CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FOURTEEN
IVAN'S POV
Nagising ako sa alarm ko ng bandang alas singko ng umaga. May isang oras pa ako para mag-ayos ng lahat bago siya makarating sa unit ko.
Nakapag-order na ako ng pancakes na paborito niya, nakaligo na ako, at nakapili na ako ng damit na pambahay pero maayos—para naman hindi halatang excited akong makita siya.
Napangiti naman ako saka napailing at napabuntong hininga. Alam ko na kasi ang nangyayari sa akin. Bumabalik na naman ako sa dati.
Kahit anong pilit ko sa sarili ko na kalimutan siya't mainis sa ginawa niya eh may parte pa rin sa akin na gusto pa rin siya—na mahal pa rin siya. At kahit ilang beses akong magsinungaling sa sarili ko eh hindi na magbabago ang katotohanang hindi ko kayang palitan si Trecia sa buhay ko.
Tatanggapin ko na lang kung ano ang kaya niyang ibigay sa akin. Kahit ang hindi totoong pagmamahal katulad ng sinabi niya noon. Ang gusto ko na lamang ay nasa akin muli ang atensyon niya.
Ang malungkot kong ngiti ay napalitan ng saya nang marinig kong may kumatok sa main door ng unit ko. I faced my mirror for a second to make sure that I look presentable before heading towards the door and welcoming her.
Kaya lang agad ding nawala ang good vibes ko nang makita ko kung sino ang nasa labas.
I mean Trecia is there... but so is her boyfriend.
Ngumiti sa akin ang lalake saka nagsalita, "Hey, I'm just here to drop this precious lady off. Just making sure that she reached her destination safe and sound since you know her status, right? Such a great celebrity idol."
Inirapan lang naman ni Tres ang sinabi ng lalake. "Thanks, Jeff. Are you gonna pick me up later as well?"
Makahulugan namang tiningnan ni Jeff ni Tres. "If that's what you want, then just text me. But my schedule might be hectic as well today, so..."
Ngumiti naman ng mapang-asar si Tres. "Right. Your schedule might be full today. Spend your time well okay? Or else you don't want your girlfriend mad at you."
Jeff grinned at her. "My girlfriend will surely hate me for that reason."
Trecia once again rolled her eyes at her boyfriend's words. "Now, move along. You don't want your girlfriend to worry about you so text when you're already at your supposed destination."
Jeff playfully saluted. "Yes, Ma'am!" He then looked at me and smiled. "If there's anything that concerns Trecia, feel free to contact me." He reached for his wallet and handed me a business card.
I did the same. Buti na lang talaga at may copies ako ng business card ko sa table malapit sa main door ko. "Here's mine. Don't worry, I won't let anyone or anything harm your precious lady." And once again, those words left a bitter taste in my mouth.
Para namang hindi na epektuhan si Jeff at ngumiti lang muli sa akin bago tumingin sa katabi nito. "Go ahead and start your practice. I might have to leave now."
Ngumiti naman si Tres saka hinalikan sa pisngi ang boyfriend niya na nagpaiwas sa akin ng tingin sa kanila. "Drive safely, Jeff."
Ngumiti lang muli si Jeff bago tuluyang umalis. Si Tres naman eh pinapasok ko na kesa hayaan ko siyang nakatambay sa labas.
Nang maisara ko na ang pinto ay dumiretso na kami sa sala pero saglit kaming nadaan sa kusina ko kung saan nakapatong sa lamesa ang pancakes na binili ko kanina.
Nakita ko namang napatingin si Tres sa paborito niya kaya kahit papaano ay napangiti ako. "Kumain ka na ba ng almusal?" pasimple kong tanong sa kanya.
Her eyes were still stuck on the pancakes as she slowly shook her head. But then she blinked numerous times before nodding. "I... I had breakfast with Jeff. This... this morning."
Para bang pinipilit niyang iiwas ang tingin sa pancakes na mas nagpangiti sa akin. "Ganon ba? Sayang naman yung pancakes. Kawawa naman at hindi sila makakain," pang-aasar ko na sinundan ko pa ng pagbuntong hininga. "Well then, I guess I'll eat them all later while we're on practice—"
"I—I changed my mind. I... I think I would want to have that," halos pahina nang pahina niyang bigkas habang nakatitig muli sa pancake. Hindi ko naman napigilan ang mahinang tawa dahil sa reaksyon niya. Kaya naman agad siyang lumingon sa akin saka ako sinamaan ng tingin. "What are you laughing at?"
Inayos ko ang sarili ko bago tumikhim at umiling. "Wala ah. Ako? Tumatawa? Ba't naman?" Saka ako ngumiti ng painosente. "Tara na. Kumain muna tayo ng almusal bago magsimula."
