumungad sa akin. I wanted to confirm it so I checked the trending hashtags, only to see #JeCiaBreakUp trending.
Nilingon ko naman si Tres. 'Yun ba ang dahilan kung bakit siya pumayag sa dinner? Sa pananatili? Is she in pain? Gusto niya bang ma-distract sa heartbreak? Napabuga naman ako ng hangin. Nag-aalangan ako kung lalapitan ko ba siya at kakausapin tungkol doon.
I only invited her over simply because I wanted this to be the last straw. Last try. I wanted to have a memory of her like this before I completely forget my feelings for her. Before I start to move on.
And then this?
"What's with the sigh? And why do you keep on glancing at me?" I heard her ask. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya saka siya nakitang nakatingin pa rin sa TV pero nakaangat ang isa sa mga kilay niya. "What is it, Myers?"
Nag-aalangan naman akong magsalita. "B-Break na kayo?"
She nodded her head then shrugged. "What about it?"
"Ayos ka lang?" I couldn't help but ask. "D-Do you want to cry?"
Trecia let out a soft chuckle before she faced me. "Calm down, Myers. I'm not in any emotional pain."
Napahinga naman ako nang malalim saka siya tinitigan. "Do you need anything then?"
Her forehead creased as she continued to stare at me. "Why aren't you asking why we broke up?"
"That's personal, Davies. Mas gugustuhin kong malaman kung kumusta ang pakiramdam mo, kung may kailangan ka ba, kaysa ang pakelaman kung anong namamagitan sa inyo."
Ilang saglit pa ulit akong tinitigan ni Tres bago siya nagbikit-balikat. "Just let me enjoy the movie." Napatango na lamang ako saka siya hinayaang manood. Akmang tatayo ako para kumuha ng tubig nang muli siyang magsalita. "And grab the bottle of Chardonnay for me." Tumango na lang ako saka sinunod ang utos niya. She's brokenhearted after all, and I'm a good citizen.
When I came back to the living room and gave her a glass together with the wine, Tres only grabbed the bottle. Ilang beses naman akong napakurap. "Gusto mong maglasing?"
She nodded her head, still focusing on the movie. "Once I'm wasted, just tell Mommy France to come and pick me up." Tinanguan ko naman siya saka hinayaan sa gusto niya.
After a few moments later, I could hear Tres sniffing as if she was crying. Agad kong inabot ang tissue bago ko siya nilingon saka inabutan. "Need more chips?" Without a word, Tres nodded her head and so I went back to the kitchen to grab more of her favorite chips.
Ano ba 'yang ginagawa mo, Ivan? Masyado kang nahahalata eh. Pagkatapos niyan, tawagan mo na ang manager niya at tapusin mo na ang nararamdaman mo para sa kanya. Act professional.
Napiling na lang ako saka bumalik sa sala at sofa para ibigay naman sa kanya ang kakainin niya. Mintes passed and finally, Tres talked to me—mumbled, actually. She just mumbled something I couldn't pick up. "Ano 'yun?"
Sinenyasan niya naman akong lumapit kaya sinunod ko. I was about to ask her again when I froze. T-Trecia k-kissed me. Hindi pa ako tuluyang nakakabawi nang bumulong siya. "That's for being confusely sincere." She even pulled the collar of my polo shirt. "Tell me, Myers, was she a better kisser than me, huh? Is that why you chose her over me?"
Kahit gulat ay sinubukan kong umimik. Naguguluhan din kasi ako sa pinagsasasabi niya. "Tres, hindi kita niloko. Tapat nga ako sa Tatlo, diba?" That earned a chuckle from her. I froze at her smile. I missed that geniune smile. "Walang ibang nakahalik sa labing ito, Tres." I pointed at my lips. "Just you."
Her smile widened. "Just me?"
I nodded. "Yep, just you. I promise."
Tres snaked her arms around my neck. "Then let me taste those lips again."
Natigilan na naman ako saka napakurap ng ilang beses. I held her wrists and tried to remove her arms. "Lasing ka lang, Tres. Bitaw ka na, dali. Tatawagan ko si—" My words cut off when Tres forcefully pulled me and crashed her lips on mine again.
She bit my lower lip, making me open my mouth. Tres had the access and I couldn't help but hiss when I felt her lick my tongue.
Pinilit kong labanan ang pagnanasang nagsisimulang bumalot sa katawan ko dahil sa ginagawa niya. Tres doesn't know how much I missed her and her kisses. Thankfully, I won the fight. "Tres... T-Tatawagan ko na s-si Mommy France mo." I forced myself to pull away from her addicting kisses.
I then saw her pout. "You don't like kissing me? You don't like me anymore?"
Finally, naalis ko na ang pagkakakapit niya sa leeg ko. Umiling naman ako sa tanong niya. "How can you say that when you're clearly diving me nuts right now?" Napabuga naman ako ng hangin. "But I respect you, okay? Lasing ka lang kaya nagagawa mo 'to pero pustahan, bukas, ni ayaw mo na ulit akong makita."
I stood up and took my phone. Pumunta muna ako sa kusina para ikuha ng tubig si Tres. I called her manager and asked her to pick her up just like she told me. Once settled, I went back to the living room, only to see her softly snoring.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti. Nilapitan ko siya saka dahan-dahang inalalayan ang katawan para makahiga ng maayos sa sofa. I slowly then put my comforter over her body.
Nang matapos ay hindi ko mapigilang titigan siya. I sat on the floor, near her face, and put her messed strands of hair behind her ear. "Alam mo? Ang daya mo," natatawng bulong ko sa kanya. "Gusto kitang kalimutan pagkatapos ng gabing ito, tapos bigla mo 'kong hahalikan. Pinagsasamantalahan mo naman ata ang kagwapuhan ko." Mahina akong natawa bago dahan-dahang naging seryoso. "But honestly, Tres... Gusto na kitang kalimutan. Baka nga hindi ka talaga para sa akin, pero kasi... bakit naman kung kailan handa na akong pakawalan ka, saka pa kayo nag-break?" Napabuga ako ng hangin. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Tres. Baka mabaliw na ako nang tuluyan dahil sayo."
Tres moved a little, facing me. Akala ko ay nagising siya pero narinig ko na naman ang hilik niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
"Three months, Tres. After three months, we'll be back to being strangers again. So please... tell me what to do within those three months."
As expected, hindi naman niya ako sinagot dahil tulog nga. Nanatili na lang ako sa ganoong posisyon hanggang sa dumating ang si Miss France. Ako na ang bumuhat kay Tres papunta sa sasakyan niya saka na sila tuluyang nagpaalam at bumalik naman ako sa apartment ko at nagligpit ng kalat.
Napailing na lang ako nang maalala ang nangyari ngayong gabi. And now, all I could think of is that... what would happen tomorrow?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top