CHAPTER FOUR


CHAPTER FOUR

IVAN'S POV

Nasa loob kami ng pamangkin ko ng mall para mamili ng gusto niyang bilhin. I really do prefer to be a spoiler uncle anyway, so I'll just let Martha be.

"Tito Jes, are we going to buy colors now or we're going to eat first?" cute na tanong ng napaka-cute kong pamangkin. Sinamahan niya pa ng pout niya at paghimas sa tiyan niya. "I think my tummy's a bit grumpy."

Mahina naman akong natawa kasabay ng pagtigil namin sa paglalakad at pagbaba ko para mapantayan siya. "Whichever you prefer, my favorite niece. Your best uncle will give it to you."

Martha giggled showing both of the dimples that she got from her mom. "But Tito, I am your only niece."

I faked gasps. "Oh no." Lumingon-lingon pa ako sa paligid. "Don't say it out loud. Baka malaman ng mga taong napaka-gwapo ng tito mo." Martha giggled once again, which put a smile on my face.

"Let's go eat first, Tito Jes!" pang-aaya ng pamangkin kong agad kong sinunod.

Ilang saglit pa kaming naglakad bago nakarating sa paborito niyang restaurant. Dapat talaga kasama namin ngayon si Ate eh! Mas inuuna pa niya ang trabaho niya't ama ni Martha kesa sa sarili niyang anak. Napailing na lang ako saka kami naglakad papunta sa lamesa namin.

Nang matapos makapag-order ay hinayaan ko na lang si Martha na mag-drawing sa dala-dala niyang mini sketchpad at hindi ko na inistorbo. Ito nga talaga siguro ang sinabi ni Ate sa akin na ito ang pagkakatulad ni Martha at ni Martina. Muli akong napailing.

Ito talaga ang isa sa mga rason kung bakit ayoko nang pumasok sa kahit anong relasyon. Lahat komplikado. Pakiramdam ko ay ayaw ko na rin magka-anak at tama na sa akin na may pamangkin na lang akong ini-spoil.

"Here's your order, Ma'am, Sir," anang waitress habang nakangiti at inilalapag ang mga pagkain sa mesa namin. Nang matapos siya ay bahagya pa itong yumuko. "Enjoy your meal. Have a great day."

Sabay kaming nagpasalamat ni Martha saka nagsimulang kumain. "What do you think about their food, Martha?"

She paused eating and brightly smiled at me. "It's still my favorite, Tito."

That made me smile as well. "I'm glad to hear that. Tapusin na natin kaagad ito para mas matagal tayong makakapag-ikot ikot."

Masaya namang tumango ang bata saka nagtuloy sa pagkain. Malapit na sana kaming matapos nang biglang dumami at lumakas ang bulungan ng mga tao sa mga katabi naming lamesa.

"Oh my gosh! So it's true?" naririnig kong bulong nung isang babae.

"She's here! She actually came to the Philippines! May shooting kaya sila dito o bakasyon lang?" tanong naman nung isa.

Napakunot naman ako ng noo. Angas ah! Artista na naman! Tsk. "According to the rumors, she broke up with her co-actor boyfie kaya kailangan niyang lumayo-layo at magbakasyon dito."

"OMG! Hindi ba't yung leading man niya sa latest movie niya ang ex na niya?"

"Yes, yes! Sayang naman. Bagay na bagay pa naman sila."

Napailing na lang ako saka itinuloy ang pagkain, kaya lang mas lumakas pa ang chismisan ng mga babae. "OMG! OMG! Papunta siya rito! Magpapicture kaya tayo?"

"Hala! Teka lang! Nakakatakot kaya yung taray features ng face niya at baka mamaya eh tanggihan tayo."

"Ano ka ba? Try lang natin. Tara na." Nag-aalangang tumayo silang dalawa at umalis na ng pwesto nila. Pansin ko namang papalapit ang dalawa sa pwesto ko kaya pakiramdam ko ay nasa likuran ko lang ang artistang sinasabi nila.

Tss. Wala naman akong pakealam sa mga sinungaling at mga pekeng artistang 'yan eh. Wala silang alam kung hindi ang umarte. Walang totoo sa kanila.

Babalik na sana ako sa pagkain nang muling magsalita ang isa sa mga babae. "Miss Trecia Davies, can we take a photo with you?"

"Oh. Sure." Pakiramdam ko ay natigil ako sa paghinga nang klaro kong marinig ang boses nito.

One of the fans squealed, pulling me out of my reverie. "Thank you so much! You're so pretty!"

"Thank you," she replied. She didn't even sound thankful but it's normal. Panigurado namang hindi iyon napansin ng mga babae.

"Tito Jes, I wanna wiwi po," bigla namang sabi ni Martha.

Pilit akong ngumiti. "Okay, princess." Akmang tatayo na ako para samahan siya nang pigilan niya ako.

"I can manage, Tito." Itinuro niya ang pinto ng CR. "It's just so near, Tito Jes."

