CHAPTER THIRTEEN


CHAPTER THIRTEEN

IVAN'S POV

"Thank you, Ms. France," I told her on the phone.

(No problem. But if you want, I can give you Trecia's number. So you know... You can just contact each other and won't use a messenger.) Halata namang nang-aasar ang manager ni Tres dahil sinundan pa niya ito ng mahinang tawa.

Umiling na lang ako kahit hindi naman niya iyon makikita. "No, thank you po. It's better to keep it this way. Besides, her boyfriend might assume the wrong thing." I don't know why but I felt my forehead creasing as I said the last sentence.

Saglit naman itong natahimik. (Oh, right.) Para namang doon niya lang naintindihan ang sinabi ko. (But Jeffery is not a jealous type of boyfriend. As long as your intentions are nothing more than just Trecia's leading man in that movie, you won't hear anything bad from him. Isn't that guy sweet?)

Bahagya naman akong natigilan. Yeah... Just perfect for her. Napailing na lang ako. She deserves him. A boyfriend who wouldn't easily get jealous of her co-actors. I couldn't help but let out a deep sigh.

(Hello, Mr. Myers?)

I blinked numerous times before clearing my throat. "Yes, still here. I'll come back to her unit right away, Ma'am."

(Okay. That's good. You don't wanna make her wait. She's really impatient, but since she just came from a date with Jeff, I guess she's in a good mood.)

I couldn't help but smile bitterly. "I'll take note of that. Thanks again, Ma'am."

After bidding each other goodbye, I ended the call and took a quick shower before making myself look presentable. Though I wonder if she'll spend dinner with him again. I shook my head. You don't have a say about any of that, Ivan. Keep that in mind.

Binilisan ko ang paglalakad pati ang pagd-drive. Tama nga naman si Ms. France. Napaka-iksi ng pasensya ng babaeng 'yun. Ayaw rin kasi nun sa mga late. At ngayon ko lang napansin kung gaano kami magkaibang-magkaiba.

Finally, I've reached her unit. Kumatok lang ako ng tatlong beses saka bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nakapambahay na Trecia. "Come on in. Let's make this fast," aniya at tuluyan na akong hinayaang pumasok mag-isa at isinara ang pintuan dahil pumasok pa siya sa kwarto niya.

Umupo na lang naman ulit ako sa dati kong pwesto at hinintay siyang makalabas ng kwarto niya. She was holding papers which I quickly assumed were the scripts. She sat on the single sofa across from me before putting the scripts on the coffee table.

"Have you tried doing what I suggested earlier today?" she asked, while her attention was on her phone, as I don't know... maybe texting her lover.

Tumango naman ako. "Watched a couple of movies with those kinds of themes." Pinilit ko talagang manood pagkauwi ko kahit antok na antok pa ako. Like what I told her dad, I want to do my best even if it's against my will.

I saw her nod, but still, her eyes were focused on her gadget. "That's good. So, have you learned something?"

Sa hindi malamang dahilan—o baka alam ko naman talaga pero ayoko lang talagang aminin dahil una sa lahat eh hindi naman dapat—nagsisimula na akong mairita sa hawak-hawak niyang telepono. Ako yung kausap, ako yung nasa harapan, pero ni ayaw akong tingnan. Nakakainis kaya sa pakiramdam 'yun.

"Myers." Hindi ko siya sinagot at tumingin na lang sa lapag. "Myers!"

Nang marinig ko ang sigaw niya ay saka ko lang inangat ang aking ulo para tingnan siya. Finally! You're looking at me. "What?" I asked, pretending like I wasn't able to hear her question earlier.

She squinted her eyes at me then frustratedly sighed. Gumaan naman ang pakiramdam ko nang makita kong binitawan niya ang phone niya saka sinamaan lalo ako ng tingin. "If you don't feel like taking a session today, you may leave. Besides, it's not like my dad keeps your practice hours with me on track."

Walang gana ko naman siyang tiningnan. "Anong ako ang mukhang hindi feel mag-practice ngayon? Hindi ba't ikaw ang mukhang walang interes dito sa ginagawa natin?" Pilit kong iniwas ang tingin ko sa mga mata niya. Natigil naman ang tingin ko sa phone na ibinaba niya kanina. Palibhasa ambilis mong makahanap ng kapalit ko.

"Oh, so you're blaming me now?" Halatang naiinis na siya. Ako rin naman ah!

Napabuga na lang ako ng hininga saka pinakalma ang sarili bago tumingin diretso sa kanyang mga mata. "Whatever. Magpa-practice pa ba ngayon o masyado akong nakakaistorbo sa inyo ng boyfriend mo?" Those words left a bitter taste on my mouth that I wasn't expecting.

Kahit siya ay mukhang nagulat sa tono ng pananalita ko. Ayan! Ang t*nga-t*nga naman kasi, Ivan! Sinabi na kasing ipagpatuloy ang pagmo-move on eh! Nakanang!

I saw her open her mouth like she wanted to say something to me but chose not to, so she closed it again. I then cleared my throat. "I should get going." I stood up, wanting to escape this awkward atmosphere. "Salamat na lang sa lahat. Alis na lang ulit ako."

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya saka tuluyang lumabas ng unit niya. Agad ko namang sinampal ng mahina ang magkabila kong pisngi. Siraulo ka talaga, Ivan. Napailing na lang ako saka naglakad papunta sa elevator.

Wala namang Tres na humabol sa akin kaya naman nakahinga ako nang maluwag. But while feeling relief, I also felt sadness. Like my hope was once again crushed.

Noon kasi... nung kami pa... no one leaves the room with a heavy heart. We always, always try to solve the problem or the misunderstandings between us before one of us leaves for either work or important stuff.

Hindi... hindi ganito.

Muli akong napabuntong-hininga. Nang tuluyan na akong makalabas ng condominium at makasakay sa kotse ko ay napagdesisyunan ko na lang na umuwi at hindi pumunta sa kung saan pa man.

I was in the middle of traffic when I got a text from an unknown number.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

From: 0777-******

There will be practice tomorrow morning. Same time but I'll go to your place.

~ Davies

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sa hindi malamang dahilan—teka nga! Alam ko naman talaga 'yung dahilan eh. Alam ko ring in denial ako pero nakakapagod magsinungaling sa sarili ko.

Nang dahil sa text na natanggap ko. Kahit unknown number pa 'yan, eh alam ko kung kanino ito galing na nagpangiti at nagpakaba sa akin. Malamang, Ivan. May nakalagay na pangalan, diba? Inalis ko na lang iyon sa isip ko para hindi ako ma-bad mood.

Napangiti na lang ulit ako kasi mas nauna niyang kinuha ang number ko kesa sa kinuha ko ang kanya. Ibig sabihin pwede na kaming magka-usap nang kami lang.

Bigla ko namang naalala ang tinutuluyan ko. Kailangan kong maglinis ng unit pagkarating na pagkarating ko roon. Pati ang lulutuing umagahan ay kailangan kong mapaghandaan. Magt-take out na lang ba ako o magluluto? Baka lumayas siya kapag nagluto ako. Napailing na lang ako sa iniisip ko.

Gulong-gulo na ang isip ko hanggang sa bigla akong makarinig ng malakas na busina na nagmumula sa mga kotse na nasa likuran ng akin. Naka-green na pala ang traffic lights at hindi pa rin ako umaandar.

Nangingiti na lang akong napailing. The things that only she can do to me. One, make me forget everything. Muli akong napailing saka tuluyan nang nakarating sa condominium na pansamantala kong tinitirahan. At nang makapasok sa unit ko ay nagsimula na akong maglinis hanggang sa ma-satisfy ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top