Tinanguan naman niya ako kahit halatang masama pa rin ang tingin sa akin. Nginisihan ko na lang siya saka ipinaghila ng upuan. Balak ko pa sanang hilahin lalo palayo nang malapit na siyang makaupo pero naalala kong mabait nga pala dapat ako kaya inayos ko ang uupuan niya.
Nang masigurong ayos na siya ay umupo na rin sako sa upuang katapat niya. "Dasal muna tapos kain." I did the sign of the cross before closing my eyes. "Lord, thank you for giving us another day to live. May you continue to shower us with your blessings, and may you bless this food in front of us to give us strength for this tiresome practice. Pinagdarasal ko rin, Panginoon, na paki bawasan ang pananaray sa akin ni Tres." At sana po ay maghiwalay na sila ng boyfriend niya. "Amen." I once again did the sign of the cross before opening my eyes just to see Trecia glaring at me. "What?" mala-inosente kong tanong sa kanya.
She rolled her eyes at me before diving into the pancakes. Halata namang gustong-gusto niya ang kinakain niya kaya naman tumayo akong muli para naman ikuha siya ng paborito niyang chocolate milk.
I handed her a glass which I think surprised her. "Here. Baka mabilaukan ka kasi," nag-aalala kong wika sa kanya.
After recovering from a sudden state of shock—pfft. Ba't kasi mukhang gulat na gulat siya? Dadalawang taon pa lang naman kaming hiwalay ah. Tingin ba niya talaga eh kaya ko siyang kalimutan nang ganon-ganon lang?—Tres slowly accepted the glass. "Thanks." Uminom muna siya saglit habang papaupo na naman ako sa pwesto ko. Once done, she put down the glass and slightly looked at me. "What is it you want, Myers?"
Napakunot naman ang noo ko saka nalilitong napatingin sa kanya. "What do you mean what do I want?"
"Don't act like a fool. You know exactly what I meant," she scoffed.
I let out a deep sigh. "Nothing. I want nothing from you." Nang hindi pa rin siya naniniwala sa sagot ko ay muli akong nagsalita. "I only wanted to thank you." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya saka nagpatuloy. "I'm fully aware that teaching me the ropes when it comes to acting—to these kinds of stuff isn't part of your job. Plus the fact that I know you don't wanna be with me yet you're doing your best to teach me is commendable. So yeah... I just wanna thank you. That's all."
I also wanna steal you, but that's for next time.
Saglit kaming natahimik na dalawa. Pareho rin ata kaming hindi natuloy sa pagkain at nakatulala lang sa kung saan pa man. Nang hindi ko na kinaya ang katahimikan ay muli na lamang akong nagsalita pero iba na ang topic. "Anyways, tapusin na natin itong almusal para makapagsimula na tayo." Pinilit kong tumingin sa kanya habang nakangiti. "Script reading naman na tayo, diba? Tara na."
Nagmamadali akong tinapos ang pagkain ko saka siya hinintay para maligpit ko na ang pinagkainan. Hindi naman nagtagal ay pareho na kaming nasa sala at hawak ang kanya-kanyang script.
Nang mabasa ko ang part kung saan ay palitan kami ng linya ni Tres ay saka ko lang naalala kung gaano ka-awkward ang mangyayari. I cleared my throat before saying my lines. "Would you stop running away from me, Katrina?"
"No! I would never ever stop trying to get away from a cheater like you," puno ng emosyong bitaw ni Tres sa linya niya. "Did you think I wouldn't know? Did you really think that my love for you will keep me from seeing your unfaithful deeds, you bastard?"
"Let me explain, Katrina—"
"What more to explain, Simon? You cheated on me. You cheated with a woman you labeled as your best friend."
Saglit akong huminto para huminga at dahil 'yun din ang nakalagay sa script. "Katrina, please... believe me... I love you—"
"I do believe you, Simon. I do believe that you loved me, but never as much as you loved her." Saglit siyang tumigil. "Now, let's do each other a favor and stop this unfair relationship, hmm? I love you, Simon, but I need to know how to value myself. Goodbye."
The scene ends there kaya naman napabuga ako ng hangin saka napatingin kay Tres, only to see her wiping her tears. Nagpa-panic naman akong inabutan siya ng tissue. "A-Ayos ka lang ba?"
My worry ended when I saw and heard her soft chuckle. "Yeah, I'm fine. I just got away with the scene and lines."
Napatango naman ako. "Ahh oo nga pala, ganyan naman talaga dapat yung mga artista para damang-dama rin ng mga manonood yung emosyon sa palabas." I let out a small smile. "Kaya ka pala sobrang effective na actress, pati sa practice eh ramdam na ramdam mo yung character mo."
I saw her bitter smile. "Yeah... That's exactly the reason why I'm tearing up." After wiping her tears, she mumbled something that I wasn't able to comprehend, so I let it go and proceeded to practice a few more lines with her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top