Chapter 16

Nagising ako kinaumagahan sa isang katok sa pinto ko. Hindi ko alam kung sino, hindi naman pwede na si Terry ang kumatok dahil hindi naman niya alam kung ano ang kwarto ko dito. Magugulat talaga ako kung siya ang nasa labas ng pinto.

Walang hilamos, walang ayos, kinuha ko ang salamin ko at pumunta sa pinto habang suot pa rin ang kumot sa katawan ko. Ang lamig pa naman ngayon, sino naman itong kumakatok?

I rubbed my eyes clean while I fix my glasses. Hindi pa natatapos ang katok ng nasa kabila ay binuksan ko na ang pintuan, ang aga-aga kumatok. It's still 3 in the morning.

“Anong kailangan mo,” napahigpit ang hawak ko sa handle ng makita siya dito sa harapan ng kwarto ko, this is impossible. “Terry why are you here?” lumabas ako ng kwarto ko at isinara ito ng mabuti. Umatras naman siya at nakasandal sa pader na nakatingin sa akin gamit ang halos pikit na niyang mata.

“Hinahanap kita kanina pa, ang daming kwarto pala dito sa taas.” Kamot ulo niyang sabi habang palingon-lingon sa hallway namin, hinila ko siya papuntang salas na hindi niya nagustuhan dahil siya na ang naunang bumaba.

“Bakit mo ako hinahanap?”

Nakaupo na siya ngayon sa sofa na parang hindi pa rin gising, kagabi pa siya ganyan. Ang tamlay na hindi rin, hindi pa ata sapat ang tulog niya. Umupo na lang ako sa sofa na nasa harapan niya lang, magkaharap na kaming naghihintayan ng sagot.

“Hello? Inaantok pa ako, kung wala kang sasabihin matutulog na ako.” Tumayo na ako at iiwanan ko na talaga siya ng magsalita siya, more like nagbulong lang sa sarili niya.

“May gamot ba kayo sa utak?” - Terry

“Huh?” Hindi ko narinig masyado ang sinabi niya.

“Headache pain reliever.”

“Mayroon, kailangan mo?”

“Why would I ask if I don't need it?”

“Malay ko ba.”

Kumuha na ako ng gamot gaya ng ininom ko kahapon at ibinigay sa kanya, may kasama ng tubig para mainom na niya. Bumalik ako sa kinauupuan kanina dahil tinamad na ako umakyat ulit, tutal gising na ako mag handa na lang ako ng kakainin namin.

“Oh, ayan.”

Nakatingin lang ako sa kanya habang iniinom nito ang gamot, isang beses siyang uminom na ikinangiwi ko. Hindi man lang siya nabulunan sa gamot, paano naman ako na kailangan ng dalawang baso bago ko malunok ng tuluyan ang gamot.

“What's with the face?”

Umiling ako sabay iwas sa mata niyang nakakailang kung makatingin, akala mo kung ano ang ginawa ko na napakasama. Sumandal na lang ako sa sofa habang hinihigpitan ang balot ng kumot sa katawan ko, ang lamig kaya hindi pa ako nakuntento sa paghigpit ng kumot. Itinaas ko na rin ang mga paa ko sa upuan, mukha na akong bata na nagtatago sa dilim.

Hindi ko alam na ganito pala ka-lamig dito sa salas kapag madaling araw, hindi kasi ako lumalabas ng kwarto ko kapag hindi sumasapit ang five o'clock ng umaga. Sa mga oras na ito ay tulog pa ang lahat, except sa mga kuya ko na minsan gumigising sa oras na ito para mag handa ng pang-almusal namin, mostly si mama at si papa kapag hindi siya nag-overtime.

“Ehem.”

Napa angat ang tingin ko kay Terry na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko, napakunot ang noo ko ng wala siyang sinabi at nakatitig lang sa akin. I don't know if he really is staring or ready to sleep, nakatalikod siya sa ilaw kaya ang hirap sabihin kung ano ang ginagawa niya.

