Chapter 20
Nakaupo ako ngayon sa malaking round table, kasama sila Jessie at Hazel.
It's been an hour after our entrance, dumating na rin si tito kanina. Nasa kabila silang table kasama ang mga lalake, Tito, Kuya Saun, kuya Cullen, and Terry.
Kahit saan pwedeng umupo ang mga students, juniors and seniors can be in one table. Si Keanna naman ay nandoon sa mga kaibigan niya. She can't relate daw sa mga usapan namin kanina.
The flow of people here is smoothly running, wala pa naman ang master of ceremony dahil may mga students pa na hindi nakarating. Masyado lang kaming maaga na nakapasok dito, almost all of the tables are still vacant.
“Janjan, do you know them?” turo ni Zel sa likod ko, lumingon naman ako doon at napangiti. Ngumiti rin sa akin ang tinutukoy ni Zel. Tumango ako sa kanya ng pinakita ang pagkain na hawak niya.
“Pinsan ko.” sabi ko habang nakatingin pa rin kay kuya Saun na ngumunguya ng pagkain. Hindi ko alam kung saan siya kumuha, hindi pa naman nakabukas ang mga pagkain sa table kung saan naka-display ang foods.
“Hindi mo sinabi na pinsan mo, he's cute.” Nanlalaki ang mata ko na tiningnan si Zel, lumingon ako kay Jess na natatawang nakatingin sa akin. She's complimenting my cousin. It feels weird hearing it up close.
“Stop that Zel, ka-age niya si kuya Calyx.” And he is three years older from us, senior namin. Gusto ko i-dugtong pero hindi na lang ako nag salita nang makitang hindi na rin naman siya nakatingin doon. Tumahimik ang table namin nang marami na ang mga tao.
“Bonga ang mga dress,” puna ni Jess habang nakatingin sa bawat dumadaan.
“Kahiya naman itong dress ko na nagamit ko na sa nakaraang ball.” Malungkot niyang sabi habang nakatingin, tumayo siya sa harapan namin at ipinakita sa amin ang kabuuan ng suot niya.
“Ganda mo na Jess, you're fine.” Tumango ako sa sinabi ni Zel, maganda talaga siya sa red trumpet shaped gown na suot niya ngayon. Perfectly hugging her curves that most girl wants to have. She's wearing her black mask designed with red sequins, and a feather to make the look elegant.
“You're bluffing Zel, palagi mo nakikita mukha ko.” Lumingon siya sa akin at ngumuso, “what's your say with my look Jah?” napalunok ako habang nakatingin sa kabuuan ng mukha niya.
“You're gorgeous Jess,” ngiti ko at tumayo, lumapit ako sa kinatatayuan niya at sinuri ang buong suot niya.
“Reusing clothes doesn't matter, as long as you're confident, you're good to go.” Nakangiti akong tumititig sa kanya matapos ko masabi ang nasa utak ko. I may not be confident with my clothes, but my older brother does.
I saw their wardrobe a million times, and never– not even once that I witnessed someone talking about how my brothers are reusing clothes. Kahit pa sa occasions namin ay wala dahil may confidence sila.
They bring the clothes, not the other way.
“Ayieeee, sige na lang,” kinikilig na saad niya habang umiikot-ikot, “maganda talaga ako hehehe.” dugtong niya.
Napailing ako at hinila siya ng muntikan na siyang mabunggo ng isang babae. Nagpaumanhin kami at bumalik na si Jess sa kanyang upuan.
Pumunta naman ako kay tito ng sinenyasan niya akong lumapit. Medyo dumadami na rin ang mga tao kaya baka hindi niya ako matawag kasi maingay na. Napayuko ako ng kaunti ng makalapit ako sa table nila.
“Pinsan!” napailing ako habang naka tingin kay kuya Saun na ikinakaway ang manok na hawak niya.
“Kain ka, oh!” sabi niya matapos niyang lumunok. Napatawa na lang ako nang lingunin siya ni tito at pinanlakihan ng mata, ang kulit rin kasing kumain.
Pinagtitinginan na nga siya ng mga tao sa kabilang table eh. Tumango ako ng senyasan ako ni tito na umupo sa upuan na nasa tabi niya lang, walang naka upo roon dahil apat lang sila sa pang anim na lamesa na ito.
“Gutom ka na ba? I can get you some.” He asked concerned. Lumingon siya sa bandang stage at itinuro ang mga taong naka tayo doon, parang mga hired waiters dahil naka suot sila ng white long sleeved polo, they look like butlers with their attire.
“I'll just ask the waiter to get you something,” may himig ng pag-aalala sa kanyang boses habang naka tingin sa akin, umiling ako ng pinakiramdaman ko ang katawan ko. Hindi pa naman ako gutom, siguro nauuhaw lang.
“Just a little bit thirsty tito.” Tumayo naman siya ng masabi ko ang gusto ko. Magsasalita sana ako na si kuya na lang nang itinaas niya ang kamay niya na agad na tinugunan ng tao doon, umupo na siya ulit nang makitang lumalapit na ito sa pwesto namin.
“Do you serve drinks?” tumango naman ang lalaki bilang sagot, tubig lang ang sinabi ko kay tito na kanyang ipinagtaka.
“Hindi mo gusto ng ibang inumin? Juice?” umiling ako sa tanong niya, lumingon si tito sa tatlo na agad rin nag sabi kung ano ang gusto nilang ihatid ng waiter. Umalis na ang waiter para kunin ang mga nailista niya, napatingin ako sa lamesa naming girls ng marinig ko ang tawa ni Zel.
