Chapter 19

“Ate! Are you done?”

Napahawak ako ng mahigpit sa tuwalya na suot ko, hindi naman sa may makakita pero dahil gusto ko pakalmahin ang sarili ko. It's been half an hour since I am told to get ready.

Today is the first day of the traditional ball they're talking about nonstop. Simula pa lang ng funfair ay bukang bibig na ng maraming students kung ano ang susuotin at kung sino ang partner nila.

They're excited to witness who will be dressing the best and what the students can offer to the eyes of the judge. Judges that are anonymous to the students attending the traditional ball. Sila ang magiging desisyon kung sino ang winner of the queen and king crown.

And most importantly, maraming umaabang sa performance ng magiging winner. In my gathered information, rinig ko lang sa mga kaklase ko, they're expecting it to be the next best performance. The standard that is set by the last year's winner.

With all of their excitement, I didn't find myself feeling the same. It's the opposite for me for the past three days. I'm nervous for many reasons. One minor factor, that is supposed to be the major, is the eyes that'll be looking at me. I don't want any attention. Especially in a crowd that I'm new to it.

The major factor is a recent occurrence. The anonymous invitation card I received from Ricky, it looked like an invitation but the content is not an invitation. It's more like a warning to me.

“Netnet? Are you okay?”

Napalingon ako sa pinto ng malalakas na katok ang nagmula doon. Napalunok ako ng mapansin na matagal na pala akong nakatitig sa repleksyon ko.

I'm not totally naked, just my shoulders. I'm wearing a sweetheart neckline gown, something Keanna picked for me that she knows that will match my beauty.

Ngayon lang ako nakasuot ng gown na ganito ka showy, my past dresses are all closed. My mother picks dresses for me, and later judged by my father and brothers. Parang may instant fashion show kami sa bahay whenever mother and I want to dress up.

Maybe five times in my life that I have worn dresses for the crowd to see, usually for occasional reasons. Kaya ngayon hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa okasyon ngayon. Siguro dahil hindi ito ang normally kong sinusuot at wala dito ang mga kuya ko upang suriin.

Napaigtad ako ng biglang nabuksan ang pinto at ang nag-aalang mga mukha ni kuya Saun at tito Daniel ang bumungad sa akin. Nagtataka akong nakatingin kay kuya Saun ng lumapit siya sa akin at tiningnan ang kabuuan ng katawan ko.

“Are you hurt anywhere?” he whispered while looking at my face.

“You're not answering the door for a minute there.” Napapikit ako ng yakapin niya ako. Kita ko naman sa gilid ng mata ko si tito na hinawi ang shower curtain sa bathtub, parang may hinahanap.

Sunod naman ay ang bintana na kanyang isinara matapos dumungaw saglit. Hindi ko na lang pinansin ang ginagawa niya at lumingon na lang kay kuya Saun na nag aalala pa rin sa akin dahil hindi pa rin ako nag sasalita.

“Did you see something?” bigla niyang bulong habang seryosong nakatingin sa akin, umiling naman ako sa kanya at mahigpit na ibinalot ang tuwalya sa balikat ko.

“I'm fine kuya.” I answered with a confused tone. Tumango naman siya at inaalalayan ako palabas ng banyo. After that sumunod rin si tito na kanina pa lingon ng lingon sa bintana at maingat na isinara ang pinto ng banyo. I shrugged it off.

Siguro may hinahanap or may nakita na ayaw niyang malaman namin. Napatingin ako kay Keanna ng nagaalala itong lumapit sa akin, bumitaw na rin si kuya sa akin at iniwan kaming dalawa ng kanyang kapatid.

“Are you uncomfortable with the dress?” She asked with a gentle tone.

“You can choose another dress if you don't want that.” Umiling ako sa kanya ng malungkot siyang nakatingin sa akin. Hindi naman sa ayaw ko, it's pretty and I'm just adjusting to it.

“Thank you for the dress, Keanna.” I smiled sweetly and twirled for her.

“It's beautiful.” I stopped. Hinawakan ko ang fabric nito at napangiti ulit, lightweight and flowy. I'm sure hindi ako mapapawisan masyado.