But I'm sure he's staring like he never seen me before. Na-paano ang isang 'to, bigla na lang ba nawala ang sasabihin niya?

“May kailangan ka?” Tanong ko na lang habang nakatingin sa mukha niyang nakatulala pa rin, umubo na naman siya na ngayon ay mas malala na. Mukhang hindi pekeng ubo lang ang mayroon siya, ubo na talaga ang naririnig ko ngayon.

Agad akong napatayo ng ilang segundo siyang hindi tumigil sa pag-ubo, na bulunan ba siya dahil sa pag-inom niya? Lalapit na sana ako sa likod niya para haplusin ang likod niya ng itaas niya ang kamay niya, nagsasabing wag na akong lumapit.

“Dapat gamot sa ubo hiningi mo,” mahina kong bulong habang nakatingin sa kanya na nahimasmasan na sa kaka-ubo. Pinulot ko na ang kumot ko at napatingin sa bintana ng makita ang unti-unting pag liwanag ng langit.

“Mag bihis na ako, mag luluto pa ako ng almusal.” Nilagpasan ko na siya para sana iwasan ang conversation na alam kong magiging awkward kasi nga palagi niya akong sinasagot sa isang salita.

“You're Jahnette, right?”

Nanaliksik ang mata ko siyang hinarap, nakita ko na maayos ang mukha niya at napataas na lang ang kilay ko dahil sa tanong niya. Sa ilang oras niyang kasama ako kagabi ay hindi na niya ako kilala?

“Nabagok mo ba ulo mo kung saan at nakalimutan mo na kung kaninong bahay ang kinatatayuan mo ngayon?”

Nakahawak lang ako sa kumot ko habang nakapamewang sa harapan niya, agad kong inayos ang salamin ko na dumulas sa bigla kong paglingon sa kanya.

“I know who owns the house and please, you have sleep on your eyes.” Napasunod lang ang tingin ko sa likod niyang papalayo sa kinatatayuan ko, walang lingon siyang pumasok sa kwarto na agad kong kinuha ang pagkakataon na tumakbo sa kwarto ko para tingnan ang mukha ko.

Naramdaman ko na lang ang buong mukha ko na uminit sa kahihiyan, napatalikod na lang ako sa salamin at deretso pasok sa banyo para maligo. Napapikit ako ng maisip ko na kanina pa pala ako may muta, so all along ganun ang mukha ko sa harapan niya.

At bakit ba siya nagtanong kung sino ako, na-reboot ba ang utak niya matapos niyang uminom ng gamot?

Napailing na lang ako. Hindi ako masyadong nagtagal sa banyo ay nag bihis na ako ng casual, skinny blue jeans and a black shirt topped with a jersey jacket.

Kailangan simple lang para madaling makakilos, black shirt dahil iyun ang kulay ng officers. Para masabing isa akong officer talaga ay sinuot ko na ang school ID ko with the officers ID, mahahalata na officer ako dahil sa bright yellow na kulay ng officer's ID.

Yellow is catchy when paired with black and it also serves like we are the guide, like the lines on the highway. Lumabas na ako ng kwarto ko dala ang jacket at backpack ko na wala naman masyadong laman kundi pamalit kong damit, pati yung mga pagkain ko which is ilalagay ko pa after breakfast.

Funfair is a crowded event kaya need talaga ng pamalit ko dahil alam kong busy kami mamaya, hindi naman marami ang dala ko dahil tatlong shirt lang naman.

Nakarating na ako sa salas at walang anino ni Terry ang nakita ko. Akala ko pa naman ready na siya, para after namin kumain ay lalarga na kami. Iniwan ko na lang muna ang mga gamit ko sa sofa at dumeresto sa kusina para maghanda na ng almusal.

***

Napayuko ako at nag mamadaling lumakad papalayo sa kasama ko na feeling model na nag lalakad sa runaway.

Kararating lang namin sa parking lot ng school at nagmamadali akong makarating sa classroom. Ang daming nakatingin sa amin na natatakot ako na baka kung anong isipin nila, ang wild pa naman ng imagination ng mga tao dito.

