Chapter 22

Napabalik ako sa realidad, naanod na naman ako ng isipan ko. Si Pablo ay ang lawak nang ngiti habang nakamasid sa aming huling participants, tumalikod siya at nagsalita.

“Listen everyone! This is the ideal position when playing this game with a partner,” masigla niyang saad na pinalakpakan naman ng mga nanonood. I straighten my back, resulting to my shoulders tensing up more.

“Relax, I got you.” Bulong nito sa paraang gusto niyang humupa ang nararamdaman kong kaba. Hinigpitan niya ang hawak sa aking balikat na hindi masakit sa balat.

Napalunok na lang ako nang lumapit sa pwesto namin si Pablo. I was hoping he'll pass by, but he stopped right in front of me.

“I was looking for this and they have executed the vision perfectly.”

Nag tama ang tingin namin ni Pablo, he's smiling like it's a win. I am probably looking like I am lost and confused. He doesn't have any mask to cover his identity. I guess he didn't participate for the prize.

There is a prize when no one guessed who is who up until the end of this ball. Hindi ako nag sign up dahil I want to enjoy with my friends, and also don't want to be left alone.

Although I used a mask.

“This blue pair is the example!” He pointed us with his hands. Napalingon ako kay Terry, not even bothered about what's happening now. At this point I'm starting to sweat and my eyes are all around the hall, trying to avoid any eye contact.

All eyes are on us.

I need to divert my attention. Ano nga ang sinabi niya kanina? Blue pair. What does he mean by that?

Tiningnan ko ang suot ko at ang suot ni Terry, we do have the the same color of clothes but in different shades. Mine as sparkling sky blue and his as a darker sky blue like the night sky.

Hindi ko man lang napansin, tiningnan ko sila tito para kumpirmahin kung kami lang talga ang naka-blue. They're in the shade blue, not all but Darvin is. Hindi ko napansin mga suot nila kanina, masyado akong nagiisip sa sulat na iyon.

“Do you mind if I ask?” na gulat ako ng bumulong si Pablo sa amin, alanganin akong tumango habang nakatingin kay Terry. Agad akong napailing ng umiling siya, masayang napapalakpak si Pablo.

“Kay gandang mag partner! Do you agree?” sigaw niya sa mic na siyang ikina-ingay ng mga tao.

“It's like I'm watching a movie scene!”

“The guy is screaming hotness!”

Napangiwi ako ng sumigaw ang isang babae, hindi ko inaasahan na isisigaw niya ang salita na iyon. Sunod-sunod ang hiyawan nila, sumasang-ayon sa isinigaw nito. Napalingon ako kay Terry ng maramdaman ko ang galaw ng kanyang kamay.

“Okay ka lang?” tanong ko habang nakatingin sa pawis na tumulo sa kanyang leeg. Sumilip siya sa akin habang tinatanggal ang isang butones sa suot niyang polo.

“I am.” Sagot niya at humarap ulit kay Kevin. Hindi na ako nag tanong pa, halatang aya niya ipaaalam kung ano ang nangyayari sa kanya. He's complexion says otherwise. Namumuti ang mga labi niya, hindi lang halata dahil siguro sa suot niyang lipbalm.

“Now for the question I have,” bumalik na lamang ako sa pakikinig kay Kevin. I need to remind myself that I shouldn't be concerned to any of his problems. Hindi naman kami super close to know his personal problems.

“What made you thing of this pose?”

Napalunok ako nang biglang tumapat sa akin ang mic, napatitig lang ako sa kanya habang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ako handa sa ganito. Hindi naman sinabi na may Q and A portion, kung am ko ang edi hindi sana ako sumali.

I mean I get it, impromptu is expected from an officer like me but it doesn't mean I'm an expert. Kailangan ng mahabang preparation. The days of practices on how the sentence will be delivered, it takes me hours.

“I–uhm...”

I tried to start with something, para kahit papaano hindi tumagal ang katahimikan ng buong gymnasium.

“I'll take it here,” bulong ni Terry at kinuha ang mic sa harapan ko. Tulala ay tumango ako, napayuko na lang ako sa kinauupuan ko at huminga nang malalim. Kaunti na lang ay gusto kong tumakbo papalayo.

“Hello, to simply answer your question,” simula niya sa malalim niyang boses. Napapikit ako, pinapakalma ang nanginginig kong mga kamay. I need to stop shaking.

“The theme is masquerade. Main inspiration are royalties, as for us we dressed up as king and queen.” Sagot niya na parang iyon talaga ang nangyari pero hindi naman totoo ang mga sinabi niya.

Napaniwala nga niya ang mga nakikinig dahil sa ilang singhap na narinig ko. Nakahawak pa rin siya sa akin habang sumasagot. Ilang malalim na paghinga ginawa ko ay umupo na ako nang maayos, nakakahiya na nakayuko pa rin ako sa tabi niya.

“I'm the king, she's my queen.”

Sumigaw ang lahat ng mga nakikinig, nag tatalon sa hindi ko am na dahilan. I know it's a pair pero it's a fake answer. Kailan pa niya naisip ang mga sagot niya?

“What a great answer! Umuwi na tayo, panalo na oh!” biro ni Pablo at natatawang bumalik sa stage. Naiwan akong namumula sa kinauupaun ko habang hindi pa rin humuhupa ang ingay ng mga tao.

“Let's continue! Goodluck blue pair!”