“Really?” nagliwanag ang mukha niya at masayang yumakap sa akin.

“Show me the whole look.” Excited siyang lumayo sa yakap at sinenyasan na tanggalin ko ang hawak ko na tuwalya. Napalingon ako kay kuya na ngayon ay nakatalikod sa amin, nag-uusap sila ni tito ng pabulong.

Matagal akong nakatitig sa kanila, siguro isang minuto bago nila naramdaman na may nakatitig nga. They looked at us and smiled. Nag sign language pa ata sila bago lumapit sa amin. They're definitely hiding something.

“Magbihis na kayo, I'll start the car.” Paalam ni tito at umalis na, nagpaiwan naman si kuya Saun. Nakatitig lang kami sa kanya, trying to think what were they talking about.
Napalingon ako kay Keanna ng mag salita ito.

“Kuya, umalis ka nga, magbibihis si Ate.”

Napahinga ako ng maayos ng hindi na siya nag tanong pa at umalis na. Binitawan ko na ang tuwalya at ang sunod na nangyari ay ang walang tigil na papuri ni Keanna sa akin.

Kesyo daw maganda ako, bagay na bagay sa akin ang kulay, tamang-tama ang hubog ng katawan ko at marami pa'ng iba na hindi ko na maalala dahil sa kaba na nararamdaman ko. Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako, baka mag-alala sila at masira pa ang masaya nilang gabi.

“Keanna!” Tumayo siya sa pagkakaupo at binuksan ang pinto.

“Kuya! Bakit!” sigaw niya habang nakatayo lang sa harapan ng pinto. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanya, nakabihis na rin siya ng napaili niyang gown.

Sparkling sky blue ang suot kong dress, samantalang almost white na blue ang kanya. She wanted us to be matching. It's because it's my first time, and finally daw may kasama na siyang papasok sa ball mamayang eight o'clock.

“Let's go na Ate, nag-aalburoto na ang isang iyon sa baba.” tumayo na ako ng pumasok ito at kinuha ang bag at heels niya.

“Don't forget to wear your mask.” Paalala niya at pinulot ang baby blue niyang mask. Kinuha ko na rin mga gamit ko at isinuot na ang head piece ng dress ko.

Kailangan ko itong isuot dahil hindi ako komportable na nakikita ang balikat ko. Hindi ito kasama sa dress nu'ng binili namin, si Keanna ang nagbigay dahil bagay daw. Bumaba na ako matapos kong isara ang kwarto niya.

“You can wear the heels later sa venue.” Napatango ako habang nakatingin sa kanya na pinulot na lang ang heels at sinuot ang crocs niya. Salamat naman at hindi agad susuotin, baka hindi pa nagsisimula ang ball ay hindi na ako makatayo.

I'm not comfortable with heels. Kahit pa nag dress ako dati ay hindi naman ako naka heels. Hindi naman ako ang pumili ng heels, si Keanna na rin kasi mahilig naman siya mag fashion design. I just agree to her suggestions.

Pagpasok pa lang namin sa kotse ay agad na nagpaandar si kuya Saun. Nag uusap sila tito kaninang pagkalabas namin ng bahay. Ang napansin ko lang ay ganu'n pa rin, seryoso silang nag uusap na hindi man lang marinig kung ano iyon.

Napasilip ako kay Keanna ng wala man lang siyang kwento. She always has stories to share kapag ganitong katahimik. It's weird na hindi ko marinig boses niya at maramdaman ang nakakahawa niyang kasayahan.

“Don't pout Keanna,” pag-aalo ni kuya Saun ng makalabas na kami ng street nila. Hinintay pa ata pra hindi siya maka-disgrasya.

“Darating naman siya, as usual late siya.” Sumilip siya sa amin gamit ang rear mirror. Ngumiti ako at binigyan ng maliliit na tapik ang hita ni Keanna.

Parents or guardians can attend the said traditional ball. Hindi sa mandatory pero ang sabi ni Keanna ay palagi naman sumasama si tito, pero mga kalagitnaan na ng event ito dumarating.