“Pres!” Nakahinga ako ng maluwag ng nakarating na ako sa classroom na walang nagtanong kung bakit ko kasama siyang lumabas sa iisang kotse. Napangiti ako ng sinalubong ako ni Ricky na may ngiti sa labi niya, buti pa ito may nakakagaan sa loob na dating. Ngumiti na rin ako kay Ricky na bigla na lang tumigil sa paglapit sa akin.

“Oh, ano na Ricky?” tanong ko ng nakalapit na ako sa harapan niya, para siyang nakakita ng multo. Napalunok ako ng tumuro siya sa likod ko, napalunok ako ng ilang beses bago ko nakayanang tinignan kung ano ang itinuturo niya.

“Magkasabay kayo?”

Napa-straight face na lang ako ng makita ko si Terry na pinapalibutan na nila, siya pala tinutukoy ni Ricky. Napahinga ako ng maluwag at tinapik ang balikat niya, hindi na ako nagsalita at pumunta sa mga gamit na kailangan kong i-check.

Bahala sila mag isip ng kung ano, I trust them and I know na they'll be thinking that we talked about the plans here in our booth. Napailing na lang ako ng marinig ko ang mga iilang tanong nila, mawala ba ng isang linggo ang isang 'yan edi ayan naging spot light.

“Terry! Himala pumasok ka!”

“Welcome back Vice pres.”

“Bakit wala ka last week?”

“Nag-vacation ka ata eh!”

“Shhhh...” Humarap ako sa gawi nila ng bigla silang tumahimik sa ginawa niya, “I didn't go on a vacation, something came up so I had to leave for a week.” He's serious about what he said, tumango na lang silang lahat sa sinabi niya at bumalik sa kanikanilang gawain.

Napatango na lang ako habang ina-absorb ang nangyari sa harapan ko, one word and he's out of the crowd. He holds so much authority, either being the Vice pres. or as an individual.

“Ricky, can you tell me what I missed yesterday?”

I asked when he stood beside me.

Ginising ko na ang sarili ko sa pagkatutulala ng makita kong nakatitig sa akin si Terry, may problema ba siya sa akin? Kanina pa siya ng umaga nakatitig sa akin, when we're having our breakfast and all the way here.

“Ah yes, pumunta kanina si SSG Secretary Darvin dito. Hinahanap ka at si Terry.” Hinarap ko agad si Ricky sa sinabi niya, why would he call us? May ginawa ba kaming violation? Agad niya atang naintindihan ang reaksyon ko ng hawakan niya ako sa balikat.

“Kalma pres. he just want to talk about something, tinanong ko na siya kung may violation tayo and sa sabi niya don't worry.”

“What's with the face?” napalingon ako kay Terry ng nasa tabi na siya, nilingon ko si Ricky ng bigla niyang ibinigay sa akin ang clipboard at nagpaalam. Napapikit na lang ako sa ginawa niya, palagi na niya lang iniiwasan si Terry- every single time.

“Hays, Darvin called for us,” I answered with a sigh while reading the notes on the clipboard. Hindi ko siya tiningnan sa mukha o sa mata dahil hindi pa rin ako maka-get over sa mga kilos niya ngayong umaga.

He stares at me like I'm doing something weird.

“Then, we should get going.” He said as a matter-of-fact. Nauna na siyang lumabas ng classroom pagkatapos niyang ma-ilapag ang bag niya, nagbilin muna na ako kay Ricky bago hinabol si Terry.

He's in rush in some way, bakit atat na atat siyang makapunta doon? Hindi naman sinabi ni Ricky na as soon as possible ang pagpunta namin doon, depende na sa amin kung umaga o hapon. Unless, may ginawa siya na hindi ko alam? That's impossible.

Malapit ko na siyang maabot ng bigla na lang dumami ang nakapalibot sa kanya, napatigil na rin ako sa paglalakad dahil sa kaliwa't kanang nagtatakbuhan.

He's there standing still slightly shocked by the sudden crowd.

Hintayin ko na lang na matapos sila, hayaan na lang muna natin siya dahil alam ko naman na kaya niya ang crowd na 'yan.

