CHAPTER THREE
CHAPTER THREE
IVAN'S POV
'Yung pakiramdam na kung kailan malapit na ako sa Pilipinas—malapit nang bumaba mula sa eroplano, saka pa sila nagpalabas ng pinakabagong pelikula na ang ex ko ang bida.
Napailing lang ako nang makita ang pinaka-unang scene. She's liplock kissing her co-actor. Just great.
Inalis ko na lang ang tingin doon sa screen saka tumingin sa labas ng bintana. It has been a year since I last saw her in that club with her disguises and all. Pagkatapos noon ay pinilit ko na rin gawin ang lahat para lang iwasan siya.
Baka kasi kapag nagkita pa kami ay ako na naman ang magmukhang kawawa at desperado sa atensyon niya.
Sa sobrang gwapo kong 'to, paghihinalaan akong naghahabol sa kanya?
Napailing na lang ako saka napangiti nang marinig na lalapag na kami. Miss ko na kasi sila Ate at lalo na ang pinakamaganda kong pamangkin.
Nang tuluyang makalabas ng airport ay nagmamadali akong pumara ng taxi para makauwi kaagad. Mas lalo namang lumaki ang ngiti ko nang si Martha ang sumalubong sa akin.
"Tito Jes!" nakangiting sigaw ni Martha habang tumatakbo papalapit sa akin.
I quickly let go of my backpack and carried her. "Hey there, my favorite niece."
Mahina namang natawa si Martha. "But Tito, I'm your only niece," nakangiting sagot nito.
"Then that makes you the most beautiful and amazing baby of Myers." Inabot ko ang bag ko saka nagsimulang maglakad paakyat sa second floor.
My little baby smiled sweetly. "Did you buy me coloring materials, Tito?"
I stopped in front of my bedroom and opened the door. "Of course, little princess. Hinding-hindi 'yun makakalimutan ni Tito Jes." Ibinaba ko muna si Martha saka kinuha sa loob ng bag ang pasalubong ko sa kanya. "Here you go, princess."
Nagtatatalong kinuha iyon ni Martha saka hinila ako pababa para makahalik sa pisngi ko. "Thank you so much, Tito Jes!"
I messed up her hair. "Anytime, princess. Anyways, where are the oldies?"
Tumawa naman ang batang babae. "Hala ka, Tito! Don't let Grandma and Grandpa hear you say that. Maghu-hurt ulit 'yang ear mo po," nakangising sabi niya.
I put my finger near my lips, motioning her to stay quiet. "Kaya 'wag mo 'kong isusumbong sa mga matatanda ha?"
Napabungisngis naman si Martha saka tumango. "Yes po, Tito Jes."
I softly patted her head. "Kaya ikaw ang paborito kong pamangkin eh."
"Ako lang po ang pamangkin mo, Tito." Pareho kaming natawa. "Grandma and Grandpa are in the garden po. While Mommy is at work."
I went to my closet and grabbed a shirt, underwear, and sweatpants before I glanced back at Martha. "Ganon ba?" She cutely nodded. "Okay, sige. Ligo muna si Tito tapos bababa na ako para guluhin ang mga matatanda." Akmang papasok na siya sa banyo nang may maalala siya. "Pero 'wag mong sasabihin sa kanilang nandito na ako, ha?"
Martha grinned as she nodded her head. Tiningnan ko muna siyang makalabas ng kwarto ko bago ako tuluyang pumasok sa banyo.
Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis saka maingat na bumaba. Plano ko kasing gulatin sila mama. Dahan-dahan akong bumaba saka tingin nang tingin kung malapit na sila. Lingon ako nang lingon sa baba nang may biglang nagsalita mula sa likuran ko.
"Anong ginagawa mo riyan?"
Agad kong nilingon ang nagsalita saka napasimangot. "Ma naman eh! Ba't ka nandyan? Diba nasa baba ka?"
She flatly stared at me. "So kasalanan kong hindi natuloy ang kalokohan mo?" Nagmamadali itong bumaba.
"Ma! Saan ka pupunta?" agad kong tanong.
Pasigaw naman siyang sumagot. "Ako na ang mag-aadjust. Take two!"
Napailing na lang ako saka natawa. Mabilis ko siyang hinabol saka niyakap mula sa likod at hinalikan sa pisngi. "Kumusta kayo, Ma?"