“He better be, sino sasayaw sa akin?” mahina niyang sabi habang nakahalukipkip ang mga kamay sa ibabaw ng kanyang tyan. Napangiti ako ng makitang isa siyang daddy's girl. She's younger and it's understandable that she still acts like a baby.

“I can dance with you,” suggestion niya at bigla na lang may inabot na bulakla.

“You're my princess.” Ngiti niyang sabi at kumindat pa ang pinsan kong ito. Lumingon naman ako kay Keanna ng tinanggap niya ang bulaklak at ngayon ay nakangiti na.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa harapan ng gate. A lot of students are still arriving at the venue, mostly girls being escorted by thier chosen partners. I didn't have enough time to look for mine.

Wala rin naman nagtanong kung pwede ba nila ako maging partner, siguro busy rin ako masyado sa mga gagawin sa booths namin. I witnessed all my classmates being approached and asked out for the ball.

It's fun watching them smile and get red cheeks. But it's also sad that no one approached me, not even an attempt to wait. Even though the thought of dancing with a stranger is uncomfortable, it's sad that I'm not one of the choices.

Siguro kung sila kuya kasama ko baka nga mawala sa isip ko na hindi ako worthy isayaw. They're always there to make me feel loved just the way I like. They never disappoint me whenever I feel bad about my appearance.

Being a big girl is my biggest insecurity. It is not the best height when you're partnered with a small boy. May matangkad rin naman sa mga ka-batch ko, it's just that mas lamang ako dahil malaking akong tao.

The only person who can make me small is my brothers. There heights are the perfect match to mine, and it's sad that they're not here to accompany me on the dance floor.

“Netnet let's go.” Napalingon ako sa kanan ko ng magsalita si kuya Saun, nakatayo siya ngayon sa gilid ko habang hawak ang pinto at nakalahad ang kamay sa harapan ko. Nilingon ko si Keanna pero ayun nasa likod lang pala ng kuya niya.

I didn't know that they have already left the car. Tinanggap ko na ang kamay niya at bumaba ng kotse, napahinga ako ng malalim. Inhaling all the fresh air, the cold breeze of the night is a good feeling at the moment. Chill and a new feeling.

It's like the feeling of being free from any stress or the heat of the sun.

“Let's get inside.”

Sumunod lang kami sa kanya, aakyat na sana kami sa hagdan ng ilabas niya ang dalawa niyang kamay sa kanyang bulsa at nag aayang humawak kami doon. Agad naman humawak si Keanna at natatawang hinalikan pa sa pisngi ang kuya niya.

“Sweet mo pa rin kuya,” bungisngis niyang sabi at lumingon sa akin.

“Come on ate, ngayon lang ito.” Itinaas niya ang braso ng kuya niya, tila pinapakita sa akin. Napailing na lang ako at nakangiting lumapit.

“Thank you for escorting us.” Pasalamat ko ng makahawak na ako sa braso niya, kanan ako sa kaliwa naman si Keanna. Nakangiti siyang tumango at kami ay lumakad na papasok. Nakapila kami ngayon dahil tinitingnan nila ang invitation cards.

I don't remember having one kaya bigla akong nataranta. Tinignan ko ang loob ng bag na dala ko, puro hair tie and clip ang nandito, aside sa mirror at selpon ko ay walang papel. Siguro mayroon nga ako pero nakalimutan ko lang kung saan ko nailagay.

Habang kinakalkal ang bag ay bigla ko na alala ang pilit kong kalimutan. The one that Ricky gave me is not the official invitation for this event, gawa lang iyon to duplicate the original. Is it really a warning for me?

Totoo ba talaga ang nabasa ko at dapat ay pinaniwalaan ko na lang?

Nanlamig na ako habang iniisip ang pwedeng mangyari sa akin kung hindi ko sinundan ang nasa loob ng sulat na iyon. What if totoong may mangyayari kaya binabalaan na ako? Pero sino naman iyon?