Nung una akala ko marami siyang friends dahil outgoing siya, kaya pala ganun dahil lahat gusto siyang makausap.

He is a consistent winner as the prince of the night in the upcoming ball, and also a great singer. According to what I have heard, when the nominated prince and princess of the night is announced, they must prepare an intermission.

Either singing, dancing, or just something to entertain the audience.

That's why he's the talk of the campus. He gave a performance that the audience can't have enough of, a performance that needs more time to be performed.

“You'll be attending the night ball right?”

“Do you have your partner already?”

“Please ask me out!”

“Ako Terry! Ako piliin mo as your partner sa night ball!”

Ayan. Dinumog na siyang ng mga tanong, mostly babae na nag tatanong kung pwede ba siya maging partner sa night ball, yung iba nga hindi na tanong kundi sila na ang nagpupumilit na maging partner niya.

Naka titig na lang ako sa mukha ni Terry na hindi na maipinta, mukha na siyang nawawalan ng pasensya na ewan. Hindi ako sure kung galit ba siya o ano, parang kaunti na lang ay magdidikit na ang dalawa niyang kilay sa sobrang lukot ng noo niya.

Napakunot na ang noo ko ng makita kong pinagpapawisan na siya, understandable naman kasi nasa gitna siya ng crowd pero ang hindi ko maintindihan is yung labi niyang namumuti na.

Bigla akong kinabahan, ang naaalala ko ay hindi maganda pakiramdam niya kaninang umaga. Nanghingi nga ng gamot. Napa-hakbang ako papalapit sa kinaroroonan niya, hindi ko pa siya maabot sa posisyon na ito dahil sa nakapalibot sa kanya.

“I-” napakagat ako sa labi ko ng makitang napahawak siya sa ulo niya, magsasalita sana siya pero ayun biglang sumakit ang ulo. Napalakad na ako papalapit, panay-excuse ang ginawa ko para lang makadaan sa gitna ng mga babaeng ito. Muntikan na akong hindi maka daan ng may babae akong nakasalubong na taas kilay akong tiningnan.

“Padaanin mo Charm, hindi ka naman inaano.” Tahimik akong nag pasalamat sa katabi nitong nagsalita, ngumiti lang siya pabalik at hinila ang tinawag niyang Charm.

Nag lakad na ako hanggang sa narating ko na ang kinatatayuan ni Terry, lumapit ako sa kanya na ngayon ay nakapikit habang nakahawak sa kanyang noo. Tumingin ako sa paligid ng bigla na lang mas lumakas ang ingay nila, kung ano-anong tanong at salita ang itinapon nila sa akin.

Bakit daw ako lumapit, eh sila hindi nga lumapit. Magsasalita sana ako ng bigla na lang natumba ang kaharap ko sa balikat ko, kinakabahan akong napahawak sa balikat niya at napatingin sa mukha niyang nakadikit sa leeg ko.

“Terry, my baby!”

“Huy! My babe is taken na?”

Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang ilang mga sigaw nila, kung maka sabi ng ‘my’ feeling naging sila. Napatingin ako ng maigi sa mukha ni Terry na nakapikit lang, niyugyog ko siya ng mahina na kanyang ikinadaing.

Idinampi ko ang likod ng palad ko sa leeg niya na agad kong ikinabahala sa init nito, pinagpapawisan pa siya ng malamig. Itinaas ko ang braso niya at inilagay ito sa likod ko, umakbay ako sa kanya sabay ayos ng pagkakatayo niya.

Namomroblema akong napatingin sa paligid namin na halos wala ng madaanan. Hindi ko naman kayang sabihan sila isa-isa na umusog sila dahil sigurado ako na walang makakarinig sa akin sa dami nilang nag sasalita. Hindi ko sila malabanan sa hina ng boses ko.

“Padaanin niyo...”

Napatingin ako sa nagsalita at nagpapasalamat sa pamamagitan ng pagtango at ngiti, ngumiti lang siya sa akin at siya na ang nagsalita na padaanin kami.



