CHAPTER ONE
CHAPTER ONE
FELINE'S POV
"Another controversial case of Darren Dimaculangan, an award-winning actor, was won today by his lawyer, Attorney Feline Morse. It was said that—"
I deliberately turned off the television as the news became annoying in my ears. I really did not like to be involved in any showbiz or celebrities, but my mother asked me to take that case since the actor involved was a family friend — not my friend though.
Anyway, the case is done and I won it naman. Mama even called this noon, congratulating me for winning that case. Her friend, the mother of that actor, also wanted to extend her gratitude — which means I'll be receiving an expensive limited edition bag, na most likely ay mapupunta lang din kay Mama dahil hindi naman ako mahilig sa ganon.
I let out a deep sigh and put down the printed article that I was reading, in order to pull out my phone from my purse and spend my free time in a more relaxing way.
"Welcome to Mobile Legends."
I set my game and chose Lylia for this play. I was focused on playing and just focused on doing my best when I heard the kitchen door open and closed.
"Ma'am Pelin, gaano ho kayo katagal mananatili rito? Kung pupwede po sana ay uuwi muna ako sa Pinas bukas dahil dinala raw po sa ospital ang bunso ko." I could sense the tremble in her voice as she spoke those words. Nanay Ime was even trying to sound calm but was miserably failing.
I know it was rude but I had to keep my eyes on the game or else my team would lose. "Nay, ayos lang po. Sabay na lang tayong umuwi bukas. May kailangan din naman akong asikasuhin — ah shit! Ano ba 'tong Aamon na 'to parang 'di marunong." I typed a short-length of curses for that user of that hero. "Anyway, as I was saying, Nay, sabay na lang po tayo, tapos sapat na po ba ang pera ninyo?"
"Ayy oo. Marami na rin naman akong naipon sa dami ng bonus na ibinibigay mo sa akin. Ayaw lang din sana kitang maiwan ditong mag-isa."
Halos maibato ko sa gigil ang cellphone ko nang matalo kami. Ibinaba ko naman na iyon saka hinarap si Nanay Ime na mukhang malapit nang umiyak. "Basta po kung kakapusin ay magsabi na lang po kayo sa akin. Ayos na po ba ang gamit niyo para bukas? May ticket na po kayo?"
Umiling naman si Nanay. "Iba-base ko sana sa sagot mo kung ako'y makakabili na ng ticket eh."
Ako naman ang napatango saka inabot ang laptop kong nakabukas pa rin. "Sige, Nay, ako na po ang bahala sa ticket. Ihanda niyo na lang po siguro yung mga gamit niyo po, tapos balitaan ko na lang kayo."
"Maraming-maraming salamat po, Ma'am Pelin. Aayusin ko na rin po ba ang sa inyo?"
"No, no. Ako na pong bahala sa gamit ko. Salamat na lang po." Muli pa siyang nagpasalamat sa akin bago tuluyang pumasok sa maid's bedroom.
As for me, I began booking our flights. From Thailand and back to the Philippines. Kumusta na kaya sila Tres at Tina? Kahit papaano ay nakaramdam ako ng excitement sa isiping baka magkita-kita kami. Ang huling beses kasi na nakompleto kami ay noong binyag ng kambal ni Martina. Ano na kayang nangyari doon sa isang suplada? Mahina akong natawa saka itinuon ang atensyon sa pag-boo-book.
Nang ma-secure ang flights namin ay tuluyan nang nawalan ako ng oras para sa ML. Inilabas ko na ang app saka akmang ibabalik ang phone sa purse nang may mag-notify na message mula kay Khyla, ang paralegal ng firm nila. She was telling me to check my email since may ipinadala raw tungkol sa incompetency and inflicted harm na gustong dalhin sa korte ng nagrereklamo dahil ayaw magbigay ng compensation ng inirereklamo.
Napabuga naman ako ng hangin saka chineck sa laptop ang email na sinasabi ni Khyla. I reviewed the document twice in order to fully understand the scenario. Well, ang client pala namin sa case na ito ay ang inirereklamo, and according to him, he was sure that the order that was made for the customer was made out of fresh and clean ingredients. And most especially, the complaint of the customer seemed to be too much.
Bahagya akong napahinto sa pag-iisip saka napahilot ng sentido. According to our client, who happens to be the baker of the cake that was ordered, he took notes of the mentioned allergies of the customer, therefore, he double-checked all the ingredients that he used for the recipe.
I took a deep breath in. The bakery involved happens to be very familiar to me. Twisted Muffins... Is that exactly it? Twisted Muffins kasi ang brand ng cookies at breads na binibili ko araw-araw dito sa Thailand. Dito ko rin siya unang natikman kaya medyo nagulat pa ako na sa Philippines pala nag-originate ang bakery na 'yon.
So kung ang issue nga ay incompetence ng baker, maaaring makasuhan siya kung ayaw magpaawat ng complainant lalo pa't dinala sa ospital ang may birthday. Ayaw rin naman magbigay ng compensation ng baker, sana nga lang ay may solid evidence siya na nagpapatunay na wala siyang kinalaman. Medyo magkakaproblema rin kung ang CCTV lang ng paggawa niya ng cake ang ebidensya niya, lalo na kung hindi naman nakikita talaga sa screen kung ano ang mga inilalagay niya sa niluluto niya.
Mas lalo akong napaisip. Mukhang ito ang una kong tatrabahuin pag-uwi sa Pilipinas ah? And here I thought I would be having even a little more free time. Konting luwag lang naman ng schedule ang hinihiling ko, bakit ba parang ang hirap-hirap nun ibigay sa akin?
Napailing na lang ako saka nag-type ng reply na tinatanggap ko ang case na iyon at sabihan ang client na mag-uusap kami sa susunod na araw tungkol sa bagay na iyon. Sinabihan ko na lang din, through text, si Khyla na sabihan ang client na sa main branch na lang ng Twisted Muffins kami mag-usap. Hindi ko na lang isinama ang rason na gusto kong makita ang mas marami pang cake at baked goods dahil baka kung anong maisip nun.
May munting ngiti sa mga labi ko nang patayin ko ang laptop. More cakes and cookies, I shall come for you.
H | Z
Hello po to my Ate Feline. Pasensya na po at inabot na ata ng dalawang taon bago ko nasimulan itong story mo po. Nawa'y magustuhan mo po ito at masunod ko pa ang mga nais mo pong mabasa at mangyari sa story. Hindi ko man po magawa lahat ng request, nawa'y mabigyan ko pa rin po ng justice ang story ni Fel.
Love you, Ate Fel! Stay safe and may you be happy with your life. <33
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top