Napailing na lang ako ng tinatawanan lang ni Zel si Jess na muntik ng matapilok sa carpet, nalaman ko dahil nakahawak si Jess sa upuan habang nakaluhod sa sahig.
They're having fun, albeit the program hasn't started.
“Jah,” napalingon ako kay tito na ngayon ay nakatuon ang atensyon sa akin, napa-ayos ako ng upo dahil sa mga mata nilang nakatutok sa akin.
Hindi ko alam kung bakit nandito si kuya Cullen, kahit pa sabihin na bestfriend niya si pinsan ay wala na ba siyang friends pa? I don't mind though, just curious.
“You should have told us about the invitation,” mahina niyang sabi na tamang-tama na kaming dalawa lang ang nakakarinig, napayuko ako at napahawak sa dress ko.
“I think you know why we're very careful with you.” Napatango ako habang binabalikan ang mga iniwang sulat nila kuya at papa sa akin, hindi ko alam na totoo pala yung pinagsusulat nila doon dahil akala ko pananakot lang. They've left me advices and I didn't fully absorbed what they meant.
I'm the first-born girl in the family of the Falcon Clan.
Hindi ko ito malalaman kung hindi pa nila sinabi sa sulat na iniwan nila. Wala pa naman akong nakikita sa mga kapatid ni papa kaya hindi ko talaga alam. Not a single relative na nakita ko sa father side kasi busy daw ang mga ito at halos sa ibang bansa sila nakatira.
At isa pa, hindi ako makapaniwala na ako ng kauna-unang babae sa buong angkan ng Falcon. Hanggang sa hindi ko pa nakikita sila upang sabihin sa akin nang harap-harapan ay mananatiling katanungan sa akin ang nakasulat sa kanilang iniwan.
“You need to tell us whenever you feel like your safety is not secured.”
I don't know why the wariness though. Wala naman kasing kinalaman sa safety ko ang pagiging only girl, hindi ko pa nga kilala mga tito ko tapos kailangan kong mag ingat?
Anong gagawin nila if malaman nilang anak ako ng kapatid nila? I don't actually know how many they are in the Falcon family. Kilala ko lang ay si tito Daniel which doesn't count kasi sa mother side siya, silang dalawa lang ni mama ang mag kapatid.
Now I remember, should I also tell them about the suspicious man who was standing outside the house not so long ago?
Napailing na lang ako sa iniisip ko at napalingon na sa stage ng mag simula na sila sa program, isa't kalahating oras ang tinagal para makapasok lahat ng mga invited sa ball na ito. And it's okay naman kasi malaki naman ang gym to accommodate all the students and visitors.
“Good evening, dazzling citizens!” masiglang sigaw nito, nagsigawan na rin ang mga tao sa gym. All in their best dresses and suits, trying to impress anyone who they have interest into, or just their circle of friends.
I can tell that most of them are excited to start the program while some are already trying to find ways to assuage their boredom. Maybe it'll change later, may games pa sila and film showing. I'm excited about this event though, with my friends to accompany me I bet it'll be fun.
“Sabihin mo lang kung may nararamdaman kang kakaiba,” tito said when I took a sip on my water.
Tumango ako sa kanya at tinuon ang atensyon sa opening remarks ng programa na ito. Just like any other programs, ipapakilala nila ang nag sponsor at kung ano ang mga activities na mangyayari ngayong gabi.
Hindi nagtagal ay nagsimula na sila sa kaunting palaro, musical chairs ang unang laro na siyang maraming gustong sumali. Isa na rin ako sa gustong sumali sa palaro, hindi ko magawang tumayo para mag laro dahil sa takot na baka may mangyaring masama.
Dahil ito sa sulat na iyon, para akong langaw na umaaligid sa tabi ni tito at kuya Saun. Yung dapat na nandoon ako sa tabi nila Jess ay nakatago ako sa presensya ng mga lalaking ito, kung si kuya nandito baka hindi na ako mag alala masyado.
Napailing na lang ako at nanatiling nakatingin sa malawak na espasyo na nilaan nila para sa laro. Nakatingin lamang ako sa pag-aayos nila ng mga upuan ay napatingin ako kay tito sa bigla niyang pag tayo.
“Sasali ka tito?” gulat kong tanong habang nakatingin sa kanya na inaayos ang kanyang polo. Hindi naman sa bawal pero halos mga estudyante ang sumali, yung mga guardian ay nakaupo lang at pinagmasdan sila.
Tumawa nang kaunti si tito at umiiling na inilahad ang kamay sa aking harapan. Kahit magtataka ay tinanggap ko ito, tumayo ako at nagtatakang nakatingin sa kanya.
“Halata na gusto mo sumali, samahan na kita.”
Agad akong napangiti sa kanya at niyakap. Natatawa siyang yumakap sa akin gamit ang isa niyang braso, kumalas na ako at hinawakan ang harap ng aking dress. Hirap lumakad rito pero desidido ako maglaro dahil ngayon ko lang ito mararanasan sa ganitong situwasyon.
Nakakamangha kaya na nakasuot kami ngayon ng gown at maglalaro ng musical chairs, yung pag-ikot namin ang inaabangan ko dahil alam ko iikot rin ang suot namin.
დ
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top