“He is fatigued, he needs to rest for a while.”

Tumango ako sa nurse ng mag paalam siya. Nakarating naman kami ng maayos sa clinic, pinagpawisan ako pero hindi ko na iyon pinansin. Nakahiga ngayon si Terry at ako naman ay nakaupo sa isang upuan na naka pwesto lang sa gilid ng higaan.

The nurse said na I don't need to worry too much about Terry. Kaya daw nahimatay si Terry kasi na over work ang katawan nito. He just need to rest for a while and he'll be fine.

I know it should be plenty of rest pero not for his case daw. He recovers fast, as what the nurse said to me earlier. I never heard such a thing pero wala akong masabi kasi hindi naman ako nurse.

Tumingin na lang ako sa kabuuan ng clinic para mawala ang pagkainip ko. I already checked all of the notes that Ricky gave me. So far so good naman, walang masyadong kailangan ng tulong ko. The clinic looks decent, just any ordinary clinic you can see in movies.

Napalingon ako kay Terry ng gumalaw ito. Akala ko nagising, nagpalit lang ng pwesto. Napatitig ako sa mukha niya na ngayon ay malaya kong na kikita, he faced the side where I'm sitting.

He looks so tired. Napalapit ako sa kanyang mukha ng makita ang medyo nangingitim niyang under eye, sinisigurado ko na tama nga ang nakikita ko. Anong ginagawa niya these past few days na naging ganito siya ka pagod?

No matter what it is he needs to sleep more. I think I know why he asked for a medicine. Lack of sleep also results to headache. Napahinga ako ng malalim, I'm kind of guilty. Kung hindi ako nahimatay kahapon baka nakauwi na siya sa bahay nila at nagpapahinga doon.

“Jahnette?”

Napaupo ako ng maayos ng marinig ko ang pagpasok ng ilang tao. It's kuya Saun's voice that called my name. Siguro nalaman nila yung nangyari. Tumayo ako at hinawi ang kurtina para malaman nilang nandito kami sa pinakadulo ng clinic.

“You're not hurt, right?”

Napatango ako kay kuya Saun ng hawakan niya ang mukha ko at tinignan ang buong katawan ko, nag hahanap kung may galos ako. Napangiti ako at mahinang ibinaba ang kamay niya.

“I'm fine kuya, si Terry yung nahimatay.” natatawa kong sabi at itinuro si Terry na mahimbing pa ring natutulog.

“Why? Okay naman siya kahapon ah,” nagtataka niyang tanong at nilapitan ito. Napailing na lang ako at lumingon kay kuya Cullen, ngumiti lang siya at lumapit sa akin para lang guluhin buhok ko.

“We'll take it from here, you can go back to your booth.”

Napatango ako sa kanya at kinuha ko na ang mga gamit na dala ko dito. As much as I want to stay para makita kung gagaling talaga siya in a short time, kailangan ko i-supervise mga kaklase ko.

Hindi pwede na dalawa kaming hindi present sa classroom. I trust the other officers, the one that I don't trust are the people who come and go in our booth.

Nakalabas na ako sa clinic ng makita ko ang ilang lalaki na naka tayo lang dito sa labas. Nag tama ang mata namin ng lalaki na mas malapit sa akin, ngumiti siya sa akin kaya ganun rin ako.

“Hello po, you're Jahnette right?”

Mahina naman akong tumango sa tanong niya, unsure if it's right that I confirmed their assumption. Hindi ko sila kilala. Bakit nila alam ang pangalan ko? Hindi naman ako masyadong exposed sa buong school, wala rin naman akong posters sa campus kasi hindi naman ako nag run bilang SSG officer.

To make it more confusing, they are not a student of our university.

“Can we talk with you for a while?”

Napahigpit ang hawak ko sa clipboard ng lumapit ang isa sa kanila, agad akong umatras ng itinaas niya ang kamay niya. I smiled with lips closed. Tinignan ko ulit sila isa-isa, they're all staring as if they've seen something extraordinary. It's making me uncomfortable.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top