Napabuga naman ako ng hangin nang makuha ko ang sinasabi niya. "Can you really?" nag-aalala kong tanong.

Martha widely smiled at me. "Of course, Tito Jes. I'm a big girl."

Nangingiti akong napailing. "Okay, fine. I'll wait here."

My niece seemed pleased with my response. "Thank you, Tito! You're the best, the most handsome, the kindest, the most amazing tito ever."

Mahina naman akong natawa. "Nako! Binola pa ako. Pero totoo naman, can't deny that fact."

Napabungisngis naman si Martha bago tuluyang nagpaalam at pumunta sa CR. Nakatanaw lang ako sa kanya at hindi inaalis ang tingin sa pinto ng CR. Sumubo muna ulit ako dahil medyo nagugutom pa rin naman ako nang may tumigil sa tapat ng lamesa namin.

Sa isiping waitress ito ay nakangiti kong inangat ang tingin ko, para lang mapasimangot nang makita ang mukha nito. Ibinalik ko ang tingin sa pinto ng CR saka muling ibinigay ang atensyon ko sa pagkain ko.

"Oh my! Sino siya?" rinig kong sinabi ng isa sa mga babae kanina.

"In fairness, gwapo si guy." Gwapo talaga ako.

Napailing na lang ako saka bumuntong hininga nang mapansing hindi pa rin siya umaalis sa tapat ng lamesa namin. "Alam mo? Nakakawalang gana ka kaya please lang, kung wala kang sasabihin. Usong umalis kasi nagsisimula na silang magchismisan at damay ako. Baka mamaya eh dagsain nila ang kagwapuhan ko."

Muli akong sumubo kaya lang ay naubo ako nang marinig ko ang tanong niya. "Your daughter?"

Agad kong inabot ang baso ng tubig saka uminom. Nang maging maayos ang paghinga ko ay saka ako tumingin sa kanya. "Pakealam mo ba?"

She shrugged. "Humor me," seryoso niyang saad.

"Hindi ako comedian," sabi ko saka tumuloy sa pagkain.

"Seriously, Ivan. Is she your daughter—"

"I'm his niece, Miss pretty," biglang sagot ni Martha na nasa likuran pala ni Tres. Nang lingunin namin siya pareho ni Tres ay mas ngumiti ito habang nakatingin sa ex ko. "Hi po! I saw you in a movie. Are you an actress po?"

Nanatiling tahimik si Tres kaya naman nilingon ko siya. Nakatitig lang naman siya kay Martha bago tumikhim saka sumagot. "I am. What's your name?"

Martha politely smiled. "I'm Martha Therese Myers po, and you are?"

"Trecia Davies."

Agad naman akong napatingin kay Martha saka nakitang nanlalaki ang mga mata niya. Bigla naman akong nilingon ni Martha saka nagtatanong na tumingin sa akin. Sinesenyasan ko siyang quiet lang saka nag-please kaya naman napabuntong hininga ako nang makitang ngumisi ito bago muling tumingin kay Tres.

"Do you know my Tito Jes po?" Martha sweetly asked. I know that smile! That's not sweet at all!

Napatikhim naman si Tres at mukhang nag-aalangan sa pagsagot kaya inunahan ko na lang. "Nagtatanong lang siya, my sweetest princess." Pinandilatan ko naman si Martha pero mas ngumisi lang siya.

"Ah... what was she asking, Tito?"

"If you're his daughter. Since I saw you and you looked somehow familiar. But I guess I was mistaken after all," sagot naman ni Tres. Taray! Sanay na sanay magsinungaling ah. Ganyan talaga kapag artista.

"Is that so po? Well, I am not my Tito Jes' daughter po. My mom's name is Theresia Myers po," nakangiti pa ring sagot ni Martha. "My Tito Jes is single po, if you're curious," dagdag pa nito. I mentally facepalm.

"Ahh... I'm not interested, but thank you for sharing. I have to go now, my food is here," pagpapaalam nito saka bumalik sa sariling lamesa.

Agad namang umupo si Martha sa pwesto niya kanina saka nang-aasar na ngumiti sa akin. "So she was your girlfriend. Right, Tito Jes? She's really pretty," pang-aasar pa lalo ni Martha.

Sinamaan ko lang naman siya ng tingin kaya lang ay mas lalo siyang nang-asar. Tinapos na lang namin ang pagkain namin saka umalis ng restaurant. Kumaway pa nga si Martha kay Tres bago kami tuluyang nakalabas eh.

Napailing na lang ako saka niyaya si Martha na bumili na ng mga kailangan niya. Kaya lang habang binabayaran ang pinamili niya ay bigla siyang nawala. Akala ko ay tumitingin lang ulit ng crayons pero naka-abot siya sa kabilang store, at doon ko nakitang kausap niya si Martina.

Nalintikan na nga. Yari ako nito kay Ate eh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top