Mahina naman niya akong tinapik sa likod kaya humiwalay ako, at sabay na kaming bumaba saka naglakad papunta sa kusina. "We're doing fine, but do you know which makes us even happier?"
Ngumiti naman ako. "Araw-araw na pagtatalik—"
"Ivan Jester!" biglang sigaw ni Mama na nagpatigil sa sinasabi ko.
Natawa naman ako sa reaksyon niya. "Ito naman si Mama, napaka-shy type."
Sinamaan niya lang naman ako ng tingin na mas lalo kong ikinatawa. Nang makapasok kami ng kusina ay agad kong nakita si Papa. "Kailan ka pa nakauwi?" tanong niya saka ako niyakap.
"Kahapon pa po. Hindi niyo lang nakita kasi nagtatago ako sa ilalim ng kama niyo."
Mahina naman akong binatukan ni Papa saka tumawa. "Ikaw talagang bata ka. Hindi ko malaman kung kanino ka nagmana. Ang bait ko pa naman."
Napangiti naman ako sa nasasaksihan ko at paniguradong hindi magpapatalo si Mama.
Bigla siyang tumingin ng masama kay Papa. "Alangan namang sa akin nagmana 'yan."
Nagkunwari akong nasaktan saka napahawak pa sa dibdib. "Ibig sabihin ay ampon ako?" I gasped.
Muling natawa si Papa saka naiiling na umupo sa isang stool. "Ang dami mo talagang alam na puro kalokohan. Hulaan ko, wala kang girlfriend 'no?"
Sinamaan ko naman si Papa ng tingin. "Grabe ka naman, Pa. You're making it look like being single is a bad thing." I even pouted.
Papa chuckled. "You're not getting any younger, Jester."
"Si Ate muna kaya, Pa. 'Di hamak na mas matanda sa akin 'yun."
Bigla naman kaming napatingin ni Papa kay Mama nang bigla itong pumalakpak. "Right! About your sister."
I tilted my head a little to the right. "What about her?"
Mama smiled brightly. "She's working with Martin!" Muli itong pumalakpak na parang sayang-saya.
Bigla naman akong natigilan. "Wait. As in John Martin Gill?" paninigurado ko.
Mama squealed like a teenage girl. "Yes!"
Ilang beses akong napakurap saka saglit na napatitig sa kawalan bago tuluyang nakapagsalita. "How's Ate?"
"Oh, she's fine. She's modeling." Mama shrugged.
That wasn't the answer I wanted to hear but sure. Hindi nga pala nila alam ang tungkol sa ama ni Martha. "Anong oras ang uwi ni Ate?"
"Mamayang five pa," sagot ni Papa habang nagsisimula nang kumain ng inihanda ni Mama na meryenda. "Wala nga pala siyang dala na kotse 'no?" tanong niya kay Mama.
Nakangiti namang tumango si Mama. "But that's fine. I'm sure Martin will bring her home. Isn't he a gentleman?"
You mean gentle gay? Was he even gentle with my sister? I quickly shook my head to remove those thoughts. Don't go there, Ivan. That's just gross.
"Ako na lang po ang susundo kay ate," sabi ko sabay abot sa sandwich.
Tiningnan naman ako ni Mama na para bang may ginawa akong masama. "Don't you dare." Naguguluhan naman akong tumingin sa kanya. "Let Martin do that."
I pouted. "But I miss my sister, and Martha asked me to buy her more coloring materials," pagdadahilan ko.
Looks like Mama bought it and sighed in surrender. "Fine. But only this time, okay?"
Nakangiti naman akong tumango. As if. "Si Mama talaga nagfi-feeling matchmaker eh ang tanda na—Aray! Aray! Ma naman—Ouch!"
"Sinong tinatawag mong matanda ha?" Mas piningot pa ako ni Mama.
"S-Sabi ko nga ho ang bata-bata niyo pa," napipilitan kong sagot.
Agad niya namang binitawan ang tenga ko saka ngumiti. "Good. Now go and eat before you pick up your sister."
Napatango na lang ako saka naawa sa tenga kong paniguradong mapula na. Si Papa naman ay tinatawanan lang ako. Nang bandang four-thirty na ay nagpaalam na ako kela Mama at sinundo na si ate para kumustahin at pagalitan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top