Napansin nila ang pagkabalisa ko kaya napatigil kaming tatlo sa pag lakad ng umusog na ang linya. I'm having cold sweats. My insides are turning upside down, I'm not going to vomit. Ang uncomfortable ko lang na hindi ako mapakali.

“Jahnette,” napapikit ako ng nararamdaman ko ang sarili kong nawawala na sa balanse, “what's wrong?” tumingin ako kay kuya Saun ng hawak niya ang magkabila kong balikat. Not again, nahihilo ako at hindi rin makahinga ng maayos.

“Payakap kuya,” I said in a whisper trying to catch my breaths. Hindi na siya nag dalwang isip pa at hinila ako papalapit sa katawan niya. Wala si kuya dito, I can't breakdown here. I need to keep it cool. Mahirap kumalma kung hindi amoy nila kuya ang naamoy ko.

I brought my hands up to his back and hugged him tight. I just need the pressure to keep me calm. Kahit ito lang ang ay makatulong sa akin. Napakagat ako sa labi ko ng nagbabadyang tumulo ang mga luha ko. I want to cry, pero baka makaabala pa kami dito sa mga nakapila.

It's frustrating that when everything that I do is overwhelming me, I'm just going to cry. Hindi rin naman mapigilan. Ewan ko kung bakit ngayon pa ako nag breakdown kung saan nandito na kami sa entrance ng gym.

I was forgetting about the warning. Hindi ko sinabi kay tito about doon kasi hindi naman ata seryoso. But now I'm scared. What if keeping it a secret is a big wrong move? Pero bakit kasi may warning pa ako? Wala naman akong nagawa na masama sa ibang tao.

“Janette,” bulong niya habang hinihimas ang likod ko, “tell me what's bothering you.” Lumunok ako ng ilang beses at pinilit na huwag kumurap dahil sa luha na gustong kumawala. I think it's okay that I tell him.

“May natanggap po akong sulat,” simula ko, kumalas na ako sa yakap niya at tumingin sa mata niya.

“Saying that I should ditch the ball and stay at home.” unti-unti ay nanlaki ang mata niya na parang may naintindihan siya na hindi ko naintindihan.

“Sino nagbigay sa'yo?” seryoso niyang sabi at hinila ako papalayo sa kinatatayuan namin, napalingon ako kay Keanna ng ngumiti siya sa akin at nanatili sa linya namin. I think she knows something. Or just probably don't want the line to be taken.

Lumingon ako kay kuya ng siya na naman ang hindi mapakali. He's pacing back and forth while dialing someone. Nag tama ang tingin namin kaya agad siyang lumapit sa akin at inabot sa akin ang selpon niya.

“Tell him who handed you the letter.” Nagtataka ko namang tinanggap ang tawag at agad na nagsalita ang nasa kabilang linya.

[Jahnette, who gave it to you?] seryosong tanong ni tito, kunot noo akong tumingin kay kuya Suan na nakatingin sa akin at maya-maya ay lilingon sa paligid namin.

Is it really serious?

“Tito,” kinakabahan kong sabi habang nanginginig na nakatayo sa gilid ng mga tao dito, “may naghahanap ba sa akin?” Naramdaman ko ang biglang pagtabi ni kuya sa akin, napalapit na rin ako sa kanya at humawak sa braso niya.

“You're fine Netnet.” He assured and put his right arms around my shoulder.

“Talk to tatay, he needs your answer.” Tumango ako at nagsalita na. The faster he knows, the less my nervousness is building up.

“Hindi ko po kilala tito, my secretary just handed it to me. Someone gave it to him and wanted it to be given to me tito.” I heard a heavy sigh from him and a noise of a key being grabbed from something.

[Stay close with Kuesuan. I'm going there.] Binaba na niya ang tawag, napatingin ako kay kuya ng ibaba niya ang braso niya at itinapat sa likod ko. Inabot ko sakanya ang selpon niya na kanya naman ibinulsa.

“Let's go, tayo na ang sunod.”

I'm scared. Mukhang seryoso nga ang natanggap kong sulat. I should have told them sooner. What'll happen if my brothers hear this news? Ganito rin ba ang magiging reaksyon nila?



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top