Nagpatuloy ang larong musical chair, sa ikalawang play ng music ay hindi ako makatingin ng deretso kay Terry. Yung paghawak niya sa aking kamay ay iniiwasan ko kapag kaya ko naman ang paglakad ko.

It was awkward for me the whole time he tries to help me seat and stand each round. Nagpapasalamat ako ng mawala na kami sa game, hindi ko na naisip ang magiging resulta dahil nasa isip ko lang ay lumayo sa kanyang tabi. I want to think.

Why did he say that?

Out of all the options?

I'm overthinking.

“Good job insan!” nagising ako sa sigaw ni Kuya Saun na kasama si Keanna na nakangiting lumapit sa akin. Ngumiti ako sa kanila na kasabay naming natanggal sa round six ng laro, natanggal dahil naunahan.

“You did well.” Sabi ni Terry at nauna na sa lamesa, naiwan akong nakatingin lamang sa kanya na umupo sa kanyang pwesto.

“Ate, what do you think?”

Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Keanna. Nakangiti siya habang naka-abang sa sagot ko, napaayos ako ng maskara ng hindi ko makita ang mukha ni Keanna.

“It's great?” alanganin kong sagot. Not sure what question am I answering. Napunta ang tingin ko kay Kuya Saun na nakatitig lng sa akin, tila may iniisip na malalim. Ngumiti ako sa kanya at humawak sa kanyang braso.

“Gutom ako,” reklamo ko habang malungkot na nakatingin sa kanya. Hinila ko na rin si Keanna para sumabay na sa akin na kumain.

“Gutom lang pala ang prinsesa namin,” may himig na ginhawa sa kanyang sinabi, hindi na siya nagtanong pa at sinamahan kami sa kuhaan ng pagkain.

Napahinga ako ng maluwag dahil kahit papano ay nakalimutan niya ang kanyang iniisip, alam ko may napansin siya sa akin. Siya ang pinaka matalas ang mata, alam niyang may nagbago o may mali.

Lalo na at binabantayan ako nito, bilin ni tito at nila kuya. Kaya kung ano man ang nakita niya ay kailangan hindi niya bigyan ng oras para mag-isip, may mahahanap siya doon.

“Ate, baka naman maka-share ka kung ano ang ganap niyo ni kuya Terry kanina.” Napatigil ako sa pagkuha ng lumpia, nasa tabi ko si Keanna na sumasandok ng adobo.

Kanina pa siya tanong nang tanong, sinasagot ko naman pero ngayon ay napatigil ako. Anong isasagot ko sa tanong niya? Na titigan lang at munting silip ang nangyari sa amin?

“Wala naman,” nagtuloy na lang ako sa pagkuha ng mga nagustuhan kong pagkain. Hindi kumibo si Keanna kaya nilingon ko siya, nakangiti ito nang malawak habang naka tingin sa akin ng kakaiba.

Kunot noo siyang tiningan. Ano naman ang iniisip niya at kung maka tingin parang may ginawa ako na kailangan malaman niya. Yung tipong ‘weh?’ ang dating.

“Weh?” napailing na lang ako at tama nga ang na-interpret ko sa pinapahiwatig niyang tingin. Bumalik na ako sa lamesa ko, kasama sila Jess at Zel.

“Silence means yes,” pasigaw niyang sabi at humawak sa braso ko, napasinghap ako nang muntikan na mahulog ang hawak ko. Ngumiti lang siya sa akin at nakangiting sumabay sa akin.

“No, wala lang talaga.” Umiling lang ako sa sinabi niya. Wala naman talagang ganap kundi ang kahihiyan na naramdaman ko at ang nakakalitong ikinikilos ni Terry.

Akala ko aalis na siya pagkarating namin sa lamesa kung saan kumakain na si Zel, si Jess naman ay kararating lang rin galing banyo.
Hindi ata babalik sa mga kaibigan niya, sa kabilang side ng gym ang lamesa nila.

“Keanna, ikaw ba iyan?” tanong ni Jess habang hinihila ang upuan niya. Umupo na rin ako at hinayaan silang mag-usap, kahit papaano ay nakalimutan niya.

After the dinner ay nag pa games pa sila ng mga ilang laro, charades, pass the message, trip to Jerusalem, at marami pa na dinagdagan nila ng twists. Hindi ko lahat sinalihan dahil hindi ko kaya ang energy na nilalabas nila, masyadong energetic.

Isang rason rin ay wala akong kasama na sasali sa games, hindi ako sanay na ako lang sasali na hindi man lang sasali ang isa sa mga kasama ko. Nasanay kasi na kapag may mga ganito ay kasama ko ang mga kuya ko.

Kaya the whole duration ng games ay nakaupo lang ako habang nakikinig sa mga cheers. Pa minsan-minsan ay may kwento sila Jess, mostly tungkol sa mga nangyari sa booth. Hindi kami nagkaroon ng oras para magkita sa dami ng mga dumalo.

About the booths, fortunately naging successful ang kinalabasan ng dalawa. Our horror booth and cafe gain a lot of positive review, being the most engaging hosts.

That's thanks to all my classmates being hands-on to customers that come and go. Hindi ako napapagod na pagsabihan sila tungkol sa costumer service, dapat masayang papasok ganun rin pag labas.

In two days pa naman ang awarding kaya hindi ko masyadong binibigyan pansin, this traditional ball they call is a rest day for all of us. The goal is to have fun and enjoy the activities of this seven days funfair.

I should enjoy too.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top